Lumipas ang ilang oras, dumating ang PC sa kaniyang apartment at dumating ang ilang gamit niya na iniwan sa kanilang department. Sinabihan na rin daw ni Sir Angus si Sir Greg na mag work from home siya. Kahit labag na labag sa kaniyang loob ay wala siyang nagawa. Ang mga tauhan din ni Angus ang nag-set up ng kaniyang PC dito at ang nag-ayos ng kaniyang magiging puwesto habang nagtatrabaho. Nasa sasakyan sila ngayon ni Angus. Hinihintay hanggang sa may tumawag dito at sabihing tapos na ang pag-aayos sa kaniyang apartment. Inaya siya ni Angus sa isang exclusive coffee shop kung saan purong mayayaman lamang ang maaring pumasok. If wala kang membership na patunay na galing ka sa marangyang pamilya ay hindi ka makakatuloy hanggang sa kaloob-looban ng coffee shop. They are here to disc

