LIGHT’S POV
“Miss Ariano, tawag ka daw sa office.” Napatingin ako kay Night na nasa may pintuan.
Hinarap ko si Dark, “Babalik ako.”
“Sasama ako.”
Inirapan ko siya at sabay na tumayo. Nilagpasan na namin si Night at dumiretso na sa principal’s office.
Pinaupo kami sa dalawang bakanteng upuan sa harap ng wooden table.
“Rocky Ariano told me to monitor you,” Sabi ni Mr. Lee. “So, I assign one of the students here to do it.”
Napatingin ako ng masama kay Dark. Sabi ko na nga ba eh.
“Ah, okay.” Nasabi ko na lang.
“Anyway, testing skills for newbies will be held later,” Ngumiti siya. “It’s your first test, so, good luck.”
Ngumiti lang naman ako at tumango. Anong test naman kaya ‘yun?
“And for you, Mr. Laurel, prepare well. Your monthly exam will be tomorrow. It’s for the sake of your rank.”
“Yeah.”
Tinignan ko si Dark, bored na bored na siya. Wait, anong rank?
“Ah, Mr. Lee! Kailangan ko bang mag-training?”
“Ah, not literally training, dear.” Ngumiti siya at tumingin kay Dark. “Mr. Laurel will tell you. You may go now,”
Lumabas na kami ng office. Kaagad ko namang sinapok si Dark.
“Ba’t hindi mo sinabi sakin na may test palang magaganap?”
“You didn’t ask about it, why would I tell you?!”
Inirapan ko lang siya.
“Anong gagawin ko mamaya? Hindi ko pa masyadong alam ang power ko.”
“Pero ang angas mo na.”
“I’m not maangas, okay? Kaw nga dyan eh! May pa-tiger look ka pang nalalaman.”
“Wow. Eh, what about ‘Light my temper and I’ll burn you into ashes’?” Talagang ginaya niya pa ‘yung boses ko, ah? Ang baduy talaga ng lalaking ‘to. Sampalin ko siya sa mouth eh.
“I told you, I’m just scaring them.”
Hindi na siya nagsalita pa. Syempre, panalo na naman ako. Whoo!
**
“Oo. Sa isip lang iyon. First test, ‘yun ‘yung sa isip mo iyon. Kung paano ka katatag o kahusay mag-isip. ‘Dun mo malalaman ang rank mo.” Si Red. Pinapaliwanag niya sakin ‘yung magiging test ko mamaya. ‘Nung tinanong ko nga kung kailangan mag-train, tinawanan niya ako. (-.-)
“Rank? What about that?”
“Bawat estudyante dito, may rank. Kaya kung may 1000 na estudyante dito at pang-999 ka, matuwa ka na, at least hindi ikaw ‘yung kulelat.” Tumawa naman siya. “Pang-1 ako kaya masasabi mong sobrang galing ko. *wink* Pero hey, every month, kumukuha sila ng top 3, at may precious gifts na matatanggap ang tatlong iyon.”
“Hindi porke rank 1 ako, magiging kampante na ako. Minsan kasi, from rank 10 nagiging rank 1. Magkakaroon kasi ng battle bukas, at alam mo ba kung ano ang twist?” Lumapit siya sakin. “Kakalabanin mo ‘yung spirit ng main power, ang hirap ‘di ba? Ano nga bang laban mo ‘dun?”
Tumango tango ako. Grabe naman ‘yun! Nakakatakot. Kasali kaya ako sa kanila bukas?
“Saan ba bina-base ‘yung rank?”
“Ang spirit mo ang mismong magbibigay sa’yo. Kung kuntento na ba siya sa ginawa mo o hindi. Kaya kung ako sa’yo, ngayon palang, suhulan mo na ang spirit ng main power mo.” Sabay tawa ni Blue. “Ganun ang ginawa ni Red eh.” Lalo pa itong humalakhak.
“Namo! Na-damage ko kasi talaga ‘yung spirit kaya rank 1 ako. Ganun ako kagaling! Di tulad mo, pang-4!” Inis na sabi ni Red.
“Kamusta naman si Nat? Pang-8! HAHAHA!” Sagot ni Blue.
“Hoy! ‘Wag mo ‘kong sinasali dyan!” Sigaw naman ni Nat.
Inirapan ko sila at humarap na lang kay Dark na tahimik lang na nakatingin sa phone niya. Ano kaya ‘yung tinitignan niya?
Pasimple akong sumilip pero kaagad niya iyong itinago. Picture ata eh.
“Anong gusto mo?”
“Anong rank mo?”
Sinamaan niya ako ng tingin.
“2. Shut up now!” Tss. Sungit!
Tumingin na lang ako ulit sa tatlo na nagtatawanan.
“Huy! 2 lang talaga si Dark?”
“Yeah. May mission kasi siya that time kaya hindi siya nakapag-concentrate.” Si Nat ang sumagot. Busy pa sa kakatawa ‘yung dalawa eh.
“Mission?”
“Oo. Every 2 months, binibigyan kami ng mission sa lugar namin. Pero that time, siya lang ang naatasan. Kaya ayun, wala na siyang time mag-practice, plus madaming iniisip. Hindi tuloy niya masyadong na-damage ‘yung spirit ‘nung power niya.” Tumango na lang ako. Teka, paano ako bukas? Magtagumpay kaya ako sa paglabas ng spirit ‘nung fire na power ko? Baka lumabas silang lahat?
Wag naman sana.
Pero teka, hindi ba, si Red ‘yung spirit ‘nung fire power ko? Paano iyon?
Tumingin ako kay Red. Akmang magtatanong na ako nang may sumigaw.
“All transferees, proceed to the testing room!” Magsimula nang magtayuan ang mga transferees sa klaseng ito. Syempre, ako din.
“Samahan na kita.” Rinig kong sabi ni Dark. Ano pa bang bago?
***
“‘Wag kang kabahan.”
Paanong hindi? Eh magsusugat pala dito tapos ipapatak ‘yung dugo sa may tubig, tapos, ipapainom daw sa’yo.
“Bakit pa kasi kailangan ‘yun?”
“‘Yung iniinom, para hindi niyo magamit ‘yung power niyo habang nasa loob. ‘Yung dugo naman, para ma-absorb ng utak mo ‘yung mga powers mo at magamit mo sa pag-iisip sa test mo.”
Hays. Ano ba naman ‘yan! Nakakatakot kaya. Baka malason pa ako ‘dun!
“Kaya mo ‘yan! Tsk. Hintayin na lang kita dito.” Inirapan ko lang siya at naghintay na sa turn ko.
“Light Dreich Ariano, room #13.”
Kabang kaba naman akong naglakad papasok sa room #13.
Pinaupo ako sa isang upuan doon na gawa sa bakal. Tapos, binigyan ako ng isang small knife.
Nakapikit na sinugatan ko ang sa pulso ko. Mamamatay na ako. Waaah!
Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa kamay ko. Ipinatak ko iyon sa maliit na bote na may laman na kung ano at mabilis na ininom iyon.
Napasandal ako sa upuan at napapikit.
*
Iminulat ko ang mga mata ko. Nasa isa akong napaka-dilim na lugar. Kahit sarili ko, hindi ko makita.
Naglakad lakad ako hanggang sa may makapa ako, mainit na bagay.
At huli na nang malaman kong isa itong apoy. Unti unting lumiwanag sa harapan ko at ramdam ko ang mainit na pagdaloy nito sa kalamnan ko.
Napapikit ako sa sakit. Gustong gusto kong sumigaw pero alam ko namang wala akong mapapala doon kaya sinubukan ko na lang mag-step backward.
Sa pangatlong tapak ko paatras, naramdaman ko naman na natapakan ko ang isang napaka-nipis na sanga. Para lang itong lubid at isang maling galaw ko lang, malalaglag ako.
Habang bina-balance ko ang sarili ko, umaapoy ang katawan ko. Napangiti ako. Magagamit ko na ang kapangyarihan ko.
Hindi ko namalayan, nasusunog na pala ang sanga at malalaglag na ako.
Nagmadali akong tumakbo hanggang sa nagkamali ako ng tapak, malalaglag na ako! Buti na lang, nakahawak ako sa isang bagay.
Naka-akyat ako doon ng sobrang bilis. Pero nagulat ako nang biglang may nabuong salamin sa paligid ko at parang nasa isa akong aquarium.
Naramdaman ko ang mahinang pag-agos ng tubig sa may paanan ko kaya nag-panic ako.
Sinubukan kong gumawa ng fireballs pero nabigo ako kasi nako-kontrol na ng tubig ang katawan ko. Pinapatay ng tubig ang apoy ko.
Hanggang sa may narinig akong sigaw mula sa labas. Mabilis na lumapit ako sa salamin at tinignan iyon.
“Light!! Aaaah!”
Pinaghahampas ko ang salamin nang makita ko ang isang matandang babae na nasusunog. Gustong gusto ko siyang tulungan, kahit hindi ko siya kilala.
Naramdaman ko din na hanggang bewang na ang tubig. Nagpilit pa din akong basagin ang salamin pero hindi ko kaya.
“Light!! Tulungan mo ‘ko!! Anak!”
‘Dun na ako lalong naiyak. Tinawag niya akong anak. Anak.
Umupo na lang ako sa tubig at inisip na hindi totoo itong nangyayaring ito. Sana panaginip lang ‘to.
Ipinikit ko ang mga mata ko ng ilang minuto at pagbukas ko nito, nasilaw naman ako sa sobrang liwanag.
Tumayo ako sa pagkakahiga at napansin ko na lang na may hawak na pala akong baril.
“Shoot!” Napatingin ako sa isang lalaki. Si Mr. Lee. Inuutusan niya akong barilin ang tatlong taong nasa harapan ko.
Sabay sabay na humarap ‘yung tatlo at nagulat ako nang makita kong si Mommy, Daddy at Kuya Rocky iyon.
Nanginginig na hinawakan ko ang baril at itinutok kay mommy. Nagsimula nang tumulo ang luha ko.
Ibinaba ko ang baril ko at umiling. Tumakbo naman ako papalapit sa kanilang tatlo, pero bigla silang nawala.
Umupo ako sa lupa pero bigla naman may nagtutok sa ulo ko ng baril.
Hindi ako makagalaw. Pumikit lang ako at naramdaman ko na ang malakas na hangin na pumalibot sa akin.
*
THIRD PERSON’S POV
Ramdam ang tensyon sa apat na sulok ng room #13. Nasa loob si Rocky at si Mr. Lee. Ginagamit ni Mr. Lee ang power niya para i-project ang nasa isip ni Light ngayon at mapanuod nilang dalawa ni Rocky.
Habang nanunuod, nagulat sila nang umapoy ang katawan ni Light.
“What the!” Hindi makapaniwala si Mr. Lee. Na-kontrol na kasi dapat ang powers niya dahil sa pinainom sa kanila, pero bakit lumalabas pa din ang powers ni Light?
“I told you.” Si Rocky, pero hindi maaalis sa kanya na magulat. First time niya kasing makakita ng ganito.
Nakita din nila kung paano tumubo ang mga sanga sa ere. Gawa iyon ni Light na hindi niya namamalayan. Napapaso kasi siya sa apoy na hindi galing sa kanya kaya nakagawa siya ng manipis na tulay, unconsciously.
Napa-awang naman ang bibig ni Mr. Lee nang makitang may mga lumilitaw na ugat sa buong room. May mga gumagapang na sanga at mukha na ngang gubat ang room #13 ngayon. Hindi makapaniwala si Mr. Lee sa nakikita.
Nagpatuloy ang test at nakita nila kung paano kabilis dumagdag ng tubig sa loob ng malaking garapon na kinatatayuan ni Light. Nadadagdagan ang tubig sa loob, dahil na din sa kapangyarihan niya. Hindi niya lang napapansin iyon dahil wala pa siyang alam sa kapangyarihan niya.
Rinig nila ang pag-iyak at pag-hikbi ni Light ngayon habang nakapikit pa din. Awang awa si Rocky sa kapatid.
Ipinakita naman ang isang matandang babae. Nagulat si Mr. Lee.
“S–Si..”
“Yes, siya nga.”
Tinignan nilang mabuti ang matandang babae at lalo namang nagulat si Mr. Lee nang marinig na tinawag ng matandang babae na anak si Light.
“Ibig sabihin...” Hindi siya makapaniwala sa natutuklasan.
Napunta naman si Light sa isang lugar at nandoon na ang kinikilala niyang pamilya. Ito na ang huling test sa kanya. Kailangan niyang maging matatag emotionally.
Pero dahil lumaking walang alam tungkol sa mga wizard itong si Light, naging mahina siya. No, scratch that. Nagising pala siya na walang alam sa mundo niya noon. Kaya mahina siya ngayon..pero alam naman nating lahat na babalik din sa kanya ang dating Light.
Nagulat silang dalawa nang makitang nilamon na ng malakas na hangin si Light ngayon habang nakaupo.
Bumuntong hininga muna si Mr. Lee bago tinapos ang test.
“Tama ka, we found her.”
Unang ebidensya, hindi siya na-kontrol ng drug na ipinainom sa kanila. Siya lang at ang mga katulad niya ang pwedeng makagawa ‘nun.
Pangalawa, tinawag siyang anak ‘nung matandang babae na kilalang kilala nila.
At pangatlo, her magic powers were more than two. Hindi normal iyon sa mga ordinary wizards.
Napatigil silang dalawa nang magising si Light at iyak ng iyak. Habang patuloy pa din sa pag-ikot sa kanya ang tatlong elementong iba iba ang kulay.
“Mama...”