5

1249 Words
Klaire is going crazy. Bakit kasi hinayaan niya lang na may mangyari sa kanilang dalawa ng CEO noong nag-dinner silang dalawa sa Brixton Hotel, ngayon ay hindi siya tinitigilan ni Angus at talagang gusto pa nitong bihagin ang kaniyang loob. She knew that this man has nothing to do with her. Siguro ay wala lang itong magawa kaya siya ang ginugulo nito. “Amber, he doesn’t like me. Siguro bored lang siya sa buhay niya kaya ginagawa niya ang lahat ng ito.” “Hindi ako naniniwala. Hindi siya mag-e-effort ng ganito sa iyo kung bored lang siya sa kaniyang buhay. Marami ang babaeng nakapaligid sa kaniya, he can choose someone to them,” “Exactly. Maraming babae ang nakatungaw sa kaniya. Mayayaman at magaganda pa! Sexy pa! Ano ba ako sa kanila? Basura lang ako kapag tinabi sa mga babae niya.” “Di hamak na mas maganda ka sa kanila girl. Look at you, mas kutis mayaman ka at sa pabonggahan ng ganda at sexy ng katawan, girl winner ka! Kaya nga hindi makatulog sa iyo ang CEO natin. Siguro baliw na baliw na iyon kakaisip sa iyo.” Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Ito talagang si Amber ay masyadong mataas ang pangarap. Napaka-imposible ng iniisip nito. Napatingin tuloy siya sa salamin. Halata namang sinasabi lang ni Amber ang mga iyon dahil kaibigan siya nito. Siguro kung hindi sila magkaibigan ay baka pang lalait lang din ang kaniyang matanggap mula kay Amber. Physically, she’s not attractive. Hindi siya maganda at sexy. Sinadya niya ito para walang makakilala sa kaniya. She’s pretending to be another person na may pangit na physical appearance. She’s wearing this kind of face kahit nandito sa apartment niya para masanay na siya sa ganitong mukha. Dahil tulad nitong araw, minsan ay bigla na lang pumupunta talaga ang kaniyang kaibigan na si Amber dito sa apartment niya. Every saturday and sunday lang siya ng gabi nakakapagtanggal ng disguise dahil siguradong nasa pamilya ni Amber ito at hindi pupunta rito sa kaniyang apartment. Kaya sigurado siyang malaya siya at walang makakakita sa kaniya without her disguise. Dinner came and someone knocked on her door. Klaire’s not expecting anyone. She’s ready to rest in her small bedroom, by the way, she’s done doing her skincare routine at night. It’s a man, with a smile on his lips. “Who are you?” She asks, to know the name of this formal man who knocked on his door. Pamilyar itong lalaki na ito, para bang nakita na niya ang hitsura nito sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya ngayon. “My name is Daniel Sy, I am the new secretary of Mr. Brixton Jr. I am here to pick you up,” Oh, he is Angus's new secretary. Kaya pala pamilyar, maybe nakita na niya ito sa hallway o baka sa office ng kompanya mismo. Hindi kasi ito ang secretary na naabutan niya before the contest. Ano nga ulit ang sinabi nito sa kaniya? Nandito ito to pick her up? “Why would you pick me up?” she asks, clueless. “Sir Angus wants to have dinner with you, did you forget, Ms. Klaire?” “Oh,” Is he serious? That man is going into her nerves. Kailan ba siya nito patatahimikin? Talagang walang balak na tigilan siya dahil ilang araw na siya nitong kinukulit. Buti nga ay hindi tulad ng ganito ang pagkulit sa kaniya kapag nasa kompanya sila at office. “No. I’m sorry hindi ako makakapunta. And please give that back to him,” Pinapasok niya sa loob ang pinapuntang secretary ni Angus, para kunin ang vase at ang bulaklak na ipinadala nito sa kaniya kanina. “I can’t take that Ms. Klaire.” His smile never fades. Para bang naka-glue na ang bibig nito na nakangiti o utos dito ng amo nito na si Angus na wag alisin ang ngiti sa mga labi nito? Parang iba ang ngiti nito e. “Bakit hindi? Ako ang nag-utos sa iyo na kunin mo iyan kasi ayaw ko. Hindi ko tatanggapin ang binibigay ng amo mo. And please tell him na huwag niya na akong kulitin sa dinner or other dates, busy ako with my own life. Hindi ko siya maasikaso and I don’t have free time. Thank you.” I know I sound too bad and my words are not appropriate for my boss, but I just want him to know that I am not worth just flowers and a vase. Hindi sa iniisip niya na kaya siya pinadalhan ng kaniyang amo ng mga ganoon ay para bilhin siya, pero hindi niya maiwasang ihalintulad ang ginawa nito sa mga naging babae nito. Na flowers and vase lang ang katapat para lokohin sila ni Angus Brixton Jr. “Sure, Ms. Klaire, sasabihin ko rin sa kaniya ang mga nais mong ipasabi.” “Thank you. Huwag mong kalimutang dalhin itong vase at flowers. Isoli mo sa kaniya.” “Yes, I will.” He carries everything I told him to carry. Mabuti naman at mabilis kausap itong bagong secretary ni Angus, hindi siya nahirapan upang pasunurin ito sa kaniyang ninanais. Pagkalabas ng lalaki sa kaniyang apartment ay humiga na siya sa kaniyang kama at natulala sa kaniyang kama. Pinag iisipan niyang mabuti kung tama ba na mapalapit siya sa CEO ng Brixton company. Hindi yatang magandang mapalapit siya rito dahil tulad nito, marami ang nakakakilala sa kaniya at baka alinman sa mga araw na ito ay maging usap usapan siya sa kompanya na ayaw niyang mangyari. Tama talaga ang advice sa kaniya ni Losiel, hindi dapat siya sa kilalang company pumasok dahil malamang ay mabilis lamang siya matutunton ng mga taong pinagtataguan niya. sa sobrang tigas ng kaniyang ulo ay heto at siya ang nahihirapan ngayon. Maling mali ang kaniyang mga naging desisyon. Ngayon lamang niya napagtatanto ang lahat pagkalipas ng isang taong pamamalagi niya rito sa lugar kung nasaan siya ngayon at doon sa pagtratrabaho niya sa Brixton company. Her phone’s rang. Kaniyang tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya, akala niya ay si Brixton ito at nakarating agad dito ang kaniyang mga nais iparating pati na ang flowers at vase na kaniyang isinauli. “You’re in danger,” ani ng babae sa kabilang linya. “Losiel,” of course mahihimigan niya kung sino ito. It’s her best friend. “Sinabi ko na sa iyo noon pa man, madali ka nilang matutunton kung diyan ka lang sa Brixton Company magtatrabaho.” “What do you mean? Alam na nila Mom and Dad?” “No.” “Then what are you trying to tell me? Paano mo nasabing I am in danger?” “I’m just worried. It’s been a year.” “You mean wala pa namang nakakaalam kung nasaan ako ‘di ba?” “Yes. But they are looking for you for a year. Hindi imposibleng makita ka na nila one of these days.” “Walang makakaalam kung walang magsasabi Losiel, just be quiet, and please don’t tell anyone about me.” “Okay.” “Thank you.” “But are you happy?” Hindi siya nakasagot sa tanong ng kaniyang kaibigan. “Wearing that shitty eyeglass, curly hair, and fake fashion? You are not who you are right now. Don’t pretend to be someone else. You are Maurie Jane Westley, huwag mong hayaang itago mo lang ang sarili mo just because you don’t want to get married to someone who you don’t know and love.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD