3

1064 Words
KLAIRE TOOK a deep breath as she remembered what happened to Brixton's office. Hindi niya mawari kung bakit mas lalong tumitindi ang pagtatangi niya kay Angus kahit pa ininsulto nito ang kaniyang pagkatao. Akala niya ay hindi siya nito pag-iisipan ng masama dahil ito ang nakakuha ng kaniyang virginity. Ngunit nagkamali siya. Itiniklop niya ang huling damit sa laundry basket. She's done cleaning her clothes. Sunod na gagawin niya ay ang paglinis ng kaniyang kwarto. Wala siyang trabaho ngayon kaya naman abala siya sa paglilinis ng kaniyang apartment, 'di ito kalayuan sa pinagtatrabahuhan niya. Lumipas ang oras at natapos na rin siyang maglinis sakto namang dating ng kaibigan niyang si Amber. Manggugulo na naman ito sa kaniya. Sigurado siya roon. "Feeling ko talaga type ka ng CEO natin." Bulalas ni Amber habang ini-isa-isa nang kainin ang grapes sa maliit niyang mesa. Simula bata ay mahilig na siya sa prutas kaya naman hindi puwedeng mawalan ng prutas ang kaniyang ref at mesa. Bukod sa may makukuhang benepisyo sa pagkain nito ay talaga naman kasing napakasarap niyon sa kaniyang panlasa. "Amber, he doesn’t like me. Alam ko ang type niya sa isang babae at hindi ako ‘yon, ‘no, ano ka ba? Stop being delusional," sambit niya sa kaibigan. "Sadyang mabait lang si Mr. Brixton.” “I don’t think so. Sa paraan ng pagtingin pa lang niya sa ‘yo ay alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Alam mo, kilala ko ang ganoong mga klase ng lalaki. Lumaki ako dito sa Maynila, Klaire, ang mga ganoong lalaki ay walang pinipili pagdating sa babae. As long as mapapakinabangan ka na nila, para silang tigreng lalapain ka sa kahit saan at sa kahit anong oras.” “Masyado kang nagpapadala diyan sa iniisip mo, huwag mong idamay si Mr. Brixton sa mga lalaking kilala mo kasi iba siya, hindi siya tulad ng iniisip mo sa kaniya.” “And now you’re defending him? Hmm... I smell something fishy...” “Amber, he’s too good for me. Too far away from me. Kahit kailan hindi ko maaabot ang isang katulad niya,” Iyon man ang lumabas sa bibig niya ay pinagsisihan niyang sabihin iyon. Taliwas sa sinabi niya ang kaniyang nararamdaman para kay Angus Brixton Jr. “Totoo ba ang balitang malupit daw siya sa mga tao?” Tanong pa ni Amber sa kaniya. Talagang hinuhuli siya ng kaniyang kaibigan. “Hindi siya masama at ubod ng yabang tulad ng naririnig nating tsismis.” “Ganoon ba?” “Yes. Mabait siya at... maalaga.” “Oh! Maalaga? Paano mo nasabing ang CEO natin ay maalaga? Inalagaan ka ba niya?” “No. Maalaga siya sa kaniyang employee. He knows what’s his doing and I’m speechless to his unbelievable mind. He’s so smart.” "Uh-hmm?" "He's actually... totally different." "And now you're defending him?" "No, I'm not. I'm just stating facts. He's really kind, sweet, and polite. Very respectful." "Well, I'm just saying, believe me, he has a crush on you. O tingnan mo! Nagiging englishera na rin ako dahil sa inyo," Pinigilan niya ang tawa dahil sa paghihimutok nito. "Malabong magustuhan ako ng CEO, " pagkontra niya sa sinasabi ng kaibigan. "Type ka nga! Pansin ko kasi ang pagdungaw niya sa department natin nitong mga nakaraang araw after ng dinner ninyong dalawa. Palagi ka niyang tinatanaw. Hindi mo ba pansin? Ako kasi oo, kinikilig nga ako minsan," "Maraming babaeng umaaligid sa kaniya na mas sexy at mas mayaman kumpara sa akin. I'm nothing compared to his women." "Hindi ka talaga nawawalan ng English sa line mo? Puwedeng pure tagalog ka magsalita?" Napailing na lang siya sa sinasabi nito. Gusto man niyang paniwalaan ang sinasabi nito, ayaw pa rin niyang paasahin ang sarili. Malabong magkagusto agad sa kaniya si Angus. Kailangan niya pa itong paibigin sa kaniya at kailangan pa nilang lalong mapalapit sa isa't-isa. Kailangan niya mag-isip ng paraan kung paano mangyayari iyon. "Maniwala ka sa akin, Klaire. Malakas ang tama sa 'yo ng CEO natin!" Lumapit pa ito sa kaniya at niyugyog siya. Kung ganoon nga talaga ay maganda iyon. Hindi na siya mahihirapan pang paibigin ito. "Wala ka bang ibang gagawin, Amber? You're always here tuwing rest day natin. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?" Inayos niya ang sarili bago dumiretso sa maliit niyang ref. Kumuha siya roon ng tubig para inumin nilang dalawa. "Alam mo, hindi ako magsasawa sa maganda mong mukha, pren! Baka ikaw ang nagsasawa sa mukha ko! Hmp! Isa pa, ayoko sa bahay. Nakakabagot tumambay doon. Ang gusto ko nga ay dito na ako tumira sa apartment mo, 'di ba? Ang kaso nga lang ay ayaw mo naman." "Amber, alam mo namang hindi ka puwedeng tumira dito kasama ko. It's too dangerous to live in the same roof with me." "Bakit nga kasi? Ayaw mo naman kasi sa akin ipaliwanag ng mabuti. Feeling ko ayaw mo lang talaga akong kasama. Dinadahilan mo lang iyang delikado. At saka kung delikado nga rito, bakit hindi ka na lang lumipat ng apartment? Sa mas safe para puwede tayong dalawa mag-share." "Basta. Hindi ako puwedeng may kasama." "Minsan kinakabahan na ako sa iyo. May pagka-abnormal ka ba? Mangkukulam ka ba? Bakit ba ayaw mong may kasama rito sa apartment mo tuwing gabi? Anong sikreto mo sa amin, Klaire?" pagprangka sa kaniya nito. "Wala akong sikreto. I just want to be alone. Pero hindi ko nagagawa kasi lagi mo ako gustong kasama." "Kaya nga! That's my point. Dito mo na kasi ako patirahin. Hati naman tayo sa renta, girl!" "Ayoko ng may kahati, girl," "Grabe siya, ang damot!" "Amber, iyon na nga lang ang pahinga ko sa 'yo. Tuwing gabi na lang, kukunin mo pa ba? Please, let's change the topic, hindi mo mababago ang isip ko, I'm sorry," Pareho silang natigilan noong may kumatok sa pintuan. "May bisita ka?" mabilis na tanong nito sa kaniya. Agad siyang umiling bilang sagot. "Wala." "Sino 'yun?" "Hindi natin malalaman kung hindi natin pagbubuksan ng pintuan," natatawang sambit niya sa kaibigan. Tumayo siya at pumunta sa may pintuan upang pagbuksan ang kumatok. Sumunod naman sa kaniya ang kaibigang si Amber. Tumaas ang kilay niya noong oras na makita kung sino ang nasa labas ng kaniyang apartment. Habang ang kaibigang si Amber ay napatili sa kilig dahil sa kaniyang nakikita. "I knew it!" Bulalas nito sa kaniya habang niyuyugyog ang kaniyang isang braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD