“NANDITO NA ang mga damit at sapatos na pinili ko para sa iyo.” Nilapag ni Kristoff sa kama ang mga paper bag na dala nito.
Biglang nakaramdam ng hiya si Ellie. Lahat ng pinamili nito ay halatang branded at mamahalin.
“Salamat. Pero hindi ka na sana nag-abala pa. Wala naman talaga akong plano na manatili rito nang matagal,” mahinang bulong niya.
Tinignan niya ang mga paper bag. Nang makita ang damit na gusto niya, napangiti si Ellie.
“Anyway… gusto mo bang maglakad-lakad tayo?” tanong ni Kristoff.
Napaangat siya ng tingin dito.
“Maglakad-lakad?”
“Yes. Diyan lang sa malapit. Napansin ko kasi simula nang dinala kita rito, hindi ka pa lumalabas sa kwarto na ito.”
Napayuko siya. Takot siyang lumabas. Paano kung magkita sila ng amo niya?
”You should at least step outside, even for a while… breathe some fresh air, at baka makatulong para maibsan ang anumang bumabagabag sa iyo,” dagdag nito.
Tahimik na pinagmamasdan ni Ellie ang lalaki, iniisip ang sinabi nito. Tama nga naman si Kristoff. Kailangan niyang lumabas, huminga ng sariwang hangin na maaring magbigay ng ilang minuto ng kaligayahan at pansamantalang kaluwagan mula sa kanyang mga problema. Ngumiti siya dito at bahagyang tumango bilang tanda ng pagsang-ayon.
“Sige, sasama ako.”
Napangiti si Kristoff. “Magbihis ka ng bago at bumaba, hihintayin kita, lalabas tayo.”
Nang makalabas ito. Agad siyang naghanap ng pwedeng isuot. Binuksan niya ang lahat ng paper bag. Matapos maghanap ng ilang sandali, napagpasyahan niyang isuot ang puting off-shoulder jumpsuit.
Paglabas niya, naghihintay na si Kristoff sa kanya.
“Hindi ko alam na ganito ka pala kabaliw.” Tawang-tawa ito nang ikwento niya ang nangyari kanina sa babaeng nagpunta sa bahay ni Kristoff.
Napatingin siya dito. Hindi makapaniwala si Ellie sa reaksyon ni Kristoff. Akala niya madidismaya ang lalaki kapag nalaman ang ginawa niya sa girlfriend nito.
Nasa amusement park na rin sila, naglalakad sa paligid habang pinagmamasdan ang mga makukulay na rides at masiglang mga tao. Dahil napakalapit lang ng bahay ni Kristoff sa park, naglakad sila papunta roon.
“Sinubukan ko namang magpigil. Pero pangit talaga ang ugali ng girlfriend mo. Hindi naman pwede na biglang lalabas sa kung saan at sampalin ang taong hindi niya kilala,” sabi niya habang nakakunot ang noo, iniisip pa rin ang kayabangan ng babae kanina.
“Yeah… she deserved it,” sagot ni Kristoff.
“Bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi ka ba galit na sinaktan ko ang girlfriend mo?” tanong ni Ellie. Medyo lumalapit ang loob niya kay Kristoff mas nagiging komportable siya sa presensya nito.
“Ex-girlfriend ko siya,” sagot ni Kristoff nang mahinahon.
“Ex-girlfriend mo?! Dapat mas marami pa akong ginawa sa kanya!”
Natawa ito sa sinabi niya.
“Okay lang na gano'n. You’re really fun to be with,” sabi ni Kristoff na biglang naging seryoso. “Oo nga pala. Nakalimutan kong itanong sa iyo. Bakit ka tumatakbo nang makita kita? Takot na takot ka pa habang umiiyak. Sinong kinatatakutan mo?” sunod-sunod na tanong nito.
Huminto ito sa paglalakad at hinarap siya.
Tumigil din si Ellie. Pumikit siya at huminga ng malalim, pilit na iniiwasan na bumuhos ang luha. Bumabalik sa kanya ang alaala ng gabing iyon, at masakit pa ring maramdaman kahit sa simpleng tanong lamang.
“Okay lang kung ayaw mong magsalita… hindi kita pipilitin,” mahinahong bulong ni Kristoff, sabay punas ng mga munting luha na tumagas sa mata niya. “Gusto mo ba ng ice cream?”
Huminga si Ellie at bahagyang tumango, pansamantalang naaliw sa init ng tinig at ngiti ni Kristoff. Kailangan niya talaga ng kahit anong makakapagpakalma sa kanya ngayon.
“Okay.” Dahan-dahang naglakad papunta sa isang malapit na ice cream shop si Kristoff. Sumunod naman si Ellie dito.
“Salamat,” ngumiti siya habang inaabot nito ang isang cup ng ice cream.
“You’re welcome.”
Nagpatuloy silang naglakad sa park, sabay tinitingnan ang paligid. Ito ang unang beses na lumabas si Ellie na may kasamang lalaki. Nasanay siyang si Saoirse ang palaging kasama sa tuwing gagala sila. Kaya nasasaktan siya dahil naiisip niya ang bata. Isa si Saoirse sa magiging kawawa kapag nagpadalos-dalos siya ng desisyon.
“Uh… Kristoff, pwede bang akong gumamit muna ng banyo?” bulong ni Ellie, bahagyang nag-aatubili at pakiramdam niya ay hindi komportable na sabihin sa lalaki.
“Nandiyan ang restroom. Pwede ka nang pumasok, hihintayin kita rito,” sabi ni Kristoff, sabay itinuro sa direksyon ng banyo.
“Okay, salamat.” Halos takbuhin ni Ellie ang restroom.
Ngunit habang papasok siya, aksidenteng nabangga niya ang isang tao, kaya muntik na siyang mawalan ng balanse. Mabuti na lamang at mabilis ito at hinawakan siya bago tuluyang matumba sa sahig.
•••••••••••••••
“Daddy, gusto ko ang chocolate flavor,” hiling ni Saoirse habang hinihila ang manggas ng polo ni Kyo, tinuturo ang ice cream na may tsokolate.
They are currently walking in the amusement park, masayang nag-eenjoy si Saoirse sa mga makukulay na rides.
“Isang chocolate flavor,” aniya sa lalaking nagbebenta ng ice cream.
“Nandito na po, sir.”
“Thank you.” Inabot niya ang bayad bago inikot ang mga bisig at mahigpit na niyakap si Saoirse sa kanyang mga braso.
Habang naglilibot silang dalawa. May itinuro na naman ang bata.
“Daddy, gusto ko candy floss!” sambit ni Saoirse.
Napabuntong-hininga si Kyo, bahagyang napagod sa pagiging demanding ng anak.
“Hindi ka dapat masyadong kumain ng matatamis,” mahinahong saway niya dito.
“Just once,” pakiusap nito.
“Yeah, once,” Kyo replied with slight sarcasm before walking over to the vendor to get his daughter’s candy floss.
Ngunit habang nakatingin siya sa vendor, napansin niya ang isang pamilyar na katawan na nakatayo lang doon.
Ellie? Sambit ng kanyang isipan. Hindi niya makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kanya.
“Dad, let’s go!” tawag ni Saoirse habang kumakain ng cotton candy.
“Alright, let’s go,” h said, forcing himself to hold back his curiosity. He glanced again at the figure, ngunit wala na roon ang babae.
“Daddy, can I go to the bathroom?”
Tumango siya at sinamahan ito sa mas malapit na banyo.
Pero dahil nasa bata ang kanyang atensyon. Hindi napansin ni Kyo na may tao silang nakakasalubong.
Mabilis niyang nahawakan ito nang muntik ng matumba.
“Sorry, Miss—”
“S-sir Kyo?” gulat nitong sabi.
For a moment, they just stood there, staring at each other, with countless unspoken thoughts running through their minds.
"Yaya Ellie?!" Saoirse's surprised voice broke the silence nang mamukhaan nito ang babaeng nasa bisig niya.
Kumurap si Ellie mula sa pagkatulala. Tumikhim pa ito at inayos ang buhok as she tried to compose herself.
"Pasenya na," she murmured softly, lips pressed together.
"Yaya Ellie, I missed you..." Hinila ni Saoirse ang damit ng dalaga at puno ng pananabik na tinignan ito.
Yumuko si Ellie at niyakap ng mahigpit ang alaga.
"Na-miss din kita sobra, baby," she whispered, her voice trembling.
Saoirse giggled when they pulled away, nakangiti ang bata habang isinusukbit ang buhok ni Ellie sa likod ng tainga nito.
"Where did you go, Yaya Ellie?" she asked innocently.
Kita ni Kyo ang bahagyang paglunok ni Ellie, her eyes drifting toward him, locking with his intense gaze before quickly looking away.
"U-uh, kasi..."
"Sunshine, she travelled. I told you that already, right?" Kyo interjected smoothly, crouching down beside them.
"Yes, but I want her to come back," ngumuso ito habang unti-unting namamasa ang mga mata.
Nagpalitan sila ng tingin ni Ellie before looking back at Saoirse.
"Sunshine, she’ll come back, right, Ellie?" Kyo's low voice carried both command and plea as he turned to Ellie.
Saglit na natigilan ang babae at naiintindihan niya kung tatanggi ito. Malalim na sugat ang iniwan niya kay Ellie. At alam niyang pinipilit lamang nitong makipag-usap malapit sa kanya dahil sa bata.
She forced a small smile and nodded, hinalikan nito ang pisngi ni Saoirse.
"O-oo naman. Babalik ako para sa iyo, kaya huwag ka ng umiyak," she said gently.
"Promise?" Saoirse asked, raising her little finger.
"I… I p-promise," Ellie replied, linking her pinky with his daughter.
Hindi maalis ni Kyo ang tingin sa dalaga. Ang paraan ng pagkislap ng mukha nito kapag ngumiti, ang lambing sa tinig nito. God, he had missed her. Living without her had been torture. Na-miss niya ang charm ni Ellie, ang pilyang pag-ikot ng mga mata ng babae kapag nagsusungit siya, ang tawa nitong umaalingawngaw sa sala, and the warmth of her welcome after long exhausting days.
Pinilig niya ang ulo. Ano ba itong mga naiisip niya? Hindi niya dapat nararamdaman iyon.
"Daddy!" Saoirse’s voice pulled him back to reality.
Napatingala siya at sakto namang nakita niyang nakatayo na si Ellie. Dahan-dahan din siyang tumayo, his expression heavy with regret.
"Ellie," he called softly, reaching a hand toward her, but she stepped back.
Nanikip ang kanyang dibbib. But he pressed on, desperation etched in his features.
"I’m sorry for what happened. Please, just give me a chance to explain. Isang pagkakataon lang para pakinggan mo ako. Pagkatapos niyon, kung anuman ang magiging desisyon mo, tatanggapin at rerespetuhin ko iyon," he pleaded.
Ellie swallowed hard, brushing her hair behind her ear. Hindi ito nagsalita, nag-iwas lamang ng tingin sa kanya.
"Say something, Ellie… please," Kyo whispered as he gently took her hands.
Nanigas ito at mabilis na binawi ang kamay mula sa kanya.
"Uh… o-okay. Pero…" her gaze flickered toward Saoirse.
“Ellie, I want to take responsibility for what I did. Bigyan mo lang ako ng pagkakataong magpaliwanag." He reached into his pocket, producing a small card. "You can come to this address," he said, handing her a restaurant card.
Tinitigan ni Ellie ang maliit na card sa kanyang kamay, before reluctantly taking it.
"Sige, anong oras?" malamig nitong tanong.
"Bukas, alas otso ng umaga," Kyo answered.
"P-pupunta ako." Tumingin ito kay Saoirse "Bye, baby," she whispered, kissing the child’s head before quickly excusing herself to the restroom.
Sinundan ng tingin ni Kyo ang papalayong anyo nito, at dahan-dahang kumalat ang isang may pag-asang ngiti sa kanyang mga labi.
"Daddy, where is Yaya Ellie going?" nagtatakang tanong ng bata.
Napakamot ng batok si Kyo, hiding his nerves.
"She’s… never mind. Let’s go, Sunshine," he said with a smile, at kinarga ito papunta sa sasakyan.