TAHIMIK ANG naging biyahe nila. Parehong nakalubog sa kanya-kanyang iniisip, na parang may sariling mundo. Napansin ni Ellie ang paghigpit ng kapit ni Kyo sa manibela hanggang sa mamutla ang kamao. Napaiwas siya ng tingin. Mabigat ang ekspresyon sa kanyang mukha habang pabulong na nagmumura. “Traydor,” mahina niyang sambit habang nakatanaw sa bintana. Hindi pa rin makapaniwala si Ellie na nagawa siyang isumbong ni Luna. Ngunit sa kabilang banda, naitanong din niya sa sarili, handa ba talaga siyang kitilin ang buhay ng bata? Kasalanan ba ng sanggol kung siya ay ginahasa? Niyakap niya ang sariling tiyan, ipinikit ang mga mata habang nakasandal sa headrest, at dahan-dahang huminga nang malalim. Punô ng samu’t saring alalahanin ang kanyang isipan. Alam niyang nasabi na ni Luna kay Kyo ang

