“WOW, SOMEONE, talks a lot,” napailing si Kyo habang pinagmasdan silang dalawa ni Saoirse sa likuran.
Nagkatinginan si Saoirse at Ellie.
“And someone is lazy,” biro naman ni Saoirse at ginaya ang tono ng ama.
“Who are you calling lazy?” kunot-noong tanong ni Kyo habang kinukuha ang anak at isinampa ito sa kandungan.
“You…” natatawang sagot nito.
“Really?”
“Yes.”
“Okay…” kiniliti nito ang anak na agad napahalakhak.
Napangiti si Ellie habang pinagmasdan ang mag-ama. Kahit gaano kaabala si Kyo, hindi nito nakakalimutang bigyan ng oras ang anak. Walang duda na mabuting ama ang lalaki.
Malawak ang ngiti niya habang hinahaplos ang tiyan.
Kinagabihan, bago matulog si Saoirse. Kinakailangan munang basahan ni Ellie ng bedtime story.
“Good night, Saoirse,” bulong niya sabay halik sa noo ng bata bago lumabas ng silid.
Pagbaba niya, nadatnan ni Ellie si Kyo sa mini bar, halos maubos ang isang bote ng alak. Mabigat ang buntong-hiningang nilapitan niya ang lalaki.
“Kyo,” tawag niya, sabay tapik sa balikat nito. Tumingin si Kyo sa kanya at kitang-kita ni Ellie kung paano ito nahihirapan.
“Bakit mo ba nilulunod ang sarili mo sa alak?” puno ng pag-aalalang tanong niya.
Humugot ng malalim na hininga si Kyo at nag-iwas ng tingin.
“She’s back… that tragedy is back. The memories I’ve been trying to bury, they’re back, Ellie. Lahat ng pilit kung kinakalimutan bumabalik nang makita ko siya,” pabulong nitong sabi.
Hinaplos ni Ellie ang pisngi nito.
“Alam kung malakas ka. Nandito lang ako para sa iyo. Si Saoirse at ang baby natin. Please, magpakatatag ka para sa amin.”
Napatingin si Kyo sa maliit na baby bump niya. Hindi nito mapigilan ang mapangiti. Tumayo ito ng dahan-dahan at inilapat ang mga kamay sa bewang niya, at tumitig sa kanyang mga mata.
“Ellie…” mahina nitong bulong bago mariing inilapat ang labi sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Ellie sa gulat. Ngunit habang tumatagal ang halik, naramdaman niya ang kakaibang init na bumalot sa katawan. Unti-unti siyang bumigay, at gumanti sa halik ni Kyo. Pareho silang nadala ng emosyon.
Maya-maya’y kumalas si Kyo, ngunit hindi inalis ang tingin sa kanya. May apoy sa mga mata nito, halong pagkalito at pagnanasa.
“Fvck! What are you doing to me, Ellie?” habol hiningang bulong nito.
Napasinghap siya. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Kyo, dahil pati siya nalilito rin sa nararamdaman.
Bago makapagsalita si Ellie, muling bumulaga ang mga salita ni Kyo.
“Be my woman…”
Napatitig siya sa lalaki na puno ng gulat at pagkalito. Be his woman?
Sa labas, bumuhos ang malakas na ulan, tinatamaan ang bubong ng mansion. Isang malamig na hangin ang dumaan sa kanilang balat, dahilan para manginig si Ellie. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak kay Kyo.
Ano bang nangyayari sa kanya? Seryoso ba ito, o dahil lang ba sa kalasingan?
“Anong ibig sabihin mo, Kyo?” nanginginig ang boses niya.
Pumungay ang mga mata nito.
“I want you to be my woman. I want to be there for you, for our baby…”
“Kyo!” napabulalas si Ellie at agad hinawakan ang noo ng lalaki. Sobrang init nito.
Nag-aalalang tumingin siya dito.
“Ang init mo. Baka may lagnat ka.”
Ngunit hindi siya pinakinggan ng lalaki. Hinawakan siya nito at halos umiyak na nagsalita.
“I love you, Ellie… I really do,” bulong nito na parang isang batang nagsusumamo.
Napapikit siya. Lasing na lasing na ito at kung anu-ano na lamang ang sinabi sa kanya.
“Kyo, lasing ka na. Samahan na kita sa silid mo.” Maingat niyang isinampay ang braso nito sa kanyang balikat.
Pero muling umiyak si Kyo. “No… don’t leave me… please. Don’t leave me like she did.”
Sa bawat hakbang nila paakyat ng hagdan, ramdam ni Ellie ang bigat ng mga salita nito. At doon, lalo niyang hindi alam kung ano ang mas dapat niyang paniwalaan, ang halik ba, ang mga salitang binitiwan, o ang init ng lagnat na dumadaloy sa katawan nito.
“Nasasaktan ka lang kaya mo nasasabi ang mga bagay na iyan. Sana matutunan mong pakawalan ang mga masasakit na alaala,” mahinang buntong-hininga ni Ellie habang marahang pinapahid ang basang tuwalya sa noo ni Kyo.
Inulit-ulit niya ang paghaplos hanggang sa siguradong unti-unti nang bumababa ang lagnat nito. Iniwan niya ang tuwalya sa noo ng lalaki bago dinala sa banyo ang mangkok ng tubig.
Pagbalik niya, naupo siya sa tabi ng kama at marahang hinaplos ang buhok nito, puno ng lambing at pag-aalaga.
“Get well soon,” mahinang bulong niya, sabay halik sa pisngi nito.
Napaungol si Kyo, bahagyang nagising at kusa siyang hinila palapit. Mahigpit ang yakap nito na parang batang takot maiwan.
“Please… don’t leave me. Stay with me,” bulong ni Kyo sa pagitan ng antok, nakasiksik ang mukha sa balikat niya.
Natahimik si Ellie at napakagat ng labi. Dahan-daha siyang huminga nang malalim. Walang nagawa kundi samahan muna ito hanggang sa makatulog.
⊙෴⊙•••••・・•••••]⊙෴⊙
Kyo slowly opened his eyes as the rays of the morning sun directly kissed his face. Napapikit siya sandali, at pilit na iniiwasan ang liwanag bago unti-unting gumalaw. He tried to sit up, pero bigla siyang natigilan nang maramdaman ang bigat na nakapatong sa dibdib.
His brows furrowed in confusion when he saw Ellie, peacefully lying beside him, her head resting on his chest as if she belonged there.
Wait… bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Did I take advantage of her again?
In an instant, Kyo bolted upright, causing the sudden movement to wake Ellie. She stirred, blinking her eyes open, at agad na sumilay ang isang maliwanag na ngiti sa labi nito nang makita siyang gising at mukhang maayos na.
“Gising ka na pala...” she said softly, her smile lingering like sunshine on her face.
But Kyo froze, torn between confusion and guilt. Did something happen? Or not?
“How did you end up here on my bed? Don’t tell me, m-may ginawa akong hindi maganda sa iyo. Please, tell me!” His voice carried a note of panic, his usually composed tone breaking.
Nakita niya ang paglunok ni Ellie, at dahil doon mas kinabahan siya.
“Kalma lang. Wala kang ginawang masama sa akin,” she reassured.
Kumawala ang magaan na paghinga sa gwapo niyang mukha, tanda ng ginhawang naramdaman, his shoulders easing as he let out a breath he didn’t realize he’d been holding.
“Thank God… a-akala ko…” He trailed off, shaking his head. “Pero… ano nga bang nangyari kagabi? Paano ako napunta rito?”
Ellie bit her lower lip. “Uh… lasing na lasing ka kagabi. Kaya tinulungan kitang makaakyat sa silid mo.” she whispered, avoiding his gaze.
Kyo frowned slightly, but nodded.
“I see… thank you. But, did you really spend the night here, in my room?”
“Tama na nga iyang kakatanong mo. Lalabas na ako para ipaghanda si Saoirse.”
Before he could say anything else, Noella rushed out of the room, her footsteps quick and uneven, as if she was running away from him—and from her own feelings.
Kyo stared after her, confusion flickering in his eyes.
“Why is she acting so… awkward?” he muttered under his breath.
Umiling siya at napahagod sa kanyang buhok sa inis bago tumungo sa banyo, still unable to shake the unease in his chest.