HERA'S POV Halos mawalan ako ng balanse dahil sa nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko ay ang putla putla ko na sa mga oras na to. Nanghihina ang tuhod ko at nanginginig ang mga kamay ko. Kilala ko ang taong nasa harap namin ngayon. Sa loob ng maraming taong pamamalagi ko sa Mortal World ay naging malapit ako sa kanya. "Tita Jinky....." Yan lang ang lumabas sa bibig ko. Sa mga oras na ito ay kailangan ko ng makakapitan. Pakiramdam ko ay tutumba ako ano mang oras. Mabuti nalang at nandito si Clyde sa Tabi ko at nagiging pundasyon ng lakas ko. Masakit makita ang kalagayan ni Tita Jinky ngayon. Sobrang putla niya at wala ng buhay ang katawan. May marka ng Pagkakasakal sa kanyang leeg. "Mabuti pa ay Umakyat na kayo sa iniyong silid. Ako na ang bahala dito. Kami na ang bahala sa ina ng iyong

