Episode 10

2546 Words
Gusto sanang umiwas ni Iris dahil sa tono ng pananalita ni Rex alam na niya ang maging paksa ng kanilang pag-uusapan. She has left no choice kundi lumapit sa mga ito. "How are you Nica? Ang ganda ganda mo!" niyakap siya ni Tita Grace niya. Nagtataka ang dalawang binata dahil sa kilos ng mga kaharap mukhang close ang mga ito. "Ayos lang po ako tita. Salamat po!"ganun din ang ginawa sa mga dalagang anak nito. "Kumusta po Tito Rex?" tiningnan siya nito na may kalakip na awa. Sa halip na sagutin siya ay niyakap siya nito. "We need to talk."  "Paano po Tita hihiramin ko po muna ang ka-date mo?" biro niya. Sa tuwing ngingiti siya nabibighani ang puso ng magpinsang Caleb at Niccolo.  "He's all yours iha." paubaya ni Grace. Pumasok sila sa library at naroon na din pala si Bryan at Richard naghihintay sa kanila. "Nica." "Iris."  Sabay nilang bigkas. Tahimik lang si Richard sa isang sulok. "Do you have a boyfriend?" usisa ni Rex na ikinabigla ng dalaga. "Wala po Tito at wala po akong balak magkaroon ng boyfriend!" "Iha, ngayon na expose kana sa business world, hindi malabong may makakakilala sayo. Alam mo ang dahilan ng pagkawala ng mahal mo sa buhay, kaya I suggest magpakasal ka o kaya'y magpaampon ka sa isa sa amin para mapalitan ang apelyido mo." Si Bryan na ang unang nagsalita. "Masyado pang bata si Nica para mag-asawa." tutol naman ni Rex. "But we don't have any choice." "Tito Bryan, Tito Rex, malaki na po ako, kahit ano pa pong tago ang gagawin ko matutunton pa din nila ako. Nagpapasalamat po ako sa inyo, sa tulong nyo lalo na sayo tito Rex napilitan kang mag-resign sa trabaho mo ng dahil sa akin. Hanggang ngayon nakokonsensya po ako sa nangyari. Nais ko po malaman niyo na nakahanda po ako. Lahat po ng tulong nagawa nyo na sa akin. Pinaaral nyo na ako ng martial arts, tinuruan bumaril. Tingin ko po kaya ko na protektahan ang sarili ko. I have nothing to lose, lahat ng mahal ko nawala po sa akin.." "No!" tutol ng dalawa. "Mababalewala ang pag alis ko sa serbisyo kung madadale ka nila. Itatapon kita sa abroad kung magmamatigas ka!" singhal ni Rex. "Iris, listen. Ikaw ang tagapagmana ng Daddy mo, ikaw ang target ng mga taong pumatay sa kanila. Ikaw ang pambayad utang. You know what I mean?"  Sa takbo ng usapan nila, unti-unti na namang napukaw ang hinanakit ni Iris sa mundo. "Alam ko! Pero napaka unfair sa part ko di ba ho? Na sana ako na lang, na sana ngayon nag eenjoy ang kapatid ko sa mundo ng pagkabinatilyo. Pero ako po ang naiwan dito. 10 years! F*cking 10 years have passed! Ni hindi ko sila madalaw sa puntod nila dahil baka may makakita sa akin!"  "Hayaan nyo muna makapag isip si Nica. Hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos." putol ni Richard. "At kailan tayo kikilos kapag huli na ang lahat?" hinampas pa ni Bryan ang lamesa niya. "Iris! Hindi ka makakagawa ng desisyon kung iiyak ka lang diyan sa sulok!" ngunit wala na silang narinig mula rito. Alam na nila ang ugali nito kapag nakatikom na ang bibig wala ka nang magagawa para mapagsalita mo pa itong muli.  Hindi basta basta ang pinagdaanan ni Iris lalo na ng kamuntikan na siyang magahasa sa murang edad. Simula noon, pinasok siya ng magkakakaibigan na Rex, Richard at Bryan sa isang samahan na nagtuturo ng self defense, pero sa ibang katauhan. Gayunpaman hindi rin siya nakaiwas sa pambubugbog ng tyahin. Silang tatlo mismo ang nagkaisa para maitago ang totoong katauhan ni Iris para na rin sa kaligtasan nito. Pero alam nila na may hangganan ang lahat. Kailangan nila makahanap ng taong makakapagprotekta sa dalaga na itinuring na nilang tunay na anak. Samantalang nasa labas ng library sina Caleb at Niccolo, out of curiosity gusto nilang madinig ang pinag uusapan ng mga tao sa loob. Ngunit bigo sila. Pagkabukas ng pinto sunod-sunod na lumabas ang magkakaibigan. At nakasunod si Iris. "Son, tulungan mo muna ako sa mga bisita natin we have to finalize everything, we are leaving in two days." tinapik niya sa balikat ang anak.  "Caleb, iho pakihatid si Iris sa condo."  "Kaya ko po umuwing mag-isa." sagot ni Iris. "Caleb will drive you home, and that's final."  "Are you okay?" nag aalalang usisa ni Niccolo. Tumango lang siya sa binata. "Gusto mo sumama sa amin magbakasyon?" nanigas ang katawan ni Iris iba ang epekto sa kanya kapag bakasyon ang pag uusapan.  FLASH BACK "Sweety! Last day na ng school mo dahil mamaya lilipad na tayo papuntang London!" excited na balita ng mommy ni Iris. "Mommy I'm sad! Iiwanan po natin nga kaklase ko at si Tatang Berto!" Tatang Berto was their family driver. "Tatang Berto will stay with his family, he will not be lonely. And also your classmates will be with their families too so hindi na sila sad." BREAKING NEWS! A car mishap happened along NAIA Road! It is confirmed by the authorities that all family members had died in this incident. Please stay tuned for more details! Pinilig niya ang ulo ng namalayang nakatulala siya saglit. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya kayang tumapak ng airport. "No thanks! Busy ako alam mo yan, and I am planning to apply for another part time job."  "Wala ka nang pahinga niyan baka maapektuhan ang pag aaral mo." "Nics, don't worry na po! Kaya ko! Salamat sa concern." nginitian miya ito at bahagya na niyang tinulak palayo si Niccolo. Habang nasa sasakyan sila Ni Caleb, walang may gustong magbukas ng paksa na pag usapan.Gustong gusto niyang yakapin ang dalaga para maibsan ang anumang mabigat na dinadala. Pero wala siyang karapatan. He has also this foreign feeling that he felt, sa tuwing may kausap si Iris na ibang lalaki, even his uncles and cousin. Ahhhm jealousy? Caleb clear his throat habang binubuo ang pwedeng sabihin para makahingi ng despensa sa mga sinabi niya kanina sa dalaga.  Alam niya may malalim na storya ang pinag usapan nila kasama ang tatlo sa library. "Iris, I'm sorry for being a jerk this morning!"  Tiningnan siya nito ng maigi, para namang napaso na iniwas ang niya tingin at itinutok na lang sa kalsada. "Girlfriend mo ba ang kasama mo kanina?" malumanay ang boses na usisa niya sa binata. Iyong tipong pagod na pagod kaya halos bulong na lang ang salita nito. "Hindi." "Ano mo siya?  "Wala kaming relasyon kung yan ang gusto mong marinig." "Eh ano? F*ck buddy?" "Shut your dirty mouth!"  "Defensive! Pero may girlfriend ka?" "Bakit ang kulit mo? Bakit mo naitanong?" mas lalong umiinit ang ulo niya sa mga tanong nito. Silang dalawa ang magkasama pero ibang tao ang pinag uusapan nila. "Pakasalan mo ako!" dahil sa sinabi nito biglang napapreno si Caleb. Buti na lang malayo ang agwat ng kasunod na sasakyan sa kanila. "What did you say?" muli niyang pinausad ang sasakyan dahil binubusinahan na sila ng mga nakasunod. "Mary me. I need to change my surname."  It seems like de ja vu to Caleb. "Stop it! Hindi ka naman siguro ganun kababa para basta basta na lang magyayang magpakasal! Mag isip ka nga! Paano kung ibang lalaki ang inalok mo, siguradong kapahamakan ang abutin mo! Don't do it again!"  "Anong mali doon? Niyaya lang naman kitang magpakasal! We will not do things like the usual married couples did! I will not make love to you! We're not doing that "thing"! I just want to change my surname!"  "I'm warning you! Don't open this topic to anyone else. And do You think papayag ako na wala tayong gagawin kung sakaling ikasal tayo? Ano ako santo?" napansin niyang namula bigla ang mukha ng katabi. "Kung ayaw mo sa iba na lang! Diritsahin mo na kasi ako na may girlfriend ka kaya hindi ka pwede magpakasal sa akin."  "Ilang taon kana ba?" "Eighteen." huminto na sila sa tapat ng building na tinirhan niya pansamantala. "See, napakabata mo pa! Stop this nonsense. Bumaba kana at magphinga." Tahimik naman itong sumunod sa binata. Kung alam mo lang walong taon palang ako may pinangakuan na akong pakasalan. Naisip ng dalaga. Nag-apply siya kinabukasan sa TWIN BUILDERS at ganun na lang ang pagtataka niya niya ng magkita sila doon ni Tito Rex niya. "Nica, what brought you here?"  "Mag aapply po ako Tito."  "Halika sumama ka sa office ko." tahimik siyang sumunod dito. "Iha, you don't have to do this! Paano ang pag-aaral mo? Saka ang trabaho mo kay Richard?" "Panggabi po ang nakita kong bakante dito kaya ayos lang po, pasok naman sa sched ko."  "Ikaw talaga! O siya sige akin na nga ang CV mo." umiiling nitong sabi. "So Tito, it's you? Do you need an assistant?" "No hindi ako, kundi ang pamangkin ko. Magpapahinga muna ako. It's time na para tutukan ko ang pamilya ko. Marami na akong pagkukulang sa kanila." malungkot na ngumiti ang dalaga. "Pumasok ka dito bukas 7pm, para magkita kayo ng pamangkin ko." Kaunting usapan pa at nagpaalam na rin siya kay Rex. Dahil may klase pa sila ni Caleb. Hindi natuloy kahapon kaya pinuntahan siya sa unit niya para ipaalam dito na itutuloy na lang kinabukasan. "Where have you been?" galit na bungad ni Caleb. Alam niyang nakipagkita na naman ulit ito kay Rex. "I'm sorry po Doc, may importante lang po akong pinuntahan."   "Mas importante pa sa pag aaral mo?" napaangat ng tingin si Iris. "Lilinawin ko lang po Doc, hindi nyo po ako obligasyon,substitute teacher po kayo at iyon po ay kusang loob mong tinanggap ito. Kung may pagkukulang po ako, kung mahuhuli man ako, alamin mo muna ang dahilan? You can back out anytime! I don't want to be a burden to you." "Be professional Miss Salazar! Huwag ka feeling importante!.." "Then let's stop this, parang napipilitan ka lang kasi. Hindi ko ugaling mang abala ng kapwa. As much as possible ayaw kong maging pasanin ng ibang tao." Hindi na nakasagot si Caleb.  "Don't expect me to be here tomorrow." tumayo na siya at akmang aalis. Pero pinigilan siya nito. "Iris, wait. Sorry!" he brushes his hair harshly. Tumunog ang cp niya tumatawag si Bryan. Kaya hinayaan niya na lang na umalis si Iris. Isang linggo na ang lumipas na sa penthouse umuuwi si Caleb dahil naroon si Iris sa unit ni Niccolo. Maliban kay Louie dinagdagan niya rin ng bodyguards nito dahil na rin sa pakiusap ni Bryan sa kanya. Kinausap ni Bryan ang pamangkin bago umalis papuntang ibang bansa.  "Iho, nakikiusap ako huwag mong pabayaan si Iris. Mahalaga siya sa pamilya ko keep her safe at all cost."  "Tito, you need to tell me everything, I don't understand why you are so protective of her. She is also important to me. Siya ang batang pinaghahanap ko doon sa London." "Sa ngayon hindi ko pa masasabi sayo. Pero pagdating ng araw malalaman mo rin ang lahat lahat." 'Kung ayaw nyo magsabi sa akin ako mismo ang mag iimbistiga.' Tinawagan niya kaagad si Louie.  "May ipapatrabaho ako sayo." Utos niya sa tauhan.  Wala namang ibang pinupuntahan ang dalaga, maliban sa bahay ampunan, university, at sa convenience store ni Richard. Pagdating ng gabi papasok siya sa TWIN BUILDERS. She was shocked at first nang malaman niyang si Caleb ang boss niya. Pero dahil kailangan niya ang trabaho pagtyagaan nalang. Nagpatuloy ang cold treatment nila sa isa't isa. Paulit-ulit lang ang routine nila araw araw. Meetings, paper works. Pero lingid sa kaalaman ni Iris na may isang tao na masaya dahil araw araw silang magkasama. At si Caleb iyon. Habang nag eencode siya nilapitan siya ng boss.  "Iris, pack up your things may dinner meeting tayo." hindi siya kumibo peoro sinunod naman ang utos nito. Nagspray lang siya ng kaunting body mist para mag amoy fresh. At nagpahid ng kaunting lip tent. "I'm ready sir. "Go ahead first and wait in my car." sagot niya busy siya sa pagbobook ng resto na dadausan nila ng fake dinner meeting. Nanunuot sa ilong niya ang bango nito.  "Wait Iris I'll go with you." dali-dali niyang sinara ang laptop, dinampot ang cp at coat at patakbong sumunod sa PA. Pagdating sa venue, naroon ang mga bodyguards na kakuntsaba niya sa kunwaring meeting. Nasa kabilang table ang mga ito.  "Stay here, I'll talk to them first." pero hinawakan ng dalaga ang kamay niya. "Sino ang mga iyan?" kinakabahan kasi siya sa mga porma ng mga ito. "Sila ang kameeting natin. Pero ako lang ang lalapit doon." "Bakit? Sama ako!" napangiti ang binata dahil minsan may pagkaclingy din ito. "No! Kaya ko na 'to." "O-okay.. Mag-ingat ka."  "There is nothing to worry my love." kinindatan siya nito dahilan ng pag blush ng dalaga. Kaya parang napapaso na binitawan nito ang kamay niya. "Child abuse yang ginagawa mo!" Inis na turan ni Iris. At natawa naman ng malakas si Caleb kaya napalingon ang iba pang mga tao doon. "You are already at your legal age." Inaliw na lang ni Iris ang sarili sa pagbabasa ng mga topics about health. Wala pang kinse minutos bumalik na ang boss ng dalaga. At lumapit na rin ang waiter dala ang mga pagkaing inorder ni Caleb. "I don't know what you want, that's why I.."  "This is too much!"  "Hi Maam! I remember you last time you eat here with your Dad, this is specially made for you. Naalala kasi kita from last time." inabot ng water ang baso ng apple juice. "You are my angel Kuya! I lab yu!" saka nag flying kiss pa. Abot tainga nman ang ngiti ng waiter. Dumilim ang mukha ng amo dahil sa narinig. Gaano ba kadalas silang magkasama ni Tito Bryan? Tanong niya sa sarili. "You've been here before?"  "Yeah." tipid niyang sagot. "With whom?" "With Tito Bryan, sometimes with Tito Rex, sometimes with.." "Okay let's eat, I'm hungry." putol niya.  "Thank you for the food Boss." nginitian niya ito. Tumango lang ang binata.  Si Caleb continues naman ang padala ng bulaklak sa dalaga, kalakip ang misteryosong mensahe. 'You're already grown up to be a beautiful woman my love, I can't wait to see you in person.' 'Ten long years my love I never thought that you were still waiting for me.'  'You have a special place here in my heart my love.'  Nahihiwagaan na rin ang dalaga sa mga natatanggap. Kaya kahit nasa bakasyon si Niccolo tinawagan niya ito at inusisa. "Nics, ikaw ba nagpapadala nito?"  "Ano yan?"  "Syempre bulaklak! Ano ba 'tong hawak ko? Idiot!" Tawa ng tawa ang binata.  "Nics ginu good time mo ba ako? Ikaw lang nakakaalam tungkol sa prince charming ko. Wait lang may nagdodoorbell!" nagpaalam muna siya para pagbuksan ang sinoman sa labas ng pinto. "Huwag na huwag mag papasok ng hindi mo kilala Nic!" paalala nito. "Whatever!"  "Doc?" Hindi pa niya masyadong naiawang ang pinto ngunit unti-unti nang bumagsak sa sahig ang binata. Amoy alak ito. Hinila niya ito papasok ng bahay at pinaghirapang mapahiga sa sofa. "Drunk driver? Buti hindi ito nahuli." kausap niya sa sarili. He's so drunk. He's murmuring something that Iris couldn't understand. Kumuha siya ng maliit na batya para mapunasan ang pawisang mukha nito. She squatted in front of him, ng madampian niya ng bimpo ang mukha nito,  biglang hinuli ni Caleb ang kamay niya at siniil siya ng makapigil hiningang halik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD