Chapter III: First Encounter

2808 Words
Monday morning ay naghanda na si Stacey para pumasok. No matter how much she dislike the situation ay ikinatuwa niya ang agad pagpasok sa school. Kahit ang ibig sabihin niyon ay back to zero siya. Inihatid siya ng ina na maghahanap daw ng trabaho na labis niyang ikinagulat at ikinagalak. Atleast may maganda din palang naidulot ang pag-alis nila. "You have everything you need?" paniniyak ni Erika sa anak. Tumango si Stacey at pigil ang isang ngiti. She really is trying her best. A few nights ago ay aksidente niyang narinig ang masinsinang pag-uusap ng ina at ni Eden. Mukhang may magandang maidudulot ang pag-uwi nila. And for that, she needs to stop sulking at sa halip ay harapin na rin ang panibagong hamon sa kanya. "Okay susunduin nalang kita after your class. Wag kang aalis hanggat wala ako, You're not yet familiar with the place." mahigpit na bilin ni Erika sa anak. . "Yes, Mom." Stacey nodded at humalik sa pisngi ng ina and opened the car's door. "Take care, Stacey. Call me up whenever you've got a problem huh? Enjoy. " Pahabol nito bago niya isara ang pinto. Tinanaw niya ang papalayong sasakyan bago pumihit paharap sa school. "Welcome to St. Guadalupe all Girls School" bulong niya sa sarili. "New life, new environment and new people." Mapait siyang ngumiti. You can do it Stace, she tried to cheer herself. "Excuse me" tinig mula sa likod at bago pa makahuma ang dalaga ay binagga siya ng isang matangkad na babae. "Haharang-harang kasi" narinig pa niyang bulong ng kasama nito na hindi man lang nag-abalang lumingon sa kanya. "Well, I guess I had to adjust a little faster." At nagsimulang humakbang patungo sa gate. Hinanap niya ang classroom na nakalagay sa paper na kasama ng documents na ibibigay sa principal nila mamaya. But to her dismay ay nagkaligaw-ligaw pa siya bago mahanap ang kwarto. In result ay na-late siya dahil natanaw niyang naroon na ang teacher. Good thing ay hindi pa ito nag-start na mag-discuss. Nilakasan niya ang loob at humakhang sa may pinto. Nilapitan siya ng babaeng guro at ngumit. "You must be the transfered student. " Marahil nasabihan na ito sa office kaya nito nasabi iyun.. Tipid siyang ngumiti bago sumagot. " Yes I am" "Come ipakikilala kita sa class. Siya nga pala can you speak and understand Tagalog?" tanong nito. "Yes I can" maikling sagot niya. Hanggang maaari Stacey doesn't want to build any close relationship with the teacher dahil pinakaayaw niya sa lahat ay iyong mga sipsip. Medyo madami sa Pilipinas ang mga iyon. "Well that's good to hear." Umaliwalas ang mukha nito at iginaya siya papunta sa harap ng klase at ipinakilala. Napansin niyang nasa parehong klase na iyon ang nakabangga sa kanya kanina. She doesn't seem to have recognize her dahil ni hindi man lang siya sinulyapan ng mga ito na busy sa pakikipag-kwentuhan sa katabi. Lumipas ang buong maghapon na walang aberyang nangyari na labis ikinapalagay ng loob ni Stacey. One week had passed and it seemed that everything is fine. Kilala na niya halos lahat ng kaklase at karamihan ay nakasundo maliban sa grupo ni Shelly. The same group na bumangga sa kanya noong first day niya. One of them seemed to have recognized her later on. Pero hindi lang dahil sa pangyayaring iyon kaya ayaw sa kanya ng mga ito. Dahil sa pagiging matalino at active niya sa klase kaya ganoon. One time she had heard them talking about her in comfort room. Palabas na siya ng cubicle nang marinig niya ang mga ito kaya siya napabalik. "I hate that Stacey girl, pakitang-gilas masyado." It was Shelly's voice "Yah feeling niya siya lang ang magaling" sulsol pa ng isa kasama nito. At marami pa siyang naring na negative comment tungkol sa kanya. Since then ay iniwasan na niya ang grupo. But still continued In excelling the class. She began to wonder kung totoo ang ipinapakita ng iba kaya mas minabuti niyang huwag nalang makipag-lapit kahit kanino. Habol ang hininga ni Andrew nang tuluyang maghiwalay ang labi nila ng kasintahang si Cams. Nasa likod sila ng gym sa may silong ng manga habang nakaupo sa bench. Ang isang kamay ay nakapulupot sa maliit nq bewang ng dalaga habang ang isa'y malayang hinahaplos-haplos ang mahaba nitong buhok. Doon ang tagpuan nila ng kasintahan kapag nais nilang mapag-isa. At upang gawin ang intimate moments na ginagawa ng tulad nilang magkasintahan. "God you are so hot" bulong ni Andrew habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng kaharap. At naroon nanaman ang kakaibang init na umaakyat sa kanyang kalamnan sa tuwing mapapaglapit sila. Ilang buwan na silang magkasintahan ni Camil pero ni minsan ay wala pang nangyayari sa kanilang dalawa. Of course they do necking ang petting pero hanggang doon lang. Kahit na nga ba minsan ramdam niyang willing na itong ibigay ang sarili sa kanya. Hindi niya alam kung anung pumipigil sa kanya samantalang nag-iinit siya tuwing kasama niya ito kapag silang dalawa lang. Bahagyang lumayo si Cams sa kanya at tumayo. Inayos ang uniform na bahagyang nakusot at tumalikod. " Hindi ko gustong isipin Andrew na katawan ko lang ang gusto mo." May bahid ng tampo ang tinig nito. Tumayo rin siya at niyakap ito mula sa likod. "Alam mong hindi totoo yan" aniya habang sinasamyo ang mabangong buhok nito. Dahan-dahan itong humarap. "Pero yun ang nakikita ko."uncertainty showed on her gorgeousl face. Tinanggal ni Andrew ang kamay sa pagkakayakap rito at bahagyang lumayo. Naupo sa naroong lamesa at ipinamulsa ang kamay sa puting uniform. Pinagmasdan ang magandang tanawin sa harapan. Camil was the type of girl na gugustuhin ninuman na maging girlfriend. Tulad ng komento niya kanina, 'she was damn so hot.' Binagayan ng height nito na medyo matangkad sa ordinaryong pilipina ang mahubog nitong katawan, na lalong pinalitaw ng medyo may kasikipang uniporme nito. At dinagdagan pa ng nang-aakit nitong magandang mukha. Hindi nga lang yung tipong masasabing beautiful. Yun bang tipong nasa cover ng playboy magazine. Well its not because he's reading such crap. Aksidente lang niyang nakita ang ganoong babasahin nang minsang tumambay siya sa bahay ng kaibigang si L.A. "Ayan nanaman yung tingin mong para mo akong hinuhubaran." Untag ng kasintahan na nakataas ang isang kilay habang nakaabrisyete. " Sabi ko ng iwas-iwasan mo na ang pagsama kay L.A dahil kung ano-anung natututunan mo sa kanya." "He's my friend you know that," he reminded her. Lalong umarko ang guhitang kilay nito. "And I am your girlfriend" Hindi niya nagustuhan ang tono at ang pinupunto nito. " What do you really mean by that?" Nagsalubong ang kilay niya. " It's not what you think, okay." Biglang nagbago ang tono nito. "I just want my boyfriend back." "I'm just here Cams." Ngumiti siya sabay lahad ng dalawang kamay. Hoping na lalapit ito sa kanya at yayakap, tulad ng nakagawian nito. Ngunit umiling-iling ang dalaga. " I mean the old Andrew that I knew. Yung sweet and old-fashioned one." Ibinaba niya ang kamay. "It's still me Cams." "No!" Humugot ito ng malalim na hininga at tumingala sa langit bago muling ibinalik sa kanya. " Maybe we should give ourselve a break." Sa gulat ay hindi siya agad nakapagsalita. Pinag-aralan ang mukha ng katipan at hinintay na sabihin ang salitang joke. Pero ilang sandali na ang nakakalipas ay hindi narinig ang salitang hinihintay. Pagak siyang natawa at napahawak sa batok. "Are you breaking up with me Cams?" Gumuhit ang takot sa mukha nito." No!" agad na sabi nito. "It's not what I meant." At napalitan iyun ng kalituhan." Lets just give it a break for a while, Andrew. " "You mean cool off?" Umaliwalas bigla ang mukha ni Camil sa sinabi. "Exactly. I mean bigyan muna natin ng time ang sarili natin. But were not going to break-up. Never!" Ang huling salita ng dalaga ay parang sa sarili sinabi. Kumunot ang noo niya sa aksyong iyon nito pero isinawalang bahala nalang niya dahil mas nangingibabaw ang isa pang damdamin. He's so damn pissed pero hindi niya ipinahalata. "Kung iyon ang gusto mo!" Kibit-balikat niyang sabi pero magka-salubong na ang kilay. Damn! Nasaling ng babae ang ego niya. Pero kung sa akala nito'y maghahabol siya rito, then she's wrong. Siya si Andrew Martinez. At wala pang babaeng tumatanggi sa kanya. He can find another girlfriend ten times prettier and hotterr than her. Sayang nga lang talaga ang babae dahil gusto niya ito kumpara sa ibang babaeng naka-dates niya. "I'll go for now mag-start na ang klase ko in a few minutes," anitong tumingin sa relo bago siya talikuran. Ngunit nakakailang hakbang palang ito ay muling lumingon with smile on her lips. "I hope to see my BOYFRIEND back in a few days!" May diin ang tinig nito sa salitang iyon. At muling tumalikod upang umalis. Hindi siya sumagot at sa halip ay nasundan nalang ito ng tingin hanggang sa lumiko na ito. Napabuntong-hininga siya at sandaling napatitig sa kawalan bago tumayo at dumiretso na rin sa klase. Medyo mahaba na rin ang nalakad ni Stacey mula sa pinapasukang eskwelahan nang parahin ang papalapit na taxi, ngunit sa malas ay may sakay na ito. Napabuntong-hininga siya nang ma-realize na nasa malapit na university siya kaya puno halos lahat ng dumadaang sasakyan. Pumihit siya upang maglakad ng kaunti at baka makatiyempo ng sasakyan sa banda pa roon. When she suddenly bumped to someone. Dahilan upang mabitiwan ang dalang mga libro. Yumuko siya na sinabayan naman ng nakabunggo sa kanya. "Sorry." hinging paumanhin niya. She raised her face at nagulat dahil nagkatapat ang mukha nila nito.The man was so close to her that Stacey can smell his scent. Swabe and dating ng amoy nito. Nakatitig sa kanya ang lalaki with amusement in his eyes. The first thing she noticed was how good he looked. Why he's so handsome in the real meaning of the word? Para niyang naka-face to face ang Hollywood crush ng classmate sa Canada na si Matt Dallas minus the blue eyes of course at sa halip ay kasing-dilim ng gabi ang mga iyon. And oh, he had a cute dimple on his right cheek. Napalunok si Stacey kasabay ng biglang pagtahip ng dibdib. Lumayo siya at napatayo dahil sa kakaibang damdaming biglang naramdaman dahil sa paglalapit nila. Ang lalaki ang nagkusang pumulot ng mga nagkalaglagang gamit. Namalayan nalang ni Stacey ang sariling nakakatitig sa lalaking busy sa pagkalap ng mga gamit. Naka-uniform ito ng over-all white na lalong nagpadagdag sa appeal ng lalaki. A medicine student perhaps she thought. Tumuwid ito ng tayo at bumaling sa kanya. "Your books" sabay abot sa kanya with smile on his pinkish lips. She held her breath and automatically felt her check burned. Kaya naman napilitan siyang mag-iwas ng mga mata habang inaabot ng lalaki ang mga gamit niya. Sanay siyang titigan ng lalaki. At bakit hindi kahit paano'y attractive din naman siya. Hindi nga lang pang-beauty queen ang dating. Siya iyong tinatawag na pretty. Ang mga mata niyang kulay abuhin na nagbibigay sa kanya ng kakaibang dating kapag tumitig, na nakuha niya sa daddy niya na may dugong banyaga. Katamtamang tangos ng ilong at mapulang labi. Na pag pinag-sama-sama ay nagresulta ng isang maamong mukha. Pero duda siya kung ganoon pa nga ang dating niya. Kung noon ay maaari, noong hindi pa nagiging komplekado ang lahat. Dahil ang mata niyang laging may kislap, ngayon ay laging nagbabadya ng kalungkutan. Lagi rin siyang tahimik, kumibo-dili. Magsasalita lang kapag may tinatanong. Palaging nakasimangot o nakatulala kapag walang ginagawa. Dahilan upang hindi siya magkaroon ng malapit na kaibigan. Well what is the use of it, kung ganito namang palipat-lipat sila ng tirahan. Muli niyang ibinalik ang mata sa kaharap. The man was much taller than she was so he was literally looking down at her while she was gazing up at him. Para siyang unano sa height na five feet two inches sa tangkad ng lalaki. Maybe he's five feet ten or more.Tisoy ito at medyo may pagka-lanky o dahil hindi fit ang uniform nito. But still attractive. No, he is definitely attractive and handsome, kontra niya sa sarili. Lalo na kapag ngumingiti ito. At kung hindi niya makokontrol ang sarili ay baka mag-swoon siya dito sa mismong oras na iyun. "Thank you" pagpapasalamat niya. "Your welcome Stacey" he replied. Nasa mata parin ang kakaibang kislap. Nagulat siya nang marinig ang sinambit ng binata. Sinundan niya ang tinitignan ng mga mata nito and it landed on her school i.d pinned on the right chest side of her uniform. "Andrew, halika na." Narinig niyang tawag ng mga kasama nito na hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Napakamot nalang ng ulo ang binata at napilitang magpaalam. "I have to go. You take care, Stacey. By the way, it's nice to meet you" He said and walked in the direction of his friends without removing his eyes on her. Hindi siya nag-abalang mag-iwas ng tingin. Tila siya namamagneto ng mga mata ng lalaki. Hindi niya namalayang nailagay ang isang kamay sa tapat ng dibdib niya. Hindi parin humuhuppa ang mabilis at abnormal na pag-pintig niyun. And out of nowhere ay gumuhit ang isang tipid na ngiti sa labi. "Sino ba iyon pare, bat ang tagal mo?" inip na salubong ni L.A sa kaibigang si Andrew. Hanggang tenga ang ngiting nakaguhit sa labi nito. "Hinihintay na tayo nila Camil. Tara na." Parang wala sa sariling napasunod nalang si Andrew. Sa isip ay binalik-balikan ang eksena kanina. Ilang araw na niyang nakikita ang dalagitang iyon na dumadaan sa tapat ng unibersidad nila. At napukaw ang atensyon niya sa kakaibang lungkot sa mga mata nito. Noong una'y curious lang siya. Hanggang sa inaabangan na niya ang pagdaan nito. Hindi din niya alam sa sarili kung bakit ginagawa niya ang bagay na iyon. Dahil kung tutuusin ay mas tipo niya ang tulad ni Camil, ang present girlfriend niya. Matangkad at voluptuous at halos kasing-edad niya. Na kung itatabi si Stacey rito'y magmumukha itong nene. Weird. Pero gusto niya ang kakaibang damdaming kapag nakikita niya ang dalagita. Stacey, Iyon pala ang pangalan niya. Bagay sa kanya. At muling gumuhit ang ngiti sa labi. Napapailing nalang si L.A sa inaktong iyun ng kaibigan. Stacey was doing her homework assignment sa isang bench ng campus nang maramdamang may lumapit sa kanya. "Hi, Stacey!" Nalingunan niya ang kaklaseng si Angela. Kasama nito ang sa pagkakaalam niyang bestfriend nitong si Gail. The two of them are some of the few people na hindi siya pinapakitaan ng hindi maganda. Actually they were friendly. Too friendly na takot siyang maging malapit sa mga ito. Pero ayaw naman niyang mag-mukhang bastos kaya sinuklian niya ng tipid na ngiti ang dalawa. "Ang galing mo naman kanina." Puri sa kanya ni Angela. Her classmate was talking about their class recitation a while ago. Nasagutan kasi niya ang isang question ng teacher nila na hindi pa nito naituturo sa klase. "Oo nga parang lahat ng bagay alam mo," dagdag ni Gail. "Hindi naman. It just happen that I've been to Advance Learning School in Canada." Hindi siya nagyayabang pero iyon ang totoo. Medyo nabo-bore na nga siya dahil parang inuulit lang sa kanya ang mga pinag-aaralan nila. "Ah kaya pala, pero magaling ka pa rin kasi nare-recall mo pa mga pinag-aralan niyo. Kung ako siguro yun matagal ko nang naibaon sa pinaka-sulok na bahagi ng utak ko." Natatawang sabi ni Gail. Napansin niya ng sikuin nito si Angela. Nilingon ito ng huli at nagbulungan ang mga ito. "Can I help you with something?" alanganing tanong niya nangg hindi makatiis. "Sige na Angel sabihin mo na..." sulsol ni Gail sa kaibigan at pinihit ang huli paharap sa kanya. "Ahm kasi may sasabihin si Angela sayo." Hindi siya umimik at hinintay ang sasabihin nito. "Stacey, are you free next Saturday? It's my birthday and I want to invite you," Angela said in that angelic voice. Nabigla siya. Pero ikinatuwa niya ang paglapit nito para imbitahan siya. "Don't worry pupunta ang ibang classmates natin. " Nakita marahil ng kaklase ang alinlangan sa mukha niya. She look hesitant. Halatang nangingilag sa kanya. Wala siyang nagawa kundi pumayag ng pati si Gail ay nakisama na din sa pagkumbinsi sa kanya. Ayaw naman niyang lumabas na pa-importante. Besides, sa buong panahon ng pagpasok niya sa naturang paaralan ay wala siyang nakitang masamang ugali ng dalawa. Pagkatapos ng klase ay nagprisenta si Angela na ihatid siya sa bahay upang personal na ipagpaalam sa ina. Ngunit wala pa sa bahay ang mommy niya nang dumating sila. Sa halip ay ang kanyang Tita Eden ang nadatnan nila. Pumayag naman ito agad-agad sa katuwaan niya. That's when shed learned na sa iisang subdivision lang sila nakatira. Iyon nga lang medyo malayo ang bahay nila sa dalaga. Kailangan pa kasing lumiko sa isang eskinita at mag-drive ng kaunti para marating ang sa kanila. Samantalang diretso ang daan papunta sa bahay nila Angela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD