“SUNSHINE…” TAWAG ni Kyo habang maingat niyang isinuklay ang buhok ni Saoirse, at itinabi iyon sa likod ng tainga ng bata.
Kumunot ang noo ni Saoirse at tumingin sa bintana ng sasakyan. They were seated in the car on their way home, at simula nang dumating siya kanina hindi na kumibo ang anak. Napabuntong-hininga siya at ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho.
“Daddy is sorry. I didn't mean to come late,” malumanay niyang sabi bago sumulyap kay Saoirse.
Pero nanatili itong tahimik. Nakatingin lamang sa labas ng bintana na parang walang naririnig.
“How about dumaan muna tayo sa ice cream shop?” alok ni Kyo. Biglang kumislap ang mga mata nito.
“Yey! Ice cream!” tuwang-tuwa nitong sigaw.
Napapangiti si Kyo ngunit mabilis ding nabura nang maalala si Ellie. Simula kanina ay hindi na siya pinapatahimik ng konsensya niya. Minsan naisipan niyang sumuko na lamang sa pulis, pero paano naman ang anak niya? Si Saoirse ang pumipigil sa kanya.
“Thank goodness, hindi ka na galit.”
Pero agad na muling kumunot ang noo ng bata.
“I’m still angry,” anito at muling sumimangot.
Napailing si Kyo habang sinusulyapan ito.
Such a drama queen.
Ibinaba na niya si Saoirse sa bahay at muling nagmaneho pabalik sa ospital para tingnan si Ellie. Ngunit bago pa siya makarating, biglang nag-vibrate nang malakas ang cellphone niya.
He sighed and with one hand, he picked the call without checking the ID.
“Hello?”
“Mr. Castillano. The patient… she’s not here. Tumakas siya sa ospital at hanggang ngayon, hindi pa rin namin siya makita.” Nataranta ang boses ng nasa kabilang linya.
“What?!” mabilis siyang napapreno. “Anong ibig mong sabihin? Nawawala si Ellie sa ospital?!” ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
“Y-yes, sir…”
“Then you must find her! Kahit anong mangyari, kahit anong paraan, kailangan niyo siyang mahanap! I’m on my way there!” galit na sigaw niya bago ibinaba ang tawag.
The hell! What he feared most has happened. Ano ang sasabihin niya kay Saoirse kapag nalaman nito?
Napakuyom siya ng kamao. He ruffled his hair and increased the acceleration.
“Have you found her?” mariing tanong ni Kyo nang dumating siya sa ospital.
“We couldn’t find her, sir. She’s gone.” hingal na sabi ng isang security guard kay Haze, ang doktor ni Ellie.
“What the hell?! Hanapin ninyo! Hindi pwedeng mawala siya nang gano'n lang!” sigaw ni Luna na nangingilid ang luha.
“Calm down, miss. We’ll find your sister,” pilit na pagpapakalma ni Haze.
“Hindi! Paano ako kakalma kung nawawala ang kapatid ko?!” Hagulgol nito habang napaupo sa upuan, at tinakpan ng palad ang mukha.
“What are you waiting for? Ikalat ninyo ang mga tao ninyo sa buong siyudad, kailangan siyang mahanap!” sigaw niya.
“Don't worry, Mr. Castillano. Gagawin namin ang aming makakaya para mahanap ang pasyente,” si Haze.
“I’m out!” aniya sabay talikod. Lumabas siya ng ospital at dumiretso sa kotse.
Hindi siya titigil. Ipag-uutos niya sa lahat ng tauhan niya na halughugin ang buong lungsod para kay Ellie.
“Search every nook and corner! Hanapin ninyo siya nang buhay at ligtas. Huwag kayong babalik nang wala si Ellie. Naiintindihan niyo ba?!”
“Yes, sir!” sabay-sabay na sagot ng mga guwardiya.
“Go!” utos niya at agad nagtakbuhan ang mga ito palabas ng mansyon.
Napabuntong-hininga siya. Kanina pa niya tinawagan ang lahat ng tauhan niya para ipahanap si Ellie, pero hindi mapanatag ang kaniyang isip. Hindi siya mapakali. Lalo pa at alam niyang siya ang may kasalanan sa lahat ng ito. Kailangan niyang bumawi.
“Where the hell are you, Ellie?” He muttered.
Mabigat ang kanyang dibdib nang pumasok sa sariling silid at napabagsak sa kama, pinipilit pigilan ang pagragasa ng sariling emosyon.
••••••••••••••••••••
Lumabas si Ellie mula sa banyo na nakatapis lamang ng tuwalya sa kanyang dibdib. Nilibot niya ng tingin ang silid at agad na napako ang mga mata niya sa isang bestidang nakalatag sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ito, saka muling bumalik sa banyo para isuot.
Nang matapos siya ay humiga na sa kama, at napatitig sa kawalan. Naputol lamang ang kanyang pag-iisip nang marinig ang mahinang katok sa pinto.
Dahan-dahan siyang bumangon.
“Pasok,” aniya dito.
Bumukas ang pinto at isang maid ang pumasok, at may dalang tray ng pagkain.
“Ma’am, si Sir Kristoff po ang nagpahatid ng pagkain para sa inyo,” magalang nitong sabi habang inilalapag ang tray sa bedside table.
Bahagyang lumingon si Ellie, pero agad ding ibinalik ang katawan sa kama, hindi man lang nagsalita.
“Ma’am, sinabi po ni Sir Kristoff na babantayan ko kayo habang kinakain niyo ang lahat ng ito,” dagdag pa ng maid, halatang nag-aalinlangan.
“Pwede ka nang umalis. Kakainin ko naman iyan,” mahinang tugon ni Ellie.
Tumango ang maid at marahang lumabas, iniwang siyang mag-isa.
Napatingin si Ellie sa nakahandang pagkain. Napabuntong-hininga siya. Wala siyang ganang kumain.
Tumayo ang dalaga at naglakad papunta sa bintana. Mula roon, nasilayan niya ang makulay na ilaw ng siyudad. Hindi man niya kabisado kung nasaan siya, may kakaibang ginhawa namang naramdaman si Ellie sa lugar.
Ngunit agad na bumalik ang isip niya kay Saoirse. Kumusta na kaya ang alaga niya? At si Kyo?
Muling sumagi sa kanyang alaala ang nangyari. Oo, ginahasa siya nito kahit hindi sinasadya. At sa kabila niyon, hindi niya kayang magtanim ng matinding galit. Naalala niya pa ang babala ni Kyo na lumabas ng silid. Sinubukan nitong pigilan ang sarili. Ngunit nagmatigas siya.
At nang mapagtanto niyang may hinahanap itong gamot nang gabing iyon. Nangangahulugan ba iyon na may sakit ang kanyang amo? Kung hindi siya nagkakamali ang nabasa niya sa gamot nito ay tungkol sa nymphomania. Kahit high school lamang ang natapos ni Ellie. Naiintidihan niya na naman ang binabasa. Ibig sabihin adik sa s*x ang kanyang amo, at hindi nito kayang pigilan kapag umaatake.
Napasinghot siya, at nang hawakan ang pisngi ay doon niya lamang naramdaman ang luhang tumutulo. Umiiyak na naman siya. Marahang pinunasan ni Ellie ang luha.
Isang katok na naman ang gumambala sa kanyang pag-iisa.
“Pasok,” aniya, hindi siya nag-abalang lingunin kung sino ito.
“Hey,” mahina nitong tawag, dahilan para mapalingon siya. “How do you feel now?” tanong ng binata na puno ng pag-aalala ang tono. Bahagyang ngumiti Ellie.
“Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. Salamat,” halos pabulong niyang sagot.
“Uh, can I ask you something?”
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
“What’s your name… and what happened to you?” tanong ni Kristoff.
“E-ellie,” mahina niyang sabi, saka kinagat ang sariling labi.
“Ellie…” ulit ni Kristoff, ngumiti ito at marahang hinawakan ang kanyang kamay, sabay akay sa kanya patungo sa couch sa loob ng silid.
“So, what really happened?” seryosong tanong nito.
Kumalas siya mula sa pagkakahawak dito at bahagyang lumayo. Kita sa mukha ng lalaki ang pagkabigla.
“Pasensya na pero hindi ko pa kayang pag-usapan ngayon. Siguro sa susunod...” mahina niyang sabi. Tumayo si Ellie at muling lumapit sa bintana.
Tumango si Kristoff, halatang naiintindihan siya. Lumapit ito sa kabilang bahagi ng bintana at tiningnan si Ellie.
“Okay, I won’t push you. Pero kumain ka, please. I have to go somewhere, pero babalikan kita agad.”
Ngumiti ito bago tumalikod papunta sa pinto.
“Bye, Ellie.” Kumaway pa ito bago tuluyang lumabas.
Napabuntong-hininga si Ellie at tinitigan ang nakasarang pinto. Hindi niya lubos maisip na isang estranghero lamang ito, pero dinala siya sa tahanan nito at itinuring na para bang pamilya.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Bumalik siya sa kama at dahan-dahang binuksan ang pagkain, pinilit na maglagay ng kahit kaunting laman sa kanyang sikmura.