Chapter 14

3020 Words
Chapter 14  THIRD PERSON'S POV (Dark Kingdom) Prenteng naka upo ang Hari ng Kaharian ng madilim na mundo. At a very young age of 21, siya na ang namumuno sa buong kaharian ng Drashiere o Dark kingdom. Sa kagustuhang Maging Hari ay nagawa niyang Patayin ang kanyang Ama. Sakim, Tuso at Gahaman. kahit anong itawag mo sa kanya iisa lang ang ibig sabihin.     Pumasok ang dalawang Binata sa kanyang opisina sa loob ng Akademya niya. Agad na lumuhod ang Mga ito upang mag-bigay galang.     "Balita." He said in cold tone of voice. Hindi siya nagtatanong kung anong balita, Instead, He's Commanding them to speak about the news.     "Buhay nga Aether Heiress Mahal na Hari." Sabi ng Nasa Kaliwa. "Narinig namin ang Committee na Nag-uusap usap tungkol sa Heir ng Kaharian ng Aither."    ''Bobo! Alam ko na rin na Buhay ang Heiress ng Aether! Balitaan niyo ako ng Hindi ko pa alam! Tanga!" Sa galit niya ay Ibinaon niya ang dalawang sphere sa kanyang Lamesa. "M-mahal na H-hari. Patuloy parin po kami sa pag-iimbestiga." Sagot ng Kasama nito.     "Inutil. Walang katapusang Pag-iimbestiga! Ang gusto kong malaman kung sino! Mga Isa't kalahating Bobo!! Aarrggghhh! Tanga!" Agad na hinugot niya ang dalawang sphere at inasinta ang Dalawang Tangang tauhan sa kanyang harapan. Bull's eye!     Agad na naglaho ang mga katawan ng mga ito at naging abo. Mainitin ang ulo ng Hari kaya Ang sino mang nasa harap niya ay agad na binabawian ng buhay sa tuwing mag-aalburoto ang kanyang ulo.    What would you expect for The king of the dark? King Drashiere Is short tempered. Mercilless, heartless, evil and a total Demon.    "MYERA!! LYURA!!" malakas na tawag niya sa kanya mga nakababatang kapatid.     Tila may malakas na hangin ang pumalo sa malaking pintuan at Bumalibag ito. Sa isang iglap lang ay naka-upo na Ang isang Magandang dalaga na may red-violet na Buhok sa Itim na Sofa.    "Nasaan si Lyura?" Malamig na tanong ng Hari at nanatiling Naka-upo sa kanyang Swivel chair. Hindi pa man nakakasagot si Myera ay Bumalibag ulit ang Pinto ng Pumasok ang nakasimangot na bunsong kapatid.     "F*ck that Asshole! Bullsh*t ka Ford!! May araw ka din sa akin at yang Mabantot mong Gagamba na Sinlaki mo, Sin-baho mo, Sin-yabang mo at Sin-Pangit mo —" napatigil ito sa pagmamaktol ng mapansing narating niya na ang silid ng kapatud. "Oh Kuya? Ate? Bakit ang Dilim dilim dito?" Napatanga nalang sila sa inasal ng kanilang Kapatid. Isip bata ito masiyado at maingay. Lalo na ngayon na mukhang galing na naman sa kung saan dahil punong-puno ito ng sapot ng Gagamba sa buong katawan.      "What Happened to you? Yuck!" Cold na tanong ni Myera. Diring diri niyang pinagmasdan ang kapatid niya mula ulo hanggang paa.    "Pwede wag na kayo magtanong!? Langyang Ford Davis yan! Lagi nalang nandadaya sa battle." Halatang iritang irita si Lyura sa sinapit. "At ano ba to? Kuya Buksan mo nga ang ilaw! Ano Para mas makatotohanan ang pagiging antagonist mo may Dark room-dark room epek?" Sabay taS ng kamay at umaktong storyteller habang sinasabi ang mga katagang— "Liwanag ng buwan na tumatama sa Bintana Ang nagsisilbing liwanag ng silid? Ganon? Naku! Huwag niyo ko Artehan!" Pinagpipindot nito ang switch ng ilaw ng buong opisina kaya mas lalong lumitaw ang Magandang Disenyo ng silid na Itim Naman lahat. "Yan! Much better! Para kitang kita maganda kong buhok." Dagadag nito at sumalampak sa sofa. Makapareho lang sila ng buhok ng kapatid, kaya lang mas pinaninindigan niya na mas maganda siya.    "Ako maganda. Ewan ko nalang sayo. By the way dapat sana naligo ka muna. Ang baho mo, amoy gagamba ka. Pwe!" Sabi ni Myera na Diring diri. Sigurado siyang nakipaglaban na naman ito sa kababata nilang si Ford na may Alagang malaking Gagamba.    Kahit iritang irita na sa kanyang mga kapatid ay Nanahimik nalang si King Drashiere at Hinanap ang Mga papeles. Hinayaan niya lang na Mag-sagutan ang mga kapatid niya. Natigil lang ang mga ito ng Ibagsak niya ang Dalawang Folder sa Center Table.      "Ano yan?!" Sabay na Tanong ng dalawang dalaga.    "I want you to do The Job." Malamig na tugon ng Hari.     Nagniningning na Kinuhan agad ng Dalawa ang Folders. Nagkatinginan muna sabay patakbong lumabas ng silid habang naguunahan.        HERA'S POV    "Haaay.. Ang Sarap mag-aral lalo na pag walang pasok at Sports Fest. Kahit buong buwan ako dito sa Dorm!!" Sabi Ni Eris na nag-inat inat pa. Kakagising lang niya. Seven o'clock na, Hindi ng umaga. For petesake!! Seven na ng Gabi! Di ko na alam kung anong oras na siya natulog kagabi, ako kasi ang pinaka unang umakyat pero past midnight na iyon. Basta di ko na alam, iniwan ko sila dito sa baba na kumakain at naglalaro ng cards.     Hindi kaming Lima nagsipasok. Una, Dahil Walang pasok. Pangalawa, Ang ingay ng academy ay rinig dito. Maghapon lang kaming lima dito. Kumain, Matulog, Magtraining at Ako, Laging nagluluto ng kung ano-ano. Niluluto ko yung nakasanayan ko sa Mortal World at gustong gusto naman nila. Tulad kanina Nagluto ako ng Adobo, Nilantakan nila agad. Nagbake ako ng cake Para sa Meryenda. Ngayon Nasa Kusina ulit ako para mag luto ng Nilaga at Eto si Eris na nakahalumbaba na pinapanood lang ako. "Hera, Ano sa tingin mo?" Bigla bigla niyang tanong.     "Tingin saan?" Balik kong tanong.     "Sa ating lima? Makakaya kaya nating Lumaban sa Ikapitong digmaan sa ika-pitong Cresent moon?" Hindi ko agad nasagot ang tanong niya. Hhmmm? Oo nga. Paano kung Matalo kami dahil sa akin? Well, Ang sabi sa propesiya Limang Magigiting, Malalakas at Makapangyarihan nilalang lang ang nakatakdang muling tatalo sa kadiliman. Ang Water Element, Fire, Air and Earth at ang Aether. Pero Mukhang na-iba na ngayon dahil imbis na Aether ay isang Water Elemental user Ang Ika-lima.   "Kung hindi parin mahanap ng Heiress ng aether o kung totoo man na Patay na siya. Sasama ako sa laban. Eris, We can. Kung magkaka-isa tayo. Alam kong magagawa natin. Kaya natin dahil mag Kakasama tayo bilang isang grupo.Pero, Kung Sakali man na Buhay siya, Hindi Ako kabilang sa Limang Nakatakda pero asahan mo, Kasama niyo akong lalaban." Nalungkot siya sa sinabi ko. Siguro Natatakot siya na dumating ang araw na Tuluyan ng manaig ang Dark kingdom.     "Cut that Eris. The Prophecy Had spoken. The prophesy is Still the Prophecy. Matutupad at matutupad dahil walang may kayang Baguhin ang Propesiya." Pumasok si Clyde At tumabi sa nakahalumbabang si Eris. "Besides, the Heiress of Aither is Back. Nahanap na siya. Matagal na." Nanlaki ang mata namin ni Eris Sa sinabi ni Clyde.     "HA!?" Ganyan lang ang naging reaksiyon namin ni Eris. "Wait lang ha! Kami Clyde wag mo binibiro ng ganyan. Seryoso nga kasi." Antok na antok na tanong ni Eris. "I'm dead serious. What will I get for making a joke about that serious matter?" Seryosong sabi niya. Tinignan naman niya ng masa si Eris dahil sa sinabi nito.    "Aba malay ko. Baka mamaya ginogoyo mo lang kami. Paano mo naman nalaman na nahanap na nga ang prinsesa?" nanghahamon na tanong ulit ni Eris na para bang sinusubukan niya kung nagsasabi ng totoo si Clyde.  "Kailan pa bro? Bakit hindi nila agad sinabi?" Tanong ng kakapasok lang na si Akira at Kasama si Sirene. Umupo din sila. Kaharap ni Eris si Akira at kaharap ni Clyde si Sirene. Ako nakatayo parin dahil Nagluluto nga ako. "Hindi sinabi ng Committee dahil masiyadong delikado para sa kanya." Simula niya. "Nakasaad sa Libro na isa sa pinaka malakas ang Aether dahil tinataglay nito ang lahat ng Kapangyarihan na pangunahin. But, The seventh heir of that power Will be the most powerful. She Can Changed the prophesy. At iyon ang ikinakatakot ng lahat dahil kahit kailan ay hindi pa nabago ang sinabi ng propesiya. Pero, Tanging ikapitong salin lahi ang makakagawa nun. Kapag Nalaman ng buong academy Ay pag-uusapan ito. Hindi maiiwasang Makarating ang impormasyon sa Pamilya ng mga Drashiere. Maaring kunin siya or worst Patayin na nila bago pa man ang digmaan."    Mahabang paliwanag ni Clyde. Oo, mahabang paliwanag niya at di ko alam kung anong nakain niya or nag-udyok sa kanya para magpaliwanag sa amin. May butihing espiritu sigurong sumapi dito at nag-abala siyang magsalita ng mahaba.   Tumayo ang balahibo ko sa mga sinabi niya. Hindi ko ma-imagine ang pwedeng mangyari. I've never been to a war before.     "Kailan mo pa nalaman Clyde?" Seryosong tanong ni Sirene.      "Matagal na. I heard it from dad." Sabi niya at Kinuha yung tirang cake sa mesa at Nilantakan. "Ibig sabihin alam din ng mga hari at reyna? Why in Hell they Didn't tell us? Akala ko ba tayo ang protector ng Heiress? So how can we do our Responsibility if Hindi man lang nila pina-alam sa atin." Akira said in dismay.     "We can protect her, By not talking about her outside or in public. But, Time will come at Ready na siyang ipakilala ay sisiguruhin muna ng committee na Siya mismo ay handa na. Cause in that time, we will no longer protect her. She will be protecting All of Her people." tumayo na si Clyde matapos sabihin yun at inilapag ang pinagkainan sa lababo. Lalabas na sana siya ng dining area When Sirene asked her the last Question.    "Kilala mo na ba?"     "Yeah. Matagal na matagal ko ng kilala." He said without looking at us and walked out of the Room. Kami ay naiwan na nakanganga. Ano yun? Matagal na niyang alam? I don't know kung niyayabangan niya lang kami or bluff lang niya yun na alam niya. Hindi na ako magtataka kung pati mga top secret mission dito ay alam niya kung totoo nga ang sinasabi niya.   -----   Matapos naming kumain ay nagpa-alam na akong magpapahinga na. Si Sirene, Eris at Akira naman ay iniwan ko sa Sofa na Hindi Parin Maka-move on sa mga impormasyong nalaman mula kay Clyde. Napaka misteryoso talaga ng isang yun. Akalain mong matagal na niya palang Kilala ang Heiress at Alam niya ang lahat ng pinag-uusapan ng committee. Hindi nga siya Sumabay sa dinner kanina. Mula ng umalis siya ay hindi parin siya bumabalik. Tsk! Bahala nga siya.    Pagpasok ko ng kwarto ay siniguro kong naka-lock ang pinto. Kaso halos mahulog ang Puso ko sa gulat ng Pagharap na pagharap ko sa direksiyon kung nasaan ang kama at katabi nitong sofa set. Nasa Single Sofa si Clyde naka-upo at naka tingin sa akin.     "Bakit hindi ka sumabay sa dinner? Aren't you hungry? Ikukuha kita sa baba." Tanong sa Kanya. Lumapit ako sa kanya at umupo din sa kaharap niyang sofa. Hindi niya ako sinagot pero nakatitig siya sa akin.        "Alam mo na pala na Nakita na ang Aether Heiress. Okay lang na hindi mo sinabi. Naiintindihan kita. Maybe it is a good thing. Another way to protect her." I said.     "Your Hair."    "My Hair? What's with my hair?"    "Red." Pagkasabi niya ng Red ay Agad ko itong Tiginan. P-pula?     "Oh my god!" Napatakbo ako sa harap ng salamin. My Blue hair is turning Red. No! Not really. Pero nakita ko talaga. One inch of my entire hair Mula sa dulo ay pula. Pulang-pula. "A-ano to?" Lumapit si Clyde sa Akin at Ipinatong ang Cloak sa Likod ko. Isa sa mga Ginagamit dito imbis na jacket ay Cloak. Malaking Black wizard Suit at May hood. Ginagamit ito kung kailan mo gusto, Pag may tinatago ka. Isinuot ko Iyon at isinuot ang Hood.      "May pupuntahan tayo. Wala muna Pwedeng makita ng Buhok mo kahit gabi na Kitang kita Parin." He said at Kinuha niya ang Right hand ko. Naguguluhan man ay sumama Ako.    "Don't tell me dito tayo dadaan sa Veranda? May pinto kaya." Tinakpan niya lang Bibig at tinignan ako ng masama. Sabi ko nga dito kami dadaan.    He summoned his Fire Phoenix. Puwesto ito sa Ibaba ng veranda? Uh-oh! Anong iniisip niya? Waaahh!!! Mommy! Ayoko.     "Jump on Three." He said.    "H-ha!? Te—"   "One."    "Clyde."   "Two."     "Sandali." Mas gugustuhin ko pa yata na Sumakay uit sa flying Carpet kesa Sumakay sa Fire Phoenix niya. Mabilis itong lumipad at umiikot ito.   "Three." Pagkasabi niya nun ay Hinawakan niya ako sa bewang. Napayakap ako sa kanya ng Tumalon siya at kasama ko. "How would you see how beautiful Down there if you'll just hug me." Dun ko lang narealize na lumilipad na pala kami pero ako nakayakap parin sa kanya. Feeling ko namumula ako. Paking tape! Naitulak ko siya ng kaunti para dumistansya. Parang ang init. Umayos ako ng tayo at iniba ang direksiyon ng tingin ko. Hindi naman pala ganun nakakatakot na Sumakay sa Fire Phoenix niya.     Ang ganda sa Ibaba. Puro makukulay na ilaw ang Naroon.      Inalalayan niya ako bumaba mula sa likod ng alaga niya ng marating namin ang lugar at agad niya itong pinaglaho. Isang madilim at Creepy na gubat? Naku! wag niya sabihing papasok kami dito? Baka hindi ako makalabas ng buhay dito.    "This is such a Beautiful Forest When I was Ten. We call this The Magical Forest. But, After The War 17 years ago, The forest started dying. Until, After 7 years This forest died. We call this now, 'the forbidden forest' Sabi nila, Kung nandito lang sana Ang Aether holder hindi ito mamamatay dahil may pinagkukuhanan ito ng Kapangyarihan. Pero Ang gubat na ito ay Nag-umpisa ng Mamatay dahil sa loob  ng pitong taon ay naghintay ito sa heiress. 10 years na itong patay, 11 years na Sa sususnod na Dalawang buwan. "    "Bakit forbidden forest ang tinawag dito?"      "Dahil ipinagbawal ng hari na Pumunta dito."     Napatango Nalang ako. He offered His hand to escort me. Pag dating namin sa Entrance Mararamdaman mo na agad ang Lungkot ng Lugar. Madilim, Nakakatakot, Walang buhay na Puno at mga halaman Yumuko ako para tignan ang Lupa, Patay na d**o at Kalansay ng tao ang Napansin ko. Tumingala ako para tignan din ang iba. Patay na puno't halaman. I stepped my right Foot but Jump immediateley When the grass turn green and The Trees Near me Slowly turning Green. Parang nabubuhay ang mga ito ng kusa. Nagliwanag ang mga ito. Hinintay kong Magtuloy tuloy ng Gumagapang na liwanag pero bigla itong huminto.           THIRD PERSON'S POV Nanatiling nakatayo Si Clyde sa likod ni Hera. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita. He knew that Hera can do more than this. He must not be amazed because he knows that this forest will live once Hera touch any part of it. This is the real power she has. The real her.  If you were There, Standing and watching You'll be amazed.     Agad na sumunod si Clyde Sa Dalaga ng Mag umpisa itong Maglakad ng mabilis. Sa bawat daraanan nito ay Nabubuhay ang mga halaman na naroon. Malalaking Dahon, Malalaking Ugat, Human size na mga Halamam, Matataba at malalaking baging. May mga maliliit na nilalang ang nagsisisliparan. Hindi lang sila nabubuhay dahil lahat sila ay nagliliwanag. Lumiwanag ang buong paligid. May mga asul na Dahon, Pink na Bulaklak, Blue na Ugat ng puno, Green Water at Kitang kita ang malaking Cresent moon. Clyde noticed that Hera's hair turn into White.    Hindi man lang napapansin ni Hera kung Ano ang ginagawa niya. Inosenteng ipinagpapatuloy niya ang ginagawa without realizing what is the meaning and enjoying it. Pero natutuwa siya sa nakikita. Nakasunod lang sa kanya si Clyde. She stop infront of a Tall and Wide Gate. It was really huge and Old. There are Alive Vines covering it but you could recognize that it's a gate.    "Anong nasa loob nito?" Lumingon siya sa tabi niya kung saan nakatayo si Clyde. "Diba sabi mo nakapunta ka na dito noon?" Nakangiti niyang tanong. "Go." Yun lang ang tanging nasabi ni Clyde habang naka ngiti. Alam ni Clyde ang lahat. At Obligasyon niyang Tuparin ang itinakdang tungkulin para sa kanya. He's responsible For what is happening. Kaya kahit Na Gusto na niyang sabihin ang lahat ay hindi maaari. He's smart enough.       HERA'S POV "Go." He said. I smiled because he gave the permision to enter his paradise. Yes, Paradise. This place is like a paradise.    Lumapit ako sa Malaking gate. Nagliwanag ang Gate at kusang Nahawi ang Mga vines na nakapalibot dito nang mahawakan ko ito. Dahan dahang bumukas ito at Tumambad ulit ang isang napakadilim na lugar. It's a cave.    "Afraid?" He asked. Hindi pa ako nakakasagot ng Maramdaman ko na hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay. Ang init naman ng kamay niya. Biglang uminit ang pisngi ko. What the!? Am I blushing? "H-hindi no!" I composes my self. Inalis ko ng pagkakahawak niya sa kamay ko at tumingin ako sa ibang direksiyon." Ako? Takot?" I pointed myself. At nag chin-up.     I heard him laugh. Hindi ko siya pinansin at Naglakas loob kong Pumasok sa loob ng Kweba. Pagtapak ko ay nagliwanag ang nilalakaran ko. Pati ang mga nasa taas. Nagmistulang minahan ang buong kweba. There are Gold, Diamonds and Different types of gem All over the place. I was thinking, Siguro kung nasa Mortal World to baka inabuso ng mga tao ang pagmimina sa ganitong lugar.      "Sabi nila, Kung sino man ang kasama mo maglakbay hanggang sa dulo ng kweba ay habang buhay mong makakasama. Lalo na kung Kasintahan mo or mahal mo.That is why this Cave Was Called "cave of  infinity."  Sabi niya habang nakapamulsa. Nakatingala siya habang naglalakad. Siguro iniisip niya na madadala niya dito yung bata na Pinangakuan niya. Haay. Nakakainggit. Nagtaka ako ng tumigil siya sa paglalakad.     "Bakit—" Hindi ko naituloy ang dapat na itatanong ko ng mapansin kong Nakapikit siya. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na titigan siya ng di niya alam. Ngayon ko lang din narealize, Sobrang Gwapo niya, Maaliwalas ang Mukha, Matangos ang ilong, Mahaba ang pilikmata at ang perfect lips. Matangkad siya ng eight inches sa akin. Perfect Body built.   "Done Checking me?" Nagulat ako nung nag smirk siya at lumapit sa akin.     "H-ha!?" Wat da pak!? Di ko naman sinasadya na mapatitig sa kanya. "I was staring at you dahil mukha kang tanga diyan! Psh. Halika na nga." Nauna na akong maglakad. Syet! syet! syet! Feeling ko ang pula ng mukha ko. Kainis to!    Mabilis akong naglakad at Hindi siya nilingon. Narating ko ang dulo ng kweba ng Mabilis. Nilingon ko si Clyde at ayun! Ang layo pa. Naramdaman ko ang Malamig na simoy ng hangin at dumadampi ito sa balat ko. Nakakarelax. Mas lalo akong na-relax when I saw The Beautiful body of water. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Lake Of Promise. Nabasa ko lang ito sa libro. Sabi nila Matagal na raw itong Patay dahil konektado ito sa Forbidden forest at Cave of infinity. Ibig sabihin Buhay na rin ito dahil nabuhay ang Forbidden forest at Cave of infinity.      Kahit gabi na ay Litaw na litaw parin ang maliwanag na kulay asul na tubig dahil literal na nagliliwag ito. Plus, The cresent moon Is Reflecting on it. Tila Dagat na diyamante ang Lake. Dahil sa Tuwa Ay Agad akong Gumawa ng Malaking Bubble at sinakyan. Lumipad ako para mas maenjoy ko ang View sa baba. Nakita ko pa si Clyde na Tumakbo para habulin ako. Napakamot nalang siya dahil binelatan ko. Tawa ako ng tawa dahil mukha siyang nalugi. Pero Agad na nagsummon siya ng fire phoenix at hinabol ako. Habulan lang kami ng habulan kaharap ang napakalaking buwan at Nasa ibaba namin ang napakagandang Lawa.           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD