____________________Chapter F
"Hoy, sama ka? May practice game ang varsity natin mamaya kalaban ang kabilang school," kinalabit ako ni Jandra.
"Ipasa mo muna iyang project mo," sinabi ko at nakahalumbabang bumaling sa kanya. "Ano'ng oras ba iyong practice game?"
"After lunch," ngumisi siya at umusog papalapit sa akin, hindi pa kuntento sa distansya namin mula sa isa't-isa. "Oo, ipapasa ko na mamaya 'tong akin."
"Sino pala ang kinuha mong model?"
Bigla siyang napanguso, nagkibit balikat siya. "Ang hopeless noong dalawang kaibigan ni Mecho. Ayaw nila kaya iyong pogi na lang sa ABM ang kinuha ko."
"Sino? Si Kyle?" Biro ko.
"Tanga, hindi lang si Kyle ang pogi sa ABM. Marami pa!"
"Nagjo-joke lang, eh."
"Kumusta na kayo nina papi Mecho at Keith? Sasabihin mo na ba ang sikreto ni Tyra na hindot?" She even raised a brow.
"Hindi ko alam. Hindi ko pa napag-iisipan. Natatakot din kasi ako."
Natatakot ako kay Mecho. Hindi mo lang alam iyon. Grabe magalit, lalo na't madaling uminit ang ulo. Isa ko pang naisip na dahilan ay bakit ba ako nangingielam? Relasyon nila iyon, dapat ay labas na ako kung ano mang problema nila.
"Bakit? Dahil baka sabihan ka ng pakialamera? Kapag sinabihan ka ng pakialamera, sabihin mo, siya makati! 'Di marunong makuntento. At least, mas malala siya kaysa sa'yo, 'di ba?"
"Syempre, relasyon nila iyon."
"Walang sikretong hindi nabubunyag, uy!"
"Ay ewan. Basta ayaw ko munang pag-usapan!"
Ayaw kong sa akin manggaling. O ako ang maging dahilan dahil sinabi ko.
Umismid siya bigla. Mukhang hindi siya magpapatalo. "O baka naman gusto mong ako na lang ang magsabi?"
"Huy, huwag! Hayaan mo akong dumiskarte."
Ang pangit naman siguro kung sa iba pa malaman ni Mecho, 'di ba? Parang mas nakakasama iyon ng loob. Parang pinapamukha sa kanyang pinagpalit siya o sinasabay sa ibang lalaki. Thinking about that right now, literally stress me out.
May parte sa akin na gustong mangielam para sa pansariling kapayaan, pero mas malakas 'yung pakiramdam ko na natatakot at nanghihinayang. I almost wished that I shouldn't have saw what I saw, dapat pala ay nagtuloy-tuloy na lang kami ni Keith sa paglalakad noon nang hindi ko na malaman pa kung ano ang nalaman.
So after lunch, tutal ay Friday naman, ibig sabihi'y marami kaming vacant. Malapit ng mag-umpisa ang game nang bumaba kami at pumunta sa gym. May mga estudyante rin doon na medyo kakapalan na manonuod, may iilang bilang lang na galing sa kabilang school upang panuorin ang varsity nila at suportahan na rin siguro.
Nahagilap agad ng mga mata ko si Tyra. Nakaupo siya sa mismong bleachers ng mga varsity at nang magtama ang mga paningin nami'y agaran siyang nag-iwas; at first, bago niya ako makita ay mukha pa siyang masigla, ngunit nang makita ako ay para siyang na-estatwa sa kanyang kinauupuan habang hindi na maibalik ang kurba sa kanyang labi.
I would be glad to know if she is...well, at least, guilty. I don't know if she is still going on with the cheating, but if she is, hindi ko na alam kung gaano siya kasama para gawin 'yon kay Mecho. Maybe, I can consider her attitude towards the situation as a basis whether I should talk or not. Yeah, right.
Siniko ako ni Jandra. "Dito tayo maupo sa likuran niya." Bulong niya.
"Medyo lumayo na tayo," I insisted.
"Hindi. Dito na tayo," pagpupumilit niya pa sa isang mariin na boses.
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong hindi naman talaga papatalo si Jandra. Naupo kami sa likuran ni Tyra, walang pagitang bleacher, mismong taas niya lang kung saan kahit bulong namin ay maririnig niya.
She looked so stiff, though. Parang hindi siya gumagalaw ngayon simula pa kanina.
Tumingin na lamang ako sa court at nakita agad sila Kyle, Mecho, Yeji, at Duval na nagwawarm up na: pare-parehong suot ang kanilang blue varsity sweatshirt habang ang pambaba ay ang uniporme nilang jersey. Lumipat ang tingin ko sa kabilang team. Matatangkad din ang mga kalaban nila na hindi ko na ipinagtaka pa.
"Look. Ang pogi ng captain nila sa kabila," bulong sa akin ni Jandra.
I immediately checked who Jandra is talking about. The one with the Jersey #4, noong una'y nakatalikod lamang ito ngunit nang humarap ay parang nagpalpitate ang kilay ko. Tall, dark, and handsome, that face is familiar, and I seriously have no doubt! Lalo na noong nag-play sa utak ko 'yung moment na nakita ko sila ni Tyra sa kabilang palitada. Agad kong siniko si Jandra at niyugyog, nakatitig pa rin doon sa itinuro niya.
"It's him," I hissed.
"What? Who?"
"Iyong sinasabi kong nakita ko na kasama ni Tyra na lalaki. It's the team captain."
"What?!" Napalakas ang boses niya habang nalalaglag ang panga.
"Oo iyon. I can't believe he's here.." I hissed.
Hindi ba sila natatakot mabuking? To think that I saw them together before, sa tingin ko ay sapat na iyon para lang matriggered sila! Is this why Tyra is so distant sa bangko nila Mecho? And she chose the upper bleachers, rather?
Thinking about how supportive she is towards Mecho, you would probably predict that she would wipe his sweat nor hand him his water, kaya dapat ay doon siya uupo sa bangko nila.
"Tignan mo nga naman! Ang kapal ng mukha! Talagang harap-harapan. Higad ka ba?!" Sinadya ni Jandra na lakasan ang kanyang boses, pinaparinggan pa talaga si Tyra. Malapit lang si Tyra sa amin, pero nilakasan niya 'yung boses niya na parang ang layo nito sa amin.
"Jandra.." I hissed but she only scowled at me.
"Hindi na nakuntento si ate girl! Nakakadiri!" She said loudly.
"Jandra!" I hissed once again.
"Ano ka ba. Wala naman akong sinasabing pangalan. Chill."
"Just stop it," I scowled at her.
She rolled her eyes at that, nakahalukipkip siyang naupo at pinag-ekis ang dalawang binti.
Nang mag-umpisa ang laro ay talagang ang magkatunggali pa sa loob ng court ay si Mecho at iyong #4, si Maraese, na side chic ni Tyra. What a coincidence, ano kayang nararamdaman ni Tyra ngayon, I wonder?
Biglang naghiyawan ang mga tao nang natumba pareho si Mecho at iyong #4 na si Maraese. Halos mapatayo ako sa labis na pag-aalala habang nalalaglag ang panga, talagang napahawak pa ako sa dibdib ko.
"What happened?" I asked under my breath kahit wala naman akong kausap.
"OA, girl? Ayos lang naman si Mecho!" Pilyong tumawa si Jandra.
Nakalma naman ako kaagad nang natantong wala sa kanila ang nabalian. Mecho's eyes bore into me like a hawk. Hindi pa ako nakakarecover sa nangyari, I am still wearing that worried face while still standing.
Nagtaaas siya ng kilay sa akin.
He licked his lower lip and smiled mischievously. Parang nanalo sa lotto. Or more so...his smile was just...full of....emotions. It was warm yet somehow, shows his satisfaction.
Napahinga naman ako nang maluwag nang matantong ayos lang siya. Nilingon ko si Jandra.
"Teka, ladies restroom lang."
Tinanguhan niya naman ako kaagad at 'di na tinignan pa dahil abala siya sa panunuod. Muli akong sumulyap sa court at nakitang nakatingin na rin sa akin si Mecho. He was raising his brows at me like he is asking where am I going using that.
Hindi man ako sigurado roon ay itinuro ko ang labasan at sinenyasan siyang babalik din agad.
Tahimik lang ang restroom pagpasok ko dahil walang tao. I did what I have to do, pagtapos ay lumabas na sa cubicle at dumiretso sa sink upang maghugas ng kamay. My head automatically tilted when I saw someone entered the restroom.
Si Tyra.
Kakaiba ang hitsura niya nang pumasok siya, something triggering, nakakakaba na ewan. Pinagkibit balikat ko iyon ay nanatiling tahimik habang pinapatay ang gripo. Naghugas din siya nang kamay habang nakatikhim lang at nang matapos ay hinarap niya ako kaagad.
"Napakasama mo."
Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang may luhang nagsiagusan sa kanyang magkabilang pisngi.
"Talagang ipinagkalat mo pa!" Hiyaw niya. "Gusto mo talaga akong ipahiya, ano?! Bakit?! Lahat naman tao ay nagkakamali, ah?! Bakit kailangan mo pang ipagkalat?!"
"Alam mo naman palang pagkakamali iyon, bakit hindi mo pa tinigilang gawin?"
"Ang sama mo! b***h! Siguro gusto mo lang maagaw si Mecho sa akin, 'no?! Inggitera!"
It was as if she prepared for this, she acts like she already know what to do next. Kumalabog nang sobrang lakas ang puso ko.
Sasagot pa sana ako nang bigla siyang naglabas ng blade sa kanyang bulsa.
Napaatras ako sa takot. Isang beses pa lang akong nakakahakbang patalikod ay nagdilim ang kanyang mukha.
Buong akala ko'y susugurin niya ako ngunit laking gulat ko na lamang nang bigla niyang hiniwa iyon sa sarili niyang balat! Parang nagkabuhol-buhol ang lahat ng nasa isipan ko at wala, nangingibabaw sa akin ang takot pero ako ang nasasaktan bawat hiwa niya sa sariling balat!
"What are you doing?! Stop it!" Nilapitan ko siya at sinubukang pigilan, hindi siya nagpatinag at tinuloy ang p*******t sa sarili. She pushed me so I couldn't stop her, napaatras ako sa kanyang pwersa.
Tumili siya nang sobrang lakas. Hindi ko alam ang gagawin. Nabingi ako't nanghina, napaupo sa sahig nang makakita ng dugo sa aking kamay.
"Ano'ng nangyayari?!" May isang estudyanteng pumasok sa restroom. Tapos isa pa, tapos napasundan pa ng marami.
Umangat ang tingin ko sa kanila, nagpapakawala ng hangin sa nakaawang na labi habang nanlalaki ang mga mata, hindi pa rin makaget-over sa buong pangyayari.
"Sinugat niya ako!"
Tinuro ako ni Tyra habang umaagos ang dugo sa kanyang pulso. Hindi ko na inalintana ang sinabi niya, she is bleeding and her cuts are extensive, and she can still move like that? Hindi ba iyon mahapdi? Dapat ay tumitili na siya sa sakit!
"Sinugat ako ng babaeng 'yan! Huwag n'yong lalapitan 'yan!"
Nalaglag ang panga ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig. All I know is she was bleeding because she cut her self. Iyon na.
Inuna kong iangat ang aking ulo upang tignan ang mga estudyante, napasinghap din sila sa gulat, and judgement clouded their eyes on me.
Napakabilis ng mga pangyayari. I was already stunned when she cut her own skin. Hindi lang isa. Maraming beses at ikinabahala ko iyon. I cannot unsee the blood running from her cuts. At talagang nalagyan pa ako sa kamay noong sinubukan ko siyang pigilan.
But then, it was worse for me to take nang sinabi niyang ako ang may gawa noon sa kanya. Walang ibang tao rito sa restroom kun'di kaming dalawa lang...at walang ibang nakakita ng tunay na pangyayari kun'di kami lang din.
"What happened here?!" Parang kulob ang boses ni Mecho.
Nasa pintuan pa lang siya, may mga tao rin sa likuran niya. Jandra was there too, and when she saw me sitting weakly on my knees, she immediately rushed to me with all the worry on her face.
"What happened?! Oh my gosh! Blood!"
Humagulgol pa lalo si Tyra nang mamataan si Mecho.
"Mecho! Help me! She attacked me!" Pagsusumbong niya na parang bata.
Umigting ang panga ni Mecho sa narinig. Nanlisik bigla ang kanyang mga mata at ni hindi niya ako tinignan.
Alam kong nanghihina ako. Pero noong nakita kong binuhat niya si Tyra, bridal style ay parang nalagasan na akong lakas.
Seriously.
What are you thinking?
Si Tyra ang girlfriend niya, kaya malamang ay siya ang kakampihan.
Napatulo ang luha ko. Pinipilit akong itayo ni Jandra habang inaalo. I immediately hugged her while crying.
Walang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magpaliwanag pero masyado akong nanghihina para roon. She caressed my back and and comforted me.
"Shhh. Stop now. Whatever happened, I know you won't do something overboard. Hindi ka ganoon klaseng tao." Alu niya sa akin.
"What happened?" I heard Keith's voice somewhere, at isang yapak papalapit.
Inangat ni Jandra ang ulo ko at pinunasan ang luha ko. She also fixed my hair.
"Hindi ko alam, Keith," sagot ni Jandra, tunog dismayado rin. "Pwede bang dal'hin muna natin siya sa infirmary? Nahihimatay kasi 'to kapag sobrang kaba, eh."
"Of course, let's go."
Naramdaman kong may naipatong na kung ano sa balikat ko. At nang tignan ko ay isang coat iyon. Lumipat ang tingin ko kay Keith na ngayon ay wala ng suot na coat. His eyes cannot hide his concern, and his brows are wrinkling in a very modest way.
"Are you okay?" He asked softly. "Let's talk about the problem later, okay? I will listen to you."
Inalalayan nila akong dalawa ni Jandra na pumunta sa infirmary. Kusa namang pumagilid ang mga estudyanteng nakiusisa roon noong nakitang dadaan kami.
"Is it true? Sinaktan niya raw si Tyra dahil ayaw sa kanya ni Mecho."
"Talaga? Grabe naman siya."
"Inggit siguro siya kay Tyra dahil siya ang girlfriend ni Mecho ngayon."
"I heard, dikit siya nang dikit kay Mecho. Akala ko tsismis lang, ngayon parang naniniwala na ako."
I was too exhausted to even process the murmurs around. Doon ko napagtanto na kahit magpaliwanag ako ay walang maniniwala sa akin. Only the walls and mirrors at the restroom saw the truth. And I wish walls and mirrors could talk so they could defend me.
Nang makarating kami sa infirmary ay naroon din si Tyra. Dinadaluhan siya ng mga kaibigan niya samantalang nasa tabi niya si Mecho.
"Ms. Pelagio, pahingi po ng alcohol at bulak," pambungad ni Keith.
Umangat ang tingin ni Tyra sa akin at mas humagulgol sa balikat ni Mecho habang ginagamot ng isa pang nurse ang mga sugat niya sa pulso.
She cut her own self and she cries. I don't get her logic.
Umangat ang tingin ni Mecho sa akin ngunit agad akong nag-iwas ng tingin. Dinaluhan ako ni Keith na may hawak-hawak ng alcohol at cotton. He squatted, inilapag niya sa swivel chair na hinila ang dalang bulak at alcohol, tapos kinuha niya iyong kamay ko.
His soft palms made me temporarily forget the pain I am feeling.
"You also have a small cut," puna ni Keith.
Siguro nakuha ko iyon noong sinubukan kong pigilan si Tyra na hiwain ang sarili. She was too furious, and I was too preoccupied kaya siguro hindi ko na rin napansin.
"This will hurt, but hold my hand so you can go through it, okay?" Keith said.
Pinaghawak niya ang mga kamay namin namin at pinagsalikop bago dinampi ang bulak. I bit my lowet lip to contain the pain. Samantalang si Jandra naman ay pinupunasan ang mukha ko dahil may bakas pa ng mga luha roon.
Bawat dampi ni Keith sa sugat ko ay hinihipan niya iyon upang maibsan ang sakit. Nang matapos siya roon ay nilinisan niya naman ang mga dugo sa balat ko.
"We believe in you. Don't worry."
He looked up to me with oozing hopes sparkling from his beautiful eyes.
Wala sa sarili akong napatingin kay Mecho na ngayo'y nag-iigting na ang panga at matalim na nakatingin sa amin.
I hope you also believe in me no matter how worse the situation.
Pero noong nag-iwas siya ng tingin ay napagtanto kong...hindi iyon mangyayari.
Pinatawag ang mga magulang nami dahil sa nangyari. Sobrang nahihiya ako kay Papa noong katabi ko siyang nakaupo sa harap ni Mrs. Nishida. Sa harap naman namin ay ang mga magulang ni Tyra.
Halos hindi ako makatingin kay Papa dahil sa pagkahiya. He was already stressed out at work... Dumagdag pa ako. I felt guilty by the thought.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang nakayuko. Ramdam ko ang disappointment ni Papa habang nakaupo siya sa aking tabi. After all, it was the least thing that he is expecting from me. Turns out, iyon pa ang nangyari.
Tumikhim si Mrs. Nishida bilang ice breaker sa namamagitang katahimikan.
Pati ngayon, umiiyak si Tyra. Hindi ko na alam kung bakit. Sa pagkakaalam ko, nagamot na iyong sugat niya. May iba pa bang masakit sa kanya?
"Mr. Rivera, Mr. And Mrs. Busani. Magandang umaga sa inyong lahat," umpisa niya. "Ms. Busani, maaari mo bang isalaysay kung ano'ng nangyari?"
Tumigil sa Tyra sa paghikbi at nagpunas ng luha. Patuloy na hinaplos ng kanyang ina ang kanyang likod upang patahanin siya.
"I-I was just washing my hands that time...but she started throwing assumptions at me. Sabi niya...malandi raw ako, tapos bitch...tapos pinaparinggan pa po nila ako ng kaibigan niya. They bullied me." Para siyang nakakaawang tuta ngayon.
"Is that true, Ms. Rivera?" Nagtaas ng kilay si Mrs. Nishida sa akin. Pati Papa ay napatikhim.
"Tell us the truth, Isha." Wika ni Papa sa kanyang malalim na boses.
"T-Totoo po na...pinaparinggan siya. Pero hindi po totoong kung anu-ano ang binintang ko sa kanya. I came in the com—"
"Isha." Putol ni Papa sa akin. "Do not explain when they did not ask for. Answer the specific question."
Napayuko ako at napalunok.
"Sinungaling ka! Sinungaling! Sinabihan mo ako ng malandi! Huwag mo nang ideny!" Tyra said exaggeratedly.
Masyado na niyang nilalagyan ng ibang detalye ang mga pangyayari. Kung saan, kung sino pa ang nagkasala, siya pa ang may ganang umarte ng ganyan. Kung gaano kalupit ang konsensya niya ay hindi ko na rin masabi.
"Continue your story Ms. Busani," Mrs. Nishida said.
"Then nilabas niya po 'yong blade. Tapos nilapitan niya ako at doon na sinakta—"
"Kung balak kong saktan ka, hinding-hindi ko tatamuin ang sugat n—"
"Isha, stop talking. Hindi ikaw ang kinakausap," Papa said.
"Ms. Rivera, is it true that you have a blade with you? Bawal iyon dito sa school, ah?" Akusa ni Mrs. Nishida.
"That wasn't mine po. And I didn't own any blades nor take one inside the school before." Pormal kong paliwanag.
"Mawalang galang na, Mrs. Nishida. But can we check the blade you're talking about? If it is true that my daughter did all of this, I will let you punish her. But I won't let you do that without any evidence o kahit ano'ng makapagpapatunay na nagkasala ang anak ko." Mariin na sinabi ni Papa.
"Evidence, you say? Hindi pa ba sapat na sugat-sugat na ang kamay ng anak namin?!" Sabat ng Mommy ni Tyra.
"I am a police officer, Ma'am. Even the deaths of people needs to get investigated before confirming if it's suicide or homicide. Hindi ako biased. Sa batas, hindi pwedeng ikulong ang isang tao kung wala kang naipapakitang ebidensya." Paliwanag ni Papa.
"Pasalamat nga kayo at hindi ko sinampahan ng kaso ang anak mo!" Tyra's Dad said.
"Are you saying that there is another scenario here? Na ang anak ko ay may posibilidad na saktan ang sarili niya? That's absurd!" Tyra's Mom.
She already did. Gusto kong sabihin iyon ngunit hindi ko na ginawa pa.
"I hope you understand, Mr. and Mrs. Busani, but if you are going to file a case against my daughter. You better be sure that you are on the right track." Papa said. "Mrs. Nishida. The blade, please?"
"Kasalukuyan ng dadalhin dito ang ginamit na blade, Mr. Rivera." Mrs. Nishida said.
Tumikhim si Papa. "Whoever fingerprint's on that blade, is the true abuser. Is that fair enough?"
"Pinagdududahan ni'yo ba ako?!" Tyra shamelessly shouted at my Papa.
"No, little girl. That is called being fair. I am the policeman here. You have nothing to say against this."