Chapter 17

1327 Words
“HOW MANY times do I have to tell you not to answer the call unless I tell you to?” malamig na sabi ni Kyo sa secretary. “P–pasensya na…” ani ng boses sa kabilang linya. Sa isang iglap ay napasigaw ito. “Sir Kyo! Si Ellie. Kailangan mong puntahan ngayon. Kyo froze and stopped walking. Kaagad niyang sinenyasan ang secretary na umalis at ibinalik ang phone sa tainga. “Who's this?” kunot-noong tanong niya. “Si Luna ito, sir,” sagot nito. Agad niyang nakilala ang babae. Ang kapatid ni Ellie. “Anong nangyari kay Ellie? I'm worried. Is she okay?” sunud-sunod niyang tanong. “Sir, mukhang nasisiraan na yata ang kapatid ko. Sinusundan namin siya papuntang ospital. Dahil balak niyang ipalaglag ang b-baby.” “What did you say? Baby?” gulat na tanong niya na hindi makapaniwala. “Oo! Bilisan mo! Nandito siya sa ospital. Handa na siyang ipalaglag ang bata!” sigaw ni Luna na nanginginig ang boses. Even though he still couldn’t understand, Kyo’s body suddenly turned cold. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Lumabas siya ng opisina at halos liparin ang sasakyan bago magmaneho nang mabilis. Pagdating sa ospital, agad siyang sinalubong ni Luna. “Diyos ko, sir Kyo. Bakit ang tagal mo?” bulong ni Luna. Matalim ang tingin ni Kyo sa babae. “Anong ibig mong sabihin na ipapalaglag niya ang bata? Which child are you talking about?” Bahagyang namutla si Luna at mariing lumunok bago nagsalita. “Si E-ellie… buntis siya. At gusto niyang itapon ang sanggol. Ang a-anak ninyo!” Nanlaki ang mga mata ni Kyo, at saglit natulala. “Buntis? Ibig mong sabihin… dinadala niya ang anak ko?” Tumango si Luna. “Oo, at kailangan mong kumilos. Nasa ward siya ngayon, bilisan mo—” Luna didn’t get to finish what she was saying because Kyo quickly walked inside. Isa-isa niyang binuksan ang mga pintuan ng ward. Sampung silid na ang nabuksan niya pero wala pa ring bakas ni Ellie. Napahinto siya, hawak ang sariling buhok at halos mawalan ng lakas. Bumagsak ang kanyang balikat habang iniisip ang pinakamasaklap na maaaring nangyari. But at that very moment, aksidente siyang nabangga sa isang babae. Nawalan ito ng balanse at muntik nang matumba. Napahiyaw ito. Mabilis na kumilos ang mga kamay ni Kyo at sinalo ang babae. Napakurap si Kyo at agad na inalalayan ito. Nang makita niya ang mukha, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “Ellie…” mahinang bulong niya, nakatitig sa mga mata nito. •••••••••••••••••• “Aalis na ako, Luna!” paalam ni Ellie habang nagmamadaling naglalakad palabas ng sala. Napatingin sa kanya si Luna na abala sa paglilinis at tinaasan siya ng kilay. “Saan ka pupunta? Akala ko ba uuwi ka ng mansyon ni Kyo?” tanong nito na halatang nagdududa. Napakagat ng labi si Ellie at bahagyang kinamot ang batok, hindi alam kung paano sasagot. “Uh… a–ano… pupunta lang ako sa ospital,” sabi niya na may kaba sa tinig. “Ospital?!” halos pasigaw na tanong ni Luna. “Huwag mong sabihing nagbago na ang isip mo?” Umiling siya, pilit na nagpapa-kampante. “Hindi. Alis na ako, bye,” mabilis niyang tugon, saka tuluyang lumabas ng apartment. Nakausap na ni Ellie ang doktor at handa na silang simulan ang proseso. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang bestida, halos hindi makahinga sa tindi ng kaba. Ramdam ang malamig na pawis na bumabalot sa mga palad niya. Handa ba talaga siyang kitilin ang buhay ng kanyang unang anak? Ano ang gagawin ni Kyo kapag nalaman nitong tinapos na niya ang bata? Unti-unting kinain ng pangamba ang kanyang puso. Paano kung mamatay siya sa prosesong ito? “Doctor…” mahinang tawag ni Ellie habang abala ang doktor sa paghahanda ng mga kagamitan. “Uh, a-ano kasi…” napakagat siya ng labi, hindi maituloy ang nais sabihin. “Miss, sigurado ka ba talagang gusto mong gawin ito?” muling pagtiyak ng doktor. Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Oo… pero, pwede ba akong mag-restroom muna?” mahinang sabi niya. “Okay. Sa huling pinto sa kanan, sundan mo lang ang pasilyo,” turo ng doktor. Ngumiti siya nang tipid at marahang lumabas ng silid. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang mabangga ang isang tao. Akala niya matutumba na siya ngunit may mga matitipunong brasong nakahawak sa kanya. Nang magtama ang paningin nila, napasinghap siya sa gulat. “K-kyo?” Diretso itong nakatitig sa kanya, malamig ang mga mata ngunit puno ng emosyon. Totoo ba itong nakikita niya, o guni-guni lamang? Pero paano nalaman nito? Wala namang ibang nakakaalam, maliban kay Luna. Natigilan siya. Pero hindi gagawin iyon ng sariling kapatid. “Finally, found you!” malamig na sabi ni Kyo. Bahagyang napaatras si Ellie, at mabilis na inayos ang sarili. Tumikhim siya para pawiin ang kaba sa dibdib. “K-kyo, a–anong ginagawa mo rito… uh…” hindi niya maituwid ang sasabihin. “Yes, I’m here. Anong ginagawa mo sa ospital? May masakit ba? May nararamdaman ka bang kakaiba?” tanong ni Kyo. Napalunok siya at itinabi ang nalaglag na hibla ng buhok sa pisngi. “A–ano… pumunta ako rito para…” “What?” mariing tanong ni Kyo, bahagyang kumunot ang noo. “Nagpunta ako sa rito para sa result…” pagsisinungaling niya na halos hindi lumalabas ang boses. “Result?” ulit ni Kyo, binibigyan siya ng pagkakataong magsabi ng totoo. “Oo. Uh… hinihintay ako ng doktor. Kailangan ko nang bumalik,” mabilis na sabi ni Ellie at naglakad na sana, pero hinawakan ni Kyo ang kanyang kamay, kaya napatigil siya. Napatingin siya kay Kyo na kumakabog ang dibdib. “I’ll go with you.” Parang tumigil ang puso ni Ellie. “A-ano?! Hindi na kailangan. Pwede ka nang bumalik sa trabaho, ayos lang ako,” pilit niyang pagtanggi. Nakakunot ang noo ni Kyo at nagpupumilit na sumama. “No. Gusto kong makita ang resulta.” Lalong namuo ang pawis sa sentido ni Ellie. Para bang biglang uminit ang pasilyo kahit malamig ang hangin. “Pero…” “No buts, Ellie.” Biglang tumigas ang ekspresyon ni Kyo. “Akala mo ba hindi ko malalaman?” Napaatras siya. “Anong ibig mong sabihin?” Mabilis na natawa ng mapakla si Kyo bago muling nagseryoso. “Don’t play dumb with me. Alam mo kung anong ibig kong sabihin. ” Hinila nito ang kamay niya at mariing pinisil ang pulsuhan, bago siya iginiya papalabas. “Ano bang ginagawa mo! Bitiwan mo nga ako!” nagpupumiglas na sigaw niya. Pero lalo lamang humigpit ang kapit ng lalaki. Habang pinipilit siyang palabasin, lumapit si Luna at inabot ang isang papel. “Ito ang resulta ng test niya. Kunin mo.” Natigilan si Ellie at nanlilisik ang mga matang tinignan ang kapatid. “Luna?!” gulat at galit na sabay na bumalot sa kanyang mukha. “Bakit mo ginawa ito?” Ngunit hindi na siya pinansin ni Kyo. Tinanggap nito ang papel, binuksan ang pinto ng sasakyan, at halos ipasok si Ellie sa loob. Kaagad nitong ini-lock iyon para hindi siya makalabas. “Thank you so much, Luna. Hindi ko ito malilimutan,” rinig niyang sabi ni Kyo. “Welcome, sir. Basta huwag mo siyang iiwan. Kausapin mo siya, baka sakaling magbago ang isip niya,” tugon ni Luna na puno ng kunwa’y pag-aalala. Sa galit niya, gustong sugurin ni Ellie si Luna. Saglit na tiningnan siya ni Kyo na pilit pinipihit ang seradura ng pinto, desperadong makatakas. “I will. Salamat sa oras. Heto, tanggapin mo,” sabi nito at nag-abot ng pera mula sa pitaka. Umiling si Luna. “Hindi na kailangan. Kapatid ko siya, kaya natural lang na tumulong ako.” “Okay. Salamat ulit,” sagot ni Kyo saka tuluyang sumakay sa sasakyan at umalis nang mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD