The Dream Catcher (6)

1517 Words
"Buti naman bumalik ka na sa dati at hindi ka na mukhang zombie!" komento ni Aya, workmate ko. I gave her a smile kasi kahit naman ako masaya rin na nakakatulog na ulit ng maayos, thanks to my dreamcatcher who served as my protector. It has been 2 days since nalaman kong hindi pala talaga nag exist ang matanda at ang store na pagmamay-ari niya. Paulit-ulit ko ring tinatanong kung may connection ba ang pangalan ng store niya which is 11:11 sa pag gising ko rin everytime I'm having a nightmare. What if that was already my hint? but I was just stupid enough to notice. "Hello? earth to Paige!" I snapped out of my thoughts when Aya waved her hand in front of my face. "You were saying?" tanong ko rito. Umiling naman agad siya. "Wala. Ang lalim ng iniisip natin ha?" napatawa nalang ako sa komento niya. "Marami lang akong iniiisp. Tara na nga't bumalik na sa trabaho." pag-aaya ko rito. Hindi na siya nagsalita pa at sumunod na lang saka namin itinuloy ang mga naiwang gawain. It was already late when I got home and my body was really exhausted as well as my brain. Sobrang bigat na ng mga mata ko kaya humilata na agad ako sa kama, bago pa man ako pumikit, siniguro ko muna na naka sabit pa rin sa uluhan ko ang dreamcatcher at noong nakita ko ito na nanatili pa rin sa pwesto ay hinayaan ko na ang sarili na dalhin ng antok. Naalimpungatan ako ng makarinig na para bang may umaagos na tubig. I was still half asleep when I thought naiwan kong nakabukas ang gripo, bumangon ako pero naka pikit pa rin saka nag inat, nang maramdaman kong medyo gising na ang diwa ko, I slowly opened my eyes, I blinked a few times when I noticed I'm not in my room. I scanned my surroundings habang pinoproseso pa ng utak ko ang nangyayari. Am I dreaming? I think I'm really dreaming, mukha akong nasa enchanted forest. Hindi ko naman mapigilang mamangha dahil sa ganda nito. Matatayog na puno na may iba't-ibang kulay ang dahon, katulad na rin ng mga bulaklak na nasa paligid and infront of me is a waterfalls. Kaya pala may umaagos, it wasn't the faucet, it was the waterfalls. Nilapitan ko ito at pinagmasdan ang pag agos ng tubig, napaka ganda at kapag tinitigan mo ng malapitan para bang kumikinang ang tubig nito at sobrang linaw pa. I crouched down and stared at my reflection, pero habang tinititigan ko ito, tila ba hinihila rin ako nito pa baba, parang tinatawag ako at inaanyayahang mas lumapit pa. I feel like I'm being hypnotized but I can't look away, I keep wanting for more. I was about to touch the water when I got out of balanced and fell. I held my breath as I tried swimming back up. I never thought it could be this deep, but no matter how hard I try, I can't... I don't know how... Then suddenly memories start flashing before my eyes. It was full of my memories with Yesha back when we were kids when we were playing until we slowly grew up, how we laughed together, tease each other, and cried together. Naninikip na ang dibdib ko, make it stop. Please someone make everything stop kasi ang sakit-sakit na. These were the memories that I kept ignoring, the memories that I kept running away from. I felt as if the water lifted my body and got me out of it. I gasped for air as soon as my body landed on the grass. Nakaupo lang ako sa damuhan at hindi na napigilang umiyak. I hugged my knees and hid my face in between. Ang sakit-sakit pa rin, it has been 3 years since she died pero hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin. Napahagulgol na ako habang hawak-hawak ang dibdib. Iyak lang ako ng iyak ng unti-unti na akong makaramdam ng pagka hilo hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay... I woke up with the sound of my alarm. I clenched my chest and bit my lower lip as I shut my eyes and let my tears stream from my eyes. I dreamt about her but it was different when I was still having my nightmare, I wasn't gasping for air, I wasn't chased by anyone. It was actually good memories, the one I treasured the most. Pero ang sakit-sakit maalala kasi I know kahit anong mangyari, hinding-hindi na maibabalik pa at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Kaya mas pinili kong i-ignore lahat, mas pinili kong kalimutan although I know within me that I will never ever forget Yesha. Mabigat man ang pakiramdam ko, pinili ko pa ring pumasok para na rin mawala sa isip ko kahit saglit. Yes, heto nanaman ako at tinatakbuhan ang nakaraan but what can I do? I don't wanna drown myself in it. Oo nga pala, ang libro ni Nathan. Natapos lang ang storya noong dumating na ang dreamcatcher pero gusto ko pa rin malaman kung ano na ang nangyari sa bida. I know it's just fiction but for someone like me who happened to experience what he wrote, I'm hungry for more. Kung pwede ko lang sana siya makausap at makapag tanong. What if I write him a message? I mean I'll make it anonymous pero baka naman hindi niya basahin. Nevermind, baka sa susunod nalang. Maaga kaming natapos sa work kaya maaga rin kaming nagsiuwian and since I'm still not okay, napag desisyonan ko nalang na uminom muna. Hindi na ako sumama sa iba kasi gusto ko talagang mapag-isa. Nakaka dalawang bote na ako and I can feel na medyo tipsy na ako but I kept drinking more. Gusto kong lunurin ang sarili sa alak and I can still remember the last time I did this was 2 years ago. I guess I'm really back to square 1. "ATE ISA PA NGA!" sigaw ko, nagdadalawa na ang paningin ko but it's still not enough, I wanna knock myself out. I want to forget... Lumapit si ate at inilagay sa mesa ang isa pang bote ng alak. "Iha ayos ka lang ba? napa sobra ka na ata." tiningnan ko siya, saka kumunot ang noo ko at tinuro siya. "Kambal ba kayo?" nagkatinginan sila ng kambal niya at saka ako tumawa ng malakas. Nakita kong umling sila ng sabay. "Lasing na nga." narinig kong sabi nila at saka tumalikod at bumalik na sa pwesto. Kinuha ko ang bote at instead na maglagay sa shot glass, naisipan kong tunggain nalang ito pero bago ko pa man magawa 'yon, may kamay na pumigil sa akin. Anak ng! sino ba ito! "You do realize that it's dangerous for a woman to be this drunk at this hour right?" hindi ko na masyado maintindihan ang sinasabi ng taong to, I squinted my eyes to see his face clearly pero wala. Di ko talaga maaninag. "Sige, uuwi na ako." saad ko, tumayo na ako at muntik pang matumba, wow parang ang bilis naman ata ng ikot ng mundo ngayon o baka naman lumilindol. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito bigla, hilong-hilo na ako at nasusuka. Hinawakan noong lalaki ang bisig ko saka inalalayan palabas. "Tatawagan ko muna ang kaibigan kong pulis." napa tindig naman agad ako, bakit pulis? wala naman akong ginawang kasalanan ha! Hindi ko naman ginusto na mamatay si Yesha, hindi ko naman alam na malulunod pala siya. Tangina naman oh ngayon ipapakulong niya na ako. Hindi ko na mapigilan at humagulgol na lang saka umupo sa daan. Nakita ko pa kung paano siya nag panic at agad-agad na binaba ang phone. "Hey miss, you okay? Ba't ka ba umiiyak?" natatarantang tanong niya. "Bakit mo ako ipapakulong? Ginusto ko ba ang nangyari ha? Akala mo ba madali lang sa'kin lahat ng 'to? Hindi! Ang sakit, sobra. Hindi niya ako pinapatulog dahil kahit sa panaginip ko dinadalaw niya ako!" ang sakit ng dibdib ko, ang sakit rin ng ulo ko. Gusto ko ng umuwi. "Anong ipapakulong? I was just gonna ask help from them para maiuwi ka ng ligtas miss." wala na akong paki sa mga sinasabi niya, gusto ko nang umuwi. "Gusto ko nang umuwi kuya, ang sakit na ng katawan ko." naihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha niya at saka tumayo at inalalayan ako ulit papunta sa sasakyan na mukhang pagmamay-ari niya. Pinaupo niya ako at inayos ang seatbelt bago pumunta sa driver's seat. Gustong-gusto ko na matulog pero natatakot ako, I don't feel secured sleeping without my dreamcatcher. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami. Inaalayan niya pa rin ako papasok ng building ng apartment ko hanggang sa elevator. Pero hindi na siya sumunod papuntang room ko. Noong sinabi kong malapit na lang, nagpaalam na siya na uuwi na. Nagpasalamat lang ako at pumasok na agad. I went straight to my room at agad na humiga sa kama. Kahit nanlalabo na ang paningin ko, again, I made sure the dreamcatcher was still hanging above my head before drifting to sleep..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD