Chapter 9

1380 Words
“HEY.” NAPAPITLAG si Ellie nang maramdaman ang isang tapik sa balikat. Mabilis siyang napalingon at hindi sinasadyang bumangga kay Kristoff. “Ayos ka lang?” tanong ni Kristoff, bakas sa tinig ang pag-aalala nang makita kung gaano siya natakot. “O-oo. A-ayos lang ako. Wala ito, ayos lang ang lahat,” pautal-utal na sagot niya na halatang kinakabahan. “Sigurado ka ba?” kunot-noong tanong ni Kristoff, hindi ito kumbinsido sa sinasabi ni Ellie. “Oo naman, sigurado ako. Umuwi na tayo. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga,” mabilis niyang sambit at naunang naglakad. Pagbalik niya ng silid. Hindi siya mapakali. Muling napatingin si Ellie sa card na nasa palad niya at napabuntong-hininga. Wala siyang naging maayos na tulog. Paulit-aulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mukha ni Kyo at Saoirse. Ilang oras pa, muling bumuntong-hininga si Ellie habang nakatitig sa sarili sa harap ng salamin. Nakaayos na siya at handa nang harapin ang amo. Crop top ang suot niya na bahagyang naglantad sa kanyang makinis na tiyan, at kapareha nitong high-waist jeans na higit pang nagbigay-diin sa kurba ng kanyang katawan. Sa sandaling iyon, mukha siyang isang dalagitang papunta sa unang date kasama ang matagal nang crush. Hinayaan niyang malayang bumagsak ang kanyang buhok sa mga balikat, humahaplos hanggang sa kanyang baywang tuwing siya ay gumagalaw. Muling sumilip si Ellie sa orasan. Nang makitang lumagpas na siya sa oras na pinag-usapan nila ng kanyang amo, mabilis niyang isinuot ang pares ng sneakers. “Pwede ba akong pumasok?” tanong ni Kristoff mula sa labas ng pinto. “Oo, pasok ka,” sagot niya habang dinadampot ang maliit na purse. Pagkapasok ni Kristoff, natigilan ito at napanganga sa nakita. “Saan ka pupunta nang ganyan ang ayos mo?” tanong nito na may pakindat-kindat pang nalalaman, tinutukso siya. Ngumiti si Ellie. “Lalabas ako para harapin ang mga problema ko. Hindi makakatulong ang pagtakas. Kailangang tapusin ko na ito para hindi na ako magtatago.” Napangiti si Kristoff na may bakas ng paghanga sa mga mata. “Iyan ang gusto kong marinig. Pero sino naman ang kikitain mo?” tanong nito habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan niya. “Ang boss ko,” matipid na sagot ni Ellie. Kumunot ang noo nito na para bang naguguluhan. “Boss mo? You have a boss?” “Oo. At late na ako. Bye!” Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng silid bago pa makapagsalita si Kristoff. Sa labas, nag-aabang ng taxi si Ellie at agad na sumakay. Inabot niya sa driver ang address card. “Alam niyo po ba ang lugar na ito?” tanong niya. Tumango naman ang driver. “Doon ako magpapahatid, Manong,” dagdag pa niya. Pagdating sa lugar ay nagtaka siya. Hindi ito ang address na nakasulat sa card na ibinigay sa kanya ni Kyo. Muntik na siyang umalis nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa kanya. Bumilis ang t***k ng dibdib ni Ellie “Miss…” tawag ng lalaki. Napalingon siya rito, at saglit siyang napatitig. Pamilyar ang mukha nito. Hanggang sa mapasinghap siya nang makilala. “D-dale?” bulong niya. Isa ito sa mga tauhan ni Kyo. Kung nandito si Dale, ibig sabihin si Kyo rin. Pero bakit sila narito? Ang lugar na ito ay hindi mukhang restaurant, isa itong sikat na condominium. “Sumunod ka po sa akin, Miss Ellie,” mahinahong sabi ni Dale sabay bukas ng pinto. “Bakit tayo papasok? Akala ko—” “Maaari na kayong pumasok,” putol nito, hindi siya pinatapos. Napatingin muna siya rito bago marahang naglakad papasok sa loob. Sumakay sila ng elevator. At hindi maiwasang kabahan si Ellie. Ang daming pumapasok sa isip niya. Nang makarating sila. Bumangad ang malawak na living room. Nanlaki ang mga mata niya habang sinusuyod ng tingin ang bawat sulok. Nasaan siya? Nasaan ang kanyang amo? Ngunit bago pa siya makakilos, nanigas siya sa kinatatayuan nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran. “Diyos ko po…” bulong niya sa nanginginig na boses. “Ellie...” napapaos nitong bulong. Napasinghap siya. Si Kyo, mahigpit ang yakap nito sa kanyang baywang, nakapatong ang baba sa balikat niya, at ramdam ni Ellie na sinisinghot nito ang leeg niya. Ilang minuto rin silang nanatili sa gano'ng posisyon. Sa kabila ng kaba, hindi niya maitatangging may parte sa kanya na nakaramdam ng ginhawa sa init ng bisig nito. Pumikit siya at pinakiramdaman ang sarili kung takot ba siya sa lalaki. Ngunit tanging malakas na pintig ng kanyang dibdib ang nararamdaman niya. At alam ni Ellie na hindi iyon tungkol sa takot. May ibang dahilan na ayaw niyang malaman kung anong ibig sabihin niyon. Agad siyang nagmulat. Tumikhim siya, at dahan-dahang inalis ang mga kamay nito sa kanyang baywang. Umatras siya ng dalawang hakbang at humarap dito. “G-Good morning, sir,” pormal na bati niya at bahagyang yumuko. Ngunit wala siyang narinig na sagot. Nakatitig lang si Kyo, at malamlam ang ekspresyon nito habang dahan-dahang sinuyod ng tingin ang kanyang mukha. Mula sa kanyang mukha pababa hanggang sa suot na fitted jeans. Halos mabilaukan si Ellie sa paraan ng pagtitig nito. Mariing kinagat niya ang ibabang labi. Bakit biglang ganyan kung makatitig ang boss niya? ‎ Nakasuot ng blue tuxedo si Kyo na may kurbata sa leeg. Ang buhok nito ay naka-ayos nang iba kaysa sa nakasanayan, mas kulot ngayon, na lalo pang nagpalakas ng dating at nagpatindi sa karisma nito. Alam niyang makisig ang amo pero hindi niya pinagtuonan ng pansin noon. Masyado itong masungit at para bang palaging may dalaw. “You look beautiful this morning, Ellie,” puri nito sa kanya. Bahagyang napasinghap ang dalaga. Muntik na tumigil ang t***k ng kanyang puso. Ito ang unang beses na pinuri siya nito. “Never mind. Halika na, let’s settle,” aya ni Kyo sabay lakad patungo sa dining table. Tahimik siyang sumunod, gulung-gulo ang isip niya. Naninibago si Ellie dito. Siguro dahil sa kasalanang nagawa nito kaya gano'n siya pakitunguhan. “Umupo ka,” utos nito. Mabigat ang hiningang tumalima si Ellie at umupo. Pagkaupo rin ni Kyo, dumiretso ito ng tingin sa kanya. Bubuka na sana ang bibig nito nang maunahan ng dalaga. “Maaari ba akong magtanong, sir? Bakit ninyo ako dinala rito?” Saglit na ngumiti si Kyo, sabay lingon sa paligid. “This is my penthouse. Dinala kita rito para makapag-usap tayong dalawa. Nang walang istorbo.” Kasabay ng salita nito ay marahang iniabot ni Kyo ang kamay niya, ngunit mabilis na iniwas iyon ni Ellie. “Okay…” mahinang sambit niya. Hindi na siya nakapagsalita pa, at pinili na lamang ang manahimik. “Eat something,” malamig nitong sabi. Marahan siyang tumango at kumuha ng pagkain na malapit lang sa kanya. Habang kumakain sila ay walang nangahas na magsalita. Tanging tunog lamang ng kubyertos ang naririnig. Umubo si Kyo, binasag ang katahimikan na kanina pa nangingibabaw sa pagitan nila. Tapos na silang kumain at ngayon ay magkatapat na nakaupo sa malambot na sofa sa loob ng maluwang na living room. Tahimik lang silang dalawa, pero ramdam niya ang tensiyon sa paligid. “Ellie…” mahinang tawag ni Kyo, diretso ang tingin sa mga mata ng dalaga. Napabuntong-hininga si Ellie at mariing kinagat ang kanyang labi. Ang paraan ng pagtitig nito ay parang sinusuyod ang kaluluwa niya na lalong nagpatindi ng kaba sa kanyang dibdib. “I… I don’t know where to start,” simula ni Kyo, halatang nahihirapan din. “But I want you to know that I’m extremely sorry for what happened. Alam mong hindi ko kagustuhan iyon. Pinilit kong kontrolin ang sarili ko pero hindi ko kinaya. I swear, I tried my best—” “Sir…” putol niya dito. ”Pwede ba akong magtanong?” “Of course. Go ahead.” Huminga nang malalim si Ellie, saka dahan-dahang naglabas ng hangin na parang nag-iipon ng lakas ng loob. Hindi niya inalis ang tingin sa mga mata ni Kyo. “Sabihin niyo sa akin ang totoo…” saglit siyang natigilan, bago niya tuluyang ibinulalas ang tanong na kanina pa umaaligid sa kanyang isipan. “Kayo po ba ay isang... nymphomaniac patient?” Namilog ang mga mata ni Kyo, at ilang segundong natahimik. Sa pagitan nilang dalawa, tanging mabilis na t***k ng puso ni Ellie ang maririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD