LIGHT'S POV
Napabangon ako sa kama at tumingin sa wall clock.
Omg.
"Kuya! Kuya!!" Niyugyog ko pa si Kuya Rocky para magising. "Bakit hindi mo ako ginising?"
"Hmmm..." He slowly opens his eyes and then look at the wall clock. "What the hell!! s**t, you can't be late, Light! Come on, take a bath!"
"Y-Yeah. Okay."
Tumakbo na ako sa cr para maligo. Napasarap ang tulog ko sa sobrang lamig. Grabe kasi 'yung fan namin na gawa si Yelo. Sobra talaga ang lamig. Parang nasa ref kami eh.
Pagkalabas ko, sumubo na lang ako ng konting kanin at tumakbo na ako papunta sa school.
Syempre, tumambad sa akin ang napakalaking gate.
Tinignan ko ang phone ko and yeah, hindi pa naman ako late. 1 minute na lang at magsasara na ang gate.
Ini-scan pa ang finger print ko bago bumukas ang gate. Wuhoo! Ano ba ang consequence kapag na-late? Nakakakaba naman kasing mag-react si Kuya eh.
"Hi, guys," Ngiting ngiti na bati ng isang babae sa lahat ng naglalakad papasok. "Hi, new kid!"
Ang fc lang niya. But I just manage to fake a smile. I just don't like her.
Naramdaman ko naman ang mga tingin sa akin ng mga estudyante. Mga normal lang naman silang tignan eh.
"Hi, fire girl," Isang pamilyar na lalaki ang tumambad sa harapan ko. "How's your sleep?"
Oh. The electric guy.
Inirapan ko siya at nilagpasan na siya pero kaagad naman siyang humawak sa braso ko.
"Aaaah!! Stop it!"
Nakita kong ngumiti ang mga mata niya. Masaya siyang may nasasaktan siya? Seriously?
"Fire! Damn! s**t!"
Hindi pa din nawawala 'yung sakit. Lalo pang tumagos sa kalamnan ko 'yung kuryente.
"Aah! I said stop it! Night!"
And that's when he release my arm and smiled at me.
"You know my name?"
"Sinabi mo kahapon, right?" I answered sarcastically habang hinihimas ang braso ko. "Now, get out of my way."
Naglakad na ulit ako at binangga siya. Grabe siya, paano ako makakalaban sa kanya? Hindi ko alam gamitin ang powers ko. Puro basics lang ang alam ko!
Pinaapoy ko ang kamay ko at inilagay sa braso ko and it's damn relaxing. Parang nawawala 'yung sakit na naramdaman ko kanina. Hindi ko alam kung saan ko natutunan 'to, bigla na lang pumasok sa isip ko, bakit ba.
"That's cool!" I stopped when I saw these bunches of jerks, "What does the fire doing there?" Sabay turo niya sa braso ko.
"How come you don't know this healing technique? You're also a fire controller, right?" Pagyayabang ko.
"Anong gusto mong palabasin, ha? Remember this, pretty girl, I can make your stay in here so much miserable."
"I'm so scared!" I sarcastically answered him. "Then do it!" Lumapit ako sa tenga niya, "'Wag ka lang magsisi sa huli."
Lumayo ako sa kanya with a smirk on my lips. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko, pero isa lang ang alam ko, kayang kaya ko silang lahat. O masyado lang akong confident sa sarili ko?
Akmang aalis na ako nang maramdaman kong may pumulupot sa katawan ko. Ni hindi ako makagalaw.
"Oh, hell! What did you do to me?!"
Naramdaman ko ang marahan na paghila sa akin ng kung ano mang nakapalupot sa akin. And then, nakita ko na lang na nasa harapan na si Dark na parang may invisible na hinihila habang ako naman, sumusunod lang sa likuran niya.
What the hell is he doing to me? Gumawa siya ng Air Rope? Oh Lord, paano ako makakaalis dito?
Tumigil kami sa harap ng isang napaka-gandang waterfalls. Wow. Pero bago ako mamangha, sinamaan ko muna ng tingin ang Dark na 'to.
"What do you want?"
"Who are you?" Napa-huh lang ako sa tanong niya. "Sino ka ba talaga?"
"I'm Light Ariano. And you are?"
"Aish! That's not what I'm talking about!"
"Tss! Pakawalan mo muna ako dito, pwede?"
"No way! Madali kang makakatakas!"
"I won't escape!"
Nakipagtitigan pa siya sakin bago siya naniwala. Naku! Sigurista. Tss.
May naramdaman akong malakas na force na tumulak sa akin paupo.
"Kapag ako nahulog dito, tatamaan ka sakin!" Sabay inirapan ko siya.
"Masyado kang matapang. Gusto mo bang putulin ko ang buntot mo't mga sungay, ha?" Ano ako, demonyo? Sipain ko 'to eh. Rawr!!
Pero anyway, kamukhang kamukha niya si Electric boy ngayon ah. Magka-anu ano kaya sila? :O
"Bomb!" Sigaw niya kaya napatingin naman ako sa kanya, pero may bigla namang malakas na hangin ang sumabog sa harapan ko kaya tumilapon ako sa malayo.
"Damn! Ano bang problema mo?"
"You're not paying attention." Plain na sagot niya. Sakalin ko kaya siya? Ramdam ko ang paglapit niya kaya napakapit ako sa bato. Mabuti na ang sigurado, baka itulak niya ako sa tubig.
"Nakikinig ako. Continue." Inis na sabi ko. Why is he lecturing me anyway? Like duh, teacher ba siya? Tigas ng mukha!
"What a brat!" Napahilamos siya sa mukha niya. "Look, I am just concern here. Please, stop acting like you can defeat all of us in this school. It can harm you to death, you know,"
"What? I am just defending myself from those who are underestimating me! Anong mali 'dun?"
Kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.
"Bomb!!" Sigaw niya kaya napatilapon na naman ako, pero this time, sa tubig na. Putangina pls. Pwedeng pumatay?
"Hey! Gusto mong ikaw ang pasabugin ko dyan? Abuso ka eh!"
Tinalikuran na niya ako, habang ako, lumulutang dito sa tubig. It's my turn! Wahaha!
"*whistles* Attack!"
Pero nagulat ako nang may buhawi na pumalibot kay Dark. Omg. Anong nagawa ko? Bakit buhawi ang umatake? Shet, what to do?
Mabilis na umahon ako sa tubig at nilapitan ang buhawi na nilalamon na si Dark. Shet, baka mamatay siya!
"Stop." Bulong ko. Gawd. Ikapapahamak ko ang hangin na 'to!
Flashback*
"Light, h'wag na h'wag kang maglalabas ng ibang powers ah? Fire lang kung fire."
"Bakit, Kuya? Masaya kaya kapag marami."
"Hindi nila pwedeng malaman na madami kang powers. Aakalain nilang Dark Wizard ka. Isa pa, ang normal na wizard, dalawa lang ang powers. Ang isa 'yung main, ibig sabihin, malakas, at 'yung isa naman, 'yung back up power lang."
Tumango tango ako bago humalik sa pisngi niya at lumabas ng bahay. Nakakalito palang maging wizard.
Si Magda kaya, kamusta na? Hays.
End*
"Stop!!" Then, the air stops.
Napatakbo na lang ako kay Dark na wala nang malay at sobrang dumi nang damit niya. Emeged. Patay na ba siya?
"Heal." Bulong ko. Bigla namang umapoy ang katawan niya kaya bigla akong nag-panic. Waah! Masusunog siya!
"Hey! Anong ginawa mo sa kanya?" Napatingin ako sa tatlong lalaki na gulat na gulat sa nangyayari. "Y-You burn him into ashes?" Gulat na gulat na tanong nila.
"Of course not!" Kinakabahan kong sagot at hinarap na si Dark. "Hey, wake up!"
Tinapik tapik ko ang pisngi niya kaya nagsimula nang naalis 'yung apoy sa katawan niya.
"Ang mabuti pa, dalhin na natin siya sa clinic."
**
"Red, Blue, Nat.." Alanganin na tawag ko sa kanila habang nakaupo sila sa couch. "Sorry talaga! Ginantihan ko lang naman siya, eh! T^T"
"Wala talagang naidudulot na mabuti ang paghihiganti." Naiiling na sabi ni Nat. "'Wag kang mag-sorry sa amin, kay Dark."
"Yeah. Ano ba kasing ginawa mo?" Si Red habang tinatapunan ako ng masamang tingin.
"W-Wala, ah!" Umiwas ako ng tingin sa kanila.
Lumapit sa amin 'yung doctor.
"Hangin ang umatake sa kanya. Pero don't worry, magigising na din siya maya maya. Napadali ang paggaling niya dahil sa isang apoy. Ikaw ba may gawa 'nun, Red?" Sabi nito at tumingin kay Red.
"Sa tingin ko, nasaktan siya sa sarili niyang powers." Komento ko kahit alam ko naman sa sarili ko na ako ang may gawa 'nun sa kanya.
"Posible. Siguro dahil sa gulat kaya nagwala ang powers niya. Mahirap talagang kontrolin ang power sa ganung pagkakataon."
"O-Oo nga. Tama si Doc! Kasalanan talaga ni Dark 'yun! Inosente ako!"
Nakatanggap naman ako ng matatalim na tingin galing sa mga nakakatakot na nilalang dito. Okay, ano nga bang laban ko sa tatlong elemental user na 'to? Kung fire lang ang pwede kong gamitin?
"Kasalanan mo pa din! Kung hindi mo siya inatake, hindi magwawala ang powers niya!"
"Tama! Humanda ka paggising ni Dark!"
Ang hard talaga sakin ng Blue at Red na 'to. Pag-untugin ko sila eh!
"H'wag niyo naman akong pagtulungan! Oo na, kasalanan na!" Inirapan ko sila at naglakad palapit sa kama ni Dark, "Hindi ka pa ba gigising? Wala na akong napasukang klase, eh."
Pinagmasdan ko ng mabuti si Dark. Gwapo naman pala ang mokong. Di nga lang marunong ngumiti.
In-stretch ko ang mga labi niya para magmukhang nakangiti siya.
"Oh, diba ang gwapo?" Sabay tawa ko. Ang cute niya pala kapag nakangiti!
Pero nagulat ako nang bigla niyang iminulat ang mga mata niya. Bigla naman siyang bumangon and..
*pok!*
"Aray!! Sakit, ah!" Inirapan ko siya at lumayo sa kanya ng konti. "Ayan, gising na pala siya. Pwede na akong umalis. ^___^"
Naglakad na ako papunta sa pintuan nang humarang sa akin ang tatlong kalalakihan.
"Not so fast, young lady." Nakangising sabi nila.
"W-What do you mean?"
**
"Waah! No!" Gustong gusto ko nang maiyak dito. Grabe, ayokong ma-detention office! Balita ko, mahirap daw ang parusa eh.
"But you hit me! Face the consequence!"
Walang puso ang Dark na 'to. Parang siya hindi ako ginamitan ng air bomb niya eh. Ilang beses din 'yun!
"I didn't! Maniwala ka naman! Doctor na ang mismong nagsabi!"
"Tss! Iyak ka muna. Bahala ka dyan."
Napanguso na lang ako. Ba't ako iiyak? Eh hindi ako naiiyak! Ang hirap naman nito eh.
"Inosente ako kaya aalis na ako. Bye." Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad palayo.
"One more step and you'll be dead." Natigilan ako. Problema nito? "Come back here."
Nilingon ko siya.
"Ano bang gusto mo?"
Ilang minuto pa ang nakalipas bago siya sumagot sa tanong ko...
"Just stay by my side."