____________________Chapter C
Noong mga sumunod na linggo, pumasok na rin si Kyle. Though, hindi pa rin siya pwedeng makisali sa trainings sa basketball, he
goes to school and I barely have a sight of him. Balak ko sanang kamustahin kung sakali.
Hindi ko na rin siya nakikitang kasali sa table ng mga varsity tuwing lunch or afternoon break sa cafe. I wonder how he's doing?
Nakakahiya naman kasing puntahan siya sa classroom nila para kamustahin.
Or...itext ko na lang kaya?
It was Saturday when I received the second hand cellphone na binenta sa akin ni Jandra. Cellphone daw ng pinsan niya, sabi niya, libre na lang daw pero syempre marunong pa rin naman akong mahiya. Kahit naman yayamanin ang pamilya nila Jandra ay never
kong naisip na i-take for granted iyon.
Me: Jandra, nasa'yo pa number ni Kyle?
Jandra is a cheerleader and Kyle is a varsity. Siguro nama'y nasa kanya. At least there is a slight connection. Malawak naman ang circle ni Jandra.
Jandra: Nasa akin din telephone number ng bahay nila. Hehe.
Me: Number lang. Number.
Jandra: +639***
Me: Thanks.
Kinamusta ko agad si Kyle through text message. Sana bigyan niya ako ng assurance na okay lang siya. Bumaba ang tingin ko sa aking cellphone nang mag-beep iyon. Nakareceive ako ng mensahe. Pero hindi galing kay Kyle.
I arched my brows as I lay on my bed. Sino naman kaya ito? Unregistered eh. I was expecting for Kyle kaya parang na-disappoint ako nang makatanggap ng reply galing sa iba.
Unregistered: Send nudes :D
Me: Pulis papa ko :)
Unregistered: Ito naman 'di mabiro.
Unregistered: Hulaan mo kung sino ako.
I rolled my eyes. Ngumuso ako habang nagtitipa ng mensahe.
Me: Where did you get my number?
Unregistered: Sik
Me: Sik?
Unregistered: Sikret! HAHAHAHAHA
Me: I'll block you. Bye.
Unregistered: Ang sungit nito. 'Di ka naman maganda.
Tumaas agad ang kilay ko. Hmm, mukhang alam ko na kung sino ito.
Me: MECHO?!
Unregistered: Wow, nice guess. Save my number ;)
I ignored him and rolled my eyes. Pati ba naman sa text bwibwisitin ako.
Sumunod na mga araw ay ganoon ang ginawa ko. I ignored his texts, and even tried to avoid him. Kapag kasi nakikita ko siya, lagi
akong naiilang o 'di kaya nama'y namumula. Ewan ko ba. Sa kabila pa naman ng pagkairita ko sa kanya ay naiilang ako. Ang weird, why would I feel awkward towards him? Wala naman akong rason.
Imbes nga na sa gym ko antayin si Jandra, sa labas na lang ako o kaya sa corridor. Magsa-sound trip ako o magbabasa ng libro minsan sa library maiwasan lang makasalubong si Mecho.
Naisip ko rin kasi, going stronger na raw sila ng girlfriend niya. Ewan ko kung legit, at hindi ko na rin inalam.
Good for them, then.
At least going stronger din relationship namin ni Keith kasi nginingitian niya na ako palagi. Pati kapag nagkakasalubong kami sa corridor, nagkakawayan na kami sabay palitan ng 'good morning'.
Oh, 'di ba? Samantalang dati, hanggang tingin lang ako kay crush. Ayan mainggit kayo kasi ako malapit nang ma-jowa si crush!
Bumabang muli ang tingin ko sa aking cellphone nang magbeep iyon.
Mecho: Where are you?
Me: Nowhere.
Mecho: We have training. Watch me?
Me: No thanks.
Naisip ko. Nandoon kaya 'yung girlfriend niyang ubod ng ingay? Kairita 'yun eh.
Mecho: Don't worry. I'm not with the gf
Me: 'Di ko tinatanong.
Mecho: Or pwede naman nating ituloy 'yung kiss or slap?
Me: Lol leave me alone.
Mecho: Kiss or slap?
Me: Leave
Mecho: I chose kiss right? A'right :)
Me: Lol
Mecho: Huwag kang magpapakita sa 'kin. Hahalikan talaga kita :)
Me: HINDI NA TALAGA!
Pinilit ko itago ang ngiti ko at kulang na lang ay mapunit ito dahil sa kakakagat.
Mecho: Nakikita ko ngiti mo.
I arched my brows while pursing my lips. I immediately composed a reply. Kahit hindi ko alam kung totoo ba o hindi ang sinasabi niya pinilit kong itago ang aking ngiti dahil triggered ako.
Me: Akala ko ba nagt-training kayo? Bakit may time ka makipagtext?
Me: Mas mahalaga bang bwisitin mo ako kaysa sa training?
Mecho: Syempre mas mahalaga ka ;)
'Di bale, wala namang masyadong tao rito sa library kaya hindi ko na itinago pa ang ngiti ko. Sobrang lapad noon habang
nakadungaw ako sa cellphone ko at nagtitipa ng mensahe.
Kung bakit ako nakangiti ay hindi ko na rin alam.
Me: Kasuka.
Mecho: Pero nakangiti ka? :)
Me: Pa'no mo nasabi?
"Kasi kanina pa kita tinitignan."
Umangat ang ulo ko nang umupo si Mecho sa harap ko. He was wearing their varsity sweatshirt while his hair was messy. He looked
bored as usual.
Itinaas niya ang kamay na hawak ang kanyang itim na iPhone X Pro Max. Umirap ako.
"Bakit ka nakangiti habang nagre-reply sa akin, huh?" Ngumisi siya. Aliw na aliw na naman. "Crush mo na ba 'ko?"
"Porque nakangiti, crush ka na agad?"
"Pero happy ka habang ka-text mo ako?" Nagtaas siya ng kilay.
Ngumuso ako.
"Anyways," humilig siya sa kinauupuan. He cockily sat with his legs spread wide. "Bakit 'di mo pa ako fina-follow back sa
instagram? Accept sa f*******:? Tas Twitter?"
"Wala akong load. Naka-free data lang ako." Ngumuso ako.
His jaw moved. His broad shoulders blocked a huge view in my vision. He snapped and laughed at me. Showing his perfect set of
white teeths, iyong isang ngipin niya pa ay may tulis.
"Ang poor mo naman," tumawa siya, dinudungaw ang kanyang cellphone. He swiped something on his cellphone and after that, ni-
offer niya sa akin. "Oh ayan, ilog-in mo account mo tapos follow back mo 'ko."
"Ayoko nga," nakakahiya, 'no. Tiyaka talaga bang ipapagamit niya sa akin 'yung cellphone niya?
Uminit ang pisngi ko.
"Come on." Ngumisi siya. Iyong tipong magba-blush ka pero maiirita ka rin dahil sa kapilyuhang dala noon.
Tinanggap ko ang kanyang cellphone. Naka-default lamang ang kanyang wallpaper at hindi magulo ang ayos ng apps niya. Parang minsan lang gamitin, masasabi ko.
So I logged my account on his phone and followed him back sa kanyang social media niya, medyo natagalan pa ako habang ginagawa iyon dahil napagbaliktad ko ang password ko sa i********: at Twitter. Nakanguso lang ako at kulang na lang ay manginig ang mga kamay sa kaba. Pa'no ba naman kasi, nakatitig lang siya sa akin buong oras habang hinahaplos niya ang kanyang labi.
Mabuti na lang talaga at naka iPhone din si Jandra, kaya kahit papaano'y may naging batayan ako ng paggamit. Baka mamaya sabihin niya, ngayon lang ako nakahawak ng iPhone o hindi ko iyon alam gamitin.
"Oh ayan. Tapos na." Nag-iwas ako ng tingin.
"Cool." Tinanggap niya ang sariling cellphone, nakangisi. Inilapag niya ang cellphone sa harap at humalukipkip sa akin, making me
feel intimidated and awkward at the same time.
"Gusto mo loadan kita lagi?"
Nagtaas ako ng kilay bigla. "At bakit mo naman iyon gagawin?"
"Gusto kita makavideo call gabi-gabi, eh," ipinagkibit niya 'yun ng balikat na parang wala lang.
"Ayaw ko nga," nag-init muli ang pisngi ko.
"Biro lang, nangangamatis ka na, oh," humalakhak siyang muli.
Sinamaan ko agad siya ng tingin.
Humilig siya palapit at naghalumbaba. Ayan na naman iyong pilyong ngiti niya.
"Ang landi mo ha. Alam ba 'yan ng girlfriend mo?" Iritado kong sinabi.
Is he trying to flirt with me? If that is the case, why would he? A part of me is saying that he is only trying to mess with me, or he is
trying to get back at me.
"I'm kinda hungry. Let's go eat?" Bigla niyang pag-aaya.
"Hinihintay ko si Jandra," pagdadahilan ko.
"Babalik din tayo pagkatapos." Hirit nita pa.
"Wala namang malapit na restaurant dito," I wrinkled my brows at him.
He rolled his eyes boredly. "Sino bang nagsabing sa restaurant tayo kakain?"
"Malay ko ba! Mukha kang maarte, eh."
"Kung sa restaurant tayo kakain. Date na 'yun." Ngumisi siya.
Tumayo ako at pinulot na ang bag. Ayaw ko ng makipagtalo pa. "Tara na nga."
"Ang sungit mo naman. Ikaw na nga ililibre, eh." Nasa likod ko na siya ngayon habang naglalakad kami pababa galing sa library.
Habang naglalakad pa kami palabas ng school ay panay ang hype five sa kanya ng iilan naming nakakasalubong. Karamihan ay
galing sa STEM o 'di kaya naman, mga lalaki sa ICT. Ewan, celebrity ata 'to. Andaming kaibigan. Pati ibang mga babae sa daan palabas ng school ay kilala siya.
"Tol! Bago na naman?" Humalakhak 'yung isang nakasalubong namin.
"Hindi tol," nakipaghype five siya ulit.
"Oh? Tropa mo? Pakilala mo ako!" Alam kong biro lang 'yon, pero nakakatriggered.
"Bawal. Magagalit ako," biro niya pabalik pero nag-iigting na ang panga.
"Sayang. Ganda!"
"Alam ko. Umalis ka na nga. Wala pa naman ako sa mood makipagsuntukan."
"Biro lang tol!" Humalakhak 'yung lalaki bago kumaway umalis.
"Who's that?" Sinundan ko ng tingin iyong lalaki na ngayon ay nakatalikod na.
"Kaklase ko noong junior high," he explained. "Saan ba tayo kakain? Ang layo na natin sa school, ah?"
"Dito."
Naalala ko, hindi nga pala kami naging magkaklase ni minsan noong junior high. Palagi yatang nasa star section ang isang 'to.
"Kuya, kwek kwek po. Tig-tatlong piraso po kami."
Agad namang tinrabaho ng vendor iyong sinabi ko. I also tapped the jug of the pineapple drink at ako na rin ang nagsalin sa plastic
cups.
"Kwek-kw— what?" Nalilito niyang tanong.
"Kwek-kwek!"
"Pucha, ano 'yon?"
Dumapo ang tingin niya sa nagtitindang kasalukuyan ng nilalagyan ng sauce ang aming pagkain.
Naglabas na agad ako ng pera at inabot sa vendor.
"Ako magbabayad!" Tutol niya.
I rolled my eyes. "I'm sure puro isang libo pera mo riyan. Walang barya si kuya sa'yo, kaya ako na."
"Anong wala?" Inilabas niya ang kanyang wallet at naglabas ng singkwenta pesos na malutong-lutong pa. "Magka'no ba lahat?"
"50 boss."
Inabot niya sa akin ang singkwenta pesos, galante. "Ako ang magbabayad."
"Huwag na." I clucked my tongue, dismissing him.
"Kapag 'di mo 'to tinanggap, hahalikan kita rito."
"Ito naman 'di mabiro. Ito na nga oh. Salamat." Inirapan ko siya pagtapos kunin ang pera.
"Good girl."
Mainit-init pa 'yung kwek-kwek kaya masarap. Natapos ko ng kainin iyong isa ngunit nakikipagtitigan pa rin si Mecho sa pagkain
niya.
"Paano ba 'to kainin?"
"Isubo mo lang 'yan," I rolled my eyes.
"Pano ba hawakan 'tong stick?" Ngumisi siya sa akin. Halatang nang-aasar na naman.
"Ewan ko sa'yo, Mecho." Inirapan ko siya.
"Did you just called me on my name?" He sounded surprised but he pursed his lips while arching his brows.
"Bakit?"
He bit his lower lip. Umiling siya at mabilis na isinubo iyong isang buong piraso ng kwek-kwek.
"Masarap?" Pinanuod ko siyang ngumuya.
Gumalaw 'yung panga niya at pabaling-baling sa gilid ang kanyang mga mata, mukhang pinapakiramdaman ang lasa nu'ng kinakain.
"Masarap."
"Sabi sa'yo e!"
"Pero mas masarap ako."
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Ngumisi siya sa akin habang isinusubo ulit 'yung isa pang piraso ng kwek-kwek.
Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng skirt ko kaya mabilis ko iyong kinuha't binuksan.
Nag-reply na si Kyle!
Kyle: Hello, Isha! I'm sorry for my very late reply. I wasn't attending my phone much this past few weeks. I am doing fine and I hope
you also do. :)
"Pahawak nga," hindi kasi ako makapagreply dahil may hawak ako sa dalawang kamay.
Sumimangot si Mecho, "Sino muna 'yan? Ba't ka nakangiti?"
"Basta hawakan mo na lang!" I said impatiently.
"Ayoko," parang bata siyang ngumuso at tumingin sa gilid.
"Mecho."
He sighed. "Fine. Sino ba kasi 'yan?"
"Wala."
Umirap siya at tamad na hinawakan iyong cup. Noong una'y nag-iwas lang siya ng tingin pero bumaling ulit siya sa akin gamit ang naiiritang nga mata.
Me: I'm fine, too! I'm glad to know you're doing fine. Oo nga pala, are you still a varsity? 'Di na kita nakikita kasama nila.
Kyle: Still, haha. I am taking a break. ABM strand is not easy, plus I have my research ongoing.
Me: Sucks, lol.
Kyle: Are you free tomorrow?
Me: Of course! Haha.
Kyle: Let's meet at the gymnasium?
Me: Okay!
"Matagal pa ba 'yan? Ngawit na kamay ko kahahawak nito para lang mareplyan mo kung sino man 'yang kupal na 'yan." Matamang sinabi ni Mecho.
Muli kong itinago ang cellphone ko at 'saka siya sinamaan ng tingin. Binawi ko ang plastic ko sa kanya.
"Arte! Ang gaan-gaan, eh!"
"Dalian mo kumain. May pupuntahan pa ako."
"Ha? Saan?"
Tiningala ko siya. Ang tangkad.
"Sa manghuhula," he aounded impatient too. Mukhang tinangay ng hangin 'yung good mood niya.
"Anong gagawin mo do'n?" Natatawa akong tinanong.
"Ipapahula kung sino 'yung ka-text mo."
Humagalpak ako sa tawa. Inagaw ko sa kanya ang cup na wala ng laman at 'saka iyon ni-shoot sa basurahan. Sinamaan niya lang ako ng tingin habang pinapanuod ang bawat galaw ko.
Kinagabihan ay pina-loadan nga niya ako. Talagang pinanindigan niya iyong sinabi niya sa akin na magvi-video call daw kami.
Although, panay pambwibwisit ang sinasabi niya ay naaliw pa rin akong kausapin siya. Hindi kasi siya nawawalan ng sinasabi. Para ngang mas madaldal pa siya kaysa sa ibang babaeng kilala ko.
"Marunong ka bang magpaload?" Natatawa kong sinabi.
Kasalukuyan na siyang nakahiga sa kanyang higaan ngayon. He is only wearing a white sando. And is currently showing off his
biceps and mucles.
Napanguso ako sa naisip. Naisip ko na rin iyon noong unang kita ko sa kanya. He was oozing with charismatic features, lalo na ang kanyang katawan. Talagang kababaliwan ng kababaihan.
"Hindi ako ang nag-load. Si Yeji." Paliwanag niya pa.
"Huwag mo na akong loadan palagi. Hindi naman ako always may time kausapin ka, eh. May mga homeworks din ako."
"But we can still have a chat after."
I nodded. "Yeah."
Kinabukasan. Hapon ay nagkita nga kami ni Kyle sa gym. Sakto namang nag-umpisa na sila Jandra sa training nila, at nasa bleachers
lang kami ni Kyle. Nakaupo nang magkatabi habang pinapanuod ang mga cheerleaders.
"How have you been?"
"Ayos lang," ngumiti ako sa kanya.
There were still micro cuts on his face. Dala noong mga natamo niyang suntok galing kay Mecho.
"Nagkausap na ba kayo ni Mecho?" Tanong ko bigla.
He smiled sideways. "Not yet."
"Huwag kang magfirst move. Siya ang naunang nanakit. Kaya dapat ay siya ang mauunang humingi ng paumanhin sa nagawa niya."
"You are so kind," he said softly. "He'll apologize or not, it does not matter anymore. I know Mecho. Wala sa bokabularyo niya ang
mag-sorry."
"Bakit ba hindi na ako nagulat." I rolled my eyes.
Humalakhak siya. "I heard you two are getting along."
"Yes."
Hindi ko alam kung paano magre-react doon. And he knew? He heard? Kanino naman?
"Be careful, though," he smiled at me sincerely. "Mecho is not as good as you think. He is worse than anyone. I've seen him on his
worst side and I think may isasama pa iyon. Baka hindi mo namamalayan, paikot-ikot ka na sa kanyang palad."
"Ano ka ba," napatawa na rin ako.
"You are pretty and kind. Mecho is not the right guy for you."
"A-ano ka ba..."
I don't even know why I feel awkward about this topic.
"I am just warning you, though. Besides, may girlfriend si Mecho. Iba ang iisipin ng iba lalo na't ikaw ang bukambibig niya."
"H-ha? Ako? Are you sure you're not exaggerating?"
Tumikhim siya. He let out a genuine smile, tumagilid ang ulo niya.
"I'm not and I only speak of the truth." He blinked slowly. "Ang bagay sa iyo...ako. Boys like me...or me..your choice."