ISINIWALANG bahala ni Klaire ang sinabi sa kaniya ng kaniyang kaibigan na si Losiel. Hindi siya rito nakinig at pinagpatuloy pa rin ang kaniyang kagustuhang magtago sa kaniyang pamilya, doon sa Brixton Company niya napiling magtago suot ang kaniyang makapal na kulot na buhok, salaming pang nerd, at ang fashion niyang mukhang losyang na may sampung anak kahit pa siya ay isang dalaga pa lamang. Hindi nagkulang ang kaibigan niyang si Losiel sa pagpapaalala sa kaniya kaya sabi nito rito ay huwag iiyak dito sa oras na mabuking ng pamilya niya ang kaniyang sikreto at kung saan talaga siya nagtatago. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa at sa nangyayari sa kaniyang buhay. Kung iisiping mabuti ay maganda sana ang kaniyang buhay, hindi sana siya ganito kung hindi dahil sa kaniyan

