chapter sixteen

1824 Words
• MIKHAIL • Pagkatapos namin kumain ni Cresha ng agahan ay inaya ko siya sa salas para magpahinga kahit saglit ay siya naman ang dating ni Vibs, kasama ang isang lalaki. Pero wala si Angela, mukhang hindi pa tapos ang photoshoot niya sa Mindoro. Medyo nagulantang pa si Vibs nang makita niya ang suot ni Cresha at nahuli pa nga nila kami na nakaakbay ako sa girlfriend ko habang nanonood kami ng tv. "Anong meron, ha? Aba! Magkwento kayo!" "Wala," Tipid na sagot ni Cresha sa kaniya. Tumaas ang isang kilay ni Vibs. "Anong wala? Wala lang 'yung akbay-akbay na nakita ko kanina, ha?" "Ano ngayon kung kami na nga ni Mikhail? May angal ka?" Hindi na niya mapigilang ibunyag ang relasyon namin. Hehe. Laglag ang panga nina Vibs pati ang boyfriend nitong si Clifford. Mukhang hindi nga sila makapaniwala na isang Cresha Kim ay magkakaboyfriend. Hahaha. "Sa wakas, nagkaboyfriend din ang gaga!" Bulalas ni Vibs saka nag-apiran silang dalawa ni Clifford. Hmm, mukhang ayos na nga din silang dalawa, ah. "Mga baliw talaga." Rinig kong bulong ni Cresha na dahilan para mapangiti ako. Habang abala ako sa pagbabasa ng mga iilang dokyumento para sa susunod na meeting ay naputol iyon ang narinig ko ang katok mula sa pinto ng kuwarto ko. Nilingon ko iyon. Kusang nagbukas iyon at bumungad sa akin si Cresha na may hawak na tray. Nakangiti ito sa akin habang papalapit sa aking direksyon. "Dinalhan kita ng meryenda, baka gutumin ka nang hindi mo namamalayan kakabasa mo d'yan." Sabi niya sabay patong ng tray sa gilid. Ngumiti ako at inikot ang swivel chair para humarap sa kaniya. Marahan kong inabot ang isang kamay niya at hinila ko siya. Pinaupo ko siya sa kandungan ko. Hinalikan ko ang kaniyang sentido. "Thank you, baby." Masuyo kong sambit. "You're always welcome. Ano ba 'yang dokyumento na binabasa mo?" Usisa niya sabay tingin sa mesa. Dumapo ang isang kamay ko sa isang binti niya. Nagtama ang mga tingin namin. I twisted my lips before I speak. "Document for the upcoming meeting next week." Sagot ko. Ipinatong ko chin ko sa kaniyang balikat. Amoy na amoy ko ang shampoo niya. Ang bango talaga ng mapapangasawa ko. "Hmm..." Tila naitindihan niya ang ibig kong sabihin. "Nga pala, ano bang susuotin sa party? Sorry, first time ko. Wala akong ideya sa mga ganyan-ganyan." "Party gowns, baby." Mahina kong tugon. Tinagilid niya ang kaniyang ulo hanggang sa isinandal niya ang kaniyang sentido sa noo ko. "Mikhail, hindi ako sanay sa mga ganyang okasyon. Baka magkalat ako. Nakakahiya kapag nagkataon." May halong pag-aalala sa kaniyang boses nang sabihin niya iyon. "It doesn't matter. Ang importante lang naman doon ay ipapakilala kita sa kanila. I'm sure they will like you." "Talaga?" "Of course. Trust me." Sabay hinalikan ko ang balikat niya. Napangiti siya dahil sa assurance ko. Alam kong magugustuhan siya lalo ng mga pinsan ko. Naisip ko palang na baka mas maging kasundo niya ang mga asawa ng mga pinsan ko, lalo na sina Tarrah at Laraya. Ngayon palang ay naiimagine ko na kung ano ang magiging kalabasan. - Sumapit na ng linggo ay maaga dumating si Felix. Dala niya ang pinabili kong damit na susuotin ni Cresha mamaya. Hindi rin siya nakatagal dito dahil kailangan din siya sa pag-aayos ng venue para sa party. Gustuhin ko man na ako na ang personal na magpick up ng mga damit ay iniisip ko din na baka makahalata ang mapapangasawa ko. Napapansin ko kasi na nagiging clingy na siya ng mga nitong mga nakaraang araw. Hindi naman siya nakakasakal o ano. Sabihin natin na masyado lang siyang attached sa akin. "Baby Mik!" Tawag niya sa akin, talagang pinuntahan niya ako sa salas habang nanonood ako ng telebisyon. "Yes, baby Cresh?" Bago man siya sumagot ay nilapitan pa niya ako saka hinawakan ang isang kamay ko. Hinihila niya ako hanggang sa marating namin ang kuwarto niya. Humarap siya sa akin sabay turo niya sa malaking kahon na nakapatong sa kaniyang kama. "Sa iyo galing ito, ano? Umamin ka." Napakamot ako ng ulo at tumango. "Hmm, sorry. Gusto lang kitang sopresahin. Ayaw mo ba?" Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ngumiti siya at niyapos niya ang batok ko na may panlalambing. "Kinahiligan mo nang sopresahin ako, ha. Don't worry, nagustuhan ko." Malambing niyang sabi. Hinawakan ko ang magkabilang bewang niya. "Don't worry, it's one of my duties as your boyfriend." Masuyo kong sabi. Mas lumapad ang ngiti niya. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Kiniskis ng dulo ng ilong niya ang dulo ng ilong ko. "Thank you, my future husband." Anas niya. "It's my pleasure, baby." Saka hinalikan niya ako sa labi. "Grabe ka, ang guwapo ng mister ko." Sabay kurot niya sa magkabilang pisngi ko. "You bring so much happiness in my life, Mr. Mikhail Chua." Ngumiti ako at ako naman ang humalik sa kaniya. "You already stole my heart, baby. We will get married soon so be ready too." Mahina siyang tumawa. "Ikaw talaga..." "I love you, soon-to-be Mrs. Chua." "Love you too!" I rub my hands while waiting my future wife. Kasalukuyan siyang inaayusan ni Vibs at binihisan. Medyo nakaramdam ako ng kaba at excitement. Kinakabahan ako kung nababagay ba sa kaniya ang damit na pinabili ko kay Felix. It was a red Boho V neck back less high slit maxi dress and three-inches stilettos May mga inilakip din akong mga alahas na nababagay para sa damit niya. Naeexcite akong makita siya at maipakilala sa pamilyang Chua at mga Hochengco. Malaking paniniwala ko na magugustuhan din siya ng Grande Matriarch, si ahma. Pati ni angkong, kahit ang mga pamilya't mga pinsan ko. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko na ang pinto ng kuwarto. Agad akong tumayo mula sa kinuupuan kong couch. Humarap ako, hinahanda ang sarili kong masilayan ang magiging ina ng mga magiging anak ko. "Here's your queen, Mikhail!" Masayang anunsyo ni Vibs. Natigilan ako nang tumambad sa akin si Cresha. Parang nagiging slowmo ang paligid habang nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko mapigilan na mapangiti. Bagay na bagay sa kaniya ang binili kong damit para sa kaniya! Mas lalo tumingkad ang kagandahan niya! And I am proud boyfriend here! "Hey," Masayang bati niya sa akin nang nasa harap ko na siya mismo. "Hi, gorgeous..." Saka kinagat ko ang aking labi. Mahina siyang tumawa. "Bolero." "Of course not. Seryoso, ang ganda mo talaga." At parang ayaw ko nang pumunta ng party! Dito nalang tayo, baby Cresh! "Hmm, so... Let's go?" Tanong niya. Wala na akong choice kungdi aalis nalang kami. Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay at inilagay ko iyon sa isang braso ko. Bumaling ako kay Vibs. "Alis na kami, Vibs. Okay ka lang ba dito?" Tanong ko. She give us thumbs up. "Oo naman, alam ninyo naman ang passcode ng unit na ito, diba? Huwag ninyo na ako alalahanin. Dadating din mamaya si Clifford at sasamahan niya ako dito para may makasama ako." And she waved us. "Ingat kayo, alright? Enjoy the party." Nang nakaalis na kami ay sasakyan ko ang ginamit namin papunta sa party. Pansin ko na medyo tahimik si Cresha sa aking tabi. Nakadungaw lang siya sa bintana. Lumunok ako. May hindi ba siya nagustuhan o ano? "Baby Cresh, are you alright?" Hindi ko mapigilang itanong iyon. "Sorry, kinakabahan lang ako, baby Mik." She answered. "Saan ka kinakabahan? Let me know..." "Kinakabahan ako kapag ipinakilala mo na ako sa buong angkan mo. Sorry, nag-o-overthink ako." Lihim ako napangiti. Ang cute talaga niya kapag natataranta siya na ewan. Marahan kong inabot ang kaniyang kamay at dinampian ng halik ang likod ng kaniyang palad. Kahit sa ganitong paraan lang ay sana ay mapahupa ko ang kaba na nararamdaman ng mahal ko. "Hindi kita iiwan, kasama mo ako na harapin sila. Just be natural." Sabi ko. "Kapag ayaw nila sa iyo, ako mismo ang aaway sa kanila." Mahina siyang tumawa. "Grabe ka!" Kumento niya. "Totoo ang sinasabi ko, baby Cresh. Hindi sila ang boyfriend mo para kabahan ka ng ganyan. Basta, huwag na huwag kang aalis sa tabi ko pagdating natin doon." "Yes po, baby Mik." Until we reached the venue. It's a garden and resto. Maigi kong pinark ang sasakyan sa Parking Lot. Kinalas ko ang seatbelts ko at ako na mismo ang kumalas ng seat belts ni Cresha. Lumabas ako't umikot sa harap hanggang sa nagawa ko siyang pagbuksan ng pinto. Inaalalayan ko siyang lumabas mula sa loob. Agad dumapo ang isang palad ko sa isang bewang niya habang papasok na kami sa naturang venue. Sa Banquet Hall. Iilan sa mga bisita ay napatingin sa gawi namin. May mga humarang na taga-media sa dinadaanan namin. "Wow, hindi namin inaasahan na makikita namin ang isa sa mga dashing bachelor ng mga pamilyang Hochengco at mga Chua, Mikhail Alistair Chua... At ang kasama ninyo ay isa sa mga sikat na rally racer... Cresha Kim!" Malakas na wika ng isa sa mga reporter. Sabay itinutok niya sa amin ang hawak niyang cellphone na mukhang nagrerecord. "Ano po ang relasyon na namamagitan sa inyong dalawa? Date mo lang ba siya para sa party na ito o...?" Ngumiti ako at sumulyap kay Cresha ng ilang segundo. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Bumaling ako sa mg reporter. "This woman will be my wife, soon." Ang lahat ay natigilan sa aking naging pahayag. Umalis na din kami sa kanilang harap dahil mas excited akong ipakilala ang babaeng kasama ko sa kanila. I am too proud to represent this woman in front of everybody. "Hey, cous! Buti, nakarating ka!" Salubong sa amin ni Rafael na may hawak na glasswine.We do fist bump. "And who's this lovely lady with you?" "Makikilala ninyo din siya mamaya. By the way, the Grande Matriarch is already here?" "Oh! Yes, naroon na sila malapit sa stage kung saan nakareserved din ang mga upuan ninyong dalawa. She's with our cousins PJ, Gervais, and Raghnall and other Hochengco cousins." "Alright, thanks bro." Pero alam kong nakasunod lang sa amin itong si Rafael. May pagkausisero ang isang ito. Tanaw ko sila na nagkukumpul-kumpulan doon. Sumulyap ako kay Cresha na napalunok nang makita niya ang pamilya na ipapakilala ko. "Oh, si Mikhail!" Bulalas ng pinsan kong si Kalous, katabi niya ang kaniyang asawa na si Tarrah. "Wait, she's Cresha Kim, right? The F1 racer!" "Walanghiya ka, cous. Matinde iyang nabingwit mo, ah." Sabat ni Suther na nakaakbay sa asawa niyang si Laraya. Ngumiti lang ako. Nilagpasan ko lang sila at nilapitan si ahma na ngayon ay naniningkit ang tingin sa amin. Nasa bandang likuran niya ang iba ko pang pinsan. Si Finlay at ang asawa niyang si Pasha, Keiran with his wife, Naya. "Ahma, may ipapakilala sana ako sa inyo." "And who is this woman, Mikhail?" Taas-kilay niyang tanong. "She's Cresha Kim. My bride-to-be." Tulad ng inaasahan ko ay kumunot ang noo ni ahma. Bago man siya sumagot ay biglang nagsalita si Laraya. "Ano na, Madame Eufemia, aawayin mo din ba si Cresha?" Hindi ko inasahan na sasabihin ni Laraya iyon kay ahma! I saw the Grande Matriarch rolled her eyes. "Ano pa bang magagawa ko? Kahit kumontra pa ako, wala rin naman ako mapapala." Then she walked out. Muli ako napatingin kay Laraya na may halong pagkasopresa. She just winked at us. Ramdam ko nalang na tinapik ako ng mga iba ko pang pinsan. "Congratulations, bro! Approved na kay Ahma ang relasyon ninyong dalawa ni Cresha." Natatawang sabi sa akin ni Suther. That was... unexpected. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD