Chapter 9

1753 Words
"Excuse me po, meron po ba dito nagngangalang Iris?" Tanong ng isang guard.  "A-ako po Kuya." Atubili ang dalagang sumagot sa tanong. "Ineng, pumunta ka muna sa labas may pinadeliver kasi sayo nakapangalan."  Nagtatakang sumunod sa guwardiya si Iris. Pagdating sa labas nakita niya ang delivery boy na tinutukoy nito. "Ma'am, kayo po ba si Miss Iris Veronica Salazar?"  "Ako nga ho."  "Para po ito sa iyo Ma'am." At inabot nga sa kanya ang isang malaking bulaklak na rosas na puti. "Saan po galing?" "Hindi ko po alam Ma'am. Ah, may card naman po basahin nyo nalang ng malaman mo. Paki receive muna Ma'am para makaalis na rin po ako."  'Kanino kaya galing ito?' She flipped the card. 'Mamaya ka na nga! Marami pa akong kailangan unahin. Iniwan niya ang bulaklak sa loob ng locker dahil siguradong kakantiyawan siya ng mga kaibigan. Bumalik siya sa mga kaibigan. Until then it's time for her special class. Habang naghihintay kay Caleb, makailang ilang beses niyang tinawagan si Niccolo pero hindi ito sumasagot. Kaya nag iwan nalang siya ng voice message. {Nics nasa university ako, kita tayo, kausapin mo na ako please!} "Are you with me, Miss Salazar?” hindi agad napansin ng dalaga ang pagdating nito. "I'm sorry Doc." Nakaramdam ng hiya ang dalaga dahil nahuli siyang tulala. Hindi kasi niya mabuo buo ang gustong sabihin kay Nicco para lang kausapin siya nito. "That f*cking words always come out from your mouth." Tumaas ng bahagya ang boses niya. He's losing control again, dahil hindi nakita na dala dala ni Iris ang pinabigay niyang bulaklak. He was expecting her na ipagmamalaki nito sa kanya ang natanggap na bulaklak. She's looking straight to him, teary eyed. "Kung ayaw sayo, huwag mo ipilit ang sarili mo! Magmumukha kang cheap niyan!" Doon na tuluyang tumulo ang luha ni Iris dahil sa narinig. "Hindi ko ipinagpipilitan ang sarili ko! Kaya ako nag eeffort ng ganito dahil alam kong mali ako!" sabay punas sa luhang hindi napigilang pumatak.  She gathered all her things and left. Napasabunot naman sa buhok ang binata.  'Ahhhhhhh, ano ba nangyayari sa akin!" Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at tinawagan si Louie. Dahil marami pa siyang kailangan tapusin. "Sundan mo si Iris." Utos nito sa tauhan. Papalabas na si Iris ng eskwelahan ng mapansin si Niccolo at Mike sa parking area na seryosong nag uusap. "Nics!" Agaw pansin ng dalaga. "Speaking of the b***h!" Napahinto saglit si Iris dahil sa sinabi nito. Kinuwelyuhan agad ni Niccolo si Mike kaya mabilis na umawat si Iris. "Stop this nonsense!" Hinila niya si Niccolo para maghiwalay sila. Mike smirks while mumbling something. "Now he's taking her side." Dagdag pa nito na abot sa pandinig ng dalawa.  "I'm warning you dude!" Dinuro pa ang kaibigan. "What is happening to you man? Di ba dati kung ano anong kahalayan ang pinag-uusapan natin tungkol sa bebot na yan? Ngayon ano na? Did you f*cked her like your dad did? Iyan ebidensya o, suot pa niya tshirt…"  Hindi na natapos ni Mike ang sasabihin dahil dumapo ang kamao ni Niccolo sa mukha niya, resulting to a small cut under his left eye. Bumagsak din ito paupo. "Walanghiya ka!" Gusto pa sanang pasundan ni Niccolo pero pumagitna na si Iris. Inalalayan din niya para makatayo si Mike. Pero biglang sinugod nito si Niccolo kaya nagpambuno ang dalawa.  Inawat sila ni Iris, buti na lang may tumulong sa kanya na gwapong lalaki at matipuno. "Stop it Niccolo! Don't you think he got a point? Di ba iyon din ang pagkakaalam mo dati tungkol sa akin. You know what, I don't f*cking care what you guys think about me. Dahil wala namang katotohanan iyon. Huwag nyo sirain ang pagkakaibigan nyo dahil sa akin. Kaya ayaw ko magkaroon ng matalik na kaibigan eh kasi pagdating ng araw maglalaglagan din naman pala." Natahimik na din ang dalawang binata. Mukhang tinablan sa sinabi niya. Dinukot ni Iris ang betadine at band aid na laging dala-dala sa bag dahil umaagos ang dugo sa mukha ni Mike.  He hissed when he felt that stingy s**t that she put on his face. Tahimik naman sina Niccolo at ang lalaki na nakamasid sa kanila. "Salamat Kuya, kung hindi moko tinulungan hahayaan ko na lang sanang mag p*****n ang mga iyan. Veronica nga pala." Inilahad niya ang palad sa lalaki. "Louie." Nakipagkamay naman ito sa kanya.  "Sige po, mauna na ako may trabaho pa kasi ako." Paalam niya sa lalaki. Wala siyang balak kausapin ang dalawa pang kasama. "Baka gusto mo pa ng extrang trabaho ito o, maganda 'to kasi pang gabi ang duty." inabot nito sa kanya ang papel.  WE ARE HIRING! FULL TIME or PART TIME. TWIN BUILDERS is waiting for you! If you are willing to work overtime and graveyard shifts… Hindi niya natapos ang binabasa ng lumapit ang galit na galit na si Caleb. "What is happening here!" Bungad nito ngunit sa dalaga natatutok ang tingin. Bigla naman hinawakan ni Niccolo ang kamay ni Iris at hinila papunta sa sasakyan nito. Ngunit napadako sa kamay nila ang mata niya. At napansin niyang dumudugo ito. "Why are you talking to strangers?" Sita nito sa kanya.  "Niccolo!" Tawag ni Caleb. Hindi mawari ni Iris kung bakit ganun ang tono ng boses nito. "Kita na lang tayo sa bahay Kuya, baka ma late si Nica sa trabaho niya."  "He is not a stranger!" Depensa ni Iris. Hindi niya pinayagang magdrive ito hanggang hindi pumayag na magamot ang sugat sa kamay. "Okay na ba tayo?" Hindi sumagot ang binata tiningnan lang siya ng masama. "Saan ka natulog kagabi?" Usisa nito. "Sa condo mo." Hindi na ulit ito umimik. "Okay na nga tayo? Pangungulit niya. Sa kabilang banda, labis na galit ang naramdaman ni Caleb ng makitang nakipagkamay si Iris kay Louie at lalong sumidhi ito ng magkaholding hands ang pinsan at ang dalaga.  Kaya may nabuo siyang plano para pagselosin din ang dalaga. Pagselosin? Eh, hindi nga niya alam kung may tama rin ito sa kanya. Ang alam lang niya umaasa ang dalaga sa taong sinabihan niya na siya ang papakasalan nito, pero hindi naman alam ni Iris na siya iyon.  "Hello Daniella, be my date tonight. May dadaluhan tayong party." "I am very much willing, babe!" Maarting sagot nito. Hindi makapaniwala si Iris na nakikita ngayon. Napakaganda niya sa suot na evening gown na si Niccolo mismo ang pumili. Hindi ito pumayag na pumasok siya sa trabaho. Sa halip dumaan sila sa isang sikat na boutique sa Makati at para kunin ang mga inorder nitong mga damit para sa kanya. Saka sabay narin sila nagpaayos sa isang salon. "Kapag hindi mo ito tinanggap hindi pa rin tayo bati." saad nito ng tumutol siya sa ideya ng binata. "This is too much! Saka pambablack mail yang ginagawa mo!" "Ang ganda mo, bagay sayo ang suot mo. Matutuwa sila Mommy at Daddy kapag nakita ka nila."  "Oo na, pakonasenya kapa. Alam mo kasi na hindi ko kayang tumanggi kapag pangalan nila ang babanggitin mo."  Halos alas otso na ng gabi sila nakarating sa mansion. At tama nga si Niccolo. Naiyak pa ang mommy nito ng makita silang papasok sa entrance ng bahay nila. "Tuloy kayo mga anak!"  Sabay yakap sa kanilang dalawa. Sumali na rin si Bryan. Para silang isang kumpleto at masayang pamilya.  Naroon din ang Tito Richard nila at Asawa nito.  "Buddy, baka naman mag asawa ng maaga iyang inaanak ko!" dinig nila ang biruan ng mga magkakaibigan. "Ayos lang pabor nga sa akin at ng magkaroon agad ng tagapagmana."  Tawanan lang ang mga ito. Marami pa silang hinarap na mga negosyante. Sanay na silang dalawa sa mga ganitong uri ng gawain dahil madalas sinasama ni Doc Bryan ang mga ito. Pero umiiwas pa sila noon sa isat isa. Pareho silang maagang minulat sa paghawak ng negosyo. Natutuwa din naman si Bryan sa katangian ng dalawa. Si Niccolo mainipin pero magaling sa strategy. Si Iris naman malakas ang charisma at matalino. "Nics, restroom lang ako ha?" "Samahan na kita." "Hindi na! Tulungan mo na lang sila Tita at Tito. Balik ako kaagad." "Pag ikaw umiskapo, lagot ka sa akin."  She just smirked. While taking her way to the rest room nakasalubong ng dalaga si Caleb at isang parang modelo sa gandang babae. Kahit babae siya napahanga pa rin siya sa pisikal na anyo nito. Nakasimangot naman si Caleb kaya yumuko na lang siya at nagpatuloy. Pero meron siyang kakaibang nararamdaman. May kaunting kurot sa kaibuturan ng puso niya ng mapadako ang paningin sa nakaabresyeteng mga braso nila. Pagkatapos magbanyo kaagad siyang bumalik sa lamesa nila Niccolo. Naroon din si Caleb at ang babae na kasama nito. Dahil sa gitna ng dalawang binata ang bakanteng upuan wala na siyang choice kundi ukupahin ito. Halos lahat ng dumalo ay mga business partners ng pamilya. Nakakailang sa panig ng dalaga dahil panay tingin ng mga lalaki sa kanya lalo na sa dibdib niya.  Hinubad ni Caleb ang coat at itatakip sana kay Iris pero naunahan siya ni Nico. Umakbay pa ito sa balikat ni Iris. "Nagsisi tuloy ako ngayon bakit iyan ang napili ko para sayo." sambit nito sa dalaga. Caleb now isa like an active volcano. Anumang oras pwedeng sumabog.  "Can I have a drink big bro?" pang aasar ng dalaga. "Of course lil' sis! Here, drink this." "Thanks."  "You Idiot! F*cker!" namumula sa tawa si Niccolo dahil nadismaya ang dalaga sa apple juice na ibinigay niya.  "Why? Do you think bigyan kita ng whiskey, o kaya brandy? In your dreams bratty!" Gustong gusto niyang bigwasan ang kaharap. "Doc may lahi ba kayong autistic? May duda ako sa isang 'to." natuwa naman ang binata sa kaloob looban dahil sa wakas kinausap din siya ng dalaga.  "Sa pagkakaalam ko wala, baka siya palang." natawa ang dalaga. Animoy musika sa pandinig ni Caleb. Ngunit hindi nagustuhan ng kadate nito ang pag-uusap nila. "Hey b***h Caleb is my date! Bakit nilalandi mo pa?" pagtataray nito. "Oops! Sorry miss, iyon pa nga lang ginawa ko panglalandi na kaagad iyon? Baka makita mo pa ang paraan ko ng panglalandi baka magpaturo ka pa ng tips sa akin." panggagatong nito.  "b***h!" ganti ng babae.   "Enough Daniella!" mariin ang pagkakasabi ni Caleb. Namataan nila ang pagpasok nina Rex at Grace kasama ang dalawang anak na babae.  Mas bata ang mga ito kay Caleb. Sina Lea Grace at Ma. Rexa.  Tumayo sina Caleb at Niccolo para salubungin ang mga ito.  Gustong umiwas ni Iris pero nakita na siya ni Rex. "We need to talk Miss Salazar!" sabi nito kaya natigil siya sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD