chapter seventeen

1437 Words
• MIKHAIL • "Welcome to the family, Cresha!" Masayang sabi ng mga pinsan ko sa girlfriend ko. Alam kong nagulat din siya, masasanay din siya dahil tanggap na siya ni Ahma, kahit na ako ay hindi ko inaasahan iyon. "S-salamat..." Tugon niya pero ramdam ko na humigpit ang kapit niya sa akin. Nawiwindang na yata siya, papaano ba naman kasi, ang dami kong pinsan. Nagkukumpul-kumpulan ang mga pinsan ko mula sa mga Hochengco hanggang sa mga Chua. Nahagip ng mga mata ko na niluwagan ng mga pinsan kong lalaki ang kani-kanilang mga necktie nila. Inalis naman ni Fae ang kaniyang mga guwantes na yari sa satin na tela. "It's kinda bored..." Rinig kong kumento ni Finlay. "Same here." Segunda pa ni Raghnall. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Fae. "Display lang naman tayo dito." "Wait," Bigla kong tawag sa kanila. "Pansin ko, wala si Archie dito. Where is he?" Tanong ko. "Oh, kasama niya si Jaycelle, pagkaalam ko." Si Keiran ang sumagot. "Bigla kasing sumakit ang puson ni Jaycelle kaya si Archie ang naghatid sa kaniya sa apartment." Tumango ako. "How about Owen?" Tumawa si Kalous. "Huwag mo nang asahan ang isang 'yon, sakit-sakitan kungwari para makapagchicks." Tinapik niya nag balikat ko. "Ang mabuti pa, ipakilala mo na siya kay tito. Sayang wala si tita Theresa ngayon dito. Ay, nga pala, baka gusto ninyong pumunta ng bahay sa katapusan ng buwan? Baby shower ni misis. Isama mo na din si Cresha para mas masaya. Invited din ang mga ulupong na Chua. Hahaha." "Sure, pupunta kami ni Cresha." "Nice, thank you!" Bumaling ako sa mapapangasawa ko. "Tara? Ipapakilala na kita kay papa." "Huwag kang kabahan kay tito, Cresha. Mabait 'yon. Hindi nangangain ng tao. Sure 'yan." Biglang nagsalita si Suther na papalapit. "Bilisan ninyo mga dude dahil susugod tayo sa susunod na party." Sabay turo niya sa iba pa naming pinsan na nasa likuran niya. Tuluyan na nilang tinanggal ang mga kurbata at mga coat. Ang mga asawa nila pati ang pinsan kong si Fae ay itinaas na ang mga buhok para ipusod 'yon. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito, ah... "Let's go, baby." Sabi ko. Dumapo ang isang palad ko sa kaniyang bewang. Iginiya ko siya para makalapit kami kung nasaan si papa na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa mga iba ko pang tiyuhin at tiyahin. "Good evening, papa, titos, titas..." Natigil sila sa pag-uusap at napatingin sa amin. Mas lumapad ang kanilang ngiti nang makita nila ang kasama ko. "Wow, who's this lovely lady, Mikhail?" Tanong ni tita Miranda, ang nanay nina Keiran at Russel. "Ladies and gentlemen, this is Cresha Kim, my girlfriend and soon to be my wife..." Pakilala ko sa kanila. "Soon to be your wife?" Hindi makapaniwalang ulit ni tita Susan. "Yes po, tita." Bumaling ako kay papa. Ngumiti pa lalo si papa. Mukhang masaya nga siya para sa akin. "Good evening po... tito." Nahihiyang bati ni Cresha kay papa sabay lahad ng kaniyang palad sa tatay ko. Mahinang tumawa si papa. "Huwag mo na akong tawaging tito. You should call me papa, magiging asawa ka pala ng panganay ko." Kita ko na inilapat ni Cresha ang mga labi niya saka tumango. "P-papa..." "Nice to meet you, iha. Ikaw palang ang ipinakilala sa akin ni Mikhail na girlfriend niya. And oh," Bumaling siya sa akin. "You can bring her with you, aalis daw kayong magpipinsan. Kasama ang mga pinsan mong mga Chua." "Oo nga daw po, papa." "Uh, Mikhail," Tawag sa akin ni tita Vickie, ang unang asawa ni tito Damien. "Please bring with you my daughters Nemesis and Carys, kung okay lang? Para naman mas lalo kayo maging malapit sa kanila. Though, may pagkaiintrovert si Carys." "Sure po, tita Vickie." Lumapad ang ngiti ni tita. "Thank you so much, Mikhail." - Kani-kaniya kaming tigil ng sasakyan sa parking lot. Una akong lumabas. Umikot pa ako sa harap para pagbuksan ko ng pinto si Cresha. Nilahad ko ang aking palad sa kaniya. Ngumiti siya at tinanggap niya iyon. Maingat ko siyang inilabas sa sasakyan. Rinig ko ang pagsara ng mga pinto mula sa mga sasakyan ng mga pinsan ko. Lumabas mula sa sasakyan ni Keiran ang magkapatid na Nemesis at Carys. Pinindot ko ang lock button mula sa remote ng sasakyan ko bago kami tuluyang lumapit sa kanila para mag-usap-usap. "Attention, this is the first time na makakasama natin sina Nemesis at Carys." Wika ni Keiran. "So please, we'll take this as our responsibilty." "Sure, you can count us in." Wika ni Suther. "Likewise." Seryosong sagot ni Gervais. "Good." "But Keiran," Biglang nagsalita si Carys. "Ayos lang ba talaga na sumama kami? I mean, hindi kami 'yung palagi kasama pagdating sa ganitong happenings.." Ngumiti si Keiran. "Don't worry, ate. Hindi namin kayo pababayaan." "Ay! Excited na ako!" Bulalas ni Nemesis saka pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa braso ni Fae. Mukhang magkasundo na sila ng sobra. "So, let's go? Nakapagreserved na din naman ako ng dalawang mesa sa loob." Biglang sabi ni Rafael sabay turo niya sa Vakyrie. W4 and W5 ang nireserved ni Rafael na mesa. Mabuti nalang adjustable ang dress na binili ko kay Cresha. Pwede kasing tanggalin ang haba ng laylayan. Ngayon ay above the knee na ang haba nito. Nakapagpalit na din ng mga damit ang mga asawa ng mga pinsan na talagang binagayan sa lugar na ito. "Alright! Heto talaga ang pinakagusto kong party!" Bulalas ni Rafael nang nakaupo na siya sa couch at talagang hinimas-himas pa niya iyon na akala mo isang daang taon na siyang hindi nakarating eh linggo-linggo suki siya ng mga club! "Yeah, right." Natatawang sambit ni Raghnall. "Formal party is kinda boring." Humalakhak si Kalous. "Buti nakapagreserved ka dito, dude." "Of course! Alam naming ganito ang mangyayari." Naputol ang pag-uusap namin nang dumating ang waiter. May mga nilagay siyang iba't ibang klaseng ng alak sa mababang mesa. Rafael rubbing his hands na akala mo natatakam siya sa mga iyon. May mga pagkain din na inihanda. "Kapag nalasing ka, ako nalang ang magdadrive para sa iyo." Bulong ni Cresha sa akin. "Alright?"  "Yes, baby." Ganting-bulong ko. "Kamusta na 'yung pinopormahan mo, PJ? Ano ulit pangalan n'on? Jocelyn?" Malakas na tanong ni Raghnall sa isa pa naming pinsan na si PJ na kanina pang tahimik sa isang tabi. Binigyan tuloy siya ni PJ ng dirty finger. "Shut up." Tumawa lang siya ni Ragnall. Sumabay sa paghalakhak si Rafael at talagang nag-apiran pa silang dalawa. "Manahimik kayo kung ayaw ninyong putulin ko mamaya ang mga dila ninyo. Tsk." And the conversation goes on. Hinihintay lang namin ang iba na magkaroon ng lakas ng loob para makapagsayaw. Alam kong naeexcite din ang iba na makarating ng dance floor. Beer ang iniinom namin ni Cresha habang ang mga iba ko pang pinsan ay puros mga hard drink. Paborito ni Rafael ang gin habang si Gervais ay mahilig naman sa vodka. "Hala, may naisip ako, guys!" Biglang sabi ni Fae. "Sinong mga available next week? Bisita tayo sa Batangas. Nakakamiss sina Flare at Elene!" "Oo nga pala! Nakakamiss din ang kahayupan ng isang iyon!" Natatawang sabi ni Suther. "Ikaw ba, Keiran? Hindi mo ba namimiss ang bestfriend mo?" Nakangising tanong sa kaniya ni Kal. Umingos si Keiran. "Hayaan mo siya. Tahimik na buhay ko nang nag-asawa na ang isang 'yon." "Asus, pero panay kwento mo sa akin kung papaano nagsimula ang friendship ninyo." Sabat ni Naya na natatawa. "Ayoooon! Nilaglag din pala ni misis!" Naiiling-iling lang si Keiran sa mga pinagsasabi ng mga pinsan namin. Biglang tumayo si Nemesis. "Tara, sayaw na tayo!" Sumang-ayon ang iba. Ang tanging naiwan lang dito sa pwesto namin ay ako, si Cresha, si Carys at pati na din si Pasha. "Baby, banyo lang." Bulong ko sa kaniya. "Oh, okay! Hintayin lang kita dito para maka-catch up tayo sa kanila sa dance floor." Hinalikan ko siya sa sentido bago ako umalis. Palinga-linga ako habang hinahanap ko ang banyo. Hindi ko inasahan na masyadong marami ang tao ngayon dito sa club. Mabuti nalang, nakapagreserved na agad si Rafael. Ngunit, natigilan lang ako nang nakita ko ang isang babae na kilalang kilala ko. Pagewang gewang siya habang naglalakad. Matutumba na siya na agad ko siyang sinalo. Tumingin siya sa akin at nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya ako. "M-Mikhail..." Nanghihina tawag niya sa akin. Inayos ko siya ng tayo. "Nakita lang kitang pagewang-gewang. Sige," Lalagpasan ko na sana siya nang biglang hinawakan ang isang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya na kunot ang noo. Anong kailangan niya? "Sana mapatawad mo ako..." Her voice broke. "Please, gusto kong bumalik sa iyo." Babawiin ko na sana ang kamay ko at sabihin sa kaniya na may girlfrriend na ako pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang gawin. She grab my collar and kissed me! Sa labi pa! Madiin na halik 'yon. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis ko siyang naitulak at buti nalang ay sinalo siya ng pader. "Don't ever give me a damn, Vhia! Masaya ako ngayon sa girlfriend ko, so please, back off!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumabog dahil sa galit! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD