Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis ang mga bodyguard. Nakaisip si Klaire ng paraan upang mapaalis ang mga ito. She called the landlady of the apartment. “Kanina pa kasi sila sa labas. Nakakatakot.” Talagang inartehan pa niya ang kaniyang boses kaya mas lalong nangamba ang ginang sa kabilang linya. “Ganoon ba? Sige, huwag kang mag-alala, hija, tatawag ako ng pulis para samahan akong mag-check diyan. Huwag ka nang lumabas ng apartment mo. Kami na ang bahala, okay?” “Okay.” “Don’t worry hija,” “Maraming salamat, ‘te Linda.” Mabilis niyang binaba ang telepono at ngiting demonyo habang umuupo sa kaniyang upuan. Tingnan lang nila kung hindi pa umalis ang mga tauhan ni Angus dito sa labas ng kaniyang apartment. Tumayo siya at naglakad sa pintuan. Sumilip siya roon sa maliit na

