bc

SOLD MYSELF TO THE BILLIONAIRE

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
powerful
drama
sweet
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

A poor girl sold herself to the Billionaire to make money for herself, And the Billionaire married her only for pleasure.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
AVA'S POV Nandito ako ngayon sa barong-barong kong bahay, nag-iisa at tulalang iniisip kung paano kong bubuhayin ang aking sarili. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa inuupahan kong maliit na bahay. Mabuti nalang at nakakapag extra ako bilang waitress sa pinapasukang Bar ng aking kaibigan na si Alisha, nag t-trabaho naman ito bilang isang dancer at kung hindi naman ay binabayaran ito para ma-ikama ng iba't ibang lalake. Ngunit hindi sapat ang maliit na kita ko upang pambayad sa aking tinitirahan at pang bayad sa ilaw, tubig at pang gastos sa araw-araw. Inaalok ako ni Alisha na mag trabaho ng tulad ng ginagawa n'ya. Ngunit hindi ko maatim at lubos maisip na mapupunta ako sa pag-bebenta ng katawan. Bago mamaalam ang aking ina at ama ay ipinangako ko sa kanilang mag-tatapos ako, ngunit paano? Sobrang hirap ng buhay ngayon. Namatay nga pala sa aksidente ang aking ina at ama habang patungong skwelahan para masundo ako. Plano nilang mag bonding kaming tatlo, at oo kaming tatlo dahil only child lang naman ako. Hanggang ngayon iniisip ko parin ako ang rason kung bakit sila nawala. Habang tulala akong nag-iisip ay biglang nag ring ang aking cellphone. "Alisha? Napatawag ka?" Sagot ko sa kabilang linya, hindi ko na dapat itanong kong sino ito dahil obvious naman na kung sino ang tumatawag dahil may pangalan naman ang Naka save na Cellphone number. "Ano? Kulang kami sa babae ngayon, pinaalis kasi yung isa naming kasama dahil iba na raw ang postura nito. Kumbaga mahina na sa costumer, pinapatanong ng boss ko kung willing ka raw ba? Sobrang kinis mo raw at sigurado raw na mas dadami ang costumer kapag napapayag kita." Sambit at paliwanag nito. Kahit umaga ay nag t-trabaho ito. Matagal na nila akong pinipilit ngunit ayuko talaga. Hindi ko ibibigay ang virginity ko at pagka babae ko sa kung sino-sino lang. "Alam mo kung anong sagot ko d'yan Alisha. Tama na ako sa waitress lamang, hindi ko ibebenta ang dangal ko dahil lang sa kahirapan. Maraming ibang paraan upang mabuhay, hindi kita hinuhusgahan pero kasi alam mo kung hanggang saan lang ako, pasensiya na. Pupunta nalang ako mamayang gabi kapag duty ko na." At agad kong binaba ang tawag. Kahit sobrang hirap na hirap na ako, at kulang na kulang sa tulog dahil sa mga iniisip ko. Hinding hindi ko ibebenta ang aking sarili. Nang sumapit ang 7:00 pm ay agad akong nag palit para mag trabaho. Sobrang daming costumer, palagi naman. "Waiter!!" Tawag ng isang lalake na halatang lasing na lasing na. Agad akong pumunta kung saan ang table nito. "Yes, sir?" I asked. "Isa pang alak dito" sambit nito. "Right away, Sir." I said. Alam ko kung anong order nitong alak dahil palagi itong nandito, kaya hindi ko na kailangan pang mag tanong. Nasa 42 years old na ata itong lalake. Anyway, aalis na sana ako ng bigla ako nitong hawakan sa braso na syang ikinangiwi ko dahil napalakas ang hawak nito sa aking braso. Siguro dahil sa wala na itong control sa sarili dahil sa kalasingan. "Wait!" Sambit nito. "A-h yes po?" Ilang na sagot ko. "Sir, p'wede po bang bitawan n'yo ako? Nasasaktan po kasi ako." Pahabol ko pa. Ngunit parang wala itong narinig. "Ang ganda mo ah, ang kinis pa. p'wede kaba? Babayaran kita kahit magkano." Sambit nito sabay hila saakin papalapit sakan'ya. "Ano? Gusto mo ba? Magkano gusto mo?" Wika pa nito habang naka titig saakin at hahalikan na sana ako nito ng bigla akong pumalag at ng maka wala ako sa pagkaka hawak nito ay agad ko itong tinulak at sinampal. "Bastos!" Wika ko. Na agad naka agaw ng atensyon ng lahat. Lalo na ni Alisha at ng boss namin. "Ang arte mo naman, pakipot! Eh tulad kalang naman ng mga babae dito. Akala mo ang linis-linis, pagbigyan mo na ako." Sambit nito na lalapit pa sana ngunit agad ko ulit itong sinampal. "Matapang ka ah!" Wika nito at agad din akong sinampal at natamaan din nito ang aking labi, dumugo ang labi ko dahil sa lakas ng sampal nito. Mag sasalita pa sana ako ng makalapit na sila Alisha. "Anong nangyayare rito?!" Galit na sambit ng aming Boss. Babae ito at mukhang gahaman sa pera, gagawin ang lahat kahit kapalit ang buhay at katawan ng kanyang mga empleyado. Kung hindi lang ako nangangailangan ay hindi ako pumasok dito. Nag apply naman na ako sa iba ngunit mas pinili kong pumasok sa mas madaling paraan para may pang bayad sa mga gastusin. " 'Yang waitress n'yo napaka arte, mag babayad ako kahit magkano. Yan lang ang ibigay n'yo sa'kin." Wika nito sa aming Boss. Tinignan ako ni Boss at halata mo ritong galit ito. Pagka tapos akong tapunan ng tingin ay bumaling ito sa aming costumer. "Pasensya kana Sir, kakausapin ko po muna s'ya." Wika nito. Agad ako nitong kinaladkad papuntang likod kung saan nagbibihis ang mga dancer at iba pang babae na nag bebenta ng kanilang dangal. "Mag bihis ka, at sasama ka sa lalakeng yun. Kung hindi ka susunod tatanggalin kita sa trabaho mo!" Galit nitong sambit. "Ayuko, hinding hindi ko ibebenta ang sarili ko." Naiiyak na sambit ko. "please maawa ka po, wala na po ako ibang malalapitan. Ito na lamang ang aking ikinabubuhay, maawa po kayo." Pagmamaka-awang wika ko. "Kung hindi mo rin lang naman susundin ang gusto ko, mas mabuti pang umuwi kana at wag na wag kanang babalik pa." Para akong Pinag sukluban ng langit at lupa sa narinig ko. "Alisha" baling ko kay Alisha at hinawakan ito na syang simbolo na pag hingi ng tulong. "Boss, ako nalang po ang sasalo sa costumer. Wag n'yo lang po s'yang alisin, maawa na po kayo." Wika nito. "Pauwiin mo na 'yan Alisha kung ayaw mong pati ikaw ay mawalan ng trabaho." Sambit nito. Wala na kaming nagawa, kaya lumabas nalang ako at uuwi nalang siguro. Hindi ko na alam. "Pasensya kana talaga Ava." Sambit ulit saakin ni Alisha pagka hatid nito saakin sa labas. "Hayaan mo kakausapin ko ulit si Boss." Pahabol pa nito. "Ayos lang, kasalanan ko naman. Salamat ah, sige na uuwi nalang muna ako." Sambit ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
603.0K
bc

Three Alpha Bikers Wants An Open Marriage(An Erotic Paranormal Reverse Harem)

read
91.5K
bc

The Bounty Hunter and His Wiccan Mate (Bounty Hunter Book 1)

read
101.6K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
73.8K
bc

The Abandoned Luna's Return

read
1K
bc

Mistletoe Miracle

read
7.5K
bc

The abandoned wife and her secret son

read
3.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook