DAHAN-DAHANG UMAKYAT si Ellie paakyat ng hagdan. Mabagal ang bawat hakbang niya, at kapansin-pansin ang pamumutla ng kaniyang mukha. Mabigat ang pakiramdam ng dalaga na para bang wala siyang lakas. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang nararamdaman niya, pero sigurado siyang nilalagnat siya. Siguro ay magpapatingin siya sa doktor kapag natapos ang kaniyang oras sa trabaho. Sa ngayon, kailangan niyang tiisin. Pagbukas niya ng pinto sa silid ni Saoirse, bumungad sa kaniya ang alagang nakaupo sa sofa, hindi maalis ang mga mata sa malaking tv na para bang nakalimutan ang lahat sa paligid. “Saoirse,” tawag ni Ellie dito. Agad na napaangat ng ulo ang bata at ngumiti nang malapad. “Yaya Ellie!” mabilis na tumakbo ito palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap sa mga binti. Napangiti siya

