chapter six

1088 Words
• MIKHAIL • Sa mga binitawang salita ni Cresha kahapon ay may narealize ako. Huwag na huwag mong i-involve ang sarili mo sa mga taong may sariling problema. Maghintay ka na sila ang magseshare sa iyo o sila ang lalapit sa iyo para mabigyan mo ng comfort na kailangan nila.  At isa pa, may sarili din naman akong problema na gusto ko din maayos. Iyon ay ang wasak kong puso. Sa totoo lang noong una ay natatakot na akong dumikit sa mga babae pero nang nakilala ko sila Vibs, Angela at Cresha ay nag-iba ang lahat. Ramdam ko ang samahan na meron sila bago man ako dumating sa mga buhay nila.  Sabado ngayon at walang pasok. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko muna matitikman ang sermon ng boss ko. Ihahanda ko nalang ang aking sarili sa Lunes. Paniguradong hinding hindi niya iyon papalagpasin!  Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cresha ay tahimik kami pareho. Buti nalang ay hindi nahalata ng dalawa ang kumusyon sa pagitan naming dalawa.  "It's Saturday! And it's heaven's day!" Bulalas ni Angela habang nagsasayaw sa Salas.  "Mikhail," Tawag sa akin ni Vibs na katabi ko ngayon. "Are you going with us?"  "S-saan ba kayo pupunta?" Sabay inayos ko ang aking salamin.  Ngumuso siya't muli nagsalita. "Every Saturday kasi pumupunta kami sa clubs. You know, party time. Saka, day off ko naman ngayon sa ballet school." Sabay kindat niya sa akin.  Napangiwi ako. "Baka naman malasing kayo... Hindi ko kayo kayang tatlo." "Don't worry, isama mo na din ang kaibigan mong si James para may kasama ka sa pag-alalay sa amin." Biro pa niya.  "Sigurado kayo?"  Tumango siya biglang tugon.  Natext ko din si James para itanong gusto niyang sumama sa amin mamaya. Buti nalang ay pumayag ito at sinabi ko sa kaniya na alas nuebe ay magkita-kita nalang kami sa labas ng building na ito. Biglang may kumatok sa pinto. Agad ko iyon binuksan. Bumungad sa akin si Vibs na nakangiti. "Are you busy? Nakakaistorbo ba ako?" Agad akong umiling. "Hindi naman... May problema ba?" Napangiwi siya. "Oras ko na din kasi para mag-grocery. Ang kaso, wala akong kasama papunta. Okay lang ba na ikaw muna ang isama ko? Umalis kasi sina Cresha at Angela, may kani-kaniyang lakad." "Ah.. Sure. Ngayon na ba?"  Tumango siya.  Si Vibs ang taga-hawak ng listahan ng bibilhin at siya ang maglalagay ng mga product sa cart habang ako naman ay tagatulak. Kahit na ganoon ay may magandang conversation pa rin naman kami. Ang maganda lang sa aming dalawa ay walang awkward feeling. Mabilis ko din naman nakagaanan ng loob si Vibs kahit noong una palang. Kahit si Angela.  "Heto kasi ang task ko na napag-usapan naming tatlo." Kwento niya habang naghahanap ng produkto ng tsaa na nakalista sa papel.  "Ibig sabihin, si Angela ang taga-luto at taga-hugas ng pinagkainan, ikaw naman ay sa grocery... Eh ano naman ang kay Cresha?" Tanong ko.  Ngumuso siya. "Siya ang nagbabayad ng renta." Simpleng sagot niya.  Napatigil ako sa paglalakad. Napatingin naman siya sa akin dahil sa aking reaksyon. "A-ano? S-siya ang nagbabayad ng renta?!" Bakas pa sa mukha ko na hindi makapaniwala.  Tumango siya. "Oo, siya ang nagbabayad ng renta pati na rin ng kuryente't tubig. Kaya naman kami naroon ni Angela dahil wala daw siyang kasama sa unit eh di sinamahan nalang din namin tutal naman ay kaibigan naman namin siya."  Laglag ang panga ko. Natawa naman siya sa aking reaksyon.  Gustuhin ko mang itanong ang kwento sa injury ni Cresha pero hindi ko pa kaya. Wala pa akong lakas ng loob para tanungin ang bagay na iyon. Bigla ko na naman naalala ang sinabi niya sa akin kahapon.  Pagkatapos namin mag-grocery ay agad na kaming umuwi. Siya ang nagdrive ng sasakyan habang ako naman ang tagabuhat ng mga pinamili.  "Saan kayo galing?" Tanong ni Angela nang nakarating na kami sa loob ng unit.  "Grocery, girl." Sagot naman niya.  "Mukhang marami kayong napamili." Puna niya sa dami ng grocery na dala-dala ko.  Hindi na sumagot si Vibs. Sumunod ako sa kaniya sa kusina. Ipinatong ko sa counter ang mga stocks.  Pagsapit ng alas nuebe ng gabi ay nakahanda na kami. V-neck shirt na kulay sky blue, faded jeans, and suit and pony shoes ang naisipan kong suotin. Nakaayos na din ang aking buhok. Itinaas ko ito at nilagyan ko ito ng pomada. At syempre, hindi mawawala sa porma ang salamin ko.  "Mikhail, are you done?" Rinig kong boses ni Angela sa labas ng kuwarto ko.  "A-ah! Yeah. Palabas na ako." Sabi ko't nilapitan ko ang pinto. Pinihit ko ang doorknob saka hinila ko iyon para magbukas ang punto.  Tumambad sa akin si Angela. She's wearing red tube dress and black stilettos. She curled her hair. She's also wearing a very light make up na mas magandang tingnan. Hindi na ako nagtataka kung bakit model siya. Sa umpisa palang ay maganda na siya pero mas tumingkad pa ang kagandahan niya ngayong gabi. Ngumiti siya sa akin. "Hey,"  "Hey," Bati ko rin sa kaniya. "They're waiting." Nakangiting sabi niya. "Let's go?" Tumango ako't pumunta na kami sa Salas. Nadatnan ko sina Vibs at Cresha na nakaayos din. Vibs was wearing a white maxi dress which her back were exposed and silver glittery stilettos. Nakapusod ang buhok nito pero may iniwan siyang buhok para sa kaniyang patilya. While Cresha was black wearing off-shoulder dress na above the knee ang haba. Naka-eyeliner siya... (wing line ang tawag nila yata dahil naririnig ko sa mga kaklase ko sa Probinsiya.) and a red lipstick. Nakatakong din siya. Hindi ba sila nangangalay sa mga suot nilang sapatos?  "Mikhail, parang may problema sa porma mo..." Puna ni Vibs. "Masyado bang malabo ang paningin mo?" "Hindi naman, kaya ko pa naman makakita kahit walang salamin. Nakasanay ko lang siyang sinuot although reading eyeglasses lang talaga siya."  "Can we take off your eyeglasses? Don't worry, maisusuot mo naman siya kapag nandidilim ulit paningin mo..."  Tumango ako bilang pagsang-ayon.  Pumikit ako. Si Angela ang nagtanggal ng salamin ko.  Unti-unti ko idinilat ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang mga mukha nilang namamangha't hindi makapaniwala, kasama na si Cresha... "Oh my god!" Bulalas ni Angela. "Mikhlail, you are better without your eyeglasses." Segunda pa ni Vibs. "It's better kung mag-contact lense ka lang!" Ngumiti ako. "Maninibago ako kung wala akong nararamdaman sa ilong ko." Biro ko.  "Seriously, Mikhail. Mas guwapo ka kapag wala kang salamin. Hindi ba, Cresha?" Bumaling si Angela kay Cresha na nasa likuran niya ito.  "Yeah," Maikli niyang kumento sabay iwas siya ng tingin sa akin.  Napangiti ako sa sinabi ni Cresha. Kahit napakaikli ng kaniyang sinasabi ay nagpapasalamat ako dahil pakiramdaman ko ay hindi na siya gaano galit sa akin.  "Let's go, baka matunaw na si Mikhail sa pinanggagawa ninyo." Suway ni Cresha sa kanila.  "Oo na, oo na!" Natawa nalang ako't sumunod nalang sa kanila palabas ng unit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD