Chapter 7: The Pervert

2127 Words
~JC~ Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. May napanaginipan kasi akong hindi maganda. Akala ko nga totoo dahil parang may mabigat na nakadagan sa'kin. 'Yun pala, 'yung binti ni Andy na nakadagan sa'kin. Samahan pa ng kamay na animoy niyayakap ako. Inalala ko ang napanaginipan ko kagabi. I started crying. I've lost. Hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang ko. I can't even remember what the name of this island. Ang alam ko lang, naligaw ako sa gitna ng kakahuyan. Until someone saw me. Kitang kita niya ako, nagulat pa siya. Then he asked. "Ahm.. Bata? Anong ginagawa mo dito?" I simply answer. "I'm lost." Curiosity filled his whole face. Hindi siguro nito naintindihan ang sinabi ko. "Ano 'yung 'I'm lost'?" Taka nitong tanong. Sabi ko na nga ba, eh. "Nawawala ako," kahit na hindi niya naintindihan ang una kong sinabi, naiyak pa rin ako. Then, he hugged me. Masyado pa kaming bata ng mga oras na iyon. Limang taong gulang pa lamang ako. Ni hindi ko nga alam kung paano magsolve ng problem. Marunong lang akong mag-English. At dahil nga sa yakap na iyon. Hindi na muling naglandas ang mga luha sa'king pisngi. Nakaramdam ako ng kaginahawaan. Uminit na rin ang malamig na paligid. Gabing-gabi na kaya imposibleng hanapin pa nila ako. Then I woke up. Hingal na hingal ako niyon. Puro pawis na rin ang aking mukha. Ayaw ko nang mapanaginipan iyon. Ang tanong, sino ang lalaking yumakap sa'kin? Nayakap na rin ako ni Maxwell, pero walang init. Nagustuhan ko si Maxwell dahil iyon ang nasa isip ko at hindi kasali ang puso ko. Pero ngayon, parang wala lang. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko pa iniyakan ang tulad niya. "Tulala ka na?" Ani ng katabi ko. Nakahiga pa rin siya samantalang ako ay nakaupo dito sa dulong bahagi ng kama. "May naisip lang," Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa'min kagabi. Hindi lang isang halik ang nangyari, kundi dalawa. "Sino naman iyang iniisip mo?" Tanong nitong nakakaloko. Simaan ko siya ng tingin. "Pwede bang 'ano' hindi 'yung 'sino'?" Mataray na pangaalaska ko. I heard him tsked. "So, ano naman iyang iniisip mo?" Tanong muli nito. I took a deep breath. "A dreamt," my simple answer but my heart starts to beat fast. Walang hiyang buhay 'to. Sinagot ko lang naman kung ano ang tama. Umupo siya sa tabi ko. "May pasok na bukas," anito. Ramdam ko ang pait ng pagkakasabi niya. "Bakit ka naman malungkot?" Taka kong tanong. "Syempre, isang taon lang kitang makakasama," ang sagot niyang iyon ay nagbigay sa'kin ng sensasyon na naging dahilan ng pagtayo ng balahibo ko sa katawan. "Ako nga, parang gusto ko nang lumipat," sabi ko sa kawalan. "Bakit naman?" "Because I'm living with a pervert," I answered his nonsense question. "Who's the pervert?" "You," "Wow, ako pa talaga 'yung pervert," pagdepensa nito. "Ikaw kaya 'yung unang humalik." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hin-hindi ko na-naman i-iyon sina..sinasadya," utal-utal kong sambit. s**t. This really ain't me. "Hindi daw. Pervert!" Anito sabay tayo. Hahampasin ko sana siya kaso nakatakbo na siya palabas ng kwarto. Nag-init ang ulo ko. Tumayo na rin ako at nagsimulang magmartsa pababa. Diniliman ko na rin ang aura ko para matakot ang dakilang pervert. Wala pa ako sa kalahati ng maamoy ko ang aroma ng kape. Ang bango niyon. Ang galing niya palang magtimpla ng kape. Samantalang ako, wala na talo na. Pero hindi ko pa rin binago ang aura ko. Pagkababa ko pa lang ay napasulyap agad sa'kin si Andy. Then there... my heart melt. His cute face. Para siyang bata na tinawag ng ina. Parang ayaw ko nang ituloy 'yung galit-galitan mode ko. Pero wala, eh. Tinamaan ako ng katangahan ngayon. Sorry ka na lang, Andy Liberal. "Hoy! Andy Liberal! Huw--" hindi ko na natuloy ang ano pa mang sasabihin ko. I saw him topless, his sweat flowing through to his boxer brief. 'Langhiyang teteng, ano na naman ang nangyayari sa'kin. "Solve?" He asked. Nakakalokong ngiti ang ginawad nito nang sabihin iyon. Mayroon ba ito ngayon? Nag-iba ang mood niya. "Anong 'solve-solve' ka diyan?" Maang-maangang tanong ko. "Gusto mo nang kape. May libre ka nang pandesal," anito sa nakakaloko pa ring tono. Sinamaan ko siya ng tingin. Then... he pouted. Ang cute niya. "Bahala ka sa buhay mo! Aalis ako ngayon," pag-iiba ko sa usapan. "Where are you going?" "School," simpleng sagot ko. "Ano namang gagawin mo sa school?" Tanong pa nito. Naburyo ako sa tanong nito. "Nanay ba kita, ha? Kung makatanong ka, akala mo nanay kita? HINDI!" I said and I emphasized the word 'hindi'. Kung kanina naku-cute-an ako sa kanya, ngayon kumukulo na ang dugo ko. "Okay, nagtanong lang, eh," he whispered. "Ewan," tanging nasambit ko na lang. Pumunta ako sa kusina kung nasaan siya. Pagkalapit ko sa kanya ay kinuha ko ang halos kalahati na niyang kape. Sumimsim ako doon. Magsasalita pa sana si mokong ng layasan ko ito at nagpunta ako sa kwarto upang gawin ang morning routine ko. "Anak ng, hoy! Ibalik mo 'yung kape ko!" Sigaw nito. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat. Buti nga sa kanya. ~*~ ~*~ ~*~ Nandito ako ngayon sa school na papasukan ko. Pumunta lang naman ako dito para una, makagala at pangalawa, mahanap ko kung saang room ako. Sa sobrang lawak ng paaralan, nakatingala akong naglalakad. Hindi ko batid kung gaano kadami ang estudyante na ako ang pinag-uusapan ang nandito. "Jhay Cee?" "Anak ng kalabaw!" Gulat kong tugon. Napatingin ako sa kung sinong nagsabi ng pangalan ko. And I smiled because I saw my all-time friend na si Jan Macapili. Sabi ng iba, para daw kaming perfect blend. Kumbaga, tamis at pait. Masyado daw kasi akong bitter but Jan is always sweet at me. "Hanggang ngayon, magugulatin ka pa rin," anito habang tumatawa. "Hmm!" Pagtataray ko dito at akmang aalis ng hawakan nito ang kamay ko. "Sorry na," wika nito sa malambing na tono. "Ang cute ng dalawa, oh," sabi ng babae sa likod ni Jan. Bale, kaharap ko si Jan. "Oo nga, 'no? Para silang mag-jowa. Sana all," ani ng kasama nito. "Uyy, kinilig ka naman sa sinabi nila?" Pabulong na sambit nito habang naglalakad kami patungong building. "Ako kiligin? Over my dead body!" Pagtataray ko pa dito. "Ang taray mo ngayon. Hindi ka naman pwedeng reglahin dahil binabae ka," I glared at him. He raised his both hands. Meaning, giving up. "Hindi na lalaban. Sabi ko nga mayroon ka ngayon," pabulong na sambit nito pero hindi iyon nakalagpas sa tainga ko. Piningot ko ito at naglakad kami patungong third floor. Ayon daw kasi sa school na ito. First year daw ang nasa first floor, sunod-sunod na iyon hanggang fourth year. Hiwalay naman ng building ang senior high. Ang college ay nasa kabilang school pa. Malapit lang din naman dito. "Aray ko naman!! Hindi ka pa rin nagbabago!!" Sambit nito habang inaalis ang daliri ko sa tainga niya. Lalo kong hinigpitan iyon at inikot pa dahilan upang mapasunod ko ito. "Aray ko," wika nito sa nagmamakaawang boses. "Mataray pala, ha?" Aniko. "Hindi na... sige ka, pag hindi mo ko binitawan--" I cut him off. "Ano?" "I'll kiss you," Padabog kong binitawan ang tainga niya kaya lalo itong uminda ng sakit. "Pervert!" Sigaw ko dito at nagmamadaling tumakbo patungong room dito sa third floor. Magkatulad na magkatulad nga sila ni Andy. Speaking of Andy, bakit ba lagi na lang siya ang laman ng pagkokompara ko? Wala na bang sa iba? Hinanap ko muna ang pangalan ko sa highest section. Mataas daw kasi ang marka ko kaya ito na agad ang pinuntahan ko. Nasa gitna lang naman ito ng apat pang room. Bali, lima 'yung room. At hindi nga ako nagkamali dahil pang 12 ako sa lalaking nakalista. Then, I saw Jan Macapili's name and Josh Maxwell Lumacang's. Nabadtrip ako sa nabasa ko. Mabuti sana kung si Jan na lang. Kahit na ganoon iyon ay wala naman iyong isang salita. "Ano na? Nahanap mo na?" I looked up to the someone who talked. I saw Jan together with. Andy? "Yeah," simpleng sagot ko. Inirapan ko naman si Andy. Medyo natawa ako sa isipan ko nang makita kong nangunot ang noo nito. "Bakit nga pala kaklase kita?" Taka kong tanong. Ayon kasi sa nanay nito, hindi ito karunungan. Hindi naman sa itinatakwil ko siya bilang classmate, nagulat lang ako sa nakita. "Bawal bang lumipat?" "Hindi." Ngayon ay naliwanagan na ako kung bakit magkaklase kami. Simula first year ay kaklase ko na ito. Lagi ko itong katabi at minsan na itong nabatukan ng teacher kasi nangongopya sa'kin. Kay gandang ala-ala. "Gusto ko lang kasing makasama ka," tila kinikilig na sambit ni Jan. Kita ko namang nangunot ang noo ni Andy. What is his problem? Sinabihan lang ako ng ganoon ay bigla na lang itong magre-react. Akala niya ay siya ang sinabihan. Hanggang sa may nabuong plano sa utak ko. "Talaga? Yieee, kiligin ka! Kiligin ka!" Aniko habang tinutudyo ko ang tigiliran nito. Lalong nangunot ang noo nito. At sabayan pa ng paniningkit ng mata. "Gusto mo ba talaga akong maging kaklase para makasama?" Tanong ko sa himig ng paglalambing. "Oo naman, lalo na 'yung--" "'Yung pangongopya mo sa'kin," kastigo ko dito. Napakamot naman ito sa ulo. I heave a sigh. "Hanggang kailan mo ba ako tatantanan Mr. Xerox?" Mataray kong tanong. "Kapag naka-graduate na tayo, Mr. Wise. At kapag sinagot mo na ako," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam kong wala itong isang salita pero parang totoo ang sinabi nito. Pinakiramdaman ko ang t***k ng puso ko. But it's normal. Walang karera, walang paro-paro sa tiyan ko, hindi nagtayuan ang mga balahibo ko at wala akong naramdamang ispesyal para dito. Siguro hanggang pagkakaibigan nga lang. Malay ko ba kung binibiro lang ako? Sa tono kasi nito... "Isn't that for real?" Nilakasan ko ang loob ko sa tanong na iyon. "I knew it!" Anito sa sumusukong tinig. "I knew you didn't feel my love," malungkot na sambit nito. Ako naman ay para pa ring nakakita ng multo sa sobrang gulat at takot. Gulat dahil sa rebelasyon nito at takot dahil alam kong ang pagsasama ng dalawang lalaki ay isa lamang piksyon. Nasa realidad ako, kami. I sigh. "Alam mo namang--" "Alam kong pag-aaral mo ang inuuna mo," "That's not I'm pointing out. I pointing out is we're a boy." "Okay, I lost. But love isn't about gender." Giit pa nito. Gaano na ba katagal kami magkasama? Gaano na katagal ang damdaming iyon? "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin," aniko. Hindi ako makaapuhap ng sasabihin sa kanya. Wala akong nararamdaman sa kanya. Walang wala! "Umuwi na tayo. Kanina pa ako out of place dito," sabad ni Andy. "Teka, kilala mo siya?" Tanong naman ni Jan kay Andy. "Yes, he's with me," sagot ni Andy at hinila na ako paalis sa school na iyon. Doon ko naramdaman ang hindi ko naramdaman kanina. Heartbeats, butterflies on my tummy, electricity with his single touch, nagsimula na ding magtayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Hindi naman ako naniniwala na pagmamahal ito. Hindi ko pa nga siya kilalang lubos, eh. Nababasa ko lang iyon sa libro pero hindi iyon totoo. Those actions were full of fictions. Lalo na 'yung relasyong lalaki sa lalaki. Sumakay na lang kami ni Andy ng jeep. Ayaw niya daw akong mainitan. Ang arte, akala mo naman na siya 'yung mangingitim. Eh, maitim na siya! Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi mag-eavesdrop sa mga taong nakasakay din. Hindi lang kasi si Andy ang topic ng mga ito, sinama pa 'ko! "Ang cute ng dalawa 'di ba? Sa'kin si hunk tapos sa'yo si cutie guy na kulay asul ang mata," pabulong na tili ng babae sa harap ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Medyo may kalayuan ito kaya kumanta na lang ako. Hindi ko rin kasi dala ang cellphone ko dahil sa school lang naman ako pupunta. Nag-isip ako ng kantang pwedeng kantahin. At dahil wala akong kabisadong kanta ay napatingin ako kay Andy. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko itong nakatitig sa'kin. "Hala, bes, bakla si kuya na may blue eyes," malungkot na sambit ng babae sa harap ko. "Ahmm, Andy?" Pagtawag pansin ko rito dahil parang natulala na. Napansin kong tumikhim ito. "Bakit?" "Pwedeng pahiram ng phone mo? Naiwan ko kasi ang akin." Kinuha nito ang phone niya sa harapang bulsa ng pantalon niya. Kasama na niyon ang headset kaya dinoble ko ang pasasalamat sa kanya. Nilagay ko na ang headset sa tainga ko at naghanap ng magagandang kanta. Although, all of his songs here are nice, pero itong isang ito ang nakapukaw ng atensyon ko. "The way you look at me," I whispered and click this song. ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD