Chapter 11
HERA'S POV
"Ang Genovia ay binubuo ng limang Kaharian. Water Land, Fire, Land, Air Land at Earth Land Ang Apat sa mga ito. Ang Aither ang naman ang nasa Sentro nito. Sa Bawat Kaharian ay may Hari At Reynang Namumuno rito. Ngunit ang Pinakapangunahing Pinuno ay Ang Hari at Reyna ng Aither kung Kabuuan ng Genovia ang pag-uusapam. Isang Libong taon na Mula ng Maganap ang Pinakaunang digmaan Sa Pagitan ng Aither at Dark Kingdom. Noong mga Panahong iyon kasalukuyang pinamumunuan ni King Arthur Warthrone ang Aither Katuwang ang kanyang Reyna na si Reyna Auna. Si King Thorin sa Fire Kingdom, King Zegolas Sa Earth Kingdom, King Azog sa Air Kingdom at King Nashier sa Water Kingdom. Nagkaroon ng alitan Sa pagitan ni King Arthur at Queen Roma." Tumayo si Headmistress at naglakad lakad habang nagpapatuloy sa pagkukwento. "Queen Roma is The Queen of The Dark Kingdom Back Then. Gustong Hatiin ni Queen ang Kaharian ng Aither at Pamunuan. Hindi Sumang-ayon ang Mga Hari at Reyna ng Bawat Kaharian, Dahil sa Oras na mahati ang Aither ay Malaki ang magiging epekto nito sa Apat na Maliliit na Kaharian. Ang Aither ang nagsisilbing pundasyon at lakas ng bawat nilalang dito sa Genovia. Hindi pumayag ang mga Hari at Reyna. Naghain ng Digmaan si Queen Roma laban Sa Genovia. Dahil sa Pinag-Sama samang kapangyarihan ng Apat na Elemento at ang Kapangyarihan na Aether, nakaranas muna ng pagkatalo ang Aither bago natalo si Queen Roma. Matagal na nanáhimik áng Ang Dark Kingdom. Hanggang sa makalipas ang Pitong taon at saktong namumuno ang Ikalawang Henerasyon ng Hari at Reyna ay Lumusob ang Mga Ito sa Aither. Pinamunuam iyon ng alagad ni Queen Roma dahil napatay na noon pa ni Reyna Auna ang asawa nito at ang anak ni Queen Roma ay kinupkop ng Mag-asawang King Arthur at Queen Auna Warthrone." Napasinghap ang ilan sa mga kaklase ko. Sinong baliw naman lasi ang kukupkop ng anak ng satili mong kalaban? "Maraming namatay sa Dalawang magkasunod na digmaan. Pagkatapos noon ay tinuldukan Ni Haring Calxto ang Alitang nabuo. Namuhay ng mapayapa ang Dalawang kaharian na Walang Pakialam sa bawat isa. Ang naiiwan na lang na tanong ngayon ay kung anong nangyari sa Anak ni Queen Roma at sa naging Anak ng mag-asawang Warthrone." Mahabang kwento ni Headmistress Luer. Bago naming Headmistress.
Napaisip din ako. Kahit ako ay nais kong itanong kung ano na nga ba ang nangyari matapos nun. Pero ano bang pakialam ko? Nakikinig lang naman ako ng kwento.
"Master! Paano po nagpasa-pasahan ang limang malalakas na kapangyarihan sa bawat Henerasyon? Ang sabi po kasi ng aking Ina ay ikapitong Henerasyon na po ngayon." Sabi ni Mirasel. Kaklase ko. Nanatili akong nakikinig dahil Pakiramdam ko ay may makukuha akong sagot dito.
"Nagpasalin-salin ang Limang Pangunahing kapangyarihan dahil Minamana ito ng Susunod na Henerasyon. Ang limang Pinaka unang Naging Hari ay Napunta sa Anak nila. Hanggang sa Mga Apo at Hanggang sa Ika-anim na salin-lahi." Sabi ni Master Luer at Iwinasiwas niya ang wand niya upang magkaroon ng blurd na mga imahe.
"Ngunit Isang Madugo at matinding digmaan Ang nangyari labing pitong Taon na ang nakakalipas. Sa Panahong iyon ay ika-Anim na salin-lahi na ang Naganap. Ang mga tagapagmana ng limang Elemento ay Si Haring Lyrox Firro sa Fire, Clyde Firro's Father. Queen Ilene Lux For Water and Sirene Aquina's Mother. Queen Aira Stone who is Akira Windrox'S Mother na May hawak ng Hangin at Si King Eric Mirearth na Ama ni Eris Mirearth." Binanggit niya ang kasalukuyang tagapagmana para madali naming matandaan kung sino ang pinagmanahan ng element user ngauon. 'Ang May Hawak ng Kapangyarihan ng Aether noon ay Ang Tagapagmana ng 6th Generation na Si Queen Vianice na Reyna ng Aither. 17 years Ago. The 6th Generation's Legendary Who fought for the kingdom had been the hero of the Kingdom. Isang tahimik na gabi noon nang magsilang ng isang napakagandang Batang babae si Queen Vianice. Lingid sa kaalaman ng lahat na Siya ring paglusob ng mga taga Dark Kingdom. Sinabi sa Propesiya noon na ang Ikapitong Henerasyon na Tagapagman ng Aither ang magiging tulay upang tuluyang matalo ang Dark kingdom. Hindi papayag ang Dark kingdom na mangyari ito kaya ninais nilang patayin ang tagapagmana habang sanggol pa ito. Sama-samang Lumaban sina King Lyrox, Queen Aira, Queen Ilene at King Eric dahil sila ang 6th Generation na may hawak ng Apat na Elemento. Hindi Kayang Lumaban ng Queen Vianice dahil kapapanganak lamang nito. Si King Genon na asawa ng mahal na Reyna ang lumaban. Naging madugo ang laban, Digmaan kung digmaan, marami ang namatay, nawalan ng pamilya. Dumanak ang dugo at nagmistulang pulang dagat ang buong Genovia noong panahong iyon. Naging masalimuot ang Pangyayaring iyon. Hanggang sa Humupa ang galit ng dalawang kaharian. Walang nanalo at halos pareho ang naging Laban. Pagkatapos ng Digmaan ay siya ring pagkawala ng Reyna ng Aither at kasamang naglaho ang tagapagmana ng Aether Element. Tumagal ng tatlong taon ang Paghahanap sa dalawang taong Pinaka-makapangyarihan. Hanggang sa Unti unting Sumuko ang Hari sa Paghahanap. Napagpasiyahan ng Bawat Kaharian na baguhin ang pangalan ng Academy. Escuela de Genovia na naging Genovia Academy . Itinayo ito Upang mas mahasa ang Kapangyarihan ng bawat isa at Isang paghahanda na itinuturing para sa magaganap na ikapitong digmaan. Genovia Academy ang Ipinangalan dito hindi dahil Nasa Genovia ito nakatayo. Geno na ibig sabihin ay Maganda at Via na nangangahulugang Pagmamahalan. Kung mapapansin niyo, iisipin ng iba na ang salitng genovia ay mula sa pangalan ni Haring Genon at Reyna Vianice. Pero hindi." Isiningit niya ang huling salita. Kung hindi niya sinabi iyon ay iisipin kong sa pangalan nga ng mga ito kinuha ang pangalan ng eskwelahan. "Hanggang ngayon ay Hinahanap parin ang Ikapitong tagapagmana ng aether. Umaasa na matatagpuan pa rin at ang Reyna."
"Paano niyo nalaman lahat ng ito Headmaster Eh Hindi nga Po nasa Nakasaad lahat sa Libro." Napatingin ako sa Kaklase kong isa. Tama siya naghanap narin ako ng libro na tungkol dito ng malaman ko mula kay rim ang naganap na Digmaan 17years Ago. Tanging tungkol lang sa digmaan at walang nakasulat na nawawala ang Reyna at ang Prinsesa. Ang alam ng Lahat ay Patay na ang mga ito.
Sabi din sa libro na mababago ang Propesiya. "The Last Heir Of the Seventh Generation will be the who can end the Suffering of her people". Pero dahil sa patay na raw ang prinsesa ay maaaring hindi ito matupad at hihintayin na lamang ang Ikawalong henerasyon ng apat na Elemental User.
"I was there." Natahimik kaming Lahat sa Sinabi Ni Master Luer. "Si Recca, Azor, Rhea, Leona, James At anim pa sa mga Headmaster niyo dito at ako ay isa sa mga naging Estudyante ng bagong academy. Ten years old lang kami noon ng mangyari ang Digmaan. Nang itayo ang bagong academy ay 13-14 Years old na kami noon. Ako mismo ay naging saksi." Napansin namin ang Biglang pangangatog ni Headmaster. Maya-maya pa ay napahawak siya sa dibdib niya at naupo sa kanyang upuan. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng masaksihan mo ang isang madugong digmaan pero may nagsasabi sa isip ko na parang naramdaman ko na ang Takot na Nararamdaman nila ng mga Panahong iyon.
Nagulat nalang kami ng bigla biglang Tumayo si Master Luer at lumabas ng Room.
"Anyare kay Master?" Tanong ni Mirasel. Nagkibit balikat nalang ang katabi niya.
Bakit parang may iba kay Headmistress Luer? Hindi ko Maipaliwanag kung ano but I can Sense something. Tumayo na ako at Pumunta sa library. Tutal maaga pa naman At wala na kaming Klase. Kaninang umaga ay si Master Recca lang ang Nagturo tungkol sa mga Spell. Spell na Ewan ko ba At Hindi ko makuha kuha!
Pagpasok ko ng library ay agad akong naghanap ng pinaka tahimik at walang taong part. Dun ulit ako Pumwesto sa Inupuan ko dati. Inilapag ko ang bag ko at Pumunta sa isang shelf. 1 Minute 2minutes, 3 Minutes, 4,5,6, Ilang Minutes na akong naghahanap ng libro pero wala akong makita. May napansin akong nagiisang brown na Libro sa Ibabaw ng Shelf. Ang Taas naman! Pero bakit nandun yun? Tsk. Napakamot ako sa Batok at nagisip ng Paraan. Gumamit ako ng tubig para Kontrolin ang mga libro. Naging Hagdan ito kaya Ito ang inapakan ko Isa isa hanggang sa maabot ko Ang Libro. nang Makuha ko na ito ay agad kong Ibinalik ang mga Libro sa Dati.
"Nasan na yung table ko?" Bulong ko sa sarili ng Wala ako mahagilap na bakantaeng upuan. Pero pagyuko ko sa harap ng isang table ay nakita ko ang bag ko na nandoon. "Walang hiyang to! Sa Table ko pa natulog." Si Clyde kasi! Nakaubob sa Lamesa ko. Ibinagsak ko Ang Libro Dahilan para umangat ang tingin niya.
"Tsk.=__= careful." At umubob ulit siya. Napapailing nalang ako. Bakit ba siya nakikiupo sa table ng may table. Di kami best friends para basta nalang siya umupo dito ng hindi nagpapaalam.
Wala naman ako masiyadong nakuha sa libro kundi ang mga pangalan ng limang legendary elemental user ng Ika-anim na Salin-Lahi. King Lyrox, Ang Hari ng Fire Land at Asawa niya si Queen Celestine. Siya ang Kasalukuyang namamahala Sa Academy Dahil Busy pa raw ang Hari ng Aither. Siya Pala ang tatay nitong si Clyde Firro. Si King Eric naman ay Ang Kasalukuyang Hari ng Earth Land. Napangasawa niya Si Queen Eunice. Sila ang mga magulang ni Eris Mirearth. Si Queen Aira naman Ay Ang kasalukuyang Reyna ng Air Land Na Napangasawa ni King Azaki. Siya ang Ina ni Akira Windrox. At Si Queen Ilene na katuwang ni King Zyrox sa pamumuno Sa water Land. Sila ang magulang ni Sirene Aquina. Ang Legendary aether user naman ay si Queen Vianice. Na siyang tumalo sa Ika limang Henerasyon ng Dark Kingdom sa Edad na 6. Wtf!? Ganun kabata?
Nakasulat din na ang ika Pitong Henerasyon ay sina.
*Clyde Firro (Prince of Fire)
*Sirene Aquina (Princess of Water)
* Akira Windrox (Prince of Air)
*Eris Mirearth (princess of earth)
*Aether Heir
Sila ang 7th generation. Halatang Umaasa pa sila na nuhay pa ang aether Heir dahil binigyan nila ito ng Puwang sa Libro. At aba! Buhay pa ang mga ito pero nasa libro na ang mga pangalan nila.
Ang 1st Generation ay Ang Mga Pinaka-unang Hari ng Limang Kaharian.
* King Arthur (Aither Kindom)
*King Thorin (Fire Kindom)
*King Zegolas (Earth Kingdom)
*King Azoh (Air Kingdom)
*King Nashier (Water Kingdom)
Dito nag umpisa ang Pagsasalin-lahi ng mga angkan. Noon Tinatawag itong Kingdom. Ngunit Naiba Ito labing pitong taon na ang nakakaraan. Dahil Sa pananakop ng Dark Kingdom ay maraming parte ng mga kaharian ang napinsala at nalusaw. Pero kung titignan mo ngayong sa mapa. Oo mapa! May naka-ipit na Mapa sa Libro. Sobrang laki parin Ng Genovia. 5% palang nito ang Academy na parang tatlong beses ng Laki sa UP. YUP! I can compare to UP ng Makapunta ako doon. Tatlong beses ang laki nito ang Academy.
Nag-scan pa ako ng Nag-scan sa ibang Page ng Libro hanggang sa nakita ko ang page na malaking na kasulat na Aether.
Kung ang AITHER ay kaharian. Ang AETHER naman ay Ang Pinakamalakas na Kapangyarihan. Ito Ay Nagtataglay ng apat na Elemento at Pang-lima ang Light. Meron pala nun. Sabi sa libro. Ang Tanging Maaaring humawak ng kapangyarihang ito ay ang tagapagpamana ng kanyang Henerasyon. Kayang nitong pagsabay sabayin ang Water, Air, Fire at Earth. Ang Light naman ay Siyang Pinaka-Malakas. Ibig sabihin. These Heir Posses The Five Major Element At the same time. Wow! As in Wow. Ngayon ko lang nagets.
Kanina kasi noong nagpapaliwanag si Headmaster luer hindi ko makuha yung Sinasabi niya kapangyarihan na Aether at ang Kaharian ng Aither. Haist. Tulad ng Sinabi ni Headmistress ay nakatakdang Magkaroon ng Ikapitong Digmaan dahil sa Ikapitong salin-lahi. Pero Tulad rin ng sinabi niya ay walang nakaka-alam kung buhay pa ang Last Heir of Aither Kingdom. Paano kung hindi Siya matagpuan ? Paano kung hindi siya magpakita bago ang Ikapitong Kabilugan ng buwan? Hindi ko Maimagine na magkakaroon ng digmaan at kulang ang mga Tagapagmana.
Haaaay!!! Bakit ba ako nag aabala na Kalkalin ang history ng Genovia? Wala naman akong mapapala dito! Stress lang ang inabot ko!
"Hoy Ano ba!!??!" Bigla akong Napatayo ng hilahin ako ni Clyde. Ang lakas ng topak. Bigla bigla nalang nangangaladkad!
"Tss=__=" Haaay.... Ano pa bang aasahan kong sagot mula sa taong to kundi 'tss tss tss'. Ahas ba to o ano?
Kinaladkad niya ako palabas hanggang sa makarating kami Sa School Ground. Ang hilig hilig talaga nitong mangaladkad buti sana kung mabagal siya maglakad at maliliit ang hakbang niya. Eh hindi nga! Ang laki humakbang tapos ang bagsik pa mag lakad.
Nakahawak lang siya sa Wrist ko. Ano bang Problema nito? Pinagtitinginan na kami at pinagbubulungan. Nagtakip ako ng mukha para kahit walang kwenta eh masabing ayoko na nagpapahila ako sa isang to. Baka mamaya hindi lang si Ziara ang mambato sa akin sa pagkakataon na ito. Ang dami pa namang Fans nito.
"Hera!" Napatingin ako sa sumigaw ng Pangalan ko. Sa lahat ng lugar ba naman dito pa niya isinigaw ang Pangalan ko.
"Hi Aki!" Sabi ko ng nakangiti. Narinig ko na umismid yung katabi ko pero tumigil din sa paglalakad. Sarap sipain.
"Di ba ngayon ka na lilipat sa Dorm namin? Natin pala." Napangiti ako ng ngumiti si Akira. Nakakahawa at Ang cute niya habang nahihiyang kumakamot sa Batok.
"Yeah. That's why she's with me. I'll help her." Sabi ng katabi ko. Cool lang siya at walang emosyon ang Pagsasalita. Tuod ba to o tuod talaga?
"Ganun ba? Tutulong din ako. Pwede?" Suggest ulit ni Akira.
"NO/SURE" sabay namin na sagot ni Clyde, Parang naguluhan naman si Akira kaya tumango nalang ako.
---------
"Waaaaahhhhh!!! Ven, Huhuhuhuhu Mamimis kita. Susulat ka ha? Magtetex ka. Tapos tatawag ka Lagi. Mag-iingat ka dahil— Aray ko Rim! Bakit ka ba nambabatok?" Reklamo ni Pam habang nakanguso. Napangiwi kami ni Rim. Napakaisip bata niya talaga.
"Ang OA mo kasi! Hindi mangingibang bansa yang Si Hera. Lilipat lang ng Dorm. Li-li-pat lang." Sabi ni Rim na Busy sa paglalagay ng mga damit sa isang Bag.
Nandito kasi kami sa Loob ng Kwarto ko. Yung Dalawang Lalaki naman ay nasa Baba naghihintay.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo ni Akira ah. Alam mo bang never pa yan naging makulit sa isang babae? Yung tipong sisigaw pa At tatawagin ang pangalan mo kahit nasa malayo tulad ng ginawa niya kanina. Yiiee ang swerte mo girl." Biglang sabi ni Rim habang tinutusok tusok ang tagiliran ko gamit ang hintuturo niya.
"Paano mo nalaman?'' tanong ni Pam.
"Hello! Baka nakakalimutan mong kaya kong makita ang Hinaharap." -sarkastikong sagot ni Rim sa kanya. Oo nga pala, pag si Rim ang kausap mo asahan mo nang na forsee na niya ang nangyari ang manyayari sayo.
"Pero Mas hot si Clyde, Ven. At Sayo Lang yan naging Ganyan. I mean dumidikit, nakikipagusap at nagpapakita ng Emosyon kahit papano. Ang swerte mo." Gusto ko sanang sagutin si Pam na sana Hindi nalang sa akin. Aba! Tutunawin ako ng tingin ng mga Fangirls niya nuh!
"Guys! Hindi madali ang sitwasyon ko. I din't even know if I am one of them. Like sriously? Water elemental user? Dalawa kami?" Pagdadabog ko bago isara ang bag. Baka bukas makalawa ay sisipain nadin ako. Tagapagmana Si Sirene at baguhan lang ako. Kung pipili ang nga nakakarami walang pipili sakin. Kung meron man, mabibilang sa isang kamay.
Nginitian nalang ako ni Pam. Napatingin ako Kay Rim , bigla ay sumeryoso siya. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin ng diretso mukhang alam ko na ito.
"Hera. Kahit anong mangyari wag mo kalilimutan na puso parin ang Mananaig. Pagmamahal ang masusunod. Hindi pinaiiral ang galit. Galit ang wawasak sa Kahariang ikaw ang nangangalaga. Pangalagaan mo ang iyong puso. Bantayan mo Ang iyong Sarili. Gamitin ang isip. Isakatuparan mo ang nakatakda. Sa Oras na maipit ka sa isang sitwasyon ay makinig ka sa boses na nasa loob ng isip mo. Huwag maging makasarili, Huwag maging sakim. Sa Tamang Panahon malalaman mo ang ibig kong sabihin. Kung Magmamahal ka man Siguraduhin mong sa Tamang Tao, Sa tamang panahon. Dahil baka maging sanhi ito ng Paguho ng Mundong ito." Halos kilabutan ako sa sinabi ni Rim. Hawak niya ng Mahigpit ang mga kamay ko. Mahigpit na mahigpit. Her eyes turn In Pure Grey. "Ang Susi. Nasaiyo na. Pag-ingatan mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay Natumba siya sa harap ko. Agad naman akong tinulungan ni Pam.
"Anong ibig sabihin ng sinasabi niya Pam?" Tanong ko habang Pinagtutulungan naming ihiga si Rim sa Kama.
"I don't know, Ven. Kahit kailan ay Hindi ko pa nagets ang mga pangitain niya. Kapag sobrang haba ng nakita niya o di kaya ay Isang delikading pangitain ay Nag-co-colapse talaga siya. Then, Kapag tinanong mo siya paggising niya hindi na niya alam.'' She said.
Iniwan namin na natutulog si Rim doon at tinulungan akong Dalhin ang mga gamit ko Pababa. Agad na sumalubong sa akin yung dalawang fairy. Nilagyan ako ng Koronang bulalak.
"Kayo gumawa nito??'' tanong ko sa kanila habang nakangiti.
"Opo master. Mamimis ka namin." sabay silang humalik sa magkabila kong pisngi, Napahagikhik naman ako dahil nakikiliti ako. Huli na nang mapansin kong nakatitig sa akin si Clyde at Akira.
"Ahem. Tulungan na kita Hera." Alok ni Akira kaya agad na Inabot sa kanya ni Pam ang dalawang bag.
Habang ako naman ay dalawa din ang hawak.
"Bye bye Venice. See you at school." At niyakap ako ni Pam. I smiled and Hug her back.
Hinatid niya kami hanngang sa Labas. Naunang naglakad si Clyde. Akala ko ba tutulungan niya ako? Buti pa si Akira! Hmmmmp!
"Hoy Mr. Firro! I thought You're going to help? Buti pa si—Aray ko! Wag mo biglang hinihila!" Reklamo ko. Hindi pa nga ako tapos magsalita Bigla ba namang hablutin ang Hawak ko. Ugh! Bakit ganyan ka Clyde! Bakit ba hindi kita magets?
Pinagmasdan ko siya habang mabagsik na naglalakad.
Bakit sabi ng Iba sa akin ka lang nagpapakita ng emosyon gayong Tanging kasungitan mo lang ang nakikita ko. Sabi nila sa akin ka lang nakikipag usap. Baliw ba sila eh kinakausap mo ang mga element user? Minsan lang at ang tipid mo magsalita. Hindi naman ipinagdadamot ang magsalita pero parang ikaw tong nagdadamot.
Napaka misteryoso mo Clyde Firro. There is something that I want to know about you.