Chapter 5

2839 Words
____________________Chapter E Parang tumigil ang oras noon dahil nagkatanginan pa kami bigla ni Tyra. She was smiling when she looked at my way, pero unti-unti ring naglaho nang makita niya ako. I think she was triggered by seeing me wide eyed while watching them. Tapos may ibinulong siya sa lalaking kasama, at pagkatapos ay mabilis silang umalis, hindi man lang lumilingon pa pabalik. "Hoy! Seryoso ka?!" Pahiyaw na sinabi ni Jandra nang i-kwento ko sa kanya ang nangyari. Mabilis ko namang tinakpan ang kanyang bunganga. I didn't like to share it, but I was too bothered to keep it. Kagabi nga, hindi ako nakatulog! Alam ba 'yon ni Mecho? Na nitu-two time na siya ng girlfriend niya? "Pucha, hindot talaga 'yung Tyra na 'yun," reklamo ni Jandra. Mukhang mas gigil pa siya kaysa sa akin. "Please sabihin mo sa aking mas gwapo si Mecho kesa sa side chic niya." Napaisip naman ako. The man she's with was tall, dark, and handsome. Halos typical hot guy in high school ang dating, pero kahit naman ganoon, mas malakas pa rin para sa akin ang dating ni Mecho. "Tea 'yan. Pwede ka ng makabawi, sis!" Niyugyog niya ako. "Spill it already! Pinahiya ka rin niya noon sa internet kaya bawian mo!" "Pwede ba? Hindi mahalaga sa akin 'yung pagchicheat niya..." May isa lang akong inaalala. Si Mecho. Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niya? How does it feel like to be even cheated on? Siguro masakit? Malamang masakit! Pero para kaya kay Mecho? Masasaktan ba siya kapag nalaman niya? "Keith, sabihin na nating...girlfriend mo ako," wala sa sarili kong sinabi. Gumagawa ako ng sariling scenario sa utak ko para lang maipaintindi kay Keith ang ninanais kong sabihin. We are currently eating lunch together sa office nila. Inaya niya ako kanina at hindi na ako nakatanggi pa. Idagdag mo pa si Jandra na may bago na namang kalandian kaya wala akong kasamang kakain kung sakali. "Uh-huh. Then?" He nonchalantly answered, he continued eating though. "Then, I cheated on you. Nalaman mo iyon. Magagalit ka ba?" "I won't." "Huh? Bakit?" His bored eyes landed on my face. Mataman niya lang ako tinitigan. It is so obvious that this topic bores him, pero kailangan ko talaga nga advice kaya hindi ko na na-consider pa 'yon. "Iba ang galit sa nasasaktan. If you ask me, and act like myself. I would definitely get hurt, pero nasa akin na iyon kung paano ko tatanggapin. If you know the person is short-tempered, then there is a possibility that they'll cope up with physical attacks or violent words." Hala! Madali pa namang mairita si Mecho! Baka sapakin niya si Tyra? Mygosh! "And one factor to consider is...if you really love the person. For example, you cheated on me...." Umangat ang tingin niya sa akin. Namungay ang kanyang mga mata, habang ako'y nag-iinit na ang mukha. Iba ang impact ng mga salita niya. For a moment, I felt intimidated and awkward. "And I love you so much." Napalunok ako roon. Syempre for example lang daw, chill. "I would obviously get hurt a lot...knowing that you can be with somebody else when I am around." Mahal kaya ni Mecho si Tyra? Doble sakit kapag mahal niya. Ano ba 'yan. Parang ako pa ang nasasaktan habang iniisip. "Finish your food first. If you are willing to solve your own dilemma, eat first for a healthy thinking." Keith seemed so calm about everything. I wonder what he looks like when he gets angry? O kaya nagtatampo? Paano kaya siya maging boyfriend? Is he sweet? "How about you?" Basag bigla ni Keith sa katahimikan. Parang pinag-isipan niya muna bago niya ako tanungin. "Ipagpalagay nating...boyfriend mo ako. And I cheated on you." Sus, kunwari pa. Pwede namang totohanin na lang. Joke. "How would you feel?" Tumingin sa sa mga mata ko. "Pareho lang tayo. Syempre masasaktan din." Umangat ang isang gilid ng kanyang labi. "How about this? Paano kung si Mecho ang boyfriend mo?" Ngumuso ako. "Kung mahal ko siya, masasaktan talaga ako." "What if...ikaw ang nag-cheat?" Hirit niya pa. "Huh? Ba't naman ako magchi-cheat? At kanino naman?" Natawa ako. Siguro kung kasing gwapo ni Keith o Mecho ang boyfriend ko, hindi na ako magchicheat. Both of them are easy to fall for. Parehong malakas ang dating at may kanya-kanyang uri ng karisma. Though, it's a really vague understanding towards Mecho's side dahil hindi ko pa makita sa kanya ang pagiging boyfriend material. Or have he been in a serious relationship in the past? I don't think so... "Sabihin na nating...kayo ni Mecho ngayon. Are you willing to cheat?" "H-Ha?" I awkwardly smiled, hindi na makakapa ng isasagot. Kung madaling tanong o scenario lang 'yon, masasagot ko 'yun agad. "If that happens...please cheat with me." Parang nagsiakyatan ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. Nangangamatis na siguro ako sa harapan niya at talagang kitang-kita niya iyon, kung sakali! Itinawa ko ang nararamdaman. "Nagjo-joke ka ba?" Hindi ko alam na gan'to pala mag-joke ang mga matatalino. Or that is what I chose to believe. I don't even know why I'm denying this to myself. Dapat nga gustong-gusto ko 'di ba? Si Keith na 'yan, oh! He tilted his head. "If that's what you think, then it is a joke." Grabe, habang tumatagal ay mas hinahangaan ko si Keith. He is a calm person. Smart and very sophisticated. Low profiled pero nangingibabaw pa rin. Iyong tipong hindi naman papansin pero napapansin pa rin. Kaya ko nga siya nagustuhan. Hindi ko pa man alam kung ano'ng klase siya ng tao noon, hanggang-hanga na ako kaagad sa kanya. Matagal ko na rin siyang napapansin dito sa school. Lagi nga lang siyang nasa star section noong junior high school kaya never ko siyang naging kaklase. Ako kasi, kung hindi B, ay section C naman. Kadalasan kasi akong nagkakasakit sa qualifying exams. Siguro hindi pa kami nakatadhanang magkakilala noon. At least ngayon, may usad na ang level ng pagkakakilala ko sa kanya, tapos nakakausap ko na rin siya. I am still considered lucky in my case. Hindi kaya lahat napapansin ng crush nila! "Okay, so, class, I am giving you another assignment." It is currently our contemporary arts subject, second period sa umaga. Humihikab pa kami pareho ni Jandra habang nakikinig kay Mrs. Espiritu, ang aming teacher sa subject na ito. "Each one of you should submit a nice photography shot to me. Since it is the contemporary arts, and to be more challenging and exciting, dapat ay tao ang subject ni'yo— specifically speaking, hindi dapat mangagaling sa section niyo." Biglang umingay ang buong classroom dahil doon. Pati si Jandra ay nage-enumerate na agad ng pagpipilian kung sino ang gagawin niyang model. The whole classroom if filled with random murmurs, siguro'y na-intriga sila agad kung sino ang kukuning model. "Hala! Maganda gawing model si Yeji or Duval. Parehong pogi!" Aniya. I rolled my eyes at her. Pinalo ng aming teacher ang table dahilan upang magsitigil ang mga kaklase ko sa pag-iingay, so as Jandra na napahalukipkip na lamang. I "And lastly. The theme that I would like you to show in your pictures is 'summer'. The deadline will be on Friday after our period. I won't accept edited pictures! I need it raw. Get it?" Summer? May naisip na ako kaagad na gagawin pero hindi ko alam kung sino. Mas lalo pa akong nahirapang mag-isip nang hindi nga pala pwedeng ka-section or strand namin ang kukuning model. "May nakuha ka ng model?" Tanong ni Jandra sa akin. She was so excited that she kept on talking about it all day. Umiling ako. "Wala akong maisip." "Eh si Keith? Mecho? Kyle?" Pilyo siyang tumawa at hinampas ako sa balikat. "Ang dami mong choice, girl!" Oo nga, 'no? Pero sino sa kanila? Hindi ko rin kasi gustong kuhanin ang hindi ko ka-close o kakilala man lang. Bihira lang kasi ang nakaka-interact ko sa buong Grade 12. I am okay with the idea, though, kaya suaubukan ko kung sino ang okay sa kanilang tatlo. Sino ba ang uunahin kong tanungin? I texted Keith first. Then Kyle... Me to Keith: Keith. Are you free anytime this week? Me to Kyle: Hi. You free anytime this week? Kasalukuyan pa akong nakikipagtalo sa isipan ko kung ute-text ko na rin ba kaagad si Mecho mang may magtext sa akin. Akala ko ay nagreply na si Keith, pero si Mecho pala iyong nag-text. Mecho: Ang daming nagtatanong sa akin kung gusto kong maging model nila. May project kayo sa Contempo? I typed a reply like the usual. Me: Yup. May nag-text ulit pero galing kay Keuth iyon. I immediately opened his message. Half of me is hoping that he's free and agree. Keith: Sorry. We are pretty busy at the sc office. I'll make it up to you next week, okay? : ) Napasundan iyon ng text ni Kyle. Kyle: Let me guess. You'll ask me to be your model? :D Me: Oo sana. Haha. Kyle: Sorry, haha. Akala ko kasi 'di mo ako tatanungin kaya tinanggap ko iyong isa mong kaklase. I'm really sorry : ( Me: Okay lang, 'no ka ba? Napanguso ako at agad ding nagtipa ng mensahe para kay Keith. Ngayon ko lang naalala na student council pala siya, nakakakonsensya namang makihati pa sa oras niya. Me to Keith: Okay lang! Good luck! That leaves one person left. Apparently, pumayag si Mecho na siya na lang ang gawin kong model. Nagplano na kami kung kailan kami nagp-photoshoot. Tiyaka ang location na rin. He was quite attentive about it, though. He insisted about everything kaya hindi na rin ako nahirapan pang i-prepare ang sarili, para ngang siya na ang may project, eh, hindi na ako. "We have a problem," bungad ko sa kanya nang nasa rooftop na kami ng school. Sa building ng seniors. Nakasandal lamang siya sa railing ng rooftop, habang ang siko ay nakapatong at ang isang kamay ay hawak-hawak ang cellphone. Nang makita niya ako ay ibinulsa niya agad iyon at lumapit. "What?" "My phone's camera. Kahit walang filter magmumukhang edited." Ngumuso ako. He raised a brow at me. "Let's use my phone, then." Lumipat ang aking mga mata sa kanya. "Okay ang?" Umangat ang isang gilid ng kanyang labi. Showing the mischievous facade again. "Syempre basta ikaw." I bit my lower lip to contain my smile. Tumagilid ang ulo ko at kunwari'y tiningala na lamang ang langit. Agad kong napuna ang araw. "Maaraw. Maganda ito para sa theme. Mag-umpisa na tayo." "Okay." Nagkibit siya ng balikat, he is really prepared for this. I borrowed his cellphone. Noong una ay pinasandal ko siya sa railings at kinuhanan. He just obliged nonchalantly. "Should I smile?" Tumango ako sa kanya. Sinunod niya lahat ng sinabi kong poses, tapos tinignan namin iyon at sinuri. "Ang baduy naman ng theme mo. That is not even 'summer'." Hindi ko alam kung nanlalait lang siya o totoong baduy iyong ginawa ko sa theme. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba dapat?" Ngumisi siya sa akin. He deleted all the pictures I took and gave me back his cellphone. Pagkatapos ay nagtanggal siya ng coat. Pinanuod ko lang siya sa kanyang ginawa. "H-hoy! Ano'ng ginagawa mo?!" I panicked. Ihinulog niya sa sahig ang kanyang kulay asul na coat at tinanggal ang hindi nakataling tie. Tapos inumpisahan niya ng kalasin ang butones ng kanyang polo. "H-Hoy! Ba't ka n-naghuhubad?!" "Summer nga, 'di ba?" Mataman niyang paliwanag. Huli na at natameme na ako agad nang walang kahirap-hirap niyang ibinukas ang polo niya. Showing his perfect upper body with the right cuts of muscles. Malalim ang v-line niya at shit...may abs siya pero.. Nag-iwas agad ako ng tingin. Napalunok. "Ano na? Susunugin mo ba katawan ko?" He snapped. "Take the picture already." Sinimangutan ko siya kahit ramdam kong nag-aapoy na ang aking mukha sa pamumula. Unang ginawa niya ay sumandal sa railing habang ang dalawang siko ay nakasuporta sa kanya. Mayroon pa noong nagkagat siya ng labi habang nakahawak sa kanyang buhok. He knows what he's doing, mukhang hindi ko na kailangang diktahan pa siya. I was uncomfortable, alright? Baka mamaya mag-ulit na naman kami. "Teka. Tignan mo muna kung mganda ba," nilapitan ko siya. Nakita ko namang may hinugot siyang panyo sa kanyang bulsa. Buong akala ko ay ipupunas niya iyon sa sarili niya dahil kumikislap na ang pawis sa kanyang katawan, ngunit nagulat ako nang idinampi niya iyon sa mukha ko. Napakurap-kurap ako at parang nakukuryente sa bawat dampi niya ng panyo. Iyong amoy ng panyo niya, iyong perfume ulit na mamahalin gaya noong unang lapit ko sa kanya. Ang bango. Seryoso lamang siya sa ginagawa kaya itinikom ko na lamang ang bibig ko at kunwari ay hindi naaapektuhan sa kanyang ginagawa. Sasabihin ko ba ang tungkol sa girlfriend niya? Huwag na lang muna siguro. Baka masira pa mood niya. Nang matapos niyang punasan ang mukha ko ay ipinunas niya rin sa mukha niya ang panyo. Nalaglag ang aking panga. Hindi man lang niya binaliktad, rekta punas agad siya sa panyo! E'di naghalo na ang pawis naming dalawa roon? O 'di kaya'y lumipat ang pawis ko sa kanya? Pagtapos niyang punasan ang mukha ay ang katawan niya naman. Nang matapos ay pareho naming dinungaw ang mga kuha ko at hindi pa rin niya nagustuhan iyong iba! Out of 15 nice shots (or so I thought). Nidelete niya iyong sampu! Kaya kinailangan naming umulit muli dahil sa kaartehan niya. The next set of pictures went out better, though. At pareho naming nagustuhan iyon. "Do you like it?" He asked, nagpupunas ulit ng pawis. Mas lumapit siya sa akin habang binibigyan namin ng final look ang mga litrato. Tumango ako sa kanya. "Okay na 'to." "Wait, this pose seemed too overrated. Let's change it," he swiped the last two photos, iyong nakatagilid ang kanyang ulo habang nakasandal sa railing. "Ano namang ipapalit natin diyan?" Nagtaas ako ng kilay. "Hmmm. What if nakahiga naman ako?" Napatango ako, nagustuhan din ang idea. "Try natin." Huli na nang mapagtanto ko na mas awkward ito. I am wearing a skirt, kaya naupo ako para mas kumportable ako. He chuckled upon realizing how uncomfortable I was. He tapped his stomach. "Dito ka umupo, the vision is better." Nalukot ang noo ko. "Hindi na, it'll work this way." Kahit saang anggulo naman ay okay kay Mecho, kaya walang problema kahit saan ako pumwesto. He groaned at 'saka umirap, "Ako lang ba ang papahirapan mo dito?" "Arte mo, ha! Just let me take the picture and we're done." "Sit on my stomach. Magaling ka pa sa akin, eh." "Ako ang photographer, kaya ako ang masusunod." I fired. "Stop being shy and just sit my stomach, damn it!" "Bakit ka galit?" Ngumuso ako. "Hindi ako galit," nag-iwas siya ng tingin. "Hinding-hindi ako magagalit sa'yo." Kaya naman noong ipinasa ko kay Mrs. Tomenes iyon ay kulang na lang tumalon siya sa tuwa! "Paano mo nakumbinsi si Mecho, hija? Pagkakaalam ko hindi raw siya interesado? Karamihan kasi sa classmates mo ay inaya rin siya." Gulat niyang sinabi. Lumipad naman ng tingin ko sa pintuan nang makitang may pumasok doon. I saw Keith holding a white folder in his hand. He greeted the teachers inside. Dumaplis ang tingin niya sa akin at nagpunta sa gawi namin, dumiretso siya sa tabing table ni Mrs. Tomenes. Mayroon yata siyang papapirmahan. "Maganda ito, ha?" Manghang sinabi pa ni Ma'am kaya lumipat ang tingin ko sa kanya. It was the photo of Mecho na nakahawi ang buhok habang nakatagilid ang ulo. Sobrang na-highlight ang kanyang jawline doon, idagdag mo pa ang naglabasang muscles sa kanyang braso habang nakahawi ang buhok. "Nagustuhan niya rin po iyan." I smiled. Sa hindi malamang dahilan, napatingin ako sa gawi ni Keith. His jaw moved but his eyes were on the teacher he is attending to. "At talagang pumayag siyang maghubad! Pinaghubad mo ba?" Natatawang usisa ni Mrs. Tomenes. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. She was so blunt but I have another concern. Baka iba ang isipin ng mga nakakarinig...lalo na't puro teachers ang narito...pati na rin si Keith. Besides, Mecho insisted on that topless shots, kaya nga raw summer. Bumalik ang tingin ko kay Keith at nakitang nakatingin na rin siya sa amin. Ni hindi man lang siya nag-abalang mag-iwas nang tingin nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin. "S-Siya po ang n-naghubad.." paliwanag ko pero kay Keith ako nakatingin. Namungaw ang mga mata niya at parang nagpalpitate ang kilay. I saw him sighed and looked away dahil may tinanong sa kanya. "Anyways. I like this. Can I sell it though?" Biro ni Mrs. Tomenes. I smiled awkwardly. Gusto ko pa sanang lingunin si Keith ngunit natatakot na ako. Napanguso na lamang ako sa sarili at inabalang makinig kay Mrs. Tomenes. "Biro lang. Good job, Ms. Rivera. Good choice sa kinuha mong modelo, kahit hindi maganda ang shot at maganda na ang view," hirit niya pa at humagikgik. Lilingunin ko pa sana si Keith, ngunit nakarinig na ako ng pagsara ng pinto. At nang dumapo ang mga mata ko sa dati niyang pwesto ay wala na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD