Chapter 19

860 Words
“KUNIN MO na,” sabi ni Kyo habang iniabot kay Ellie ang isang paper bag na puno ng pagkain. Dumilat siya, kanina pa inaantok na halos nakatulog na sa kama nang biglang pumasok si Kyo, dahilan para maglaho ang antok sa kanyang mga mata. “Hindi ko na kailangan iyan. Sa iyo na lang. Inaantok na ako, kaya umalis ka na,” mahina niyang sambit bago muling humiga. “Huh? What’s wrong with this pregnant bunny?” bulong ni Kyo pero sapat na para marinig ni Ellie. Agad na kumulo ang dugo niya. “Ano?! Tinawag mo akong buntis na kuneho? Pagkatapos mo akong mabuntis, may gana ka pang sabihing pangit ako?!” biglang sigaw niya, saka nagmamadaling bumangon mula sa kama at humarap sa lalaki. Napatitig lang si Kyo habang nakaawang ang mga labi. “Hindi ko sinabi na pangit ka. Just calm down, Ellie,” mahinahong paliwanag nito, at hinawakan ang braso niya para pakalmahin. Pero sa halip na kumalma, lalo lamang nadagdagan ang galit niya. “Binuntis mo ako, at ngayon tatawagin mo akong pangit? Ang sama mo!” sigaw niya bago kumawala sa pagkakahawak nito at mabilis na tumakbo palabas ng silid. Agad siyang sinundan ni Kyo sa labas. “C’mon, Ellie. Hindi ko naman sinabi na pangit ka. To be honest, you’re the most beautiful woman I’ve seen,” ani Kyo habang sinusundan siya. Napahinto si Ellie at dahan-dahan humarap dito, nangingilid pa ang luha sa kanyang mga mata. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” may alinlangang tanong niya. “Yes. One hundred percent sure. Maniwala ka, maganda ka.” Tinitigan niya si Kyo. “Talaga?” Tumango si Kyo bilang sagot. “Ano ba iyan, naiilang tuloy ako.” Nahihiyang ngumiti si Ellie, parang batang kinikilig habang hinahaplos ang sariling pisngi. Napabuntong-hininga si Kyo at napailing, saka hinilot ang sentido. “Kyo, nagugutom ako,” maktol niya. “Halika na sa kwarto.” Hinila siya nito pabalik sa loob. >°°< “Catch me if you can, Daddy!” sigaw ni Saoirse, tumatawa habang paikot-ikot na tumatakbo sa garden, tightly hugging her hot pink teddy. Maaga pa lamang pero nandito siya, hinahabol ang anak na sobrang kulit. “Saoirse! Come on, bath time na, male-late ka sa school!” sigaw niya ni Kyo, halos mawalan na ng boses. Mas lalo lamang tumawa ang bata. “Sabi ni Bunny. Pwede raw akong umaabsent today, right, Bunny?” kausap nito sa stuffed toy. Kyo rolled his eyes in manly manner. “Saoirse, toys don’t talk. That’s a non-living thing. Kapag nahuli kita, lagot ka talaga.” Huminto siya sandali, catching his breath. God, what kind of daughter is this? Maaga pa lang, she’s already making him sweat like hell. Gusto ni Kyo na paliguan ang anak ngunit ayaw nito, si Ellie raw ang gusto. Pero tulog pa ang babae. Hindi niya maaaring disturbuhin. “Sunshine,” Kyo finally softened his tone, kahit pagod na pagod na. “Kapag naligo ka ngayon, Daddy will buy you all the chocolate you want.” “Lazy Daddy! Let’s exercise more!” mas binilisan pa nito ang takbo. Nakakahiya man, pero kahit lalaki si Kyo, hindi niya mahabol ang liksi ng anak. “Oh, just kill me already,” reklamo niya bago tuluyang bumagsak sa damuhan, acting like he passed out. “Daddy?” agad na lumapit sa kanya ang bata. Mukhang gumana ang akting niya. Sakto namang lumabas si Ellie na kagigising lamang. “Anong nangyari?!” gulat na bulalas ng babae. “I’m sorry, Daddy. Hindi ko na po uulitin. Please wake up…” umiiyak sa tabi niya si Saoirse. Gustong matawa ni Kyo pero pinigilan niya. Nice punishment for a devilish daughter, he thought, secretly smiling inside. “Bakit nawalan siya ng malay?!” tanong ni Ellie na halos mag-hysterical. “Hinahabol po ni Sir si Senyorito na ayaw magpaligo. Tapos bigla na lang po siyang bumagsak,” sagot ng isang kasambahay. “Pero bakit nakatingin lang kayo?!” biglang tumaas ang boses ni Ellie. Hindi na nakatiis si Kyo. Dumilat na siya. “Enough of the drama,” bulong niya bago niyakap ang anak. “Finally caught you, little devil,” he whispered through gritted teeth. Saoirse backed away, eyes wide. “Daddy… you’re alive?!” halos mapasigaw ito, causing Ellie’s jaw to drop. “Hey, little devil, get off me.” Tinapik ni Kyo ang noo ng anak. Napanguso ang bata at tinulungan siyang tumayo. He looked up, at ang unang sumalubong sa kanyang mga mata ay kay Ellie. Damn. Para siyang nahuling guilty. He scratched the back of his neck, forcing a smile. “Oh… You’re here. Uh… si Saoirse kasi…” he stammered, unable to meet her gaze. Ellie rolled her eyes and held Saoirse close. “Halika na, baby,” she said softly, leading the child inside. Naroon ang malamig na katahimikan sa paligid. Kumuyom ang kanyang kamao, forcing his face back into its usual serious mask. “Back to work,” malamig niyang utos sa mga kasambahay bago pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD