chapter seven

1261 Words
• MIKHAIL • This is not my first time when it comes in clubbing or bar hopping. I was hanging out with my cousins way back in Iloilo na nasa father side ko, kahit naman ang mga pinsan kong Hochengco na nasa mother side ko. Nakikisakay lang ako mga trip nila pero ni minsan ay hindi kami na-involve sa drugs basta inom lang at ang iba sa kanila ay nagsisigarilyo ay mas katanggap-tanggap pa.  "And... We're here!" Masayang sabi ni Angela nang nakarating na kami sa destinasyon namin. I think this is a high-class club.  "First time mo bang pumunta sa ganitong lugar, Mikhail?" Malumanay na tanong sa akin ni Vibs. Umiling ako. "Hindi naman, minsan ay kasama ko ang mga pinsan ko na pupunta sa ganitong lugar kapag may time kami." Sagot ko.  Ngumiti siya. "I'm just wondering, laking probinsya ka pero hindi ka ignorante sa mga ganitong bagay." She said.  Hindi ko na inisip pa ang sinasabi niya. Instead, dumiretso kami sa loob ng club. May mga bouncer lang din naman sa entrance pero dahil tugma naman sa dress code namin ay tagumpay kaming nakapasok. Semi-formal naman kaya okay lang. Kasama din namin si James na tila tuwang tuwa dahil kasama namin ang mga magagandang dilag.  Ciao Adios by Anne Marie kicks in.  Napatingin ako sa dance floor na hyper ang mga tao sa pagsasayaw.  "We're gonna take VIP Room, guys!" Malakas na pagkasabi ni Angela sa amin. Siya ang nangunguna para puntahan ang VIP Room.  May sumunod na waiter sa amin para tanungin kung anu-ano ang mga iinumin.  "Painit muna tayo, guys! Tapos huhumpay tayo sa dance floor!" Halata sa mukha ni Angela ang excitement.  Wala pang dalawampung minuto ay naubos na ni Angela ang inumin niyang Bloody Mary. May Vibs ay Martini, ang iniinom naman ni Cresha ay s*x on the beach na matapang talaga ang alak na iyon. Kami naman ni James ay Scotch ang napili naming inumin.  "Wuhooo! It's parte taaaaym!" Sigaw ni Angela saka lumapit sa dance floor para sumayaw nang walang humpay.  "Tara, James!" Ayan naman ni Vibs sa kasama ko. Pumayag naman ang lalaking ito. Tumayo siya't sumama sa kaniya patungong dance floor.  Napalunok ako nang napagtanto ko na kaming dalawa nalang pala ni Cresha ang naiwan dito VIP Room. Nanahimik lang ako nakaupo habang siya naman ay nakatingin lang sa dance floor habang hawak niya niya ang kaniyang iniinom.  "Marunong ka ba sumayaw?" Rinig kong tanong niya.  Tumingin ako na may pagkagulat sa mga aking mukha. "H-ha?" Bumaling siya sa akin. "Ang sabi ko, marunong ka ba sumayaw?" Ulit pa niya.  "H-hindi, eh." Sabay kamot ko sa batok.  Bigla siyang tumayo at walang sabi na iniwan niya ako dito sa VIP Room. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa pningin. Sumunod ako kahit medyo mahirap na mahagilap siya.  Sumasayaw na ilaw, usok ng sigarilyo at maraming tao. Hindi ko makita ang aking hinahanap dahil sa dami ng mga ito.  Maglalakad na sana ako palapit sa dance floor nang may tumawag sa pangalan ko.  "Mikhail?" Lumingon ako sa tawag ng pangalan ko. Napako ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa akin ang isang babae na matagal ko nang ayaw makita. Ang babaeng halos isumpa ko. Ang babaeng tumapak sa puso ko... Si Vhia! Ngumiti siya. Damn, how could you? Bakit nagagawa mong ngumiti kahit na malaking kasalanan ang ginawa mo sa akin?! "Mabuti nalang... Nakita ulit kita. Imagine, sa Manila pa..." Sabi niya.  Kinuyom ko ang aking kamao. "May gusto ka pa bang sabihin?" Tanong ko. s**t, Mikhail! Hindi niya pwedeng mahalata na bitter ka pa!  "How about the incident 1 month ago..." Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang tinalikuran para maglakad palayo sa kaniya. Ayokong pakinggan! Ayoko! "No, Mikhail! Please... Listen to me..." Saka hinawakan niya ang braso ko.  Napapikit ako ng mariin. Hindi ako pwedeng mahulog muli sa mga haplos niya na may halong lambing.  "Hinalikan niya lang ako noon, Mikhail. Hindi ko ginusto ang nangyari... Wala akong ideya na gagawin ng bestfriend mo iyon!" Her voice broke, parang naiiyak na. "Mikhail... Please, let's our relationship working out—" Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang may tumabig sa pagkahawak ni Vhia sa akin. "What the..." "f**k?" Dugtong pa niya sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Vhia. "Hindi mo ba nakikitang nag-uusap kaming dalawa? Hindi mo ba alam na kabastusan ang ginawa mo? Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal kapag may taong nag-uusap?!" Galit na tanong nito sa kaniya.  "Ang daming tanong," Sarkastikong sabi niya. "Oo, nakikita kong nag-uusap kayo. Hindi ako bastos dahil ikaw ang bastos, at huli, tinuruan naman ako ng tamang asal baka ikaw ang nakalimot ng mga iyan." She smirked. "I heard everything you said to him. Kaya ko sinabing ikaw ang bastos dahil boyfriend ko ang hinahawakan mo."  Tumawa ng mapakla si Vhia. "Oh really? Papaano mo naman mapapatunayan na girlfriend ka nga ni Mikhail?" "We're dating, we do kissing, We have s*x, wanna see?" Then she grinned. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya! Anong pinagsasabi niya?! Halos lahat ng dugo ko napunta sa ulo ko!  "You, b***h!"  "No need for insults, your face says it all." "What?!" "If you hate me. Then, buy a map, get a car, and go to hell." Nanggagalaiting sa galit si Vhia saka nag-walk out.  "Bakit mo sinabi ang mga bagay na iyon, Cresha?" Tanong ko sa kaniya habang sinusundan ko siya sa back door.  Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Oh, come on, Mikhail. This is club. Liberated ang mga tao dito. Masyadong open-minded at wala silang pakialam kahit mag-s*x kayo sa harap nila." Naiinis niyang sabi. "Tandaan mo, nasa Maynila ka na at wala ka sa probinsya ninyo." Nagpatuloy siya sa paglalakad at patuloy lang ako sa pagsunod ko sa kaniya.  Humalukipkip siya at tumingin sa akin. "She's your ex, right?" Hindi ako nagsalita. Sa halip ay tumango ako.  "Babalikan mo pa?" Muli niyang tanong.  Agad akong umiling. "Wala na akong rason para balikan siya." "Good," She commented. "Atleast worth it ang pagsisinungaling ko sa kaniya na tayo na."  "Bakit mo pala ginawa iyon?" Bago man siya sumagot ay tinititigan niya ako. Binawi niya ang kaniyang tingin. "Kita ko sa mga mata mo na malaki ang galit mo sa kaniya. Alam kong gustong-gusto mo na siyang layuan pero siya lang naman ang napupumilit at panay lapit sa iyo kaya umeksena na ako." Bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga. Yeah, right. Gustong gusto ko talagang makaalis sa sapot ng gagamba. Gusto ko nang takasan ang nakaraan pero maliit ang mundo. Magkikita at magkikita kami ni Vhia kapag nagkataon.  "Sorry about sa mga nasabi ko kahapon... Ganoon ako kapag nabadtrip. Wala na ako sa katinuan para pag-isipan ang mga binitawan kong salita." Bigla niyang sabi kahit hindi siya nakatingin sa akin.  Napangiti ako. Hindi ko akalain na nag-so-sorry siya at nagbigay pa siya ng explanation! "A-ako dapat magsabi ng sorry dahil lumagpas na ako sa linya... Na hindi ko din naisip na nanghihimasok na ako sa buhay ninyo." Muli siyang bumaling sa akin. Napangiti siya.  Damn, she smiled! Hindi ba ako nananaginip? Ang isang malamig na tulad ni Cresha ay ngumiti sa harap ko!  Lumapit siya ng isang hakbang at nagtama ang mga mata namin. "Balang araw, mabibigyan kita ng karapatan para manghimasok sa buhay ko, Mikhail."  Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.  Hinawakan niya ang isang kamay ko. "Bumalik na tayo sa loob, let's dance. We need to enjoy and have fun tonight."  Tumango ako't sumang-ayon sa kaniyang sinabi.  Pumasok kami sa loob at dumiretso sa dance floor. Good thing, nakita namin agad sina Vibs, Angela at James na masayang nagsasayaw at sumusunod sa beat ng tugtog.  Madalas ko na din nakikita ang mga ngiti sa mukha ni Cresha.  Ang masasabi ko nalang, heto ang simula para sa aming dalawa. Pakiramdam ko, wala nang harang sa pagitan namin. Maybe, this a wonderful start.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD