Chapter 5

1605 Words
DAHAN-DAHAN NIYANG ibinuka ang mga mata nang masanay na sa liwanag. Mabigat pa rin ang pakiramdam ni Ellie, para bang ilang araw siyang walang pahinga. Agad na lumapit si Luna nang mapansing gising na siya, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito. “Ellie, ayos ka lang ba?” tanong nito, sabay upo sa gilid ng kama at inalalayan siyang makaupo nang maayos. “T-tubig…” mahinang bulong niya. Mabilis namang tumayo si Luna at kinuha ang isang baso ng malamig na tubig. Pagbalik nito, iniabot sa kanya iyon. Kinuha ni Ellie ang baso at halos hindi na huminga habang nilulunok ang buong laman nito sa isang iglap. “Salamat…” bulong niya matapos ibalik ang baso kay Luna. “Mas maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?” maingat na tanong ng kapatid habang inilalapag ang baso sa mesa. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ni Ellie at tinitigan siya nang may malalim na pag-aalala. “Medyo, mas okay na ako. Salamat at pumunta ka rito.” Sandaling natahimik si Luna na parang may gumugulo sa isip nito. Agad namang napansin ni Ellie at alam na niya kung ano ang susunod na itatanong ng kapatid. “H-huwag kang mag-alala,” mahinang sabi ni Ellie. “Sasagutin ko na ang tanong mo na hindi ko nasagot kanina…” Huminga siya nang malalim habang sabik na naghihintay si Luna sa mga salitang lalabas sa kanyang bibig. “Huwag ka sanang mabibigla...” hindi niya pa man nasasabi ay para na siyang sinasakal. “Hindi naman siguro bad news ang sasabihin mo, hindi ba?” tanong ni Luna. Lumunok siya. “S-sinubukan kong lumaban pero...” Hindi magawang tapusin ni Ellie ang sasabihin. “Ellie, huwag mo akong pinapakaba—” “G-ginahasa ako.” Nanginginig niyang sabi. Parang biglang nanlamig ang paligid. Nanlaki ang mga mata ni Luna. Hindi ito makapaniwala sa narinig. “Anong… anong sabi mo?!” halos pasigaw nitong tanong, hindi makumbinsi ang sarili kung tama nga ba ang narinig nito. “Ginahasa ako…” muling pag-amin ni Ellie na tuluyan nang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos madurog ang puso niya sa bigat ng bawat salita. Hindi madali, pero kailangan niyang sabihin. “O-oh god...” napabulalas si Luna, hawak ang bibig habang nakatulala kay Ellie.“G-ginahasa ka?!” Tumango si Ellie habang patuloy na umiiyak. Wala na siyang lakas para magsalita pa. Sapat na ang isang pag-amin na iyon para wasakin ang kanyang mundo. Ngunit hindi niya inasahan ang sunod na reaksyon ni Luna. Bigla itong napatawa nang malakas na ikinagulat niya. Ano bang nakakatawa sa sinabi niyang ginahasa siya? “Nagbibiro ka lang, hindi ba? Goodness, paano mo naman nagawang gawing biro ang ganyang bagay?” natatawa pa ring sabi ni Luna habang pinipigil ang sariling hininga sa kakatawa. Nakaramdam siya ng pagkadismaya. Hindi naniniwala ang kanyang kapatid. “Hindi ako nagbibiro, Luna! Ni-rape ako! Bakit ko naman lolokohin ang sarili ko sa isang bagay na ganito kaseryoso?!” pasigaw niyang sabi, basang-basa na ng luha ang kaniyang pisngi. Napahinto sa pagtawa si Luna at napatingin sa kaniya nang diretso. “N-niloloko mo lang ako, e,” bahagyang nautal si Luna. Marahas siyang umiling. “Sana nga biro lang ang lahat ng ito. Pero totoo ito, Luna!” Nanlaki ang mga mata ni Luna nang mapagtantong totoo ang kanyang sinasabi Niyakap siya nito at pilit na pinapakalma, pero lalo lamang nagwala si Ellie. “Ni-rape niya ako! Ninakaw niya ang dangal ko! Ang puri ko! Isang gabi lang, kinuha niya ang lahat ng iyon… tapos ikaw, ginagawa mo akong katatawanan! Pareho lang kayo!” umiiyak na sigaw ni Ellie bago biglang tumalon pababa sa kama. Halos matumba siya dahil sa sakit na nararamdaman sa kaniyang katawan, pero pinilit niyang tumayo. Tumakbo siya papunta sa pinto, habang umaagos pa rin ang mga luha. Hindi na siya nag-isip, basta na lamang siyang kumaripas palabas ng silid. “May pasyenteng tumatakas!” sigaw ng isang nurse na nakakita kay Ellie, dahilan upang magtinginan ang iba pa. “Bilisan ninyo! Tawagin ang mga guwardiya para pigilan siya!” sigaw naman ng isa habang nagkakandarapa silang habulin ang dalaga. Walang tigil ang pagtakbo ni Ellie. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, basta ang alam niya lamang, kailangang makalayo siya sa lugar na nagpapaalala sa kahayupang ginawa ng kanyang amo. Hindi niya inalintana ang matinding sakit na kumikirot sa kaniyang katawan. Patuloy lang siyang tumatakbo habang ang luha ay walang habas na bumabagsak mula sa kaniyang mga mata. Sa isang iglap, nakalabas si Ellie ng ospital bago pa man siya maabutan ng mga guwardiya. Suot niya pa rin ang puting damit ng pasyente, walang tsinelas, at gusot-gusot ang buhok na parang bang isang baliw na napadpad sa lansangan. “Ellie! Tumigil ka na, please! Bumalik ka dito!” sigaw ni Luna habang humahabol sa kanya. Ngunit hindi lumingon si Ellie. Hindi siya tumigil. Sa bawat hakbang niya ay paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang bangungot ng gabing iyon. “Ni-rape niya ako! Ninakaw niya ang dangal ko! Ang puri ko!” sigaw niya habang patuloy na tumatakbo. Bigla siyang tumawid sa kalsada. Ang hindi niya alam may paparating na kotseng mabilis ang takbo. Nanigas si Ellie sa kinatatayuan nang marinig ang malakas na preno. Napapikit siya at hinintay na tumilapon ang kanyang katawan. Makaraan ang ilang segundo. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at napagtantong buhay pa siya. “Lord, sana kinuha niyo na lamang ako. Bakit hindi niyo pa ako sinusundo? Gusto ko na sanang mapahinga…” umiiyak niyang pahayag sabay luhod sa malamig na semento. Napaangat siya ng tingin nang may tumapik sa kanyang balikat. Napaatras ang dalaga nang makita ang isang estrangherong nakatitig sa kanya. “Miss? Are you okay?” tanong ng lalaki. Biglang pumasok ang negatibong bagay sa utak niya. Baka isa na naman itong lalaki na mang-aabuso sa akin! “Hindi… please, h-huwag mo akong pagsamantalahan. Nagmamakaawa ako… p-pakawalan mo na lang ako…” umiiyak niyang pakiusap habang pilit na umiling-iling habang nanginginig ang buong katawan. Kumunot ang noo ng lalaki sa narinig nito mula sa dalaga. Sinuri nito ang kanyang hitsura at maingat nitong hinawakan ang mga kamay niya. “H-huwag mo akong gahasain… pakiusap, huwag…” tuloy-tuloy ang pagmamakaawa ni Ellie na mas lalong ikinalito nito. “I'm not a bad person. At hinding-hindi kita pagsasamantalahan. Halika, sumama ka na lang sa akin. Promise, wala akong gagawing masama sa iyo,” anas nito para ipakita na wala itong masamang intensiyon sa kanya. Napatingin si Ellie sa mga mata ng lalaki. May inosenteng kislap sa mukha ng estranghero. Ngunit sino ba ang makapagsasabi? Kahit ang amo niya ay inosente ang anyo, pero ito rin ang sumira sa dangal niya, kahit hindi iyon sinadya. “Please, pakawalan mo na lang ako…” singhot niyang sabi, sabay tayo para muling tumakbo. Ngunit minalas siya, hinawakan agad ng lalaki ang kaniyang braso. “Calm down, woman. I'm not a rapist, okay? Hayaan mong tulungan kita, hmm?” malumanay nitong sabi. At sa kung anong dahilan, nakaramdam ng bahagyang pagluwag sa kanyang dibdib si Ellie. “So… shall we?” tanong ng lalaki. Nag-aalangang sumama si Ellie pero kalaunan dahan-dahang ding siyang lumakad papalapit dito. Sa puntong iyon, hindi na siya nag-alala. Kahit patayin pa si Ellie ng estrangherong lalaki, mas nanaisin pa niya iyon kaysa patuloy na mabuhay sa mundo at araw-araw ay maalala ang gabing sinira siya ng isang lalaki. Napabuntong-hininga siya at sumakay sa nakabukas na pintuan ng kotse. Pagkatapos ay pumasok din ang lalaki sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. Ilang minuto ang lumipas, huminto sila sa tapat ng isang malaking mansiyon. Bumaba si Ellie at napatingin sa paligid. Malaki ang bahay, bagaman hindi kasinglaki ng mansiyon ni Kyo pero kahanga-hanga pa rin. Kasunod niyang bumaba ang lalaki, na nagpakilala bilang Kristoff. Ngumiti ito sa kaniya. “Welcome to my mansion. Let's go,” ani Kristoff, sabay hawak muli sa kamay ni Ellie at dahan-dahang inalalayan siyang pumasok. Pagkapasok pa lamang nila ay agad yumuko ang mga kasambahay at mga guwardiyang naroon bilang pagbati kay Kristoff. Tumango lamang ito at marahan siyang hinila papunta sa hagdan. Napapangiwi ang ilan sa mga kasambahay habang pinagmamasdan si Ellie. Naririnig niya pa ang mga bulungan ng mga ito. Ang dumi-dumi niya! Nakakadiri! Napayuko siya. At humigpit ang hawak sa kamay ni Kristoff. “Salamat…” mahinang bulong ni Ellie nang mapaupo siya sa malambot at napakalaking kama. Dinala siya ni Kristoff sa isang guest room. Ngumiti ito at marahang hinaplos ang kaniyang buhok na tila ba pinapakalma siya. “Magpahinga ka muna. Maligo ka para maibsan ang bigat na nararamdaman mo. Ipag-uutos ko na rin na dalhan ka ng damit.” Tahimik na tumango si Ellie. Tumalikod si Kristoff at papalabas na sana ng silid ngunit huminto ito bago humarap sa kanya. “Ah, oo nga pala… I'll let a maid bring you some food.” Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong lumabas. Malungkot na napabuntong-hininga si Ellie bago marahang tumayo. Pumasok siya sa banyo. Alam niyang ang pagtakas ay hindi magpapawi sa sakit na iniwan sa kaniya ni Kyo. Pero sa sandaling iyon, wala na siyang ibang magawa. Kailangan niya ng kahit kaunting oras, isang lugar na malayo sa lahat. Ngunit biglang pumasok sa isip niya si Saoirse. Para kinurot ang kanyang dibdib nang maalala ang alaga niya. Walang balak manatili si Ellie rito nang matagal. Siguro bukas, babalik na rin siya at haharapin ang amo. Ngunit sa ngayon, kailangan niyang huminga. Sa huli, isa pang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago tuluyang pumasok sa banyo para linisin ang sarili at muling buuin ang lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD