The Dream Catcher (5)

1599 Words
Tanghali na ng mapag desisyonan ko ng gumayak, I honestly don't know kung saan ako pupunta just whatever store I could find first. Naglalakad lang ako habang ibinabaling ang paningin sa paligid hoping to find one, Liz left me a message na pinayagan siya ni Adam mag stay sa apartment ko overnight. May business trip din naman siya so mas mabuti daw na may makakasama si Liz gayong wala siya. It's also a good thing though that her husband is understanding. I just hope that it will all end tonight. Napahinto ako ng may makitang isang maliit na store, napapagitnaan ito ng dalawang building. I don't know kung ano 'yong binenbenta doon pero baka naman may dreamcatcher kaya susubukan ko nalang. Tumawid na ako at pinagmasdan muna ang pinto nito. I heaved a sigh saka pumasok. Tiningnan ko ang paligid, mukhang ang tagal na pala nito, marami ding mga antique na binebenta. Kinuha ko ang isang lumang libro na punong-puno ng abo, hinipan ko ito at pinagpag. Binuksan ko at marahang inilipat ang mga pahina sobrang vulnerable na kasi, mabilis ng mapunit. Napadpad ako sa pahina na may dreamcatcher na picture which really caught my attention pero hindi ko mabasa ang mga nakasulat maybe due to how old the book is. "Ay pucha!" napahawak ako sa dibdib ko nang may matandang babae na sumulpot sa gilid ko. Hindi ko namalayang nabitawan ko pala ang libro kaya agad-agad ko itong pinulot at inayos saka binalik kung saan ko man ito kinuha kanina. "Sorry po." sabi ko rito, ngumiti lang naman siya. She looks familiar. "Anong maitutulong ko sa'yo iha?" tanong niya ng may malumanay na tono. "Naghahanap po kasi ako ng umm.. dreamcatcher?" pag aalinlangan kong tanong. "Sumunod ka sa'kin iha." mabilis naman agad akong gumalaw at sinundan siya. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung saan ko siya nakita. Sobrang familiar niya talaga and then it hit me. Siya 'yong matanda na tinulungan ko habang ang ibang tao ay dinadaanan lang siya. Naiinis pa rin talaga ako doon. Nilibot ko ang paningin ko kasi bigla nanaman siyang nawala gaya noong first meeting namin. Lumingon-lingon pa ako at noong binalik ko na sa harap ang tingin, muntik na akong atakihin sa puso noong nasa harap ko na siya. Napapikit ako at huminga ng malalim. "Ito ba ang hinahanap mo iha?" at saka ipinakita sa akin ang hawak nitong dreamcatcher, pinasadahan ko ito ng tingin na may halong pagka mangha. "'Yan na nga po, e magkano po ba?" tanong ko saka dinukot ang pitaka. "Hindi na kailangan iha, sa'yo na 'to. Pasasalamat ko na rin noong tinulungan mo ako." naka ngiti niyang tugon. Naaalala niya rin pala ako, pero hindi kakayanin ng konsensya kong hindi mag bayad kahit sinabi niya pang 'wag na. Kabuhayan niya 'to kaya dapat lang na magbayad ako. "Naku ho! lola, hindi naman po kakayanin ng konsensya ko kung hindi ako magbabayad." tugon ko rito Pero kahit anong pagpupumilit ko, ayaw niya talagang tanggapin ang pera kaya wala akong nagawa kung hindi pumayag nalang sa kagustuhan nitong ibigay ng libre. "Maraming salamat po!" I gave her a smile and bowed before leaving. Pagka labas ko pinasadahan ko ulit ng tingin 'yong store at saka ko pa napansin ang pangalan nito "11:11 store" napaisip naman agad ako but then, I just decided to shook my thoughts off. Bitbit ang dreamcatcher ay naglakad na ako pauwi. May mga tao pang tumitingin sa gawi ko, the dreamcatcher might've caught their attention kaya hinayaan ko nalang sila. I arrived at my apartment and went straight to my bedroom. Isinabit ko ito sa may uluhan ko sa bed kasi ganoon 'yong sinabi sa libro at sa mga na research ko e. It says that the spider web design would allow good dreams to pass through and float down the hanging beeds and feathers to a sleeping person while the bad dreams gets trapped to its web. Now I'm hoping that it would really work. Can it keep the shadow away? Is he really just a bad dream? what if he's more than that? that thought scared me kaya iwinaksi ko agad 'to at nanood nalang ng palabas habang hinihintay si Lizzy. It didn't took long when she arrived, may dala din siyang mga pagkain for our dinner. Lizzy sometimes acts like a mom although she's just 2-year older, maybe because she was once my therapist and she knows what I've been through but yeah speaking of mom, I haven't told my parents about the nightmares that I'm having I don't think they would believe me either if I told them that I could possibly die because of it. "Hey Paige, rememeber those 5 victims that I told you who died because of a nightmare?" mabilis niyang nakuha ang attention ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko, Is there a new victim? "Uh-uh? what about them?" seryosong tanong ko. "It wasn't a nightmare that killed them. Magkakakilala lang pala sila and they were murdered in their sleep. 'Yong suspect kaibigan lang din nila dati. Sabi ko na nga ba may story behind." I slightly got relieved knowing na wala itong connection sa anumang mayroon ako ngayon but I also felt sorry to them. "Ano daw ang rason?" tanong ko ulit "Wasn't stated, I think they're still investigating." After eating dinner, nanood muna kami ng movie bago nakapag desisyon na matulog na. This is really nerve-wrecking. Hindi ako makapaniwala na dumating na ako sa puntong natatakot ng matulog. "Are you ready?" tanong ni Liz na may pag aalala. I gave her a nod as I took a deep breath. "I'm here okay? gigisingin agad kita I promise." and with that we both went to bed. Hindi pa ako makatulog kaya nag kwentuhan nalang muna kami saglit hanggang sa dahan-dahan ng bumibigat ang mga mata ko, pinipilit ko pang labanan dahil natatakot pa rin ako pero nanaig pa rin ang antok ko. Please work.. Nagising nalang ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko, I squinted when I noticed the curtains were already parted. Panigurado si Liz gumawa niyan, bumangon na ako at nag inat ng ma realize ko na hindi ako nanaginip, I blinked a few times saka nagmasid sa paligid what if panaginip pala 'to. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Liz. "You're awake, heey good morning!" tinitigan ko lang siya, is she real? am I in the real world? she walked towards me and waved her hand. "Yuhoo! Okay ka lang? ba't ganyan ka maka titig?" kumurap ulit ako ng ilang beses at muling inikot ang paningin. "Is this a dream? are you in my dream Liz? tanong ko rito, I can't be sure kung panaginip ba 'to or hindi. "Ouch! what was that for?" hinimas ko ang bahagi ng kamay ko kung saan niya kinurot. "It's to let you know you're not dreaming." Napasinghap ako, hindi ako nagka nightmare! oh my god! hindi ako nagka nightmare! Napatayo ako at tumil. "Liz hindi ako nagka nightmare! it worked!" tumayo naman agad siya at sabay kaming nagtutumili habang tumalon-talon dahil sa saya. This is the start right? hindi naman na ata ako gagambalain pa ng shadow na 'yon. I'm finally protected. Masaya kaming kumain ng agahan ni Liz and for the first time simula noong nightmares, ngayon nalang ulit ako masaya at good mood sa umaga. I should treasure this from now on. "I should see the old lady, I should thank her again for the dreamcatcher." saad ko kay Liz. "Oo nga pala no, saan mo ba nabili 'yon? sa mall?" tanong niya naman saka uminom ng tubig. "Hindi, actually nabili ko lang siya sa kabilang kanto. Napapagitnaan noong dalawang building saka bingay niya lang sa'kin, it happens kasi na nakita ko siya once na pinupulot ang mga gamit niya sa daan and wala man lang nag abalang tumulong so I did. Kaya binigay niya nalang pasasalamat daw." sagot ko naman dito. "Ang bait niya naman kung ganoon pero saan ba 'yon? samahan kita later gusto ko rin makita e." Pumayag nalang din ako since mamaya pa naman uuwi si Liz. We finished our breakfast and got ready. May dala ring mga damit si Liz kasi nga nag overnight siya. After some time, gumayak na kami. Naglalakad kami patungo sa store na 'yon, si Liz naman panay libot ng tingin kasi hinahanap, sa malayo pa lang nakita ko na 'yong dalawang building kaya hinatak ko siya saka kami tumakbo pero nagulantang ako sa inabutan ko. "Oh saan dito?" tanong ni Liz, hindi ko maintindihan bakit wala na... "Diyan, may store diyan kahapon I swear dito ko 'yon binili. Alam ko dahil sa dalawang building na 'to!" nakita ko kung paano kumunot ang noo niya. "Paige are you okay? matagal na 'tong ganito. Pina abolish ang spot na 'to 7 years ago at wala nang bumili pa ng lupa at nagtangkang mag tayo ng building." Napa atras ako at tila ba nanumbalik lahat nang nangyari simula noong una kong nakita ang matanda. Kaya ba tumitingin sila sa'kin kasi wala naman akong tinutulangan? kaya ba walang tumulong sa matanda kasi di naman nila nakikita? at kaya rin ba noong lumabas ako kahapon sa store tumitig din sila kasi hindi naman pala ito nag exist in the first place. Napatakip ako ng bibig, nag mukha akong baliw. Umuwi ako na naguguluhan pa rin at the same time naninindig ang balahibo. Hindi ko alam if that old woman is a ghost or kung may kapangyarihan ba siya so the question remains. Who is she?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD