Kabanata 7

2279 Words
“Madame Ingrid, sigurado ka po ba na kaya na nang katawan mong maglakad-lakad sa labas?” Tumango ako kay Belinda dahil sa tanong niya. Matapos ng naging sagutan namin ni Galen, ilang araw na masama ang lagay ng katawan ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak ng araw na iyon, basta ay nakatulog na lang ako at pagkagising ko ay masama na ang pakiramdam ko. Wala rin akong gana kumain at hindi lumalabas ng kwarto, binibisita lang ako ni Belinda upang tignan ang lagay ko. “Salamat sa pag-aalaga sa’kin, Belinda,” ngumiti ako habang pinagmamasdan siya sa repleksyon ng salamin. “Nakakasawa rito sa loob ng kwarto, gusto ko naman lumabas.” Bumuntong-hininga siya. “Binilin pa naman ni Don Jonathan na ‘wag ka munang hahayaan na lumabas-labas.” Hindi ako sumagot. Sa ilang araw ko rito sa kwarto, pinilit ako ni Jonathan na sa kama ako matulog at sa sofa naman siya. Nakakahiya man ngunit wala na akong nagawa dahil wala akong lakas makipagtalo. Tuwing uuwi siya ay saglit kaming nagkukwentuhan bago matulog. Nasabi niya sa’kin na kailangan ko nang pag-aralan ang mga dapat malaman sa negosyo niya kaya’t sa susunod na buwan ay kailangan kong sumama sa kanya para maging pamilyar ako. Hindi ko muna iisipin iyon ngayon dahil halos isang buwan pa naman bago iyon. Ngayon, naisip kong magpagupit ng buhok kaya’t sasama muli ako kay Belinda sa bayan. “Madame, pwede naman tayo sa mga sosyal na salon magpunta. Sa mga mall!” Dati, hindi talaga ako nagpapagupit sa mga kung saan-saang salon. My mom and I had our own hairstylist, and we spent thousands just for a haircut that’s not even visible. Ngumiwi ako. “Bakit doon pa? Pare-pareho lang naman ‘yan. Tsaka nagtitipid ako.” Tumawa si Belinda habang umiiling. Hindi siya naniniwala na nagtitipid ang asawa ng isang bilyonaryo. Well, hindi naman ako nanghihingi ng pera kay Jonathan kahit pa pinipilit niya akong bigyan, pero may isang beses na iniwan niya talaga ang pera sa lamesa kaya kinuha ko na lang din. Iyon ang tinitipid ko. Habang pababa kami ng hagdan ay inalalayan ako ni Belinda. Napahinga na lang ako ng malalim dahil masyado siyang nerbyosa, sinabi ko nang maayos na ang pakiramdam ko pero ganito pa rin siya. “Kumain ka po muna, madame, bago tayo umalis.” “Hindi na, doon na tayo kumain.” Lumapit si Susan. “Madame, nagluto ako ng mga masustansyang ulam. Kumain ka po muna at maganda ito sa nagbubuntis..” Ha? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Buntis daw ako? Hanggang ngayon pala ay pinaghihinalaan pa rin nila akong buntis, dahil ba masama ang pakiramdam ko ng ilang araw? “Susan, hindi—” Napatigil ako sa pagsasalita nang pumasok ng kusina si Galen. Binati siya nina Belinda at tinanong ang gusto niya ngunit hindi niya pinansin ang mga ito at dumiretso lamang sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Mainit na naman ang ulo niya. “Wala pa akong ganang kumain, Susan.” Napangiwi si Susan. “Masama po iyan sa nagbubuntis, madame. Dapat ay kumakain ka sa tamang oras..” Mabilis akong napalingon kay Galen, nakatalikod siya sa gawi namin kaya’t hindi ko nakikita ang mukha niya. “Nag-almusal naman ako…” sabi ko pa at nilingon si Belinda. “Alis na tayo.” Nagmamadali akong lumabas ng kusina dahil natatakot akong makita ang reaksyon ni Galen kapag nakita ko ang mukha niya. Pero maganda na rin na maisip niyang may posibilidad na buntis ako kahit hindi naman totoo. “Nasaan na si Popoy?” tanong ko. “Uh, madame, nag-day off ngayon si Popoy dahil may emergency.” Napangiwi ako. Sobrang init pa naman. Hindi ko alam kung kakayanin ko ulit maglakad papunta sa bayan, noong nakaraan ay halos hindi ko kinaya. “Pero sinabi na ni Sir Galen na isasabay niya tayo papunta sa bayan dahil may pupuntahan siya.” Nanlaki agad ang mga mata ko. “‘Wag na! Maglakad na lang tayo…” Napakagat na lang ako sa aking labi nang lumabas na si Galen at pinatunog ang kanyang Jeep Wrangler. Binuksan niya ang pinto at tiningnan ako para sumakay ngunit hindi ako gumalaw. “Tara na, madame..” aya ni Belinda. “Hindi, maglakad na lang tayo,” mariin kong sabi. “Sumakay na kayo, dadaan din naman ako sa bayan,” malamig na sabi ni Galen habang sumasakay na rin sa drivers seat. Kanina niya pa ako hindi tinitignan. Paano ako sasabay sa kanya kung iniiwasan ko nga siya! Umiling ako. “Ayoko, parang hindi safe ‘yung sasakyan.” Salubong ang kilay na lumingon si Galen mula sa loob, hindi pa rin nakasara ang pinto sa gawi niya. “Anong ibig mong sabihin?” “Parang hindi safe ang sasakyan, Galen, alam mo na lubak-lubak ang daan malapit sa bayan,” sabi ko. “Paano kung m-maalog… ‘yung tiyan ko? Mas maigi pa na maglakad na lang.” Pinanindigan ko na talaga ang pagiging buntis. Nag-igting ang panga niya, nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Sa wakas ay dumapo na ang mga mata niya sa’kin, pinasadahan niya ako ng tingin mula paa paakyat. Tumigil ang mga mata niya sa bandang tiyan ko, nakaramdam ako ng kaba kaya tinalikuran ko na siya at hinila si Belinda sa braso. “Madame naman, paano kung mahilo ka na naman dahil sa init?” “Just hop in,” ani Galen sa walang emosyon na boses. “I’ll drive slowly.” Napapikit ako ng mariin at wala nang nagawa kundi ang pumayag. Nagawa pa akong alalayan ni Belinda pasakay ng sasakyan dahil medyo mataas iyon. Nakakakonsensya na niloloko ko si Belinda. Ngunit sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ako sigurado at baka nagkakataon lang na naging sakitin ako nitong mga nakaraang araw. Tinotoo naman ni Galen ang sinabi niya. Mabagal ang pagmamaneho niya at maingat lalo na kapag may lubak. Kapag umaalog ng konti ang sasakyan ay nararamdaman ko na tinitignan niya ako sa rearview mirror kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Binaba niya kami sa bayan kung saan may silong, doon siya mismo sa tapat tumigil. Naunang bumaba si Belinda at inalalayan ako. “Belinda..” Narinig kong pagtawag ni Galen. Tumalikod na ako at lumapit sa isang tindahan ng mga damit. Maya-maya ay nasa tabi ko na si Belinda, nang lingunin ko kung saan nakaparada ang sasakyan ni Galen. Nakita kong wala na iyon doon. “Magtingin-tingin muna tayo rito bago ako magpagupit..” Tumango lang siya. May mga nabili pa ako bago kami pumunta sa salon na tinuro ni Belinda, dito rin daw sila nagpapagupit ni Susan. Hanggang balikat ang pinagupit ko. Kahit dati ay hindi ako nagpapagupit ng ganito kaikli, pero mukhang bumagay naman sa’kin. Hetty ang pangalan ng baklang nag gugupit at kaibigan siya ni Belinda. “Madame! Okay lang ba?” tanong ni Hetty habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin. “Payag ka ba na maging model namin? Ididikit namin ang mukha mo sa dingding at salamin! Ang ganda mo kasi talaga!” Napangiwi ako at tumingin kay Belinda. Hinampas niya si Hetty sa braso at umirap. “‘Wag ka nga!” “Sayang kasi! Luma na rin ang mga posters namin, baka lang naman pumayag!” Since highschool, ako ang napipiling modelo ng mga naging school ko. My photos would be posted all over the schools with catalogs or brochures. Pati sa websites ay nandoon ang mga mukha ko. Kaya kilala ako ng lahat ng estudyante sa school noon. “Payag ako,” saad ko. Nanlaki ang mata ng dalawa at napatalon naman sa tuwa si Hetty habang pumapalakpak. “Sigurado ka ba, madame?” tanong niya kaya tumango ako. Nilagyan nila ako ng manipis na makeup bago kami nagsimula. Hindi ko akalain na marunong kumuha ng litrato si Hetty, parang propesyonal na rin. Sinabi niya na naging photographer siya dati sa isang studio kaya may experience siya. Maya-maya ay tumunog ang phone ni Belinda, nakita ko na nanlaki ang mata niya bago lumabas para sagutin iyon. Hindi ko na lang pinansin dahil kinukuhanan pa ako ni Hetty. “Matagal pa ba iyan?” tanong ni Belinda pagbalik. “Bakit?” tanong ko rin. Napakamot siya sa ulo. “Tumawag po kasi si sir Galen, tinatanong kung pauwi na raw ba tayo para maisabay niya tayo..” Huminga ako ng malalim. “Sabihin mo na mauna na siya dahil may mga pupuntahan pa tayo pagkatapos nito.” Pagkatapos ng photoshoot ay nagpaalam na kami kay Hetty. Sa kadahilanang ayokong sumabay kay Galen ay kung saan-saan ko niyaya si Belinda. Kahit gusto ko nang umuwi ay pinilit ko ang sarili ko kaya’t napabili na naman ako ng mga kung anu-ano. Tatlong oras na yata ang nakararaan nang magyaya na ako kay Belinda na umuwi, sumakit na rin ang mga paa ko. “Belinda, uwi na tayo pagkatapos natin dito..” Ngumiti naman siya at tumango. Pagkalabas namin sa isang store ay nagulat ako nang makita ang sasakyan ni Galen sa labas, napatingin ako kay Belinda na agad na binati si Galen na nasa loob ng sasakyan. Nakabukas ang bintana. Ano pang silbi ng pagtitiis ko ng lakad ng gano’n katagal kung sa kanya rin kami sasabay? “Sakay,” malamig na sabi ni Galen at pinaandar ang makina. Umirap ako at wala nang nagawa. Hindi pa ako nakakaupo ng tuluyan ay napatigil ako nang makita ang babaeng nakasakay sa passengers seat. Maganda, mahaba ang buhok at halatang mayaman. Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa’kin. Nilingon ko si Galen at nakatingin lang siya sa labas. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Is she Galen’s girl? “What the hell? Amoy usok,” sabi ng babae at tinakpan ang ilong. Kumunot ang noo ko at pasimpleng inamoy ang sarili. Amoy usok nga ako dahil kumain kami ng barbecue kanina. “Oh, sorry, dapat hindi na kami sumabay,” mahinahon na sabi ko. “Right, Galen. Bakit kasi hinintay pa natin sila?” tanong ng babae. Pinanood ko si Galen, wala siyang reaksyon. “Ang tagal na natin naghintay tapos ganito pa,” dagdag pa ng babae. “Kung okay lang, buksan na lang natin ‘yung bintana..” suggestion ko. “Then, wala nang aircon? E, ang init-init at papasok lang ‘yung amoy galing sa labas.” Humigpit ang hawak ko sa upuan, pinipigilan ang galit ko. Nilingon ko si Belinda at hinawakan ang pinto ng sasakyan. “Mag-tricycle na lang tayo.” “Mabuti pa nga!” maarteng sabi ng babae at ngumiti. “Magta-tricycle na lang kami para hindi na kami makaabala,” sabi ko at sinubukang buksan ang pinto ngunit naka-lock, lumingon ako kay Galen. “Buksan mo ‘to, bababa na kami.” “Gal, just let them go!” Gal? Hindi ko maiwasang matawa, iyon din ang tinatawag sa kanya ng babaeng ‘yan? Pilit kong binuksan ang pinto nang pagalit, halos nagdadabog na ko sa inis! “Buksan mo ‘to, Galen! Bababa na kami!” galit kong sabi. Nag-igting ang panga ni Galen at pumikit ng mariin. Hinawakan ako ni Belinda sa braso para pakalmahin, hindi ko alam kung bakit ako galit na galit bigla. Kanina naman ay nako-kontrol ko pa ang sarili ko. “Gal, pababain mo na kasi! Amoy usok!” Umirap ako sa hangin at galit na tinignan si Galen na sa’kin pala nakatingin. “Open this, Galen!” Yung babae ang nagpindot ng button para mag-unlocked, wala na kong pinalampas na segundo. Nagmamadali akong bumaba kaya narinig ko ang sigaw ni Belinda. Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay hinablot na ako ni Galen sa braso kaya napaharap ako sa kanya. “What the f**k is wrong with you?” galit niyang tanong. “What? Ayoko lang makaistorbo sa inyo ng babae mo!” sigaw ko at hinila ang braso ko kaya nabitawan niya, tinalikuran ko agad siya pero hinila niya na naman ako sa pulso. “Ano ba!” “Get back to the car, Lucille,” mariin niyang sabi. “No!” Nag-igting ang paa niya. “You’re still a brat after all these years, huh?” Natigilan ako at umiwas ng tingin. “Hindi mo ako kilala.” “I know you, Lucille, and I know when you’re jealous,” aniya sa mahinahong tono. “Now, get back to the car.” Natulala ako sa kanya saglit. “B-bakit ako magseselos?” “You don’t like it when others call me Gal, Lucille,” he said, watching my reaction. “How could I forget how obsessive you are?” Halos hindi ako makahinga. “Hindi ako si Lucille,” mariin kong sabi. “Right,” walang gana niyang sabi, halatang hindi naniniwala. “Now get back to the car, please.” “At bakit ako magseselos sa girlfriend ng anak ng asawa ko?” Gumalaw ang panga niya. “She’s not my girlfriend, now get back to the car.” “Isabay niyo na si Belinda, sasakay na lang ako sa tricyc—” “For f**k’s sake, Lucille, can’t you just get back?” tanong niya sa galit ngunit mahinang boses. Huminga ako ng malalim at saglit na pumikit. “Fine, pero pagsabihan mo ‘yang babae mo na huwag siyang maarte.” Nauna na akong naglakad, nang makita nong babae na pasakay na ulit ako ay sumimangot siya. Pagkasakay ni Galen sa drivers seat ay nagsalita agad siya. “What the hell, Ga—” “Shut it, Kyline,” walang ganang sabi ni Galen at pinaandar ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD