Chapter 10

1589 Words
“AYOS LANG kung ayaw mong sumagot,” sabi niya sa mahinang tinig. “Sasagutin ko ang tanong mo,” sa wakas ay sagot ni Kyo. Huminga ito nang malalim bago nagsimula. “It all started when Saoirse’s mother was abducted...” lumunok ito na parang nahihirapang ituloy ang kwento. “Huwag mo ng pilitin ang sarili mo,” aniya. Umiling si Kyo at nagpatuloy pa rin. “Sa takot ko na baka may mangyaring masama sa kanya, I rescued her all by myself in exchange for ten million dollars. Ngunit ang hindi ko alam ay plano niya pala lahat ng iyon. Nagkunwari siyang dinukot para makapagbayad ako ng malaking pera,” napangiti ito ng mapait. Sa bawat salita nito ay ramdam niyang mabigat ito sa aalala ng lalaki. “P-paano niya nagawa iyon?” Nakaramdam ng galit si Ellie sa ina ng kanyang alaga. “The only thing that matters to Trixie is money na kahit anak nito ay kayang ipagpalit sa pera.” Napasinghap siya. Hindi niya akalaing gano'ng klase ang ina ni Saoirse. “Si Trixie ba ang dahilan kaya nagkaroon ng sakit?” tanong niya. Marahang tumango si Kyo. “Pinainom ako ng mga tauhan niya ng maraming d-drugs—” “A-ano?” umawang ang kanyang bibig. Napansin ni Ellie na nanginginig ang kamay ni Kyo. “Pagkatapos niyon... m-may limang babaeng pinapasok sa silid kung saan ako ikinulong...” kumuyom ang kamao nito. Ang pawis sa noon ni Kyo ay unti-unting namumuo. “S-sir, tama na. Huwag niyo ng ituloy—” “No! Gusto kong malaman mo na hindi ko ginusto ang lahat ng ginawa ko sa iyo. Limang babae... l-lima sila na pinagsawaan ang katawan ko. I couldn’t refuse because of the drugs consuming my body. Sa tuwing nanghihina ako... may itinurok sila hanggang sa maghanap na naman ang katawan ko ng s-s*x. Ilang beses akong tinurukan at ilang beses ding nakipag-s*x sa iba't-ibang babaeng binabayaran ni Trixie...” nanginginig nitong sabi. Mabilis na nilapitan ni Ellie ang lalaki at niyakap. Akala niya walang madilim na nakaraan ang amo. May lihim pala ito na mas malala pa sa ginawa nito sa kanya. “Shh... tama na. Hindi niya na magagawa ulit iyon,” hinagod niya ang likod nito. Humigpit ang yakap ni Kyo sa kanya. Halos maiyak si Ellie. Hindi niya mapigilang maawa sa lalaki. Napakasalbahe ni Trixie para gawin iyon sa ama ng anak nito. Kumalas ng yakap si Kyo. Nang makitang siyang may luha sa mga mata, marahan nitong pinunasan iyon. “That’s all in the past. Huwag ka ng umiyak, pilit ko ng kinakalimutan iyon,” anito. “Pasensya na, nadala lang ako,” singhot ni Ellie habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Ngumiti ito. “Malaki rin ang pasasalamat ko dahil nakatakas ako sa tulong ng mga kaibigan ko, at si Rogue na aking pinsan.” “Ang dami mong pinagdaanan. Napakabuti nila dahil nailigtas ka pa. Talagang dapat kang magpasalamat sa kanila.” “Utang na loob ko iyon sa kanila.” Dinala siya ni Kyo sa isang silid para ipakita ang isang sobre at ang singsing na itinago nito noon pa, mga bagay na naiwan sa penthouse kung saan sila dati nanirahan ni Trixie. Matamang tumingin si Kyo sa kanya, bakas sa mga mata nito ang takot. “Pwede bang mangako ka rin na hindi mo ako iiwan?” bulong nito. Natigilan siya. ”S-sir...” Hindi niya alam kung anong isasagot. “Sorry, nabigla yata kita.” Nang akmang tatalikod si Kyo, mabilis niyang nahuli ang braso nito. Naiintindihan na niya ngayon ang pinagmulan ng mga sugat nito. Sa halip na magtanim ng galit sa amo. Pinili niyang patawarin ito. Tingin niya iyon ang makakabuti lalo na't nandiyan si Saoirse. Mas higit nitong kailangan ang ama. “Hinding-hindi kita iiwan lalo na si Saoirse,” mahinahong sagot ni Ellie. Bakas ang gulat sa mukha ni Kyo. “So… does this mean you’ve already forgiven me?” may kislap ng pag-asa sa mga mata nito. Tipid na ngumiti si Ellie at tumango. “Wala akong galit na iniingatan laban sa iyo. Naiintindihan kita.” At doon, tila nabunutan ng tinik si Kyo. Mahigpit siya nitong niyakap. “Sir, h-hindi ako makahinga...” mahina ngunit nangingiting sambit ni Ellie, kaya mabilis siyang binitiwan ni Kyo. “Sorry… but drop the ‘Sir.’ From now on, just call me Kyo,” anito. Napakagat-labi si Ellie na halos nag-aalangan. “Kyo?” tawag niya na ikinangiti ng lalaki. Muntik na siyang mapasigaw nang hilahin siya ni Kyo at bumagsak sila sa kama. Nang subukan niyang bumangon, hinigpitan ni Kyo ang pagkakahawak sa kanya. “Let me stay like this until I fall asleep… please,” pagmamakaawa ni Kyo habang inilalapat ang ulo sa dibdib ni Ellie. Napakagat muli ng labi si Ellie ngunit hindi na siya kumibo. Hinayaan niyang sumandal ito sa kanya habang tinititigan niya ito. Hindi pala ganoon katigas ang kanyang amo. Sa labas, lagi may malamig na anyo ito. Ngunit sa loob ay malambot ang puso ni Kyo. Nakatanaw si Ellie sa bintana. Bumangon siya kanina nang makatulog si Kyo. Ngunit napasinghap ang dalaga sa gulat nang may mga brasong pumulupot sa kanya. “Relax… it's me,” natatawang sambit ni Kyo. Huminga nang malalim si Ellie bago siya dahan-dahang humarap dito. “Gising ka na pala.” Tumuon ang tingin ni Kyo sa labi niya. Napalunok si Ellie at binasa ang nanunuyong mga labi. “Sir?” tawag niya, at agad nitong iniangat ang tingin sa kanyang mga mata. “Subukan mong tawagin akong ‘Sir’ ulit. Mahahalikan talaga kita,” bulong ni Kyo nang walang alinlangan, dahilan para lumaki ang mga mata ni Ellie. “H-halikan mo ako?” utal niyang sabi. “Yes. I’ll kiss you,” seryoso nitong sagot habang unti-unting inilalapit ang mukha sa kanya. Naramdaman ni Ellie na parang unti-unting sumisikip ang paligid, nahihirapan siyang huminga sa tensyon. Ano ang balak nitong gawin? Mas lalo pang lumapit si Kyo, halos magdikit na ang kanilang mga labi, at kusa nang napapikit si Ellie. “Do you want to feel my lips on yours?” naramdaman niya ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang tainga, dahilan para bumukas muli ang kanyang mga mata. “A-anong ibig mong sabihin, Sir?” pakiramdam niya namumula siya sa hiya. “I already told you, don’t call me ‘Sir.’ Kaya kung ano man ang mangyari, huwag mo akong sisisihin.” Hindi pa niya lubusang maintindihan ang sinabi nito nang maramdaman ang malambot na labi ni Kyo na dumampi sa kanya. Parang biglang natulala si Ellie, natigilan ang buong katawan niya. Anong nangyayari? Si Kyo, hinahalikan siya? Pakiramdam niya ay nahati ang sarili, isang bahagi ang nais itulak ito papalayo, ngunit ang isa naman ay ayaw pigilan si Kyo. Patuloy na nilasap nito ang kanyang mga labi, marahang kinagat, at tinikman ang bawat bahagi. Kusang bumuka ang bibig ni Ellie para madali lamang dito ang ipasok ang dila nito. Hindi alam ni Ellie ang gagawin, ngunit laking gulat niya sa sariling katawan. Gusto pa niyang malasahan ito. Hindi man siya bihasa, sinubukan niyang sundan ang ritmo ni Kyo hanggang sa tuluyan na niyang sinuklian ang halik nito. Napakapit siya sa balikat ng lalaki, at isang impit na ungol ang kumawala mula sa lalamunan ni Kyo. Ang dating banayad na halikan nila ay naging mapusok na parang pareho silang uhaw na uhaw sa isa’t isa. Hanggang sa si Ellie mismo ang bumitaw na habol ang hininga. “S-sir. Uh… Kyo…” bulong niya habang kagat ang namumula at mamasa-masang labi. “Good,” nakangiting sabi ni Kyo. “Just call me by my name, kung ayaw mong magdusa ang labi mo.” Kumindat pa ito dahilan para mamula nang husto si Ellie. “Uh, K-kyo… kailangan ko nang umalis,” alanganing sambit ng dalaga, pilit kumakawala mula sa pagkakayakap nito. Ngunit hindi siya agad binitiwan ni Kyo. “Please… let’s spend more time together,” mahina nitong bulong bago ipatong ang ulo sa balikat niya. “Pero sinabi ko na kay Kristoff na—” “Kristoff? Who's Kristoff?” mabilis na singit ni Kyo na puno ng pagtataka. Dahan-dahang lumayo si Ellie, at inayos ang buhok, saka naupo sa gilid ng kama. “Siya ang lalaking tumulong sa akin,” mahinang paliwanag niya. Nakunot ang noo ni Kyo. “Tumulong? Anong nangyari sa iyo?” mabilis nitong tanong at dali-daling lumapit. Napairap si Ellie. “Doon niya ako dinala sa bahay niya, noong araw na tumakas ako mula sa ospital.” “Ellie…” mahina ang tawag ni Kyo habang naupo sa tabi niya. “I’m sorry. I didn’t mean to take away your dignity. I hope you can forgive me…” “Masakit man na nawala ang iniingatan ko ng ilang taon. Pero hindi ko pwedeng isisi sa iyo ang lahat. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Hindi mo sinasadya at walang may gusto sa nangyari.” Napahikbi siya, at tuluyan nang kumawala ang kanyang luha. Agad na pinunasan ni Kyo ang mga luha niya gamit ang hinlalaki, saka siya niyakap ng mahigpit. “Forgive me. Come back to the mansion, Ellie. Si Saoirse, hinahanap ka niya palagi. she wants to see you. Please, come back,” bulong nito habang hinahagod ang likod niya. Humikbi si Ellie, saka marahang lumayo sa yakap. Handa na siyang harapin ang susunod na yugto ng reyalidad. “Miss na miss ko na si Saoirse at si Luna...” mahina niyang sambit. Ngunit sapat iyon para marinig ni Kyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD