~Ice~ "Wohooo~" Sigaw ko nang makababa kami sa airport. Maliit lamang ito. Kitang kita ko kaagad ang kulay asul na dagat. Malamig na dampi ng malakas na hangin. Ganito kaganda sa Isla Azul. "Nasa Isla Azul na tayo. Sakay na tayo sa kotse, do'n!" Wika ni kuya at tinuro ang itim na suv. "At kakain tayo sa nag-iisang restaurant dito." Dugtong nito. Talaga bang maliit lang ang Isla Azul? Sabi ni kuya iisa lang ang airport dito. Hindi ito nagpapapasok ng mga dayuhan. Tanging may ambag lamang sa islang ito ang pwedeng makatungtong doon. Maliban na lamang sa VIP. Mayroon daw kasi na VIP na nare-research kung bakit mayaman ang islang ito kumpara sa ibang isla. "Kuya," aniko. Medyo may kalayuan ang suv ni kuya. Ewan ko ba kung bakit sa dulo pa nagpark ang driver nito. "Hmmm?" His respond. "Ba

