____________________Chapter D
Pareho kaming napalingon ni Kyle sa entrance ng gym nang may marinig kaming dribble ulit ng bola at may mga yapak ulit na papalapit.
Baka may training ulit ang varsity ngayon, at nakumpirma ko iyon nang mamataan ko kaagad sina Yeji at Duval. Sa likod ay kasama nila si Mecho na nakaakbay sa girlfriend.
"Uy! Coronado! Naparito ka?" Anang isang teammate nila.
"I met her here," turo niya sa akin. Even his voice is calm while explaining.
Tinanguhan siya noong teammate. "Balik ka, ha?"
"Sure."
Sinundan ko ng tingin iyong girlfriend ni Mecho nang maupo ulit iyon sa bleachers, hindi kalayuan sa amin. Samantalang sila Mecho ay nags-stretching na.
"Go, babe!"
Umirap ako. Hindi pa nga nag-uumpisa, tumitili na naman.
Bumalik ang tingin ko sa court. Hinintay matapos ang warmups nila at nag-umpisa ng maglaro kalaban ang isa't-isa.
"Nice babe!"
"Hindi ka ba naiinggit?" Sinulyapan ko si Kyle na tahimik lang na nanonuod.
"Ba't ako maiinggit, mas ayos nga ito dahil hindi ako napapagod."
"Kung sa bagay," sinabi ko na lang.
Nakarinig ulit ako ng tili galing sa girlfriend ni Mecho, kaya pumilig ang aking ulo pabalik sa court. Mecho just had a three point shot. And his girlfriend seemed so proud.
Sinulyapan niya ako bigla kaya napaiwas ako ng tingin.
Mecho and I were always talking through video call. Kagabi, tapos nagte-text pa siya sa akin. Seeing him with his girlfriend today felt so wrong for me. Parang...hindi maganda tignan na kinakausap ko siya..or ako lang ang nag-iisip ng ganito?
Maya-maya pa'y lumipad ang bola sa pagitan namin ni Kyle. Baka natamaan pa ako kung 'di lang ako itinulak ni Kyle nang bahagya. Sumimangot ako at hinanap agad kung kanino galing iyon.
"Ay sorry, 'di ko sinasadya."
Tamad na pinulot ni Mecho ang bola na gumulgulong.
"It's okay, dude." Kyle countered.
"Hindi ikaw ang kausap ko," sinulyapan niya ako at matalim na tinignan. His eyes were filled with dark stuffs...like disappointment and sulk. "Sorry sabi ko."
Wala sa sarili akong tumango sa kanya, pagtapos ay tumakbo na siya pabalik upang maglaro.
Parang may sariling pag-iisip ang mga galaw ko dahil otomatiko akong napatingin sa gawi ng girlfriend niya at naabutan na naman itong matalim na nakatingin sa akin.
Tingin pa lang niya, alam ko na agad kung ano ang nararamdaman niya sa akin.
Napaisip din ako. Siguro nga tama si Kyle kanina. It is not my fault, though. I think the instances were not made by me, but by him. Hindi ko naman siya sinisisi. Pero aware naman siguro si Mecho sa ginagawa niya, 'di ba?
May girlfriend siya. So, kung hindi pakikipag-flirt ang ginagawa niya sa akin, ano?
Why am I overthinking about this, seriously? I don't even know how Mecho thinks about this. I mean, siguro natural na sa kanya ang pagf-flirt? Or makipagharutan sa mga babae?
Ewan ko kung ba't ako biglang nainis noong maisip na may iba pa siyang kausap kapag ako ang kausap niya.
"Well, well.."
Uwian namin iyon, isang hapon, hinarang ako ng grupo nila Tyra— iyong girlfriend ni Mecho. Ngayon ko lang din nalaman ang pangalan niya.
Napatigil ako sa paglalakad habang yakap-yakap ang librong ibabalik ko na sana sa library kung hindi lang sila nakaharang ng dalawa niya pang kasama sa daraanan ko.
"Higad ka ba? Bakit panay ang dikit mo kay Mecho?" Panimula ni Tyra.
"Saan mo nakuha iyan? Sa mga tsismis?" I nonchalantly answered.
Umismid ang isa sa mga kasama niya. Junior high pa lang, halata sa uniform.
"Nakikita kaya namin!" She pointed out.
"Palagi pa raw kayong magka-text?" Gatong pa noong isa.
"We're friends."
"Friends? Pero ikaw ang bukambibig? Mas madalas ka pang ka-text kaysa sa akin na GIRLFRIEND niya?" Wika ni Tyra at humalukipkip.
Oh. So, how often do we even tezt each other? Mecho and I are texting kapag free time lang, or kapag naiisipan kong replyan siya, and mas madalas? Don't talk at all? Ewan ko kung bakit natatawa ako roon.
"Huwag ako ang kausapin mo."
"Ikaw ang dapat kausapin dahil malandi ka! Hinaharot mo kasi, eh!"
"I would not take that assumption," humakbang ako ngunit hinarang niya ako. "Step aside. The library will close soon."
"Delete my boyfriend's number. Kailangan nakikita ko," she demanded.
I sighed and was on my last nerve. Nakakasakal ang aura niya, hindi na nga welcoming eh. Inilabas ko ang cellphone at ipinakita sa kanya kung paano ko idelete ang number ni Mecho.
"But you know," mataman ko siyang tinignan. "This won't work. Unless you ask Mecho to delete my number."
Umismid siya na parang nakarinig lang ng katawa-tawa sa sinabi ko. "Ano'ng tingin mo sa sarili mo? Habulin?"
Nagkibit balikat ako. "Bahala ka. Basta ako. Nadelete na number niya. I hope you're at peace now. Besides, me and your boyfriend talking, is out of my control. Si Mecho ang kausapin mo."
Pinaraan na nila ako pagtapos noon. Kaya nama'y humakbang na ako pataas papapuntang library uoang ibalik na ang librong hiniram para makuha na pabalik ang aking school ID.
Pabalik na ako noong nag-vibrate ang cellphone ko.
Unregistered: I miss you.
Me: Who are you? :)
Matagal bago siya nakapagreply at hindi ko alam kung bakit hinihintay ko pa iyon. I am pretty sure my reply is kind of offending to him, but I know this is Mecho.
I sighed when I didn't receive any.
I smiled by myself. Maybe he already realized that flirting with another woman is not good while you're currently in a relationship with someone.
Nakauwi na kami ni Jandra noon, kakaalis lang din ni Papa para sa duty niya nang mag-beep muli ang cellphone ko. Ang mabilis kong pagdampot at pagbukas noon ay puno ng pagkasabik na hindi ko alam kung saan nanggagaling at kung bakit.
Unknown: I'm outside your house.
Napakurap-kurap ako at mabilis na sumilip sa bintana namin.
Oh my gosh, Mecho is really outside our house! He is currently wearing a white sweatshirt, black sweatpants, and a freaking tri-strap slippers but he still looks so good! Sa kanyang likod ay ang kanilang kotse, at kasalukuyan iyong pinagtitinginan ng mga taong dumadaan.
Napaface palm ako. Mai-issue pa naman ang mga tao rito sa amin!
I saw him typed a message on his large cellphone. Inabangan ko agad ang sasabihin niya.
Unknown: Labas na, nilalamok ako rito.
Nilalamok daw, e balot na balot nga siya eh? Ganunpaman, lumabas pa rin ako at pinagbuksan siya. Pinanliitan ko siya kaagad ng mga mata. Samantalang siya naman ay humalukipkip at mataman akong tinignan.
"May tinatago ka ba riyan sa loob? Ang tagal mo," reklamo niya at inirapan ako.
"What are you doing here, huh? Maggagabi na kaya." Humawak ako sa hamba ng aming gate.
"So what kung maggagabi na? Pupuntahan kita kung kailan ko gusto," he said it like I couldn't do something about that.
"So, bakit ka nga nagpunta ngayon? May kailangan ka ba?"
He licked his lower lip and looked sideways, giving me a sight of his sharp jawline.
"Makikikain."
"Sa amin? Wala kaming ulam!" Pagdadahilan ko kahit nakapagluto na si Papa kanina ng kare-kare.
"E'di bumili tayo ng ulam," he rolled his eyes.
"Ayoko."
"Ang arte mo naman," he leaned his upper body forward, pinag-lebel niya ang aming mga mukha. "Hindi ka na pwedeng tumanggi dahil may dala na ako riyan."
"Teka nga, bakit ba nagpupumilit ka rito sa amin? I'm sure mas masasarap pa ang pagkain sa bahay ni'yo."
"Masarap nga, wala ka naman doon," he murmured.
"Ano'ng kamo?"
"Wala. Ano papapasukin mo ba ako?"
Pinakita niya sa akin ang kamay na may bukol ng kagat ng lamok. Natawa ako.
"Kinakagat na ako ng lamok. Never in my life that I was bitten by a mosquito. Nagsakripisyo akong magpakagat para lang—"
"Oo na! Pasok na nga!"
Ngumisi siya at tumalikod. Kinatok niya ang kanyang driver at agad namang may lumabas na paper bag mula sa loob ng kanilang kotse. Sinundan niya akong pumasok sa loob ng bahay namin na hindi naman ganoon kalakihan.
"Your house is cozy and nice. Pwede ba akong makitira rito?" Biro niya sa likuran ko.
"Ilapag mo lang iyan dito," I tapped the dining table with only two chairs under. Dumiretso ako sa ref upang iahon ang babasaging pitsel doon at salinan siya ng tubig na iinumin.
"Ano iyan?" I offered him the glass of water at bumaba ang tingin sa dalang paper bag na kulay puti.
I saw his jaw tightened and accepted the glass of water. I just did that out of hospitality, ganoon kasi ang ginagawa ni Papa, though I don't really know if he is thirsty, ininom niya pa rin naman.
"Tignan mo na lang," he looked away.
Napanguso ako at sinunod na lamang ang sinabi niya.
"Korean foods itong mga ito, ah?" Natuwa ako sa nakita at sinulyapan siya habang kumikislap ang mga mata.
Ibinaba niya ang basong ininuman at inilapag sa lamesa iyon. Nakalahati niya 'yun, I smiled upon realizing he must've been thirsty. "Sabihin mo. 'Thank you, baby'."
Tumawa ako at umiling. "Thank you."
"Asan 'yung baby?" Reklamo niya pa.
Nagkibit balikat ako at inumpisahan ko na ring iayos ang mga pinamili niyang pagkain sa lamesa. Mayroon pa talagang hot and spicy beef broth, rice cake soup, steamed dumplings, cold noodles, at mayroong pang iba!
Iniwan niya ako rito sa kusina at naglibot-libot siguro sa living area. Hinayaan ko na lang siya at inihanda na lamang ang kakainin namin.
Should I also serve Papa's kare-kare? Aish, bahala na nga. Looking at these foods, galing pa sa Chosun Galbee! Ang mahal doon, ah? Kay Jandra ko 'yun nalaman, eh. Lagi siya roon kasama ang iba niyang pinsan.
Sinundan ko siya sa sala noong natapos ako sa ginagawa at naabutan ko naman siyang nakapamulsa habang iniisa-isang tinitignan ang mga picture frames na nakadikit sa pader.
"Ikaw ba 'to?" He pointed at the childhood picture I have. I was in elementary school on my uniform.
"Oo," natatawa kong pag-amin.
"Ganda mo."
"Alam ko," biro ko pabalik kahit medyo nailang ako roon sa sinabi niya.
"May baby pictures ka ba?" He asked at agad pinasundan. "Patingin."
"Wala," pagsisinungaling ko.
"Come on," hinarap niya na ako.
He is currently smirking, crossing his arms, flexing his biceps and veins on his arms.
"Kumain na nga lang tayo," tinalikuran ko na siya at bumalik sa kusina.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin, hindi na rin ako nakarinig ng reklamo galing sa kanya at panatay din kaming kumain. Mukhang gutom din siya, eh. No wonder he bought so many foods.
The next day, kung hindi ako tinitext ni Mecho, ay pinupuntahan niya naman ako sa classroom namin. Either morning break or lunch, or even dismissal. That went on for the whole week and I am near on expecting for his girlfriend to confront me again.
Pero hindi na iyon nangyari pa. And I thought, that is too good to be true.
"So, kumusta na kayo papi Mecho?" Jandra asked.
Panibagong araw na naman at kay aga-aga iyan ang bungad niya sa akin. Akala ko pa naman inis siya kay Mecho. Sa una lang pala.
"Nanliligaw ba iyon?" Dagdag niya pa.
"Bakit naman niya ako liligawan? May girlfriend siya..." I felt a slight sting in my heart upon admitting that.
"Ang pangit naman ng girlfriend niya! Mas maganda ka pa roon, 'no!"
"Jandra.." suway ko.
Nagkibit balikat siya. "If I know, tyumityempo na lang si Mecho. Hindi siya makakapanligaw kung may sabit pa— iyong girlfriend. Siguro kung wala iyong girlfriend, niligawan ka na noon."
I rolled my eyes, naghalumbaba na lamang at tumingin sa harapan.
"Paano na iyan? Hinahanap ka pa naman sa akin ni Keith noong isang araw." Humalakhak siya.
Parang nagpantig ang pandinig ko sa sinabi ni Jandra. Agad ko siyang nilingon, she was smiling ear to ear, as if she already expected me to do the shocked reaction.
"Talaga? Bakit daw?" Kumislap ang mga mata ko.
"Malay ko. Pero sabi niya naman hindi ka na niya masyadong nakikita o nakakasalubong sa corridor. Baka nami-miss ka?" Tumawa siya.
"I hope that's true," hindi ko na rin napigilang ngumiti.
"Sus! So may dalawa ka nang papi?" Ngumisi siya at madramang pinadyak ang paa sa sahig. Her heel clicked against the tile. "Naaapakan ko na ba ang buhok mo? Ay, teka! Hindi lang pala dalawa. Meron pa si Kyle. So tatlo na? Wow!"
"Tumahimik ka nga."
"Pahinga naman ng isa. Or you should ask Mecho na ireto ako sa kaibigan niyang. Iyong chinito na maputi?"
"Si Yeji."
"Oo iyon! Si Yeji! Or pwede namang 'yung isa na lang na mukhang masungit na sobrang tangkad."
"Si Duval," nilingon ko siya.
"Baka naman. Hehe."
"Ba't ako? Ikaw na ang kumausap kay Mecho kung gusto mo."
Buong araw niya akong kinulit tungkol doon at panay ang tanggi ko. Nakakahiya kaya, 'no! Baka iba pa ang isipin ni Mecho sa akin. Though, I know Jandra has her ways. Hindi kagaya ko, marami siyang kakilala. She can ask those friends she have, or she can directly ask Mecho. Hindi naman siguro siya natatakot kay Mecho, 'di ba?
"May humahanap sa'yo."
Pagsapit ng hapon, katatapos lamang ng aming huling period ay nilapitan na naman ako ni Jandra. Pilyo siyang nakangiti sa akin habang inginunguso ang pintuan namin.
Nang lumipat ang tingin ko roon ay naabutan ko si Keith na nakasandal sa pader habang nakapamulsa't nakapikit. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at galak.
Hala!
"Huwag mo na akong hintaying umuwi kung ganoon," ngumisi siya. "May papi naman na palang nag-aantay sa'yo."
"Malay mo may sasabihin lang," I hissed kahit napapangiti na rin.
"Tanga, puntahan mo na lang. Pustahan ihahatid ka niyan pauwi."
Nginusuan ko siya at 'saka agad na nilapitan si Keith. Maging iyong ibang mga kaklase namin ay napapatingin na rin sa pintuan, pati sa akin ay nakasunod ang mga mata.
"Hello!" Masigla kong bati, dahilan upang umayos siya ng tayo at magmulat ng mga mata.
Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. His aura stings like a busy person, he is oozing with so much emotions going on. Parang ang dami niyang tinapos ngayong araw.
"Are you done?" His eyes scanned our classroom and immediately drifted back at me.
"Ha? Oo. Uwian na namin. Bakit?"
"Let's go?"
"Ha?" Nag-init ang pisngi ko, gustong kumpirmahin kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Let's go home...together."
"Sana all!" Rinig kong hiyaw ni Jandra sa loob. I shot her a glare immediately and smiled to turn to Keith.
"S-Sige. Kukunin ko lang iyong mga gamit ko."
"Okay."
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad sa hindi mataong corridor. Bilang na lang ang mga estudyante ngayon, may mga wala na kasing subject sa last period at may mas maagang magpauwi na mga guro.
"How are you?" He asked suddenly.
He was silent and I guess he like it more that way, kaya hinayaan kong siya na ang mag-umpisang magsalita.
"Ayos lang. Ikaw?" And why do I feel awkward suddenly?
Nang makarating kami sa gilid ng kalsada ay agad siyang pumagitna sa akin at ng kalsada. Wow, manners.
"Ayos lang din. Gusto mong kumain?" He asked.
"Nako! Huwag na!" Pagtanggi ko. Gusto ko sana, pero nakakailang iyon. Besides, he looked stressed, hindi 'yun naitatago sa kanyang mukha kaya mas pinili kong tumanggi. Ipahinga niya na lang 'yung oras niya.
"Okay." Hindi niya na rin ako pinilit.
Katahimikan ulit. Naglalaro sa pandinig ko ang ugong ng mga sasakyan sa paligid at ang mga ligaw na boses ng mga taong nakakasalubong namin. Damn. Ang tahimik. Mas lalo tuloy akong naiilang.
"Keith?"
Sabay kaming napalingon ni Keith sa tumawag galing sa likuran namin. Isang babae, nakangisi habang papalapit. Based on her uniform, galing siya sa ibang eskwelahan.
"Hello. You are?" Keith politely asked. Pareho rin naming itinigil ang paglalakad.
"Hindi mo ba ako naaalala? We attended the same essay contest! And we also met on some leadership trainings!" She said cheerfully.
"Oh. I don't remember anything. I'm sorry." Keith said bluntly but in a nice way.
"Ah? Ganoon ba? Too bad! Can I atleast get your—"
"I'm currently walking my girlfriend home. I hope you can let us go now?"
Ngayon ay aware na ang babae na kasama ko si Keith. She smiled awkwardly and nervously as she took a quick glance at me.
"Aw! May girlfriend... hehe okay!"
"Thank you."
I smiled slightly before finally walking back with the same phase with Keith. Parang wala lang sa kanya 'yung nangyari. He didn't even brag about anything when we continued walking again.
"May gusto ata iyon sa 'yo." Puna ko bigla para naman kahit paano'y nay pag-usapan kami.
"Hmm. It's obvious," pagsang-ayon niya. "I'm sorry if I used you as my girlfriend. That's the best way to shoo her away without saying anything mean."
"Okay lang, 'no!" Tumawa ako.
Sana nga totoo. Char.
Sa dagat ng mga tao na nasa gilid ng kalsada, hindi ko aakalaing may mapapansin ako. Makapal ang tao sa kabilang palitada, at kumpulan pa.
"Wait lang, Keith."
Napahinto kami sa paglalakad at patuloy kong tinanaw ang babaeng may kasamang lalaki. Naningkit ang nga mata ko. I don't know what to do suddenly, should I blink twice for confirmation?
I don't wanna make assumptions but when I saw them kissed while holding hands. Nanlaki ang mga mata ko. Alam na kung ano ang nangyayari.
Oh my gosh!
Mecho's girlfriend! May kasamang ibang lalaki!