Chapter 8: The Way You Look At Me

1567 Words
~JC~ "GISING na," "......" "Uy, magalit si manong," "......" "HOY BATA KUNG AYAW MONG GUMISING, BUMABA KA NA LANG!" Napamulagat ako dahil sa sigaw ng kung sino. Pagmulat ko ng mata ko ay napangiti ako ng pilit. He is the driver. "Sorry, Sir," matamlay kong sagot at bumaba na. "Iniwan ako ng loko," parinig ni Andy na nasa likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan saka nagpatuloy sa paglalakad. "Oy Miss," "Miss? Hindi ako miss!" Bulyaw ko rito. "Miss-----ter, akin na po 'yung cellphone ko," I smiled in defeat. Napahiya ako roon. Pinahiram na nga ako ng phone tapos bubulyawan ko pa siya? "Sorry," nahihiyang wika ko and then, inabot ko na 'yung phone niya kasama ng headset. "High blood na high blood. Sino ba 'yung lalaki kanina?" Tanong nito. "Si Jan Macapili. Isa sa mga kaklase ko," simpleng sagot ko. "Ahh, akala ko kasi manliligaw mo," bakas ang sarkasmo sa tono nito. Hinarap ko ito. "Ano ba sa tingin mo?" Mataray na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhang magtaray ngayon. Siguro dahil kagaanan ko na rin ng loob ito. "Manliligaw mo," he answered. "Iba na pala ngayon ang mga manliligaw. Dinadaan sa pa-cute," he added. Napatingin ako sa gate ng boarding house. Nandito na kami. Kaso, parang ayaw ko nang pumasok. Dahil una, lagi kong kasama ang lalaking ito. Pangalawa, lagian ko itong makakatabi sa pagtulog. Pangatlo, lalaki siya! Mahirap para sa isang kagaya ko ang may kasamang lalaki sa bahay. Lalo na kung mabait ito kagaya ni Andy. I heave a sigh. At saka binuksan ang gate. Ayaw ko nang makipag-usap dito. Baka sumpungin na naman ako sa "ka-cute-an" ng walang hiyang ito at mahalikan ko na naman. "Tsk," I said when I remember those f*****g kissed. s**t! When can I forget that kisses? "Mainit ba?" I turned my face to Andy. Curiosity is visible on my face. "Anong pinagsasasabi mo?" Taka kong tanong. Bigla bigla na lang magsasabi nang gano'n. Walang intro-intro! "Namumula ka kanina, eh," he answered. Nasapo ko ang dalawa kong pisngi. Namula ba talaga ako o niloloko na naman ako ng mokong na ito? Wait? Kailan nga ba ito nanloko? I tsked. "O-oo tama ka, mainit nga," I said. Pinaypayan ko naman ang aking mukha upang iparating na naiinitan talaga ako. Grabe! Hindi ko inakalang mamumula ako when I remembering that kissed. "Pasok na--" Jin cut me off. Nandito na pala kami sa tapat nila. Ilang araw ko na rin itong hindi nakaka-usap dahil busy ito sa 'jowa' kuno. "Hey!" He said with joy. Naggo-glow ang bakla! "Naggo-glow ka ngayon, ah?" Hindi ko mapigilan sabihin kung ano ang nasa isip ko. I think Myco and Jin had, had, had. I saw Jin's face turned into red. "Sabi na, eh," dugtong ko. Pinalo naman ako ni Jin sa balikat. Iyong palo na parang sa magkakaibigan lang. Walang sakit na mararamdaman. "Uy, hindi, ah!" Sigaw nito. "'Di nga?" Tila nanunudyo kong tanong. "Hey, JC, Andy!" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Myco. Mukhang ang saya ng aura ng isang ito, ah. Tapos si Jin, nahihiya. Hindi ko iniisip na may nangyari sa kanila. Ang iniisip ko lang ay baka, sila na! "Hey, too, bro!" Bati naman ni Andy at nagkamay silang dalawa. Nag-wave na lang ako kay Myco. "So ano na? Nagala pa ba ng gabi?" Pagbubukas ko ng topic. "Hindi na, alaga na ni Misis," anito sabay tawa. Nakita ko namang namula ulit si Jin. Misis, huh? "Sinong misis?" Pagkompronta ko. Tinaliman ko ang tingin ko pagdako nito kay Jin. Nakita ko namang nanlalaki ang mga mata nito. "So, Jin and you... Myco, are--" "Together," masiglang sagot ni Myco na nagpalundag ng puso ko. Bakit ko naramdaman ang ganitong saya? Kung literal na tumalon ang puso ko sa sahig at nagtatatalon, matataasan pa ako nito. Gano'n kagalak ang puso ko. "Eh, kayo ni Andy?" Then, my knee trembled. My heart beats louder than earlier. Bakit ganito? Hindi ko naman dapat maramdaman ang ganito. "Hi-hindi!" utal na bulyaw ko then I ran. Hindi ko alam pero ang puso ko ay unti-unti ding sumasakit habang humahakbang ako papalayo. Pagpasok ko sa loob ay dumiretso agad ako sa kwarto at nagkulong. Itutulog ko na lang ito. ~ANDY~ Hindi ko alam kung anong nangyari doon. Sinabi niya lang naman na 'hindi' tapos bigla siyang tatakbo. Naramdaman at narinig ko siya. Naramdaman ko ang bigat na dinadala niya at narinig ko ang pagkakasabi niya ng 'hindi' na may poot na tono. Sinapo ko ang aking dibdib. Nandito pa rin ang abnormal beats nito. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si JC? Hindi pwede! Pinagkasundo na ako kay Ice Smith na kapatid ng bestfriend ko. Ice, where are you? Naiipit na ako dito. "Andy?" Napatingin naman ako sa lalaking kanina pa namumula. Hindi ko pa alam kung ano ang mga pangalan nila pero ang pangalan ko ay alam na alam nila. Sinabi ba ito ni JC sa kanila o inalam nila ng sila lang? "Ow?" "Ako nga pala si Jin Jasper Smith," pakilala nito. "Smith?" Taka kong ulit sa apelyido nito. "Yup, Smith. May pinsan ako na nagngangalang Blythe Smith at ang nawawalang kapatid nito na si Ice Smith," sagot nito. "So pinsan ka pala ng bestfriend ko," "Bestfriend mo si kuya Blythe?" Taka nitong tanong. "Bakit ka nagtataka?" I asked him. "Kasi ginugugol niya lang ang kanyang oras sa paghahanap kay kuya Ice," malungkot na sagot nito. "Alam mo, isa ako sa may kaunting tsansa na mahanap si Ice. Pero kung ako ang tatanungin, ayaw kong mawala si Ice. Hindi ko pa man siya nakikita, eh, naireto na siya sa'kin." Ani ko. "Ahh, paano si JC?" Tanong naman ni Myco. Ngayong alam ko na kung sino si Jin at Myco ay hindi na ako malilito sa dalawa. Napakamot ako sa baba ko. Paano nga ba si JC? Ilang araw pa lang naman kaming magkasama at nasiyahan ako doon. Pero kay Ice, ni hindi ko pa nga nakikita ni anino niyon. Paano nga kaya kung straight 'yun? Ako ang magiging bottom. Hindi naman yata makatarungan iyon. "I don't know," my nonsense answer. Hanggang sa naalala ko na nga si JC. "Puntahan ko lang si JC," dugtong ko at hindi ko na hinintay pang magsalita ang isa sa kanila. Patakbo akong pumunta sa boarding house. Dere-deretso ako sa bahay. Wala akong nakita ni anino ni JC sa baba. I looked up to the stairs. Kinutuban ako sa 'di malamang dahilan. Agad akong umakyat at tumigil lang ako sa pinto nang marinig ang boses nito. "Hindi ba ako kamahal-mahal?!" Pasigaw na tanong niya. Mababakas dito ang poot. Tila may humaplos na kamay sa aking puso. Ang init niyon. Napahawak ako dito. Ilang araw na ba kaming magkasama ni JC? Hindi pa nga siguro ito lalagpas ng isang linggo. "Bakit lagi akong nasasaktan?!" Tanong uli ni JC. Napahawak ako sa doorknob. Bubuksan ko ba o hahayaan na lang siyang ibuhos ang lahat sa pamamagitan ng pag-iyak? Napa-iling ako sa naglalarong tanong sa utak ko at binuksan ang pinto nang walang ginagawang ingay. I saw him. Nakadapa ito sa kama habang taklob-taklob ng kumot. I sigh ano nga bang magagawa ko? Lagi na lang malungkot si JC. Lagi na lang umiiyak sa dahilang hindi malaman ng iba. But I looked at his figure. Babaeng babae siya sa hubog nito. And his butt. My-my... erection!! ~JC~ Bakit gano'n? Siguro dahil lang sa heart failure ko kaya bigla itong sumakit. Hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa sakit. At hindi ko rin alam kung bakit ako tumakbo nang walang dahilan. Sinabi lang na 'hindi kami together' ay bigla na lang naghuramentado itong paa ko. Napatingala ako ng maramdaman kong may pumisil sa pang-upo ko. Tinaggal ko ang kumot na nakatalukbong sa'kin at hinarap iyon. And I saw Andy smiling at me. His smiles. His stares. "What?!" Takang tanong ni Andy nang samaan ko ito ng tingin. "What was that for?" Tanong ko. Medyo kinabahan ako sa nakita ko. Ibang iba na siya kung tumingin. "Para bumangon ka na diyan," simpleng sagot nito. "Hindi lang iyon. The way you look at me. Para kang naka-shabu." Kinakabahang wika ko. Buti na lamang at hindi ako nautal. "Ano nga bang mayroon sa tingin ko?" Tila nanunudyong wika nito. "Huwag mo kong pinakakaba diyan. The way you look at me, I've got more nervous!" Sigaw ko. "Wala akong paki kung nerbyosin ka sa'kin. Ang mahalaga ay--" he paused. Then he start walking towards me. Ito na naman ang katawan ko. Ayaw na naman nitong makisama sa utak ko. Gusto ko nang tumayo. Gusto ko nang umalis doon para hindi ako maapektuhan sa panunudyong ginagawa nito. Pero sadyang makapangyarihan si Andy dahil nakakulong na ang mga labi ko sa labi nito. His warm kiss burned me into a bit. His looks while kissing me. May sparks, eh. Hindi ko lang alam kung totoo ang nakikita kong kasiyahan sa mga mata nito habang sinasagawa ang paglalaro sa labi ko. He stopped. But my lips want more. My body got hot. Kung tutuusin ay halik lang iyon. Pero para sa'kin, iyon na ang pinaka-espesyal na regalong natanggap ko. "Hindi ko maiwasang halikan ang isang katulad mo," anito habang sinusuklay ang aking buhok pataas. Hindi agad ako nakahuma. My heart still beating abnormally. Mahal ko na ba siya? O infatuation lang na pwede pang lumalim kapag hindi ako umiwas dito? ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD