Chapeter II: The Past

1655 Words
9 Years Ago  Stacey shut the door behind her and walked directly to her bed with her sister on her arms. Ngunit hindi pa rin iyon sapat upang mawala ang ingay na naririnig sa labas. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang ginawa ang bagay na ito sa mga nakalipas na lingo. Narinig niya ang mga nagkakabasag na gamit sa labas kasabay ng mataas na tinig na nagtatalo. Bigla ang pagsagi ng takot sa kanya. Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid. "Stacey, what's happening? I can hear Mommy's voice, is she and Daddy fighting again?" Napayuko siya at sinalubong ang nagtatanong na mata ni Caitlin. Tinitigan niya ang maamong mukha ng nakbabatang kapatid. Bahaghang nabawasan ang takot na nararamdaman nang matitigan ang magandang mukha nito Pilit niyang pinaaaliwalas ang mukha " No Caitlin, they were just discussing something" pero kahit siya'y napangiwi sa alibi niya "You always say that, but I saw how mommy throws the vase on the wall" Nabigla siya sa narinig. Unti-unti na siyang nauubusan ng maidadahilan sa kapatid. Nitong mga nakaraang lingo ay napapadalas ang pag-aaway ng ina at stepfather niya. Dati naman nang nag-aaway ang mga ito ngunit simple at naayos naman agad ng hindi na nagkakasakitan. Pero ngayon ay iba na. Halos maubos na nga ang mga gamit nila dahil nababasag ang mga iyon kapag ibinabato ang mga ito ng ina sa stepfather. Hindi naman niya alam ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang mga ito. Hindi mo alam o ayaw mo lang intindihin, sabi ng utak niya. Siguro nga dahil ayaw niyang makialam. She only focus on the things na mas importante kaysa pag-aaway ng dalawa. Kung alam lang niya na magkakaganito'y hindi nalang sana siya pumayag na muling mag-asawa ang ina. Six years ago nang biglaang mamatay ang daddy niya. At first sinubukan nilang mag-ina na mamuhay ng silang dalawa lang. They survived, pero ilang buwan lang. Unti-unting naubos ang perang naiwan ng daddy niya. Hanggang sa walang-wala na sila. Hindi naman kasi makahanap ng trabaho si Erika. Ano nga bang alam gawin nito maliban sa magpaganda? Part of her wanted to blame her father, dahil hinayaan nitong umasa ang mommy niya rito. Ibinigay nito lahat ng pangangailangan nila, sobra pa nga sa kinakailangan. Kaya naman ng mamatay si Richard ay gumuho ang mga pangarap nilang mag-ina. Until her mother met her stepfather, Carl Smith, isang dayuhan sa Pilipinas na agad na-inlove sa kanyang ina. A whirlwind romance ika-nga. They fell in love with each other,got married and before she knew it ay nakapag-migrate sila sa Canada. She doesn't want to go that time dahil graduating siya ng elementary at siya ang valedictorian. By then ay ayos na ang lahat ng dokumentong kailangan at ang visa nilang mag-ina. Kaya kahit labag sa kalooban ay napilitan siyang sumama. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Erika. Nakita niya nang i-lock nito ang pinto at dumiretso sa kinaroroonan ng cabinet, kinuha ang traveling bag at inilagay ang gamit nilang magkapatid. "M-mom, what's happening why are you packing our things?" Inilapag niya ang kapatid sa kama at nilapitan ang ina. Astounded by what her mother is doing. "Help me pack Stacey, where going back to Philippines"anitong hindi man lang nag-abalang tumingin sa kanya. Nanlaki ang mata niya. "W-what?" nabiglang tanong niya. "M-mom wag kang pagigla-bigla hindi tayo pwedeng umalis. Paano ang pag-aaral ko dito. " iyon agad ang unang pumasok sa isip ng dalaga nang marinig ang salitang pag-alis. Graduating na siya ngayon at kabubukas palang ng klase. Bukod doon ay running for valedictorian siyang muli. Mababalewala nanaman ba ang pinaghirapan niya ng makailang taon. "I've already fix everything. I'll explain it to you later basta kailangan na nating umalis". Parang walang narinig ang ina na nagmamadali paring nag-empake ng mga gamit nila. Nasaktan siya sa sa pambabalewalang iyon ni Erika. Alam nito kung gaano kahalaga ang nakasalalay sa pag-alis nila. Pinukaw sila ng malakas na kalabog mula sa pinto. " Erika open this door,damn it. We need to talk" Boses iyon ng stepfather niya. Nagkatinginan silang mag-ina, at sa labis na pag-gulat niya ay pinag-patuloy nito ang pag-empake. Hindi siya dapat basta pumayag, she was already used to living in this place. Kung itutuloy ng ina ang binabalak, siguradong mahihirapan na nanaman siya. At paano ang kapatid niya. Hindi pa ito nakakarating ng Pilipinas, baka manibago ito. Hindi na bale sa language dahil nakakaintindi at nakakapagsalita ito ng kauniting tagalong pero paano ang klima. Malaki ang kaibahan ng Pilipinas sa Canada. Dahil doon ay mas lalong sumidhi ang kagustuhan niyang pigilan ang ina. "Mom, please, you need to think things over. Paano na ang mga maiiwan ko dito. Si Caitlin, she just can't go to the Philippines ng basta-basta baka manibago siya sa lahat ng bagay doon. And where are we going to live there? Wala na tayong babalikan doon . Why don't you talk to tito Carl over this matter, baka ma-settle niyo pa ito. " pagsusumamo sa ina. Tumigil ito sandali sa ginagawa at humarap sa kanya. Lumapit at hinawakan siya sa magkabilang-balikat "Listen Stacey, it's not working. Matagal ko nang pinag-isipan ang bagay na to. Noong una ay balak kong magbakasyon lang muna. Kaya inihanda ko na lahat ng kakailanganin natin." Nakita marahil ng ina ang pagkalito sa mukha niya kaya niyakap siya nito. "I'm sorry Stace kung naguguluhan ka sa mga bagay-bagay but we need to do this. I promise this is going to be the last time. At tungkol sa titirahan natin don't worry about it nakausap ko na ang tita Eden mo, pumayag na siyang pansamantalang tumira tayo sa bahay niya." Lumayo ito at ipinagpatuloy ang pag-iimpake. Nangipupus na nilapitan ang kapatid at napaupo sa kama. Bigla siyang nang-hina. Heto na ulit ang kinatatakutan niya. Mababalewala nanaman ang lahat ng pinaghirapan niya. Stacey had no choice but to go with the flow. Ano ba naman ang kayang gawin ng isang sixteen years old na dalagita kundi ang sumunod sa desisyon ng ina. "Stacey hija!" Malakas na sigaw ng kanyang tita Eden sabay sugod ng yakap. Panganay na kapatid ito ng kanyang ina at matandang dalaga kaya naman sa lahat ng kapatid ay ito ang pinakamalapit sa kanila. Ito lang kasi ang tanging nakakaintindi sa mommy niya. Bahagya siyang inilayo at pinasadahan ang kabuuan niya at muling nagsalita. "Naku ang laki-laki mo na and very beautiful huh" nasa mata nito ang paghanga. "Hiyang mo ang pagtira sa ibang bansa." Hinaplos ang malambot at makinis niyang balat. Tipid na ngiti lang ang tanging isinukli niya dito. Samantala, nanibago naman si Eden sa pagiging tahimik at aloofness ng pamangkin. Super close silang dalawa dati. Sabi nga ng mga tao noon ay parang silang dalawa ang mag-ina, dahil pareho sila ng ugali. Very cheerful and energetic. But things change, ganoon yata ang nagagawa ng pagiging malayo sa isat-isa. Bukod pa sa talagang dinamdam ni Stacey ang hindi niya pagtutol sa pag-migrate nito sa Canada. Her niece wanted to stay in Philippines, with her. Nang mga panahong iyun ay naniwala siyang iyun ang maganda para rito. Kung alam lang niyang magiging dahilan iyun ng paglayo ng loob ay pumayag nalang siyang manatili ito sa kanya. But what's done is done. Ang maari niyang gawin ngayon ay ang bumawi sa pamangkin hanggang sa makuha niyang muli ang loob nito. For now ay hahayaan niya munang mag-adjust ito. Ayun kay Erika ay labag sa loob ni Stacey ang ginawang pag-uwi. At halata iyun sa mukha ng pamangkin. Dahil sa malamig na pakikitungo ni Stacey ay kapatid nalang nitong si Caitlin ang pinagbalingan ng atensyon. "Oh you must be Caitlin, so pretty like tita"at kinarga si Caitlin at siyang nilambing. Imbes na maiingit ay naging pabor iyon kay Stacey na nakamasid sa dalawa. Isinuot ang designers Persol sunglasses at iniwas ang mata sa mga ito. Mabuti na rin iyon, naisip niya. She doesn't want her aunt to feel bad about the things that changed between them. Dahil siya mismo ay hindi mapilit ang sarili na maging masaya. Hindi dahil sa ayaw niyang umalis ng Canada. The truth is, she never liked living there. Pero dahil ginusto ng ina ang tumira doon ay pinilit niya ang sariling maka-cope up. Kailanman ay hindi niya nakagamayan ang kultura sa naturang bansa. Nahirapan siya bago masanay sa lugar at makibagay sa mga nakatira doon kaya naman ayaw niya na sanang umalis. And then these happened. Again. Kailangan na naman niyang mag-simula ulit. All she wanted is to have a permanent settlement, iyong matatawag niyang "home". Pero bakit iyon pa ang hindi niya makamit. Sa buong durasyon ng biyahe pauwi sa bahay ng tiyahin ay manaka-naka lang siyang magsalita. Tipid kung sumagot kapag may itinatanong lang sa kanya. Nakatingin siya sa labas ng bintana ng kinalululanang sasakyan habang nag-uusap ang magkapatid. "Siya nga pala Stacey, I already enrolled you at St. Guadalupe all Girls School, puwede ka nang pumasok sa Monday. Tinaggap ka naman nila kahit late enrolles ka, they've seen you're grades and they were impressed. "pagbibigay-alam ng tiyahin. Pilit siyang ngumiti "Thanks Tita" at muling tumingin sa labas ng bintana. "Don't mention it. Dalagang-dalaga kana, siguro may boyfriend kana?" tukso nito. How I wish I had one. Nang sa ganoon ay may lakas ako ng loob na suyawin si mommy, she wanted to response but she remained silent. "Hay naku ate may mga pumupunta nga sa bahay at tumatawag pero mukhang walang interes yang pamangkin mo." Salo ni Erika nang hindi siya sumagot. Kaya naman nabalik dito ang atensyon ni Eden. Tama ang ina sa pagkakaroon niya ng walang interes sa lalaki. Though hindi ilang kapwa niya Pilipino at kahit mga ibang lahi ang nagtangkang ligawan siya. Shy and submissive and super conservative, sabi nga ng ilan na hindi bagay sa isang modernang bansa na tulad ng Canada. Hanggang makarating sila sa bahay ay hindi nagtangka pa si Eden na isali si Stacey sa usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD