The Dream Catcher (7)

1295 Words
Nagising na lang ako na sobrang sakit ang ulo. Right, nagpakalasing nga pala ako kagabi bigla ko naman agad na realize na hindi ako nanaginip or I did but I just can't remember anything. I stood and went to the bathroom to wash my face, napahawak naman agad ako sa ulo ko when I felt the pain like it's gonna burst. Hangover goddammit! mabuti nalang saturday ngayon at walang trabaho, I could've been in big trouble. Matapos maghilamos uminom ako ng maraming tubig saka humilata ulit sa kama at pinikit ang mga mata. Hindi nga pala ako nakapag bihis kagabi. Sandali, paano nga ba ako nakauwi? Mabilis akong napaupo saka pilit inaalala ang nangyari. Dahan-dahan namang nag flashback lahat ng ginawa ko kagabi at sa lalaking umalalay sa'kin. I pulled my hair lightly out of embarrassment. Gosh nakakahiya ka Paige! why the hell did you say those things? Mabuti sana kung hindi ako kilala noon or sana hindi 'yon taga rito kasi nakakahiya talaga. Nasabi ko pa ang pagkamatay ng bestfriend ko at umiyak pa. God Paige! Mabuti na lang ligtas akong nakauwi at na saktohang mabait ang nakakita sa'kin. Pero Paige kahit na! hindi ka dapat sumasama sa kahit sino lalong-lalo na sa lalaki. Paano kung masamang tao pala 'yon? edi wala na sana ako ngayon. Hinding-hindi na ako magpapaka lasing sa labas, if gusto ko man dito nalang sa apartment. At higit sa lahat mabuti na lang din hindi ako nakatulog kahit saan. Kasi kahit naman 'di na ako dinadalaw ng nightmare nandiyan pa rin 'yong takot na kapag nakatulog ako without my dreamcatcher, babalikan ako ng Shadow na 'yon. Naaalala ko ulit tuloy. Hindi pa rin maalis ang bigat na nararamdaman ko kaya I decided to go out para mag unwind pero hindi ko alam kung saan. 'Yong mga paborito kong lugar para makapag relax hindi ko mapuntahan because we also have memories there kaya napag desisyonan kong sa park nalang. Ganoon ko iniiwasan ang nakaraan ko and I can't help it. Gusto ko sanang isama si Liz pero nag out of country sila ni Adam kaya I'm all alone, it's not like it makes me lonely, I'm actually used to it tho pero minsan kasi kapag mag isa ka na mas naiisip mo 'yong mga bagay na iniiwasan mo and it gets harder pero kailangan kong matutong kontrolin ang emosyon ko. Umupo ako sa bakanteng bench, katabi nito ay isang malaking puno at sa harap ko naman ay may mga batang naglalaro, napangiti naman ako rito. Ang saya-saya nila, kung pwede nga lang sana hanggang sa paglaki nila ganyan pa rin sila kasaya, kung pwede lang sanang hindi na nila maranasan ang mamuhay na may dinadalang sakit at takot sa puso. Tumingala ako saka ipinikit ang mga mata as I took a deep breath, feeling the wind brushing against my cheeks. I wanted to relax my mind, I wanted to empty my thoughts just for once. Ibinalik ko ang tingin sa mga bata pero wala na sila, I noticed how the surroundings became gray, I roamed my eyes around and the people were still there but doing their own things. Sa kalayuan, nakita kong nagsisimula ng umitim ang kalangitan. Nanlaki ang mga mata ko at nanindig ang mga balahibo. Anong nangyayari? Hindi ba nila nakikita ang nakikita ko? Takot ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. I was about to scream when I felt someone tapping me. "Ate are you okay?" inilapat ko ang tingin sa tumapik sa akin, at 'yon 'yong bata na nakita kong naglalaro kanina. Tiningnan ko ulit ang paligid ngunit bumalik na ito sa dati, maaliwalas na ang kapaligiran. Kumurap ako ng ilang beses bago ulit itinuon ang pansin sa bata na naka kunot ang noo. "I'm fine, thanks for asking kid" binigyan ko siya ng matamis na ngiti na siya rin namang nakapag pangiti sa kaniya bago tumakbo ulit sa mga kalaro niya. What just happened? Siguradong-sigurado ako, ganoon ang nakikita ko sa mga nightmares ko. Hindi naman ako nakatulog so what the hell was that? sa pag itim ng kalangitan it felt like anytime the shadow would show up, mabuti nalang tinapik ako ng bata. Pero imposible naman ata 'yon. I inhaled deeply, siguro dulot lang 'to ng hangover. Oo Paige, hangover lang 'yan, 'wag mo nang isipin. Nanatili pa ako ng ilang oras at pinanood ang mga taong may kanya-kanyang ginagawa, pamilya na masayang nagtatawanan, mga batang naglalaro, mga mag nobyo na naglalakad habang magkahawak ang kamay, magkakaibigan na nagtutuksuhan. Lahat nang 'yan nawala sa'kin, pamilya na halos di ako kamustahin, kaibigan na ngayo'y wala na, dating boyfriend na iniwan ako para sa iba. I had it rough but here I am still standing tall and trying to forget every pain. I can't wait for day na finally masasabi ko ng masaya na ako. Hindi ko namalayan na gumagabi na pala. Napasaya yata ang pag tambay ko rito. I stood and stretched saka muling dinama ang simoy ng hangin bago tuluyang maglakad pauwi. It didn't took long when I arrived, malapit lang din naman kasi dito 'yong park madalang nga lang ako pumunta dahil sa busy schedules o kaya dahil mas pinipili kong mag mukmok. Nakakalabas lang naman ako kapag inaaya ako ni Liz pero if ako lang? sobrang dalas kaya rin minsan sinesermonan niya ako. If wala naman daw work lumabas naman daw at mag explore, ang ganda daw ng mundo pero pinipili kong magkulong sa apat na sulok nitong kwarto. To be honest if not Liz, mga workmates ko lang kinakausap ko, my old friends? they left me after Yesha died so hindi ko na sila hinabol pa. It's their choice. Ngayon ko lang napansin ang dami pa lang masamang nangyari sa buhay ko, ang daming nanakit sa'kin kaya siguro hanggang ngayon nandito pa rin lahat sa puso ko. Araw-araw ang hirap bumangon at harapin ang panibagong araw na wala naman talagang pinagbago. It's always the same. I took a quick shower and got ready for bed. Pinagmasdan ko ang dreamcatcher at hinaplos ito. Thank you for keeping me safe at maraming salamat sa matandang nagbigay nito... I woke up and I was at the dining room with my family, Yesha was here too. I remember this day, masaya kaming naghahapunan habang nag kuwe-kuwentuhan. Yesha also stayed for the night. I blinked and then it took me to my old room and there I saw yesha and my past self talking and giggling. Napangiti ako dito, this is what we usually do kapag nag s-stay si yesha overnight and vice-versa. We'd talk a lot of things, we laugh, giggle, we tease each other and there are times we cried together. It was something that I missed. We were each others confidant. Miss ko na 'to at miss na miss ko na siya. I miss talking to her, I miss hearing her nags, her laughs, everything. I just miss everything. Napatakip ako ng bibig habang umiiyak to keep myself from making a sound. Although I know they won't hear me. Heto nanaman ako at nasasaktan, umiiyak. Hanggang kailan ko ba 'to mararamdaman? hanggang kailan ba ako mag titiis? It's getting tiring to be honest. Kahit sa panaginip sinusundan ako ng mga alaakla at kahit sa panaginip nasasaktan pa rin ako. I slowly opened my eyes and a tear fell from it. Is this the "good dream" the dreamcatcher wanted to give me? 'cause if it is I want it to stop. I was doing so well for the past 2 years ba't kailangan pa bumalik lahat. I stood and wiped my tears, I parted the curtains and watched the sunrise. A new day and a new beginning but still the same old me with the same old pain and problems...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD