LIGHT’S POV
“Just stay by my side.”
“I..What?!”
“Tss. Are you deaf?” Inirapan niya ako. “I—I mean, no. Err!” Ni hindi siya makatingin sa akin ng diretso, “You just need to pay me by staying by my side?”
“W–What? Are you crazy?”
“N–No. Ugh. Give me your phone.” Takang tinignan ko siya. “Now!”
O–Okay? Mabilis kong kinuha ang phone ko at inabot sa kanya. Ano naman kayang gagawin niya? Baka hingin niya sakin ang phone ko bilang kapalit? :O
Tinignan ko lang siya habang kinakalikot niya ang phone ko.
“My friend told me to protect the girl named Light, and I think, you are that girl.” He looked at me. “I don’t want to disappoint that friend so I grab this opportunity to grant his request.”
Friend niya? Sino naman kaya?
“Si Red? Blue? Nat? Sino sa kanila?”
“Stupid. He’s not studying in here!”
Kung hindi nag-aaral dito, sino kaya? Wala naman akong ibang kakilala, ah? Hindi kaya si Magda? Tomboy na kaya siya ngayon kaya 'his' na ang ginagamit ni Dark sa kanya?
Napailing ako. Imposibleng tiboom siya.
Eh sino naman kaya? Napaisip ako and tadaah! Umusok ang mga ilong ko sa inis.
Hindi kaya si Kuya Rocky ang friend ni Dark at siya ang nag-request na protektahan ako dito sa loob ng campus? Omg. So protective naman! Parang hindi ko kaya ang sarili ko ah :3
“Ngayong alam mo na ang dahilan, can you stay by my side, from now on?” Hindi ako makasagot. Parang may something ‘dun sa sentence niya eh. Sarap sa pakiramdam. Wahaha! “Or else..”
“Oo na. Oo na! Just give my phone back.”
Sinamaan niya ako ng tingin at inabot na sa akin ang phone ko. Tinignan ko naman kung anong pinakialaman niya sa phone ko, pero malinis ang gawa niya! Wala talagang bakas nang kinalkal niya!
Last, sa messages. Kinakabahan ako sa kung anong makikita ko. Waah! Baka may death threat dito?
Una kong tinignan sa inbox, tapos sa sent items at napakunot ang noo ko sa nakita ko. Open number siya na tinext ni Dark. Dahil sa curiosity, in-open ko iyon.
Hi there, Bae.
Aww. Sweet. *mark the sarcasm. Aba, gagamitin niya pa ang number ko sa panlandi niya. Asar din ‘tong Dark na ‘to eh. Ibato ko sa kanya phone ko eh. Gusto niyo? Char
“Open the notes.”
Notes? Edi nagpunta nga ako sa mga notes chenes. Hindi ko pa nga nakalkal ‘to.
Rules:
1. Always stay beside me.
2. No boyfriend. (According to my friend.)
3. Don’t be stubborn.
Rules will be increase everytime I get mad at you.
Ps; Never delete this, brat.
Napasimangot ako at tinignan siya ng masama. Pero hindi niya ako napansin kasi nakatingin siya sa phone niya at natulala ako nang makita ko ang pagngiti niya ng tipid.
Mukhang nag-reply na sa kanya ang Bae niya, ah?
“Aalis na ‘ko.” Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla siyang magsalita.
“Rule no.1,” Napatigil ako. “Do you want me to state the no.1 rule, huh?”
Always stay beside me.
Napabalik ako sa pwesto ko, sa tabi niya at yumakap sa braso niya.
“Aalis na tayo!” Sabi ko at nginisihan siya. Inirapan niya lang naman ako.
Sungit.
**
“Hi, I’m Light Dreich Ariano. Fire controller.” Sabay apoy ng kamay ko. Ngumisi ako, “Light my temper and I’ll burn you into ashes.”
Umupo na ako sa tabi ni Dark, rule no.1 daw eh. Tapos, nasa right side ko ang tatlo pang elemental user. Sina Red, Blue at Nat.
“I told you, stop being like that.”
“Like what?”
“Maangas.”
I arched my eyebrow.
“Just scaring them.” Sabay ngiti ko na naman.
“Aish! Rule no.3!”
Don’t be stubborn.
“Yeah. Behave na nga ako.”
Um-ub ob ako sa desk.
*splash!*
Kaagad akong napabangon.
“Oh my God!”
Naramdaman kong pilit kumakawala ang apoy sa katawan ko.
Then, bigla namang may plastic bottle na nalaglag sa ulo ko. Nasalo ko ito at unti unting winarak gamit ang kamay ko. Hanggang sa nasunog na din ito sa apoy na lumalabas sa katawan ko.
Nakarinig na lang ako ng malakas na tawanan at hiyawan sa apat na sulok ng kwarto. Sakto naman ang pagdating nila Dark.
Tinignan ko siya ng masama habang takang taka naman siyang nakatingin sa akin. Psh. Stay by his side daw para maprotektahan ako pero iniwan naman ako. Tsk, tsk. Asar naman talaga ang Dark na ‘to.
Tumayo ako at tinignan ng masama ‘yung lalaking pinakamalakas tumawa sa may likuran. Medyo nangunot ang noo ko nang makilala ko siya.
“Triple Fire!” Tatlong apoy ang natira papalapit sa kanya. Natahimik ang lahat. “Die now, electric boy.”
Sobrang inis ako ngayon. Dinaanan ko lang si Dark na naka-tanga pa din. Nang makalabas ako ng pinto,
“Rule no.1,” Bulong niya. Natigil lang ako saglit pero dumiretso pa din sa paglalakad. Naiinis talaga ako sa kanilang lahat. Curse this school!
Habang naglalakad ako sa hallway, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Unti unti namang nawawala ang apoy na pumapalibot sa akin.
Nakarating ako sa playground at umupo sa isang swing.
“Pissed?” Napalingon ako sa katabing swing. May tao pala dito. Hindi ko napansin sa sobrang lutang.
“Nah.” Tipid na sagot ko. Bahagya kong pinaandar ang swing habang nakatingin sa lupa.
“Hulaan ko, napag-tripan ka?” This time, tinignan ko na siya talaga. “Hi, I’m Ytan Laurel, I can see your past and future, kahit isang tingin lang sa’yo.”
“Oh, really?” That sounds interesting but hell, I’m not in the mood. “Tell me, may kapupuntahan ba lahat ng gagawin ko?”
Napatitig siya sakin. Nangunot ang noo niya then bigla siyang napahawak sa ulo niya at marahan na napapikit.
“Damn. Wala akong makita!” Imunulat niya ang mga mata niya. “All I can see is..darkness.”
“‘W–Wag mo na lang pilitin.” Ibinalik ko ang tingin ko sa lupa. “May mga bagay na hindi talaga pwede. Kaya ‘wag nang pilitin. Kasi hindi talaga pwede.”
Medyo kumirot ang ulo ko sa sinabi ko. Parang narinig ko na ang line na ‘yun, ah?
“Kuya, miss ko na sila mama at papa.”
“W–Wala na sila.” Napanguso ako.
“Kuya, gusto ko silang makita. Puntahan natin sila please.”
Ngumiti siya ng pilit. Lumuhod siya para mapantayan ang mukha ko at kinurot ang kaliwang pisngi ko.
“May mga bagay na hindi talaga pwede. Kaya ‘wag nang pilitin. Kasi hindi talaga pwede.”
Si Kuya. Lalo akong napatungo. Kailan kaya babalik ang alaala ko? Gusto ko nang malaman ang lahat tungkol sa akin.
Inangat ko ang ulo ko at nasa harapan ko na nga si Ytan.
“Natulala ka eh. May problema ba?”
May naisip ako.
“‘Di ba, you can also see the past?”
“Yes. Why?”
“Tignan mo naman ang past ko oh,” Nag-pout ako. “Sobrang laking tulong na sakin ‘nun!”
Tumawa naman siya, “Actually, kanina ko pa nakita ang past mo.”
“Really? Ano na? Anong nangyari dati sakin?”
“Hindi--*laughs* I’m sorry, Light.” Tapos lumayo siya sakin habang tawa pa din ng tawa. “I can’t see your past and future talaga kasi..” Tawa pa din siya habang paatras ng paatras. “Kasi I’m a pet manipulator.”
Nagkasalubong ang mga kilay ko.
“Wahaha! Sorry na! Cute mo kasi pag galit eh!” Tawa pa din siya ng tawa. Asar! Naisahan niya ako doon, ah!
“Fire Attack!”
Hinabol siya ng apoy kaya patakbo takbo siya ngayon.
“Baby Dragon, out!” Then, may maliit na kulay pulang dragon ang lumabas sa kung saan at mabilis na nilamon ‘yung apoy ko. “Very good.” Sabi ni Ytan sabay pat sa ulo ‘nung dragon. Umungol lang naman ito bilang sagot at lumipad papunta sa balikat niya.
Tss!
“Kapag hindi ka tumigil, yayariin talaga kita!” Napatingin ako sa dragon niya. Waah! Ang cute! Pwede kayang kidnapin ko iyon mamaya? Hihi.
“Hahaha! Nakakatawa kasi ang itsura mo kanina, mukhang problemado!” Tumawa na naman siya at lumapit na sa akin. “Mukhang hinahanap ka nila Kuya Dark, Light.”
“At paano mo naman nalaman?”
“I can hear them. Malakas ang pandinig ko. Kahit malayo, maririnig ko, kung gugustuhin ko. It’s my back-up power.”
“Totoo na ba iyan?”
Tumawa siya, “Oo, ano ka ba.”
Ilang sandali pa, narinig ko na nga ang pag-uusap ‘nung apat sa di kalayuan.
“Ayun na pala si Light.” Dinig kong sabi ni Nat. Kaagad silang tumakbo papalapit sakin.
“Yo, Kuya!”
“Tan, bakit hindi mo sinabing kasama mo si Light?”
“Hindi ka naman nagtanong eh.”
Nagtitigan lang sila at pagkatapos ay humarap na sa akin si Dark. Hinila niya ang kamay ko patayo at papalapit sa kanya.
“You break the no.1 and 3 rules.” Sabi niya. Kinabahan naman ako bigla sa tono ng boses niya. “And this is your punishment...” Namilog ang mga mata ko nang hawakan niya ang baba ko at hinalikan ako sa labi ko.
He did not manage to move. He was stiffed. Shock on what he did. Our lips are just pressing each other. And that makes me crazy. Oh, God, what’s happening?
Nang magkahiwalay kami, hindi kami makatingin sa isa’t isa. Tahimik na lang akong napaupo sa swing habang may mapanuksong tingin naman sa amin ang apat na lalaking gustong gusto ko nang sakalin. Asar!
“J–Just don’t break the rules again.” Umiwas siya ng tingin sa akin. “Tara na sa classroom.”
Nagsimula na siyang maglakad. Sumunod na sa kanya ‘yung apat habang ako, naiwan dito, tulala.
What just happen?
Nagulat na lang ako nang may humila sa braso ko.
“Rule no.1, stubborn!” Napatingin ako sa kanya. The hell, this handsome guy and me, just kissed? Oh, no! “Gusto mo ulit ng punishment?” I saw him smirk. Napatayo tuloy ako.
“p*****t!” Inirapan ko siya at nagsimula nang maglakad....with him.