Chapter 2
ANGUS TRIED not to think about the woman in his dad's company. But the woman keeps on messing up his mind. It's simply a one night stand. It's purely for lust. Nothing f*****g special. Everything he said to her after the s*x was just a pile of freaking rubbish.
"Klaire Dane's already outside of this office, Mr. Brixton." His secretary entered just to say this to him.
"Let her in, "
Virgin is not my taste. Why am i wasting time? Bloody f*****g hell!
That scent. Malalim ang naging paghinga niya dahil sa kaniyang naamoy. Alam niya agad kung kanino ito nanggagaling, walang iba kun'di sa babaeng kinababaliwan niya ngayon. Pinagsawaan niya buong magdamag ang amoy na ito at kulang pa ang isang buong gabi para doon. Gusto niya muling maangkin ang nagmamay-ari ng nakakaakit na halimuyak na ito.
"Good morning, Sir, my team leader Gregorio said you want to talk to me."
"Yes. Have a seat."
She sat in front of him acting as nothing happened between them. Which frustrates him more. How could she act like this? Siya lang ba ang apektado sa nangyari sa kanilang dalawa? Napamura siya sa isip dahil sa inis.
"Ang lakas ng loob mong tanggihan ang alok ko. Sino ka sa inaakala mo?" Sa tuwing maaalala niya kung paano siya nito tanggihan through text messages ay hindi niya mataim. Ito pa lang ang unang babaeng gumawa niyon sa kaniya.
"Sir, I am a woman with pride. Tama lang ho na tinanggihan ko ang offer ninyo, 'di ho ba?"
"But you gave yourself to me that easy?" He sneered. "What a great woman with pride."
"Because I was too weak to-"
"To what? To resist my charm, baby?"
"No."
"Let's do it again."
"Excuse me?"
"Here and now. Strip in front of me, baby,"
"Sir. I was drunk that night. You gave me a hard drink that's why it was tough for me to refuse your kisses and touches,"
"Hindi mo nagustuhan ang nangyari sa 'tin noong gabing 'yon?"Nangunot ang noo niya nang magtanong dito. "Kahit kita kong baliw na baliw ka sa mga halik kong binibigay sa 'yo, ha, Klaire?"
"Nagkakamali ka, sir, hindi ko ginustong mangyari iyon."
She's lying. Is she trying to be difficult to get? "Don't play hard to get when you are not, Klaire."
"Hindi ako nagpapa-hard to get, Mr. Brixton, nagkakamali ka sa kung anong inaakala mo sa akin. Hindi ako 'yung tipo ng babaeng sumasama sa kung sinong lalaki lang. What happened between us that night was clearly because of the hard liquor, nothing else, wala naman akong hahabulin sa 'yo, sir, naiintindihan kita, hindi ko gagamitin ang nangyari sa atin laban sa 'yo."
"Stop lying, Klaire, I know you want me. It's f*****g visible to your eyes."
"Honestly, I don't want to be rude because you are the CEO of the company that I am working for months but with all due respect, sir, you don't have the rights to say that kind of words to me because I am not the woman you are currently thinking. I am not a slut or a b***h you can f**k whatever or whenever you want. You are my first, in case you forgot." Mariing wika nito sa kaniya.
The madwoman looks hot in his eyes. Hindi niya mapigilang mamangha sa talas ng dila nitong pagsalitaan siya ng ganon. Ang lakas ng loob nitong kalabanin ang mga salita niya.
"Yeah, I'm your first, so why are you rejecting my offer? It's your pleasure to be my f**k buddy. I am not like this with any woman. You are the first also. You don't know how lucky you are for having my attention."
"You were my first in bed, but it doesn't mean you can be the second and the last, Mr. Brixton."
Napaawang ang labi niya sa sinabi nito sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang may babaeng tatanggi sa kaniya. Sa tingin niya ay nagpapakipot lamang ito. Kaunting lambing pa rito ay bibigay din ito sa kaniya tulad ng ibang babae. Tulad ng pagsuko ng sarili nito noong gabing dinala niya ito sa kaniyang Pad. Sigurado siyang hindi ito naiiba sa mga babaeng naikama na niya. At isa pa sa nasisigurado niya ay sa susunod nilang pagkikita, ito na ang magmamakaawang angkinin niya 'to gabi-gabi.
Hinayaan niyang makalabas si Klaire sa opisina niya nang walang nangyayari sa kanila, hindi dahil sa talo siya kun'di para makapag-isip siya ng magandang paraan upang mapaamo ang mala-tigre sa tapang na si Klaire. Hindi maaring hindi niya makuha itong babaeng mapangahas. He was amused and challenged by her confidence and grit. He never encounters a woman like her. She's extraordinary. He wants her, sexually and physically.
"Ey, what's with your look, kuya?" His sister came into his office. He blinked twice before going back to his senses.
"Abby, what the hell are you doing here?"
"Kuya, I'm so bored in the house yeah I'm in the house bored!"
Nangunot siya habang pinagmamasdan ang kapatid may pag-sayaw pa itong nalalaman. Feeling kase nito isa ito sa sikat na Tiktoker.
"Tigil-tigilan mo ako sa kabaliwan mo, Abby, busy ako. Umuwi ka sa bahay,"
"Kuya, uulitin ko pa ba? I'm bored in the house yeah I'm in the house bored I'm so bored in the house yeah I'm in the house bored." Hindi na natigil ito sa pagsayaw at sariling sikap sa pagkanta.
Napahilot siya sa sentido sa kakulitan ng bunsong kapatid. "Nasaan si Axel? Sa kaniya ka mangulit wag sa akin." Suhestiyon niya sa kapatid.
Umupo ito sa inupuan kanina ni Klaire. Napagalaw siya sa upuan niya dahil sa ginawa ng kapatid.
"Bakit kuya?"
"Huwag ka diyan umupo. Doon ka sa kabila."
"Ha? Bakit?"
"Basta."
"Bakit nga? Ayoko ngang lumipat. Baka kung anong nilagay mo diyan sa kabilang upuan 'no! Akala mo ha, sanay na ako sa inyo ni Kuya Axel kaya hindi mo na ako mapaprank!"
"Damn it, Abby! Get up on that f*****g chair. Move. Now!" Hindi na niya napigilan. Dahil ayaw pa nitong tumayo, siya na ang naglipat sa kaniyang pasaway na kapatid. No choice siya kun'di gumalaw sa upuan niya para maalis ang kapatid sa inupuan kanina ni Klaire.
"Aray ko kuya! Bakit ba? Ano bang meron sa upuan na iyan at ayaw mo akong paupuin?" Inis na tanong sa kaniya ng kapatid. Inayos pa nito ang sarili dahil nagulo ang ayos nito noong pilit niya itong itayo at alisin sa pagkakaupo roon.
"Basta. No one has the right to sit in this chair. There's only one person who could sit in here. I'll implement this rule as soon as possible."
"Ang arte, may ganon? Sino naman ang puwedeng maupo diyan? O M G. Don't tell me kuya na may girlfriend ka na."
He took his phone to call his younger brother, Axel.
"Take this brat in my office. Now." And then he cut the line.
"Kuya! Ayokong kasama si Kuya Axel! Kaya nga dito ako dumiretso hindi sa kaniya e,"
"Huwag ako ang guluhin mo, Abby,"
"Pero kuya, sino ang bagong girlfriend mo? Dito ba nagwowork? Kaya pala ayaw mo akong umupo dito ah. Siguro nandito siya kanina nakaupo."
Hindi na niya pinansin ang maingay na kapatid. Itong si Abby ang pinakamakulit sa lahat ng makulit. Wala itong ginawa kun'di guluhin siya. Pero kahit ganoon, mahal na mahal niya ito at ayaw niyang mapahamak ito kaya naman todo pa rin ang pagprotekta niya kay Abby. No suitors until she reached her dreams.
Axel came in afterward and took Abby with him. At first, Abby doesn't want to be with his Kuya Axel but she can't do anything about it. Angus wants to be alone and he has a lot of work to do. Hindi niya ito masasabayan sa kabaliwan kaya kinailangan niyang ipakuha ito sa isa pang kapatid na walang ibang ginawa kun'di ang tumambay sa kabilang office.
Thank God she's gone in his office now. Makakapag-isip na siya kung paano ang gagawin kay Klaire. Hindi na niya nagawa ang ilang trabaho niya dahil si Klaire lamang ang umo-occupy ng kaniyang isipan.
"Sir, you need to sign these contracts." His secretary says and opens some folders on top of his desk.
"I see..." Inisa-isa niyang suriin ang mga iyon bago tuluyang pirmahan.
Umalis din agad sa opisina niya ang kaniyang secretary matapos nitong masabi sa kaniya ang kaniyang palatuntunan sa araw na ito. Sunod na pumasok sa loob ay ang kaibigan niyang si Azreil, hawak ang envelope na sigurado siyang iyon na ang pinaasikaso niya sa kaibigan.
"Wazup, man! Ito na 'yung info nung babaeng kinababaliwan mo." Nilapag nito ang envelope na hawak at umupo sa kaniyang tapat. Malaki ang ngisi ni Azreil dahil huli nito ang kaniyang pinagpapantasyahan ngayon. "Hindi mo sinabi sa 'king mala-dyosa si Klaire. Hayup sa katawan at kutis, tinigasan din ako sa kaniya man! Sarap niya!" Pag-amin nito sa kaniya. Libog na libog ang mata nito na siyang biglang kinainisan at pagkuyom ng kaniyang palad. "Share mo sa 'kin minsan tulad lang dati. Game ako."
Lalong nandilim ang kaniyang tingin dito. "f**k yourself, Azreil. She's mine. Want me to rip your d**k, asshole?"
"Easy, man. I was just kidding. Mukhang seryoso ka sa babaeng 'yan. We used to share women. What happened, man?"
"It's none of your Goddamn business,"
"This is a disaster. Big disaster."
"Shut the f**k up and f*****g get up on that f*****g chair, Az. The chair is only for my Klaire."
"MY Klaire? Wow, man, hibang ka na. May sa 'yo?" Ungos nito sa kaniya sabay halakhak ng tawa. Tumayo ito dahil baka mapalayas pa ito sa office niya. Takot lang nito sa kaniya.
"We had s*x. So she's mine."
"Lahat ng babae rito sa kompanya ng Daddy mo ay naka-s*x mo na. Ibig bang sabihin sa yo lahat ng babae rito?"
"She's... different."
"She's not, man. Ang totoo, nacha-challenge ka lang sa kan'ya. Pustahan tayo. Ipupusta ko ang bagong bili ko chopper. Ano?"
"Shut the f**k up, Azreil."
"Ano ka ngayon, Angus? Wala ka pala," Hinamon nito siya. Talagang sinusubukan siya ng kaibigan. Parang hindi pa siya nito kilala.
"A poor like you can’t gamble with me, Az. Mag-ipon ka pa." Panghamak niya sa yaman nito. Talaga namang walang ibabatbat si Azreil sa yaman niya. Sa katunayan ay kaya niya itong bilhin kahit pa mga ari-arian nito nang hindi siya naghihirap.
"Huh, chopper, pang mahirap sa iyo? Ano bang ipupusta mo? Ni pisong duling 'di ka nga makapaglabas diyan sa bulsa mo." Kilala nito siya. Alam nitong hindi siya maglalabas ng dolyar o kahit sentimo para sa isang babaeng tapos na niyang ikama.
"My Last Resort."
"What the f**k?" Hindi ito makapaniwala sa tirada niya. "Seryoso?"
"Deadly serious. It will be yours if I made her cry."
The Last Resort is one of the very important properties of Angus Brixton Jr. That's why Azreil is in a really big state of shock right now. Hindi nito inakalang aabot siya sa lagay na handa niyang ipusta ang Last Resort na niregalo sa kaniya ng Lolo niya para lang sa babaeng nagngangalang Klaire Dane.