Chapter 12
HERA'S POV
Tatlong buwan na mula ng lumipat ako ng dorm. Sa tatlong buwan na yun ay mas lalo kong nakikilala yung Apat na yun. Mas naging close kami. Pati nga mga Students dito ay Na-amaze. Well, Ang laki daw ng Ipignagbago nila. Dati magkakasama sila pero bihirang makita na naguusap-usap. Lagi silang Seryoso. Sila daw kasi ang namamahala sa Peace and order ng Academy. Pero Sa Tatlong buwan marami agad nagbago. Nakikipaghalubilo na sila sa iba even If they Are Prince and princesses.
Si Eris, Makulit, maingay at masiyahin. Parang Tulad siya ng Element na hawak niya. Different Season. Magulo. Lagi niya akong kinukulit. Nandiyan ang magpaturo ng pagmomodel, magpaturo ng make-up. O magpatulong kung ano ang magandang isuot pag pumupunta kami sa Ravenhill. Si Sirene, She is like her element. Laging calm. ahimik pero palangiti. Caring din yan ayaw lang ipahalata. But like water that is always calm there are times that some Bodies of water is noisy. Kapag masiyado ng masaya ang topic nagiging makulit na siya at siya ang may pinakamalakas na tawa. Sa Tatlong buwan na nakasama ko siya sa iisang bubong. Pinagtuunan niya ako ng Pansin. Para Ma-master ko Ang Element namin.
"Tara na! Kanina pa nagsimula! Iihhh! Ano gusto niyo Grand entrance tayo?" Nakanguso nanaman itong isang to. See? Makulit si Eris. Kanina pa niya Gustong Pumunta sa Arena Dahil ngayon ang pangalawang araw ng Annual Power Leveling exam.
Ang annual power leveling exam ay Isinasagawa para daw malaman kung Gaano ka kalakas o gaano kataas ang kapangyarihan mo. Isinasagawa ito bago ang unang cresent moon ay sa susunod naman kapag Ika-anim na Cresent moon. Dito din makukuha ang ID ng mga baguhan na tulad ko. Kailangan mo lang Magpakitang gilas sa harap ng marami.
"Oo na, Eto Na." Sabi ko at saka Tumayo. Hinila naman niya si Sirene. "Kayong dalawa?" Tanong ko Kay Akira At Clyde na mga nakaupo pa.
"Tss." Maktol ni Clyde Pero Tumayo na din tulad ni Akira.
Kahapon Kasi Tapos na sina Lyra, Steban, Calyx, Arvie, Pam at Rim. Pero Manunuod daw sila ngayon para sa'kin. Haaay. Si Calyx new found friend. Bihira ko na nga sila makasama. Si Pam at Rim Minsan sabay kami nagla-lunch kasama Sina Sirene. Si Lyra at Steban, ayun lagi daw silang may misyon kasama si Mien at Calyx. Si Arvie madalas bumisita sa dorm. Feeling niya At home na at home siya palagi dun.
"May sasabihin ako mamaya." Bulong ni Akira sa tabi ko.
"Osige, Mamaya pa naman pala eh." Sabi ko kaya naman napatawa siya ng bahagya. Si Sirene At Eris busy sa Pagku-kwentuhan. Pero lagi silang tumitingin sa akin at kay Clyde tapos biglang ngingiti ng nakakaloko.
Paglabas namin ng Canteen Ay Pumantay sa akin si Clyde na kanina ay nahuhuli mag lakad. Nasa Unahan namin yung dalawang Babae. Si Akira naman daldal ng daldal. Si Akira kasi Talagang Madaldal, Makulit, At Caring. Kapag kakain na, siya na maglalagay ng pagkain sa plato ko. Madalas tuloy tuksuhin kami ng mga yan na bagay kami, pero sa gitna ng Asaran biglang Walk out naman Si Clyde. Si Clyde? Ewan ko ba diyan! Sa Tatlong Buwan na Lagi ko silang kasama lagi akong kinukulit kapag Wala ng tao sa Paligid, minsan nga natanong ni Pam. Sino daw ba manliligaw ko. Si Akira o si Clyde, naikwento ko kasi na tuwing Gabi laging nakatambay si Clyde sa Kwarto ko. Kung hindi mambwisit ay makikitulog sa sofa. Tapos tinatanong pa ako nung tatlo kung bakit daw madalas madaling araw na kung Lumabas si Clyde sa Kwarto ko. Aba! Malay ko eh sa tinutulugan ko lang naman yan. Tsaka sana naman madumi ang nasa isip nila ano. Nakakahiya tuloy minsan dahil baka isipin nila may something sa'min ni Clyde. But One thing na nakita ko kay Clyde, yung other side niya. Kapag Kami lang magkasama sa kwarto lagi yang nakangiti, minsan napagkakamalan ko na yang baliw eh. May hawak na magazine, Tapos ang lapad ng ngiti pero yung magazine baliktad!? Oh diba? Kaloka! Minsan pag hindi ko siya pinapansin babatuhin niya ako ng apoy.
Meron pa, timing na ang hawak niyang Magazine ay ako ang Cover. Tapos ang naging reaction niya. "What the f*ck!? You are a Super Model? Is this some kind of a F*cking Joke? The Hell!" Because of that binato ko siya ng unan pero yung kawawang unan! Huhu Ayun! Naging Abo!
"Anong nginingiti ngiti mo Diyan?"
"Wala Kang Pakialam." Sagot ko sa Kanya at Binilisan ang Lakad.
Nakarating Kami sa Arena Agad Pero Punong Puno na ng estudyante. Agad na Naghanap Kami ng Upuan. Sakto naman na may nakalaan na Para sa Amin. Inilibot ko ang tingin ko. Ang Laki Ng Arena. Ampitheater style. Nasa Baba Ang Mismong Battle field na Kasin laki siguro ng dalawang Basket Ball Court. Nandito kami sa Bandang Itaas. Para kasing malaking Ampitheater ang Arena. Pataas ang Pagkaka line-up ng Mga bleachers.
"Dito ka Na Maupo sa Tabi ko Hera." Alok ni Akira. Pupunta na sana ako ng Hilahin ako ni Clyde Paupo.
"Dito ka.''
"Ah sige okay lang." Sabi ni Akira. Naintindihan niya naman agad na Kailangan ko sundin si Clyde. Kapalit yun noong iniligtas niya ako dun sa tatlong mangkukulam. Tsk tatlong buwan na niya akong sinisingil! Aba! Baka Dito pa niya ako batuhin ng Fireball, mahirap na.
Umupo na ako. Si Eris At Sirene Magkatabi.
AKO-CLYDE-AKIRA-ERIS-SIRENE
"Problema mo!? Kanina ka pa naka simangot," Bulong ko sa katabi ko.
"Ewan Ko sayo." Sabi niya at saka Itinuon ang mga mata sa Battle field ng Arena.
"Ms. Mien Park!" si Master Recca ang Nagsasalita Sa ibaba. Tinawag niya si Mien. Si Mien Minsan ko naring nakasama, ipinakilala siya sa Akin ni Lyra. Nagpapasalamat nga ako sa kanya dahil sa pagtulong niya na Iteleport kami sa noon sa Mortal world.
Pumunta sa Gitna si Mien. May Malalaking monitor din para makita ng malapitan ang ginagawa ng nasa Battle field. Nag bow muna siya bago nag-umpisa. Two minutes ang ibinibigay na time limit sa bawat isa. Sa loob ng two minutes na pagpapakitang gilas ay Ipapakita din sa lahat kung ilan ang nakuha mo o kung tumaas ba ang level mo. Kailangan mo lang masira ang barrier na Nakapalibot sa mismong battle field. Pero kung ikaw ay isang witch, Wizard, Fortune Teller tulad ni Rim, Mind Reader, Telepathy, Object Manipulator, Soul manipulator o kahit anong minor ang Ability ay Hindi kailangan sirain ang Barrier. The Barrier is Four times thicker. Kaya Dapat masira mo muna ang unang layer.
Mien Started to move. Sobrang bilis niya magpalipat-lipat ng Pwesto. Nakikita sa monitor Kung gaano siya kabilis, In just 0.5 second Ay Nasa ibang Side na siya. Nagulat ako ng Bigla siyang sumulpot sa harap ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Ngumiti siya at nakipag high five sa akin. Sa isang segundo lang ay nasa gitna na ulit siya ng Battle field. Kumaway muna siya sa mga nagcheer para sa kanya Bago Lisanin ang entablado, From 23 ay naging 26 ang power level niya. Wow! Ang Galing.
Sumunod na tinawag ay Si France Go. Ang Gwapo sana kaso halata mo namang playboy. Aba kung Makakindat sa mga babae. Sumenyas na si Headmaster Recca na start na ng two minutes niya, Ikinumpas niya ang kamay niya at nagkaroon ng Malaking Itim na ulap sa loob ng Barrier, Maya-maya pa ay Kumulog ng malakas.
Nagsimulang Mangatog ang tuhod ko.Natatakot ako. Bata Pa lang ako ay Takot na ako sa Kulog at Kidlat.
Napahawak ako sa Wrist ng katabi ko. Napahigpit ata kaya ipinatong niya ang isa niyang kamay sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. I saw sincerity in his eyes. It feels like his telling me that everything will be okay. Kaya binitawan ko ang kamay niya. Unti-unti kong naramdaman na hinawakan niya amg kamay ko. Naka-intertwine na ito ngayon. I feel no Fear anymore. I feel calm and Relax. Sa totoo lang, Sa kanya ko lang naramdaman na Safe ako pag Hawak niya ang Kamay ko. Kaya minsan natatakot ako sa isiping mahulog ako sa Clyde na 'to.
Ibinalik ko ang Atensiyon sa Battle field. Inatake ni France Go ang isang layer ng barrier gamit ang malalaking Kidlat. Ngunit wala itong epekto kahit na malakas ito. Natapos ang Oras at 29 ang nakuha ni France Go. Nagtilian nanaman ang audience.
"Next Presentor! Miss Ziara Khan."
Napatingin ako sa naglalakad papunta sa gitna. Brat. Halos Mag-iisang buwan ko din siyang hindi nakikita o nakakasalubong man lang. Cool lang siyang nag-angat ng tingin. Bakit parang may iba? Yung Mata Niya alam kong itim iyon, But it's black in different way. Pakiramdam ko may iba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.Nagtagpo ang mga mata namin. She Smirked at me. She's still into me. Don't tell me dahil parin kay Clyde!? Sabagay hindi ko Siya masisisi. Naging kilala ako sa Academy dahil Isa na ako sa mga Elemental Users. Madalas kami pag-usapan ng mga Students dito. Malaki kasi ang pinagbago ng apat na to mula ng mapasama ako sa kanila. Ang Dating Tahimik at Seryoso ngayon ay naging maiingay. Halos Table namin madalas ang maingay at puno ng tawanan. Natuto silang maging approachable at makisalamuha sa iba. Well, except kay Clyde na walang ibang pineperwisyo at kinukulit kundi ako lang at kung minsan ay yung tatlo.
Gumawa siya ng Pitong hakbang paatras. At sa bawat hakbang ay tinutubuan ito ng Malalaking black roses.Pero nakakapagtaka na tutubo ito pero maya-maya ay nagiging abo at mawawala ng parang bula. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Clyde. Habang pinapanuod ang ginagawa ni Ziara. Naglabas siya ng Pitong rosas sa kamay niya.Una niyang inihagis sa ere ang Dalawa at lumikha ito ng malaking Pagsabog. Agad na Inihagis niya ang tatlo pa at Naging tatlong malaking Blades ito at inasinta ang barrier. Kitang kita kung paano bumaon ang isa dito. Sumunod ay ang dalawa pang natitira sa kamay niya. Tumingin ulit siya sa direksiyon ko ng maging dalawang latigo ito and not just a plain one. Ther were thorns all over it. Pinagsama niya ang dalawa hanggang sa dumoble ang laki at haba nito. I remember that technique.
She used it to Attack the first layer of the barrier. Nagka-damage ito pero sakto naman na Tumunog na ang timer at tanda na tapos na ang two minutes niya.Kumaway siya sa audience at nagpalakpakan naman ang mga ito. 34? What the!! Ang Lakas niya, Paano ko siya natalo noon!?
"And now, for the most awaited Moment. Oras na para Sa Ating Limang Elemental Users. " Nagtilian ang mga babae. May sumisigaw ng Panagalan ni Clyde at Akira. Ang wild ng Crowd. "Unang Magtatanghal! Princess Eris Mirearth."
Agad na tumayo Si Eris at nakipag Appear muna sa amin Si Sirene at Fistbump kay Clyde at Akira. Dahil Mediyo malayo ang pwesto namin ay Gumawa siya ng malaking tipak ng Lupa at sinakyan iyon papunta sa Gitna. Nagsigawan na agad ang mga Tao ng Makita ang ginawa niya, nasa 10 feet ang agwat nito sa Battle field ng Tumalon siya pababa. She spread her arms and vowed. Kumaway kaway pa siya na parang bata. Napapa-iling nalang kami dito. Sumenyas na si Headmaster Kaya Hindi nagsayang ng oras si Eris at Sinugod ang Barrier gamit ang Malalaking tipak ng Lupa. Sinundan niya ito ng Mga dahon na matutulis. Nagcrack agad ang unang Layer. She summoned her Earth Fox at Magkasabay nilang sinugod ang barrier. Konti nalang at masisira na ito ng tuluyan ng Tumunog ng Timer. Biglang nagpout si Eris sa harap ng Marami. Sumakay ulit siya sa isang tipak ng lupa at Lumipad pabalik dito sa pwesto namin. 38 ang registered digits sa Id niya. Wow.
"Ang galing Mo Eris!" Sabi ko na tuwang tuwa. She hugged me. Niyakap ko din siya gamit ang isang kamay ko.
"Waaah!! thank you Hera."
"Good job Eris." Sirene Said at Ginulo niya ang buhok nito. Ang cute talaga mag pout nito.
"Princess Sirene Aquina."
"Goodluck Sirene." Sabi namin ni Eris at nag thumbs up pa. Tumango lang siya at nag smile bago tumayo. She Summoned her water snake. Tumayo siya sa ulo nito At dinala siya nito sa Battle Field. Maraming Nag-ch-cheer para sa kanya. Nagbow muna siya Bago Siya dahan dahan ibinaba ng Water snake at Naglaho na ito. Pagkatapos sumenyas ni Master recca ay Agad na Kumilos si Sirene. She summoned Her Whale shark. Sinugod nito ang barrier gamit ang Water beam. Sinabayn din ito ni Sirene ng Water Blades at Water Spikes. 30 seconds nalang ang natitira ng gawin niya ang huling atake. Tumalon siya Papunta sa Ulo Ng whale shark niya Sabay silang Sumugod. Finally! She Destroy The first Layer. Napuno ng sigawan at Palakpakan ang Arena. 39 agad ang nagregister sa Id Niya.
Lumabas Ulit Ang Water snake at hinatid siya sa pwesto namin. Nagflip lang ng Hair si Sirene Bago umupo. Sabay sabay kaming tumawa sa naging pagkilos niya.
"Kinakabahan ako. Ang Galing niyo kaya." I said and pout.
"Hey don't pout. It make me Sick" Inirapan ko ang nagsalita. Pesteng to! Walang kwenta magreact.
"No, Don't be. Show them what you've got. Just Be yourself. I already told you about that." Sirene said kaya napanguso nalang ako.
"Prince Akira Windrox"
Pagkabanggit ni Headmaster ng pangalan ni Akira ay Halos Magiba ang buong arena sa Lakas ng Sigaw ng Mga Tao.OA naman! Siyempre joke lang dun sa part na magigiba! Pero Seriously! Ang lakas ng Sigawan, yon ang OA. Well, di hamak na gwapo talaga tong si Akira, kahit sino magkakagusto diyan eh.
"Go Aki. Galingan mo." I said kaya Nagsmile siya ng pagkalapad-lapad. He winked before summoning his Air Eagle. Bumuka ang Pakpak nito na napakalaki kaya Malakas na hangin agad ang Ibinigay nito sa mga Kasama namin dito sa itaas. Sumakay siya sa Likod nito ng Nakatayo. Paglipad nito pababa ay agad itong Yumuko sa Audience kasabay ng kanyang Amo. Naks! Pareho Gentleman at magalang. Mana-mana lang. Tumayo ito ng Tuwid habang si Arira Ay Nakatayo parin sa Likod nito. Hinitay ni Akira ang Senyales na Maaari na siyang mag-umpisa kaya Ibinigay naman Agad ni Master. Sumugod ang Air Eagle gamit ang tuka nito pero habang palapit ito sa Barrier ay Naglabas ito Ng Airbeam na mas lalong Nagbigay ng suporta sa Atake. Kasunod ng atakeng iyon ay agad na Gumamit si Akira ng Air Blades at Air balls at Dahilang kung bakit Nawasak niya ng walang kahirap hirap ang Pangalawang Layer ng Barrier, Nagtilian ang Mga Babae. Oo! Babae! Kelalandi! Nagbow ulit silang dalawa ng Kanyang air Eagle. Tumingin siya sa Direksiyon ko at kumindat. Napa tss naman yung katabi ko. Pagbalik ni Akira sa upuan niya ay Ipinakita niya sa akin ang ID niya. Tulad ng kay Sirene Ay 39 din.
"Oh for sure ikaw na ang susunod kaya tumayo kana." Sabi ko sa katabi ko habang tinutusok tusok ang Braso niya. Umirap lang siya sa akin. Problema nanaman nito? Ang bipolar!
"Please Welcome! Prince Clyde Firro!!"
Nababagot na tumayo siya. Tahimik ang arena, sobra. Nang hawiin niya ang buhok ay biglang dumagungdong na ang buong arena. Mas malakas ang sigawan kumpara kanina ng tinawag si Akira, kung kanina magigiba ang Arena ngayon naman parang bubuka ang lupa at mahuhulog kaming lahat. Hindi ko napaghandaan ang naging reaksiyon ng mga tao.
Agad na lumabas ang Fire Phoenix Ni Clyde. Pinisil niya muna ang kamay ko bago binitawan at tumayo sa Likod ng Fier Phoenix niya. Mabilis itong lumipad papunta sa gitna ng arena at nagpaiko-ikot sa Battle Field, Lumakas Lalo ang hiyawan ng mga tao.
"Ngayon lang niya pinalabas ang Fire Phoenix niya. Madalas kasi Fier inferno ang sina-summon niya." Bulong ni Akira sa Tenga ko kaya napatango ako. Kaya pala Parang manghang-mangha ang karamihan sa ginawa nilang grand entrance. Kahit ako namangha eh.
Tumalon si Clyde Pababa mula sa itaas at Maayos na lumanding sa Sahig. Dumapo sa Balikat niya ang Napakalaking Fire Phoenix niya na Nagliliyab ang kabuuan. Sumenyas na si Master Recca pero Nakakapagtaka na Pinalampas niya muna Ang Isang minuto na Nakatayo lang sila dun. Nakatingin siya sa mata ko. Wooo! Feeling ko tinutunaw niya ako sa tingin niya lalo pa't nagbubulungan kami ni Akira. Eh gusto pa naman niyan Pinapansin. Ngumiti ako ng alanganin and I mouthed, "Bakit ka nakatanga" look diyan.
He just rolled his eyes at Sa isang iglap lang ay tumalon siya ng mataas at sinalo siya ng Fire Phoenix niya sa likod nito. Mabilis na nagpa-ikot ikot sila sa gitna. Halos hindi ko siya makita sa bilis hanggang sa magkaroon ng malaking Fire Tornado na siyang sumugod sa Barier. Bumaba siya Mula sa taas at Pinagsakop ang Kamay. Mabilis siyang nakagawa ng Mala-higanteng fireball at ibinato ito sa Barrier gamit ang isang kamay. Five Seconds nalangg pero nagawa pang Maglabas ng Malaking fire ball ang bibig ng Fire Phoenix niya. Paghinto ng oras ay kasabay ng pagkasira ng Ikatlong Barrier. Pero ang ikinagulat ng lahat ay Nagkaroon din ng damage ang pang-apat. Natahimik saglit ang Arena dahil sa pagkagulat pero agad na nag-ingay dahil Sa Ginawa ni Clyde. 40!?!?!? Fudge! Seryoso!??
Dinagit siya ng Fire Phoenix niya At Binitawan siya Nang tumapat siya sa Pwesto ko. Maayos siyang naglanding Pero Nanlaki ang mata ko ng Batuhin niya ako ng Fire ball.
"F*ck! Ano bang problema mo!? Susunugin mo ako?" Napatayo akong sinigawan siya. Buti nalang at Nakapaglabas agad ako ng Tubig sa kamay kaya nasalo ko ang atake niya.
"Why not?" He said and Took his Seat.
"Ano!!?? bakit?" Sigaw ko ulit sa harap niya. Pero siya Tinignan lang ako na Parang walang paki-alam.
"For not cheering me up." Napanganga ako sa Sinabi niya. Narinig ko agad ang paghagalpak ng tawa ni Eris at Sirene. Pero nakita ko na tinakpan agad ni Akira ng magkabilang kamay ang bibig ng dalawa. Ibinalik ko Ang tingin ko kay Clyde na nakasimangot pa rin.
"Dahil lang dun? Walang hiya! Dahil dun Papatayin mo ako!?''
"Our Fifth Elemental User! Ms. Hera Dominguez."
Pagkarinig ko ng Pangalan ko ay Tinalikuran ko na siya. Nag-Umpisa akong Gumawa ng Water Ball at pumasok sa loob nito. Agad akong Lumipad Pababa ng Battle field. Narinig ko Pa na Sumisigaw si Akira at Eris ng Goodluck at Go Hera. Sa Inis ko ay hindi ko Sila pinansin. Sorry guys! Ito kasing si Clyde!
Nagsigawan ang Mag Students, I Paused at The Center of The Arena. Kilala na ako dito dahil kabilang ako sa Elemental Users. Nagbow ako nang hindi Bumababa sa malaking water Ball. Tumingin ako kay Clyde na Nakatitig lang sa akin. Habang yung tatlo ay naka-thumbs up. Napunta ang tingin ko kay Ziara! Nakangiting Demonyo! Tse! Nakita ko Na Sinenyasan ako ni Master kaya Nagumpisa na akong mag-concentrate. Balak ko sana Gumawa ng Atake ng Hindi Bumababa sa Water Ball ng Biglang May Sumabog Sa Gitna kung nasaan ako. Matatalim na Black rose petals Ang Tumalsik sa Direksiyon ko at naging dahilan ng Pagkasira ng Water ball ko. Mabuti at Maayos akong Nakababa. Agad akong Umiwas Ng may Tatlong Magkakasunod na Pagsabog ulit. Walang hiya kang babae ka! Kaya pala siya humakbang kanina dahil nagtamin siya ng bomba at ngayon lang niya pinasabog dahil ako na ang nasa field. Nakuha ng atensiyon ko ang tumubong tatlong Roses na Nagbuga ng napakaraming Blades. Hinabol ako ng mga ito. Napasigaw ako sa sakit ng Tamaan ako sa iba't ibang Parte ng katawan ko. Lalo na sa braso at binti, I heard everyone Gasps. Natanaw ko rin mula sa kinatatayuan ko ang Pagtayo ni Clyde at akira. But The girls Pull them to sitdown. Alam ko sa ganitong pagkakataon ay hindi ako nagpapanic pero shet lang! 20 seconds na ang nasasayang. Agad ako Gumawa ng at Inilabas Ang Water snake ko Para sirain ang tatlong rose. Alam kong May isa pang nakatanim sa Ilalim kaya inunahan ko na ito bago sumabog. Inasinta ko ito gamit ang Water balls. Pinaglaho ko ang Water snake nang makita ko ang oras. 1 minute and 30 Seconds nalang. Darn !
Mabilis kong pinagsakop ang kamay ko at Nakagawa agad ako ng Dalawang Napakalaking Water tornado. Sumugod ito sa Barrier but wala paring epekto. ikinumpas ko ang kamay ko at sunod sunod na water spikes at water blades ang Ginamit ko. Balak ko pa sanang I-summon ang water dragon ko pero mukhang di ko kakayanin dahil sa Nanghihina na ako.
24 seconds nalang ang natitira kaya hindi na ako nagdalawang isip na gumawa ng tsumani. Tuluyan nitong Nasira ang Barrier. Narinig ko ang Sigawan ng mga estudyante. Nanlalabo ang Mata ko na Nagbow sa Harap nila. Hinawakan ko agad ang Braso ko na May sugat. Napangiti ako ng Nagthumbs-up sa akin sila Pam, Rim at Arvie. Naramdaman ko ang Paglitaw ng ID ko sa Harap ko. Nakalutang lang ito. kumikintab na Kulay Gold ang side at May Tubig sa Loob. 34. Aabutin ko na sana when—Everything went Black.