HERA'S POV Sixth Cresent moon. Ibig sabihin Huling power Leveling na. Tagisan na ng Galing ng mga Tertiary Level Students ng Academy. Kasunod ay Seventh Cresent moon. Ibig sabihin Digmaan na. Ibig sabihin Dapat ay maghanda na. Hindi ko masasabing magiging maayos ang Gagawing Power leveling. Bukod kasi sa May kakaibang timpla ang mga estudyante ngayon ay ngayon din namin isasagawa ang napagplanuhan namin kahapon. Kahapon lang din namin sinabi sa mga kaibigan namin ang Plano. Kahit ang Committee at si Tito Lyrox ay Walang alam sa mangyayari ngayon. Tanging ako, Si Clyde, Sirene, Eris, Akira, Arvie, Rim, Shanon at Calyx lang ang may Alam. Hindi rin namin ipinarating sa Hari at Reyna. Masiyadong maraming iniisip ang Mom and Dad kaya hindi na nila ito kailangang malaman. "Ha

