ANGUS tried not to smile with love. He ordered his secretary to get Klaire’s favorite flowers and delivered them to her. Gusto niyang magpasikat sa dalaga para patunayang hindi lang libog ang nararamdaman niya rito.
Ang nangyari sa kanila noong isang gabi ay hindi na mawala sa isip niya.
She must pay for it.
Hindi lang dapat siya ang nababaliw ng ganito.
“You look different. Are you in love, son?” His mother takes a look at him for a sec. She smiles as she recognized the smile he has for this morning. Napansin nitong iba ang ngiti niya sa kaniyang usual day.
Ang kapatid niyang babae ang sumagot rito. “Mom, If I look different, am I in love too?”
“Silly,” he whispers. There she goes again. Her sister is really out of their world. Para bang may sarili itong mundo na ito lang ang nakakaintindi.
“Mom, Kuya is being mean to me again.” She pouted. “He doesn’t want me as his sister anymore!” She acted like a crybaby.
“Then stop being childish. I’m not gonna give attention to your baby's attitude. You are not my baby, you are my sister.”
“I’m your baby sister. I’m the youngest! You must treat me like a baby.”
Umiling siya rito. Hindi niya talaga ugali ang maging malambing sa kapatid kahit sa magulang. Iyon ata ang isa sa naging epekto ng pagiging independent niya simula bata pa lang siya. Nawala ang sweetness niya sa kaniyang pamilya. Mas pipiliin niyang mapag-isa kaysa makasama sila ng matagal. Sanay na rin na siya lang mag-isa kaya ganoon.
“You are my sister.”
Hindi na nakipagtalo pa sa kaniya ang bunsong kapatid.
Nakatanggap siya ng mensahe sa secretary niya, natanggap na ni Klaire ang bulaklak na ipinapadala niya.
Angus formed a bit of a smile on his lips. Damn! He’s too old to feel this kind of emotion. Kinikilig siya sa natanggap niyang mensahe. Mas kikiligin sana siya kung si Klaire mismo ang nagpadala sa kaniya ng mensahe.
“Kumuha ka ng schedule sa pinakamagarang restaurant.” Utos niyang muli sa sectary niya.
“Sir ayaw niyo sa Brixton Restaurant? So far, ang inyo pong Restaurant ang pinakamagara at pinakamahal.”
“No. I want something new. Mag browses ka sa internet kung alin ang puwedeng pagkainan namin mamaya ni Klaire.”
“Yes, sir,”
KLAIRE’s received a message from an unknown number. Then, later on, nagsabi itong isave ang number.
She replied asking who it was.
Hindi naman siya palabigay ng number kaya labis ang kaniyang pagtataka kung sino iyon. Bakit mayroon itong number niya at nais makipagkita sa kaniya sa isang Restaurant na pagmamay-ari ng Varments.
She’s a private person. Tanging close friends and several numbers of her family niya lang ang nakakaalam nitong private number, mayroon naman kasi siyang sariling number for business and her work.
Klaire: Who is this?
She stilled as she read the replied to the unknown number.
How did he get her number? Did he get all of her information?
Unknown number: Angus
Nagtipa siya ng tugon mula doon sa pangalang kaniyang natanggap.
Klaire: Paano mo nakuha ang number ko na ‘to? It’s my private number, sir.
Naghintay pa siya ng ilang minuto bago nakatanggap ng reply mula rito. Malamang ay busy na si Angus sa ilang gawain sa trabaho kaya natagalan ito sa pagreply sa kaniya.
Unknown number: Please save my number.
Napanguso siya noong hindi nito pinansin ang kaniyang tanong.
Nais niya talagang malaman kung paano nakuha ni Angus ang kaniyang numero. Tumunog muli ang kaniyang cellphone, akala niya ay makakakuha na siya ng sagot mula rito ngunit nagkamali siya.
Unknown number: Don’t forget our dinner date tomorrow night.
Hindi niya alam kung ano ang irereply dito sa kaniyang boss kaya hindi niya na lang ito nireplyan, tinago niya ang kaniyang cellphone at lumabas na ng kwarto.
“Ang tagal mo namang nagpalit ng napkin,” natatawang asar sa kaniya ng kaibigan.
Hindi niya muna sasabihin dito ang tungkol sa pagpapadala sa kaniya ng mensahe ni Angus dahil baka kung ano lalo ang isipin nitong kaibigan niya.
Ngayong bulaklak pa nga lang ang inabot sa kaniya ni Angus ay hindi na maipaliwanag ang kilig nitong kaniyang kaibigan.
Hindi pa siya nakakasagot sa kaibigan ay biglang nag beep na ang kaniyang phone.
Binasa niya ang mensahe sa kaniya ni Angus.
Unknown number: Did you save my number?
Hindi siya nakapag-reply dito dahil hindi pa naman niya sinesave ang number nito.
“Sinong nag-text? May text mate ka na pala?” Curious na tanong nito sa kaniya.
Umiling siya at tinagong muli ang kaniyang phone. “Wala. Advisory lang from my network. Mawawalan daw tayo ng signal later.”
“Ano? Mawawalan na naman ng signal? Napakawalang kwenta talaga niyang network na iyan. Parang gusto ko na ngang magpalit ng sim. Palagi na lang sila walang connection. Sayang ang load ko sa kanila, palagi na lang! Huhu!! Bale ba naman ay kakapaload ko pa lang.”
“Haha. Deserved.”
“Ang sama ng ugali mo. Natutuwa ka pa.”
Hindi na siya nang asar pa rito dahil mukhang bad mood nga sa kaniyang ibinalita itong best friend niya.
Kinuha nito ang phone at ni-check ang sariling messages. “Bakit sa akin ay wala namang nag-send na advisory?” nagtataka niyang tanong.
Nagkibit balikat siya. “Malay.”
“Ang unfair ha? Pati ba naman dito sa network ay mayroong favoritism?”
“Wala. Siguro late receiver ka lang. Matatanggap mo iyan mamaya pag-uwi mo sa bahay niyo.”
“By the way, anong plano mo diyan sa mga magagandang bulaklak na iyan? Ibabalik mo pa rin ba iyan kay Sir?” Tanong nito.
Tumango siya roon sa tinanong nito sa kaniya. “Oo. Bukas ibabalik ko sa kaniya ito.”
“Sayang naman. Kung ayaw mo ay akin na lang. Huwag mo na kayang ibalik?”
“Hindi puwede. Ayokong may masabi ang mga katrabaho at isa pa, he’s our boss. Hindi natin dapat tinatanggap ang mga ganitong klase ng regalo.”
“Sis, wala namang makakaalam kung hindi niyo ipapaalam.”
“Kahit pa. Ibabalik ko ito sa kaniya.”
“Hays. talaga bang wala kang gusto sa boss natin? Sayang naman. Ito na oh, siya na ang kusang lumalapit sa iyo pero ayaw mo pa rin siyang pagbigyan. Sis, pangarap ng lahat ng babae iyan sa kompanya natin, at itong nasa iyo na siya ay pinapakawalan mo pa. Ikaw din, sigurado akong magsisisi ka kapag binalik mo iyan kay Sir Angus.”