HERA'S POV
"HERA."
Nagpalinga-linga ako sa Paligid. Nandito nanaman ako. Sa Lugar na napuntahan ko na Noon. Nandito ulit ang Magandang talon na nasa Ulap. Nandito ulit ako sa Pwesto ko at Kaharap Ang Magandang nilalang na puro Puti ang kasuotan.
"Sino ka Ba talaga? Ikaw ba Ang lumaban para sa akin?" Tanong ko sa kanya. Marahan siyang tumango. Maya-maya pa ay Naging Ocean Blue ang Kanya Mata Pati na Ang buhok niya.
I grab my Hair. We have the same color of hair.
"Sino ka?" Isang ngiti lang ang isinagot niya.
"Bakit Lagi kang nasa panaginip ko? Bakit mo ako tinulungan?" Nanatiling nakangiti ang kanya mga Labi. Hanggang sa Unti-unti siyang Naglaho.
"Teka! Sandali lang!!" Sinubukan ko siyang habulin ngunit tila isang Usok na bigla na lang naglaho ang katawan niya.
"SANDALI!!!"
"Hera! Gising!" Naramdaman ko ang Pagtapik ng isang Malambot na Bagay sa Pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Puting Kisame agad ang sumalubong sa akin."Buti at Nagkamalay ka na." Sabi Ni Arvie na naka-upo sa Gilid ng Kamang hinihigaan ko.
Inikot ko ang paningin ko at Nahagip nito Ang Apat Elemental User na nasa Gilid ko rin. Katabi Ni Arvie Si Pam at Rim na Halatang nag-aalala.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Rim habang Hinahaplos ang buhok ko.
Tumango ako at Umupo.
"Paano ako napunta dito? Si Ziara? Nasaan si Ziara?" Tanong ko at agad na Nagtinginan ang Lahat.
"Binuhat ka ni Clyde Papunta dito. Pagkatapos ng Laban niyo ay Sinugod namin kayo dito sa Clinic. Nasa Kabilang kwarto si Ziara." Tinignan ko si Clyde na nakapamulsa. Siya ang Dahilan kung Bakit galit na galit sa Akin Si Ziara at muntik na akong patayin. Binato ko siya ng matalim na tingin at agad naman siyang yumuko para umiwas. Tsk! Batukan kita diyan eh.
"Your so Galing Talaga Venice! Idol na idol kita! Waaahhh! Natalo mo si Ziara!" Nagtatalon na Saad ni Pam. Hyper. Pero ano daw!?
"I Won? H-how?" Tanong ko sa kanya kaya natigilan naman siya. Sila pala. "Huy!'' Sabi ko at pumitik sa hangin upang kunin ang atensiyon nila. Kung tignan kasi nila ako ay parang nakikipaglokohan ako.
"Ha? Hindi mo Alam?" Tanong ni Rim. Umiling ako. Napanganga nalang yung dalawa kong makulit na Kaibigan.
" Siyempre. Eh Mukhang Hindi niya kontrolado ang sarili niya., Kung nakita niyo sana ang laban alam ko na Mage-gets niyo rin." Sabi ni Arvie. Nag cross arms pa na tila ba alam na alam niya ang nangyari. Sandali, Nandun siya sa Laban?
"Bakit kayo Pumunta sa Training Hall? How did you know?" Tanong ko sa Apat na Elemental user.
"Arvie, '' Maiksing sagot ni Akira kaya tumango nalang ako. Ang Daldal talaga nito.=__=Sarap tabasin ng dila.
"Clumsy." Wow! Nagsalita siya! Nag ambag! "Next time you Think Hundred Times Before you decide." Sabi niya at saka Umupo sa Sofa at Nagbasa. Okay na sana yung pa-dungit at cold moment niya kaya lang, what the hell!? Kaya niya magbasa ng Baliktad? Nice!
"Hahahahahaha!" Sabay sabay na tumawa yung tatlo kaya nagtinginan kami nila Rim, Pam At Arvie. It was like "anong meron look".
"Okay. Enough." Biglang sumeryoso si Sirene at Tumigil sa Pagtawa yung dalawa pero punas ng punas ng Luha.
"Tss.=__= Laugh. You're dead." Dinig kong sabi ni Clyde at siyang ikinatawa ulit nung Dalawa. Si Sirene nakangiting napapa-iling nalang. Iba't ibang Personality ang sumapi sa Apat na To=__= Hirap basahin.
"Ahem. Hera." Napatingin ako kay Sirene. "Siguro naman Alam mo na Water Elemental User ka dahil yun ang Lumabas na Kapangyarihan mula sa'yo. Ibig sabihin Kailangan mong hasain ang Element na yan. You need to Learn How to Use it. How to Control it. Isa sa Malakas na Elemento ang Tubig." Habang nagpapaliwanag siya sa akin ay nilalaro-laro niya ang Malaking water Ball na nasa Palad niya. Sinlaki ito ng Bola ng basket ball.
"Pwede mo naman akong turuan Diba?" Sabi ko sa kanya kaya Tumango naman siya. Ang bait naman pala. Hindi ko naman kasi inaasahang Tubig ang Magiging Element ko.
"I can Help you with that. Makapangyarihan ang Element na ito. It Can Destroy anything if you Couldn't Control it. Kumakawala ang Force nito ng Kusa. Pero, we Have A problem with That." Hinintay ko ang susunod na Sasabihin ni Sirene ng Putulin niya ito.
"Problema? Bakit? Ano!?" Sunod sunod na tanong ko.
"Hera, This is the very First time na nangyari ito. Dalawang Water Elemental user. Okay, Paano ko ba i-eexplain. Naalala mo ba noong Kahapon? Nagtaka kami ni Pam kung bakit asul na Ang mga mata mo bigla at buhok. Pumasok agad sa isip namin na tubig ang nasayo. Kaso agad din namin naisip si Sirene, Kaya Imposible talaga." Napapakamot sa Noong tugon ni Rim.
"Pwede naman na Magkaroon ka ng Kapareho ng Element or ability. Pero nakasaad sa Libro at sa Propesiya na Kahit Kailan ay Hindi Pwede Magkaroon ng Dalawang User ng isa sa Apat na Pangunahing Elemento. Fire, Water, Air And Earth Are Destined To Each of their User, In your Case Ay Nagkaroon ng Panibagong katanungan na kailangan masagot." Paliwanag ni Akira.
Nanatili akong Tahimik at Nakikinig.
"Tulad ng sinabi sa amin noon ni Rim, Hindi mo Alam kung Sino ang mga tunay mong magulang. Kaya hindi natin alam kung sino sa kanila ang User ng na- acquire mo. Pero Alam mo Impossible parin. Dahil mismong Mga Magulang Nila ang Mga user nito" Itinuro ni Pam ang Apat na Elemental user. "Imposiblens isa ang Magulang mo sa Nakasama sa Naganap na digmaan 17years ago. Dahil Ang mga magulang nila ang nandoon."
"May isa pang Posibilidad." Napatingin kaming lahat Kay Sirene na Nagiisip ng Malalim. " Kung Isa ka ring Royalty sa Tribo namin. Kung sa Water Land ka rin nagmula ay May Possibility na Yun ang dahilan kung bakit Pareho tayo ng Element. It's Either you're a Member of the Royal Family o Di kaya Ay Itinakdang magkaroon ng ganyang kapangyarihan." Nganga! Napanganga ako sa Sinabi niya. Paano kung ganoon nga!? Paano kung dun ko Matagpuan ang mga Magulang ko na matagal ko ng gustong makilala.
"We don't Have the right to give A Concrete conclussion to what had Happened. The Committee already know what to do. We Need to bring that clumsy Lady to them. They aRe the one Who Can answer all of our questions. Cut it out." Sabi niya at saka tumayo at lumabas ng Kwarto. Bastos talaga! Pero sa bagay ito na ata ang pinakamahaba niyang sinabi. Sana Tagalog nga lang.
"Bastos eh no?" tanong ko sa kanila. nagsitawa naman sila sa naging reaksiyon ko. Naalala ko tuloy nung nakabangga ko siya sa Mortal World noon. Nagtatagalog naman yon ah. Lihim tuloy akong napangiti.
"Oy-oy! Ano yang ngiting yan Ven? Ayieeee." Inirapan ko na lang si Pam dahil Tinutusok tusok niya ang tagiliran ko. Pakshet! Ang lakas ng kiliti ko diyan!!
"Bagay kayo." Eris. Napatigil din si Pam sa pagkiliti sa akin.
"WHAT?" nagtawanan silang lahat. Sorry ah! OA áko mag-react tss.=_____=
---------
Isang Linggo na Ang nakakaraan mula Ng Mangyari ang Laban namin ni Ziara. Sa isang Linggo na yun ay natutunan ko nang Gamitin ang kapangyarihan ko.Nanatili na rin ang asul kong mga Mata at Ang dulo ng buhok ko ay Asul.
Madalas kong kasamang Kumain Pag Lunch Ang Apat na Elemental User. Mas naging Close kami dahil bilin ng Administrator ng Academy na Mula Ngayon ay Sila na palagi ang kasama ko. Pero Nakakapagtaka lang na hindi Pa ako ipinapatawag ng Administrator mula pa last week. Tanging ang Apat lang ang kinakausap niya. Si Arvie, Pam at Rim naman Ay Laging magkakasama dahil nalipat na Si Arvie sa Klaseng kinabibilangan nung dalawa. Ako naman ay naiwan sa Klase namin. Ang Kasundo ko lang naman dun ay yung Tatlong galing din ng Mortal World. Sina Vanessa, Jing at Dwayne. Kilala nila kung sino ako sa Mortal World. Si Arvie Madalas Dumaan sa Room Para Kamustahin ako. At kung ano na raw ang pinag-aaralan namin. Puro Tungkol palang sa Spell at Pag control sa ability. Hindi ko nga alam kung Bakit kahit anong gawin ko ay hindi ko Maperfect na i-chant ang isang spell.
Si Ziara? Mula ng Matapos ang Laban namin ay hindi na niya ako ginugulo. Kapag nakikita ko siya sa Hallway or sa School Grounds ay iirapan niya lang ako. Buti nga at Hindi ako binabato ng itim niyang rosas.
Nakakasama ko si Arvie minsan. Si Pam at Rim naman sa dorm lang kami lagi nagkakasama at magku-kwentuhan bago matulog. Si Sirene Lagi akong Tinuturuan ng Basic. Saka Na daw niya ako Tutulungan mag-training kapag May pahintulot na ng Pinaka Head ng Committee at yun nga ang Administrator ng Academy.
"Nasan na ba si Clyde?" Nagmamaktol nanaman si Eris.
Nandito kasi Kami sa canteen at kumakain. Kanina Pa namin hinihintay Si Clyde dahil sabay sabay kaming Pupunta sa Admin office. I was Shocked at First dahil Wow! This will be The First time na kasama ako sa mga ipinatawag. Yung ibang Estudyante nga Inakala pa noong una na Black Magic User ako dahil ginaya ko daw ang Magic Ni Sirene like hello ??? Malay ko ba!
"Oh Ayan na pala." Turo ni Akira sa May likod ko. Nakangisi siya ng ituro niya si Clyde. Problema nito? Di ko na lang siya nilingon. "Lingunin mo raw siya sabi niya." Inirapan ko lang si Akira, "Haha ang cute mo pag pikon ka."
"Di ako aso para maging cute.Tsk." Sabi ko at nagpatuloy sa Pagkain.
"Yuko hera." Pabulong na Sabi ni Sirene na Seryosong nakatingin sa direksiyon ni Clyde. Binigyan ko siya ng "why look" "He'll attack you." Pagkasabi nun ni Sirene ay agad akong yumuko at pinagana ang Reflexes ko. Isa sa mga tinuro niya ay ang makiramdam sa paligid kaya yun ang ginagawa ko ngayon. Tama nga si Sirene dahil isang bumubulusok na Fireball Ang dumaan sa ibabaw ng ulo ko. Dama ko pa ang init nito.
Tumama ito sa Kabilang table dahil sa Pagyuko ko. Mabuti nalang at walang tao sa table na yun. Tsk=__= Ang lakas ng sapak ng isang to! Ano nanaman ba ang Problema nito? Sa Isang linggong pagsasama namin ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang bwisitin ako.
Padabog akong tumayo At humarap sa kanya. Nasa Limang Metro lang ang layo niya sa akin. Agad na nagsitabi Ang Mga Students at may kung sinong nilalang ang kusang Itinabi ang mga Tables and chairs sa isang tabi gamit ang Kapangyarihan niya. Si Sirene at Akira ay Napapailing nalang na ibinulsa ang mga kamay at Lumayo sa Akin. Si Eris ayun! Parang ?si Pooh na Tumatalon talon na Um-exit din.
Ibinalik ko ang tingin ko Kay Clyde na Nakapamulsa at Nag-aapoy ang Mata.Anong Ginawa ko? Galit nanaman to?
"Anong problema mo at nambabato ka ng Apoy?" Sigaw ko sa kanya.
"Tsk. You are our obligation you must Follow orders from us. We should know your action. Delikado ang buhay mo dahil panigurado ay Alam na ng mga Black Magic User na Dalawa na ang Water Elemental User. They'll be Interested to you and will try to get you. Tapos Pupunta ka ng Revenhill ng walang Paalam? At si Arvie pa ang kasama mo? The Heck is That!?" Bigla niyang Sigaw pabalik. The crowd Gasps. Did he Just Shout? Well. Alam naman na ng buong Academy ang tungkol sa Pagkakaroon ng dalawang Water User. At sa Pagbabantay ng apat na to sa akin. Ang hindi siguro nila Ine-expect ay ang Pagsigaw niya napaka-unusual.
Kung Asumera lang ako Iisipin ko na Nagseselos to dahil Kay Arvie na kasama ko kahapon sa Revenhill. Pero Sa sinabi niya ay parang Nagkakaganyan siya dahil lang Sa Obligasyon niyang malaman lahat ng kilos ko? Wow! Engot nito minsan. Ang babaw ng rason.
"Dahil lang dun? Dahil dun susunugin mo Ako? Hoy Jerk! Namumuro ka na." Sabi ko sa kanya at Dinuro-duro ko siya. Yung Mga nasa Paligid ay nagugulat parin sa pakikitungo ko sa Fire Prince nila. Tse! Letse!
"Yes. And because of that attitude of yours. You're dead." Seryoso niyang sabi. Ako pa daw uma-attitude?
Agad siyang sumugod Gamit ang Fire Balls niya. Sunod sunod at walang tigil. Ilag Muna ako ng Ilag habang nag-iisip ng dapat gawin. Wala pa akong maayos na training kaya mahirap. Tapos ang lakas lakas pa niya. Mabuti nalang at Hindi Nasisira ang Canteen dahil Tulad ng sa Training hall at training Ground ay May Protective barrier ito. Dito sa Academy inaasahan na ng Committee na Magkakaroon ng Laban sa Iba't ibang parte ng Academy. Pero Mas Maganda Daw kung sa battle Field daw talaga gagawin ang laban. Sa isang linggong pamamalagi ko ay marami na agad akong natutunan dito.
Masiyadong Lutang ang Isip ko kaya Hindi ko napansin na tinamaan ako sa Braso. Aray ko lang! Ang init! Nagdilim ang Paningin ko kaya tinapatan ko ang Fire Balls Niya ng Water Balls ko. Nagbabanggaan lang ang mga iyon. Maya-maya pa ay nakita ko na Pinagsakop niya ang Mga palad niya saglit at isang Malaking fire ang nagawa niya. Napamura ako sa Isip ko. Hindi ko ma kayang gumawa ng Malaking Water Ball. Para tuloy gusto ko na umiyak sa mga oras na to. Inaano ba siya!? Buti sana kung ang lakas lakas ko eh ang problema Mabilis akong manghina.
Nakaisip agad ako ng Paraan. Sinugod ko siya Ng Maraming water Blades pero Nilamon lang ito ng apoy niya. Oo nga pala! Small amount of water can easily dodge by a huge fire.
Sa katangahan ko ay mas lalo akong nalagay sa alanganin. Pinalibutan niya ako ng apoy. Nagkaroon ng Apoy sa Kinatatayuan ko. Pabilog ito at Mataas. Halos Umabot na Ito Hanggang sa bewang ko. Naramdaman ko agad ang Init. Ang Sakit sa Balat! Papatayin ako nito dahil lang sa pumunta ako sa Revenhill kahapon na kasama Si Arvie ng Walang Paalam?
Palihim Kong Ikinumpas ang Kamay ko para Magkaron ng Isang Hibla ngunit makapal na tubig. Pinadaan ko ito sa Sahig para hindi mapansin. Kahit ang Karamihan ay Hindi napansin. Tinignan ko Si Sirene alam niya kung ano ang ginagawa ko kaya Tumango siya at Binigyan ako ng "good" look. I smiled Sheepishly! Kino-control ko ang tubig at sumusunod ito sa Bawat galaw ng kamay ko. Sa Isang iglap ay Nasa likod na Ito ni Clyde. Alam kong Alam niya na nasa likod niya ang tubig ko kaya Gumawa ako ng paraan para madistract siya. Ikinumpas ko ang Isa kong kamay at Pinaliguan Ko ang sarili Dahilan para Mamatay ang Apoy na Nakapalibot sa akin. His eyes Widened when the water Behind Him Got his Neck, Ano ka ngayon!? Ang Yabang mo Kasi.
"Aw!" Napadaing ako Na Pumalibot sa kanang paa ko Apoy niya. Unti-unti nitong natutunaw ang Puti kong Boots kaya Sinubukan ko itong Labanan ng tubig.
"THAT'S ENOUGH!!" napalingon kami sa Sumigaw na nasa Entrance ng canteen. Si Headmaster Rhea na Naka Cloak pa At my dalang Stick.
Natahimik ang Buong Canteen. Patay! Agad na Iwinasiwas ni Headmaster ang Wand niya kaya Naibalik sa dati ang dating ayos ng Canteen. Yung nasunog at nabasang gamit ay bumalik sa dati.
"Sa School Cafeteria niyo pa talaga napiling maglaban? Ang Lawak ng Battle field! Malaki ang Training hall! At higit sa Lahat Nadiyan lang sa Labas Ang Training Ground! Bakit dito pa sa Canteen!!" Toinks! Akala ko Pa naman Galit siya dahil naglalaban kami ni Clyde. Yun Pala Galit dahil sa Canteen kami naglaban. Wtf!? Napanganga nalang ang iba samantalang Lumapit naman Sa akin Sina Sirene, Akira, Eris at Clyde.
"Ganyan talaga si Headmaster. Ayaw niyang May Nasisira sa Canteen. Mula Ng Mag-aral siya dito Hanggang sa Naging Member ng Committee, Canteen na Ang Pinakapaborito niyang Puntahan. Mag-aalburoto talaga yan." Humahagikhik na bulong ni Eris kaya Napatawa din ako.
"Kayong Lima!" Turo niya sa amin kaya napa-ayos kami ng Tayo. "Kanina pa kayo pinapahanap ng Head." Naglakad na siya papunta sa Upuan malapit sa kanya na parang wala lang nagyari. Nagkibit balikat nalang kami at Umalis na sa lugar na yun.
----------
"Kamusta ka Hera?" Tanong ng Head ng Committee.
"Ahm. Okay naman po." Para lang kaming magtropa. Actually ako pala! Parang tropa ko siya. Pasimple akong kinukurot ni Eris sa Tagiliran. Ayusin ko daw ang pakikipag-usap ko.
"Nakakatuwa kang bata." Tumawa siya. Tumawa siya? Weh? "Tama nga ang anak Ko."
"Father." Ma-awtoridad na suway sa kanya ni Clyde? Teka magtatay sila?
"Mag-ama po kayo?" Gulat ng tanong ko. Napatango naman Ang Head. "I-I'm sorry King -" hindi lang ako makapinawala kasi hindi sila magkaugali.
"No. No , Don't be." Sabi niya. Napakamot nalang ako sa ulo. Feeling ko ay Hindi ko ihinalang ang hari sa paraan ng pakikipag-usap ko , nakakahiya!
Bakit parang mas mukhang mabait ang tatay niya kaysa sa kanya? Nakangiti ang tatay niya di tulad niya laging salubong ang kilay, walang emotion ang mata.
"Bakit mo kami ipinatawag?"Nababagot na tanong ni Clyde sa kanyang Ama. Bastos talaga. Tatay niya yung kausap niya pero parang ako lang yung kausap niya.
"Easy Son." Then He looked at us one by one. "May Ibibigay akong mission sa susunod na buwan." Sa susunod na buwan pa naman pala. "Hera."
"Po?" Napaayos naman ako at tumingin sa kanya.
"Kailangan mo nang ma-master ang Kapangyarihan mo. Tutulungan ka nilang Apat sa Training. I'll Let you use Any of the training grounds para mapabilis. Sirene will be focusing on you lalo na sa paggamit ng Water Element." May Kinuha siya sa drawer niya aty inabot ito sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit Susi ang ibinigay niya.
"Pwede na kayong mag-umpisa ng training anytime. At ikaw Hera, lilipat ka na sa dorm nila."
Ako? Lilipat sa dorm nila? Me Living with The Four of them? Okay lang sana. Kaso!!!! Ako at si Clyde sa iisang Dorm!! Delubyo! Oh my god! Hindi ko maimagine pwede naman dun na lang ako kila Pam at rim. Okay na okay ako doon at tahimik na tahimik ang buhah ko doon.
Gusto ko sanang sabihin na okay lang kahit di ako sumamasa dorm nila. Gusto ko lang naman mag suggest kaya lang ay sumingit na itong sa akira.
"Welcome ka sa dorm namin, aalagaan kita dun." Sabi ni Akira na Ikina-init ng pisngi ko. Mabait talaga si Akira. Kasundo ko siya kasi makulit din siya. Gentleman pa. Ahem! Wala akong problema sa kanya as in wala.
"Tss. =___=" Sarap batukan nitong si Clyde! >_____< Walang ibang alam na reaksiyon. Dito, dito ako may problema sa isang ito.