Kabanata 6

1427 Words
“Magandang umaga, madame Ingrid.” “Magandang umaga,” bati ko pabalik kay Belinda nang bumaba ako ngayong umaga. “Handa na po ang inyong tsaa.” Ngumiti ako. “Salamat, Belinda, pero gusto ko sana sa labas mag-tsaa ngayon..” Tumango agad siya kaya nagtungo na ako sa may veranda. Umupo ako sa one-seater na sofa, pinatong naman ni Belinda ang tsaa sa harapan ko. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, sa inuupuan ko ay halos nakikita na ang buong garden sa unahan. Naka-paikot ang mga halaman at puno sa buong mansyon kaya naman laging presko ang simoy ng hangin, ang amoy ng mga dahon at bulaklak ay nakakalat sa paligid. Nag-angat ako ng tingin kay Belinda na nakatayo sa tabi ko, hinihintay na may i-utos ako. “Umupo ka muna sa tabi ko, para naman may makausap ako..” Napangiti siya at umupo sa katabing sofa, noong una ay hindi pa siya mapakali. Animo’y nag-iisip ng pwedeng ikwento sa’kin. Lihim akong napangiti habang sumisimsim sa tsaa, naaalala ko noon na ganyan ang mga kaibigan ko dati. Para silang hindi mapakali kapag walang ikinukwento. Napatigil ako sa pag-inom nang maaninag ang pagpasok ng Jeep Wrangler sa gate ng mansyon. Medyo malayu-layo pa iyon ngunit alam kong sasakyan iyon ni Galen. “Oh, maaga pala umalis si sir Galen ngayon…” Nang malapit na ay wala sa sarili na napaayos ako sa pagkakaupo. Diniretso ko ang likod ko at pasimple pa na hinawi ang mahaba kong buhok. Bakit ko ba ‘to ginagawa? Dinampot ko ang magazine sa lamesa at doon itinuon ang tingin. Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang pagtigil ng sasakyan sa harapan namin, bumaba si Galen. Agad na tumayo si Belinda. “Magandang umaga, sir Galen.” Sumulyap ako saglit at nakitang tumango siya at walang salita na pumasok sa loob. Ni hindi niya man lang ako nilingon. Umupo ulit si Belinda at bumulong. “Nakakapanibago si sir Galen, hindi naman kasi siya nagtatagal dito kahit noon pa. Minsan ay wala pa siyang isang araw dito noon…” Sinara ko ang magazine at sumimsim muli sa tsaa. Kahit hindi ko nakita ng maayos, alam kong hindi maganda ang timpla ni Galen ngayon. Alam ko kapag gano’n siya. “Pero ang sabi ni Popoy ay may inaasikaso raw si sir Galen na lupain dito..” Lumingon ako sa kanya. “Sa tingin mo ay magtatagal siya rito?” “Kung totoo ang sinasabi ni Popoy, sa tingin ko ay magtatagal siya…” Napabuntong-hininga ako. Nahihirapan ako kapag nandito si Galen. Hindi ko na itatanggi iyon, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. I missed him after all these years. Bukod sa magulang ko, isa siya sa mga iniisip ko lagi noon. I cry to sleep thinking about him. Naiwan ko siya ng biglaan at wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa’kin noon. Inangat ko ang magazine para matakpan ang aking mukha, baka mapansin ni Belinda ang namumuong luha sa mga mata ko. “Pero, madame, alam mo ba?” Lumapit sa’kin ng konti si Belinda “Noong nakaraan daw na ipag-maneho ni Popoy si Sir ay may babae raw na kinita.” Naramdaman ko ang kung ano mang bumara sa lalamunan ko pero hindi ako lumingon sa kanya at nanatiling nakatitig sa magazine. “Sobrang ganda raw at halatang mayaman,” dagdag pa niya kaya tumaas ang isang kilay ko. “Pero kung iisipin ko ay dapat lang naman! Sa sobrang gwapo at yaman ni Sir, dapat ay gano’n din ang makatuluyan niya.” Naiinis ako. “Gano’n ba talaga ka-gwapo sa paningin mo si Galen? Para sa’kin ay normal lang, di hamak na mas magandang lalaki si Jonathan.” Tumawa si Belinda. “Magkamukha naman po sila! Pero para sa’kin ay iba ang dating ni sir Galen, ang lakas ng séx appeal!” Totoo yan. “Hindi talaga,” pagtanggi ko at nakuha pang umiling. “Walang dating sa’kin si Galen, siguro ay dahil mukha siyang playboy!” “Ay, sir!” Mabilis akong napaangat ng tingin nang tumayo si Belinda, nandito na pala si Galen at hindi ko man lang nakita na lumapit! Hindi niya ako tinitignan. Narinig niya kaya ‘yung sinabi ko? Pero sigurado akong narinig niya dahil medyo lumakas ang boses ko kanina dahil sa inis. “May kailangan po kayo, sir?” tanong ni Belinda. Nakakunot ang noo ni Galen. “I couldn’t contact Popoy, can you call him for me?” “Yes, sir!” Pumasok agad si Belinda sa loob kaya’t naiwan kaming dalawa ni Galen dito sa labas. Namawis ang mga palad ko. Ayokong naiiwan kaming dalawa na ganito. Sinara ko ang magazine at pinatong iyon sa lamesa, tumayo ako at akmang aalis na nang bigla siyang magsalita. “Did you enjoy bad mouthing me, Lucille?” Narinig niya nga! Kumunot ang noo ko at dumiretso sa paglalakad ngunit hinarangan niya ako, walang emosyon akong nag-angat ng tingin. “Bakit?” tanong ko. “Hindi mo ba ako narinig?” Tumaas ang kilay ko. “Ako ba ang kinakausap mo?” “We are the only ones here, aren’t we?” “Well, you are talking to someone called ‘Lucille’, right?” tanong ko. “That is not my name.” Nag-igting ang panga niya at malalim akong pinagmasdan, kinabahan ako dahil doon. Gusto ko nang umalis ngunit humakbang siya palapit sa’kin kaya’t napaatras ako hanggang sa mapaupo ulit ako sa sofa. Tumungo siya at pinatong ang magkabilang kamay sa mga armrest sa gilid ko. Mabilis na kumabog ng malakas ang dibdib ko. “Anong ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong. “Lucille,” his voice was low. “Do you really think I’m a playboy?” Nag-init ang mukha ko. Nakakahiya na narinig niya ang pagsisinungaling ko kay Belinda kanina! Mas nilapit niya ang mukha niya sa’kin kaya’t napasandal na ako sa sofa. Tumatama sa mukha ko ang bawat paghinga niya, pumapasok sa loob ko ang mabango niyang hininga. “How dare you say that?” Kumunot ang noo niya. “I never laid my eyes on other women when we were together.” Napalunok ako at nag-iba ng tingin nang hindi ginagalaw ang ulo ko. Tinagilid niya ang ulo niya para habulin ang tingin ko. And when our eyes met again, I felt like I wanted to cry. “All I ever did was worship you, Lucille,” his voice was cold and raspy. “You were like a fuçking god to me.” Nag-init ang buong mukha ko, halos mapasinghap ako sa sinabi niya. Nanginginig na tinulak ko siya. “Lumayo ka sa’kin…” Hindi siya natinag kaya’t mas malakas ko siyang tinulak ngunit hindi pa rin siya gumagalaw. “Galen, baka may makakita sa’tin at kung ano pa ang isipin!” “Lucille…” Frustrated akong pumikit. “Hindi ako si Lucille.” Hindi niya pinansin ang pagtanggi ko. “Do you really love my father?” “Yes,” walang pag-aalinlangan kong pagsisinungaling. Ilang sandaling katahimikin ang namagitan saming dalawa habang nakatitig sa isa’t isa. Halos marinig ko ang tíbok ng puso namin pareho dahil sa sobrang tahimik. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa armrest sa magkabilang gilid ko. His biceps visibly hardened. Gumalaw ang panga at sentido niya, akala ko ay purong galit ang lilitaw sa mga mata niya ngunit mali ko. His eyes looked sad, and disappointed, and hurt, and hopeless. As if the world has turned its back on him. Parang pinipiga ang puso ko. Ito ang unang beses na nakita ko sa mata niya ang ganito. Does he still love me? After all those years that I left him, his feelings never changed? Shít, shít, shít. Pakiramdam ko’y maiiyak na ako ngunit ginagawa ko ang lahat para pigilan iyon, ayokong makita niya dahil malalaman niyang nagsisinungaling ako. Huminga siya ng malalim at mabagal na lumayo sa’kin, hindi na ako nagsayang pa ng oras, tumayo agad ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng mansyon. “Madame!” Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Belinda nang makasalubong ko siya, mabilis akong umakyat sa hagdan at pumasok ng kwarto namin ni Jonathan. Hindi ko pa naisasara ng tuluyan ang pinto ay lumabas na ang hikbi mula sa’kin, napatakip ako sa bibig ko upang walang makarinig sa’kin. Napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig habang tahimik na umiiyak. May nararamdaman pa sa’kin si Galen at nasasaktan siya sa sitwasyon na ito ngunit wala akong magawa. Hindi kami pwedeng dalawa, not when I’m married to his father. I am another man’s wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD