Kabanata 06. BUNGA

5005 Words
TWO MONTHS LATER .... "Paakk!!!!! Di ba sabi ko sayo! Wag na wag mong ihahalo sa puti ang de color na damit ko! , tignan mo nga! Tignan mo tanga!!! " sigaw ni James sa'kin na umaalingawngaw sa kabahayan. " Paaaakk!! Paaaakkkkk! ! Ilang sapak at tadyak pa ang natanggap ko rito matapos itong magalit dahil sa kanyang damit na aksidente kung nalagyan nang zonrox. Paano naman kasi ay bigla niya itong hinagis sa akin at nahulog sa labadora sakto namang naglalagay ako nang pampaputi sa mantsadong puting damit niya. " Paano ka ba magtatanda!!! P*ta ka? Paaakkkk " sigaw niya ulit sabay hampas sakin sa ding ding. " Arraaayy, tama na maawa ka, tama naaaaaaaaaaa!!!!! " sigaw ko ulit nang pagmamakaawa.May hawak akong phone kaya lingid sa kanyang kaalaman na naerecord ko na lahat nang pangyayari.Tumalikod naman sya at agad na lumabas paalis hindi ko alam kung saan sya pupunta buti nalang wala ang mga bata at nasa kay Inay na ang pangangalaga nito. Dahil kahit ang mga ito man ay nakakatikim din sa kanya.Nang masakit na palo. Parang kahapon lang sinuntok at sinapak niya ulit ako dahil sa sunog na tuyo. Dahil inutusan niya akong bumili nang shampoo. Lumalala ang pananakit niya may hiwa narin ako sa braso na gawa rin niya noong nakaraan.Hindi naman ako nagrereklamo pero sa panahong 'to halos hindi na niya ako pinakikinggan ibang iba na sya noon. Nagbago na sya nang tuluyan.Halimaw na sya kung umasta. At kumilos. Buti nalang mula noong bumalik ito galing CDO ay hindi na ako nito sapilitang ginalaw. Hindi na niya ako ginagalaw kaya pinagpapasalamat ko narin. Paika-ika akong nag impaki nang mga importanteng gamit , pagkatapos ay dali-dali akong lumabas na paika -ika at pumara nang trycicle.Hindi ko alam ano ang kahihinatnan nang lahat pero hindi ko na kaya di na ako makatiis pa. Nilabas ko ang aking phone at nag text ako kay Ralph bahala na kailangan niya malaman na papunta ako sa Police station. [ Kuya, nasa police station ako.] Laman nang text ko sinadya ko talaga mag kuya dahil kung sakali na asawa niya man ang makakabasa ay hindi ito bigyan nang malisya. Hindi ko na alam anong nangyayari sa kanya. Hindi na kami nagkita. Mula noong galing kami sa private house niya. Hindi rin sya nag-uupdate nang newsfeed niya sa Facebook.Hindi ko alam kong kinalimutan naba niya ako ohh ano,, sana tinanggap ko nalang ang alok niya noon na lalayas ako. Hindi sana ako nabugbog nang ganito. " Mam, nandito na ho tayo. " pukaw sakin nang driver. Nag-abot naman ako nang pambayad at bumaba medyo nahihilo na ako at umiikot narin ang paningin ko. Para akong grasa sa itsura nang buhok ko. Ansakit nang anit ko hinila niya kasi kanina ang buhok ko. Agad akong nagsumbong at agad naman nila akong binigyan nang pansin sa frontdesk kaya pinapasok ako nang isang babae sa kanyang opisina para interogahin at makapagsampa nang kaso laban sa asawa ko. Binigay ko din ang mga ebedensyang meron ako at nagpa medical test narin kami. Pagkatapos ay sasamahan nila ako pauwi nang bahay dahil may request ako na kukunin ko lahat nang gamit na naiwan at mga paninda ko. Kaya agad naman silang kumilos at ang iba ay hinahanap at kinokontak na nila ang asawa ko. Paglabas namin ay nakita ko si Ralph na napailing-iling at napapahampas sa kanyang motor hindi sya makalapit sakin. Kaya hanggang tingin lang ang kaya niya. Ilang hakbang pa papunta sa sasakyan ay biglang dumilim ang paningin ko at ayun narinig ko nalang na natataranta ang mga tao at naramdaman kong nakahiga na ako sa daan. Pagkatapos nun ay nawalan na ako nang malay sa paligid. RALPH's POV Pa uwi na sana ako nang makatanggap ako nang isang text message mula kay Evana. Pero hindi na yun ang nakapangalan dito sa phone ko kundi Aivan ang nilagay ko. Buti nalang at hindi pa ako tuluyang naka uwi. Kundi patay ako kay Leve naghihinala na rin ito sakin tinatrack down na nito lahat nang pinupuntahan ko.Mula noong galing ako sa private house ko ay panay na ang tanong nito sakin nang kung ano-ano. Hindi naman ito ganito dati. Kaya hindi ko magawang kontakin c Evana, kahit miss na miss ko na talaga ito tinitiis ko para hindi kami magkaproblema.Ang f******k account ko naman ay ito na ang nagkokontrol. Ito nanga rin ang nagdadala nitong phone ko at ang kanya na raw ang dadalhin ko buti nalang at napakiusapan ko pa kaninang umaga dahil hindi alam nang manager at kailangan pa ma encode ulit ang phone number sa system. Kaya yun na ang ginawa ko kanina pinaencode ko na para bukas yun na ang madadala ko dahil kung hindi ay talak ang aabutin ko dito. [ Kuya, nasa police station ako.] Yan lang ang laman nang text na natanggap ko. Kinakabahan naman ako kaya dali-dali akong bumalik at nagtungo nang police station.Hindi ko ito matanaw sa labas. Kaya pumasok ako at nagtanong, ansabi naman nang isang police at guwardiya. Ay mukhang binugbog nang todo. At kasalukuyang iniinteroga sa loob.Kaya napatiim-bagang nalang ako sa narinig ko. Bumalik ulit ako sa motor ko sa isang sulok at matiyagang nag-aantay habang nagyoyosi. Isang oras mahigit ay may lumabas na mga police at inaalalayan nito si Evana. Naghihina, sabog ang buhok, putok ang kaliwang mata at kanang labi may hiwa sa braso at paika-ikang naglalakad. Napailing-iling nalang ako sa aking nakita hindi ko alam kong tao pa ba si Kuya sa kanyang ginawa. Kay bait ni Evana pero nagawa niyang abusuhin nang ganito napaiyak ako sa nakita di ko akalaing makikita ko sya nang ganito. Tumingin lang ito sakin na umiiyak. Ilang sandali lang sya naglakad ay parang nanlaylay na ang kanyang ulo at tuluyang bumagsak sa lupa. Ansakit sa pakiramdam na ang isang mahal mo ay nagkaganito ang sinapit hindi ako pwedeng lumapit.Natanaw ko kasi ang aking asawa na nagmamasid sa akin di kalayuan sa aking likuran. Dinaluhan naman agad nang mga police si Evana at sinakay na sa ambulansya agad kaya sinundan ko nalang nang tingin ang ambulansya papalayo. Kinuha ko ang aking phone at pasimpleng dinelete ang message tsaka tinext ko c Jack at binigay ang # ni Evana tsaka binura ko ulit. Matagal na itong nanghihingi nang number ni Evana, di ko lang binibigyan dahil nagseselos ako dito. May gusto din ito kay Evana alam ko dahil kaibigan ko ito at kilala ko na ito. Kaya lang ngayon kailan kong malaman ang kalagayan ni Evana. Saka ko tinawagan si Jack.Ilang sandali pa ay may sumagot na sa kabilang linya. " Bro, anong balita, kamusta kana Binigyan mo na ako huh bakit ngayon lang? bungad agad nito sakin. " Kailangan kita bro, tulungan mo ako, nabugbog si Evana nang asawa niya malala ang lagay niya tingin ko, hindi ako pwedeng lumapit bantay sarado na ako nang asawa ko, tinatrack down na nito lahat nang pinupuntahan ko sinusundan ako, kaya nga hindi ako nakauwi diyan, ayaw kong malaman niya na may bahay ako saming dalawa lang yan ni Evana, Asikasuhin mo nga pala ang paglipat nang bahay na yan sa pangalan niya. Yun nalang muna maraming salamat wag kana magreklamo babawi naman ako. Wag mo nga pala akong kontakin asawa ko may hawak nang phone ko. Antayin mo ako kokontak sayo. Sige bye " madaliang pagpapaalam ko kay Jack hindi paman ito nakakasagot ay pinutol ko na ang linya. At agad na nagpatakbo nang motorsiklo pauwi. " Tssskk... Bullshit ka talaga James, makulong ka sanang lintik ka!!! " tiimbagang na mura ni Ralph habang pauwi. Paano niya kaya makokontak si Evana nang ganito? Kailangan niya gumawa nang paraan alam niyang may tracking device ang motor niya hindi naman sya tanga para hindi iyon malaman. Pinacheck niya rin kung may audio recorder ba pero wala naman daw. Araw -araw niya chine check kung may nakakabit bang devices sa motor niya minsan nanghihiram sya nang motor sa kakilala para maiwasan ang pag track sa kanya nang asawa niya.Tuwing linggo niya itong ginagawa at inaabangan sa malayo si Evana na nagsisimba, maayos naman itong manamit palagi sa simbahan at kahit saan magaling itong magdala nang damit na babagay sa kanya.Pinagmamasdan niya lang ito saka inaalala ang memories na naiwan sa kanyang ala-ala at uuwi narin pagkatapos. Hanggang kelan niya tiisin ang nararamdamang ito.? Ayaw rin naman niyang mawasak ang pamilyang binuo nila ni Leve. Hindi niya ito mahal pero nirerespeto niya ito bilang isang babae at ilaw lang tahanan. Hindi niya ito napagbubuhatan nang kamay kahit kelan. Minsan nagagalit siya dito pero umiiwas na sya bago pa lumala ang away nilang dalawa. EVANA's POV....... Nagising ako sa isang hospital at nandito ang mga police sa gilid nahuli na nila si James at kasalukuyang nasa police station. " Makakalabas na po ba ako mam? Tanong ko sa isang babaeng police na maganda. Tumango naman ito at bukas daw ay pwede na akong lumabas at ihahatid nila ako kay Inay. Ginamot naman nila ang sugat sa aking braso at sa labi.Naiiyak na naman ako sa aking sinapit. Nahihiya na ako kay Inay. Wala na akong ginawa kundi bigyan sya nang kahihiyan at problema at ito pa, hindi ko akalaing sa sobrang pagtitiis ko ay ito lang ang sasapitin ko. Humihingos pa akong nagpahid nang luha nang tumunog ang phone ko. Unknown number is calling. ' Sino kaya ito ' bulong ko sa sarili. Sinagot ko naman agad at nagtanong. " Sino po sila? " maayos na tanong ko. " Si Jack ito, kamusta kana? Nabalitaan ko ang nangyari sayo, kanina pa nga ako tawag nang tawag, saan ka ngayon at pupuntahan kita " sunod sunod na sabi niya sa kabilang linya. " Okay lang ako, wag kana pumunta ayaw kong may lumapit saking lalaki, magsasampa ako nang kaso kaya baka makasama yun para sakin" pagpapaliwanag ko dito, ang totoo ay ayaw ko din itong makita. Na ganito ang itsura ko. Tsaka hindi ito ang gusto kong makita kundi si Ralph. Saan kaya sya ngayon. Nakauwi na kaya sya?. Minabuti ko nalang na wag nang guluhin pa ang buhay niya sapat na sakin na alam nito ang nangyari sakin. At baka pupunta pa ito doon sa bahay na tinitirhan ko. " So paano kita matutulungan niyan inihabilin ka niya sakin? Hindi sya makalapit sayo, wag mo narin syang I text dahil bukas na bukas daw ay asawa niya na ang hahawak nang phone niya. Bantay sarado na sya nito, tinatrack down na lahat nang pinupuntahan niya.. Hindi nanga rin sya nakauwi dito since na galing kayo rito, ayaw niyang malaman ang private house nyung dalawa, pinalagyan niya nga iyon nang mga pictures mo, Sana makapunta ka dito at may importante akong ibibigay sa'yo. " mahabang pagpapaliwanag sa kabilang linya. Kaya pala hindi na niya ako kinokontak mahigpit na pala ang mundo niya. " Sige, pagkatapos nang problema ko pupunta ako dyan, bye at salamat sa information " pagpapaalam ko dito.At agad na pinutol ang linya. Kinabukasan ay inasikaso ko na agad ang discharge paper para makalabas. Nang matapos ay tinawagan ko na ang police na nag asikaso sakin kahapon at sinamahan nila ako magsampa nang kaso. Sinali ko na lahat nang mga pang-aabusong natamasa ko. Madami kaming inasikaso paroon at parito nang matapos ang hapon ay nag request naman akong kukunin lahat nang gamit at paninda ko sa bahay na tinitirhan namin. Pagkatapos ay nagpahatid ako sa aming baryo. Wala namang reklamo ang naghatid sa akin naaawa din ito sakin at minsan naabutan ko pang napa iling iling nalang ito. Pagkadating namin ay agad naman akong dinaluhan nang dalawang bulilit na ito binigay ko kaagad ang treats na binili ko para sa kanila kawawa ang mga ito. Wala namang naging masakit na sinabi si Inay.Inaalo pa nga ako nito nang mangiyak-ngiyak kong kinuwento ang buong pangyayari. Naaawa naman ito at nangakong tutulong sa pag-aalaga nang mga bata.Kailangan ko kasing magtrabaho para samin. At ang mga paninda ko naman ay si Inay na ang bahala magtinda nun. Palagyan ko nalang nang maliit na tindahan sa may harapan. Kailangan ko ring mag file nang child support. Kailangan kong maging matatag para sa mga bata. Kawawa sila ganito na nga ang nangyari. Nasa Burol ako tanaw na tanaw ang puro puno sa aking paanan at malawak na kakahuyan sa likod nang aming bahay nagpapahangin dito ako pumupunta at umiiyak sa tuwing hindi ko na kaya ang bigat sa loob. Sampung araw na ang nakakalipas nang mangyari iyong trahedya sa buhay ko. Unti-unti narin naghihilom lahat nang pasa at sugat ko sa katawan. Pero ang sugat sa aking puso at damdamin ay habang buhay kong dadalhin. Kasali ang trauma na aking dinanas. Kailangan kong magpa check up minsan di ko rin kasi maintindihan ang aking sarili nahihilo ako minsan at nasusuka.Kailangan ko pang puntahan si Jack ano, kaya ang importanteng ibibigay niya sakin. *** KINABUKASAN **** Maaga akong nagising tulog pa ang dalawa kong bulilit. Kaya dahan -dahan akong kumilos at gumayak. Saka nagpaalam kay Inay na aalis. Maghahanap ako nang trabaho. Yun ang paalam ko pero pupunta ako ngayon kay Jack aalamin ko kung ano ang ibibigay niya saking importanteng bagay. Nang makarating ako sa highways nang kanto papasok sa kanila ay agad akong bumaba nang bus. Tanaw na tanaw ko di kalayuan ang kanyang pigura. Nag-aantay at nagyoyosi na nagmamasid sa buong paligid at palinga-linga. Maglalakad na sana ako papunta sa kanya nang bigla akung naduduwal kaya tumakbo ako sa gilid at nagsususuka. Hindi ko maintindihan, hindi naman air-conditioning bus ang sinakyan ko.Nang mapansin niya ako ay dali-dali syang pumunta sa kinaroroonan ko at hinimas-himas ang likod ko sabay abot nang wipes at tissue. " Okay ka lang ba?, grabe ang payat mo na ahh" tanong niya sakin na may kasama pang judgment. " Okay na ako, saan ba tayo pwede mag-usap nagmamadali ako eh" panimula ko dito ayaw ko kasing magtagal at maghahanap pa ako nang trabaho. " Sumama ka sakin doon tayo mag-usap sa private house niyo" aya nito sakin. Nagdalawang isip naman ako kung sasama pero sa huli sumama narin ako at mapilit ito. Pagkarating namin doon ay ganun parin kaganda ang bahay meron na itong lights na halatang dinisenyuhan kahit hindi ito umiilaw dahil umaga pa naman nakakatiyak akong maganda ito tuwing gabi. Naglilibot libot muna ako. Nakakamangha parin. Meron narin itong maliit na fountain sa may hardin. Pumasok ako sa loob nang bahay ganun parin ang ayos. Pansin ko rin ang mga pictures ko na nakasabit at nakalagay sa cabinets display, meron din kaming pictures dalawa ni Ralph na masayang nakangiti pareho habang magkayakap. Kinuha ko ito at hinaplos haplos nang paulit -ulit. Kaya di ko namalayan na pumatak bigla ang luha ko sa frame na hawak ko. " Miss mo sya?? " tanong ni Jack habang tahimik na nagmamasid sakin. " Sobra " tanging nasagot ko sa kanya.Nagpatuloy ako sa kwarto namin sana. Nagulat pa ako nang makita ang paintings sa taas nang aming higaan. Ako ito nung unang araw ko rito at iniwan ako ni Ralph. " Ikaw ang kumuha niyan ano? " deretsahang tanong ko sa kasama ko. " Wag kang mag-alala naidelete na yan saka utos yan ni Ralph na gawing paintings " natatawang sabi niya.At tumalikod palabas.Kaya pala nakangiti syang tumingin sa kanyang phone noon. Bumalik naman ito at may bitbit na isang brown envelop. " Halika muna sandali dito tayo sa sofa " yaya niya sakin. Sumunod naman ako dito.At naupo sa may sofa. " Ito yung importanteng ibibigay ko sayo, binigay na niya sayo ang lupa at bahay na ito, sayo na ito nakapangalan utos niya yan sa'kin " paglalahad niya sakin. Mapait naman akong ngumiti at tumayo. " Aanhin ko naman ang bahay na'to? kung hindi ko naman sya makakasama dito at magkasama kaming bumuo nang pamilya " Napasinghap pa ako sa huli. " Ito pa isa " sabay abot sa'kin nang isang jewelry box na mahaba. Binuksan ko ito at tinignan isang gold necklace ang laman nito na may pendant na nabubuksan at may pictures naming dalawa. Dun na ako naiyak nang sobra.Ganito niya ba talaga ako kamahal?. " Tsaka ito ang last " sabay abot sakin nang isang envelop. Binuksan ko ulit ito at tinignan.Isang bungkos na pera ang laman. " Utos niya na wag mo nang tanggihan dahil gusto niya na hindi ka mamroblema sa pera habang hindi ka pa nakahanap nang trabaho., tsaka last na daw yan na magagawa niya para sayo, kasi pati bank accounts niya ay binabantayan na ni Leve " ma-awtoridad na sabi niya. Tumatango tango nalang ako. Tinanong pa niya ako sa mga nangyayari at sinabi ko naman lahat. Napailing nalang sya nang marinig lahat. " Isa lang yung hindi niya ginawa, sa akin sa loob nang tatlong buwan mahigit, yung paghahalay niya sakin minsan, mula nong bumalik sya galing CDO, hindi na niya ako ginalaw o binaboy " naluluhang sumbong ko kay Jack na napati-imbagang sa narinig. " Kaya nga hindi ako makapaniwala na mamahalin ako ni Ralph nang totoo" mapait na sabi ko sa kanya. Totoo naman talaga hindi ko inakala na ganito yung pagmamahal na ibibigay niya sakin. " Hmm yung kaibigan ko baliw na baliw yun sayo, pati nga sa akin pinoprotektahan ka kundi lang yun bantay sarado malamang tumalima na yon papunta dito.. " saad naman niya na may halong halakhak saka biglang nagseryuso na naman. "Pwede ba dito muna ako hanggang bukas? Paalam ko sa kanya. "Aba! Ikaw na ata ang may-ari nito di mo na kailangan magpaalam pa" pagkokorek niya sakin. Nagpaalam na ito. At babalik nalang daw sya pagnakaluto na siya. Naiwan naman akong tulala sa isang tabi habang hawak hawak ang tatlong bagay na inihabilin niya sakin.Binuksan ko ulit ang jewelry box at kinuha ang kwentas nang may mahulog sa sahig na maliit na bagay hinanap ko ito. Singsing pala na may nakakabit na note. Engagement ring ito. Isuot mo love. Bawal kana papaligaw sa iba. I love you. Miss you so much. You're mine forever baby. Laman nang note na nakalagay sa singsing sinuot ko na ito at kasyang kasya lang naman sakin. Isinuot ko narin ang kwentas. At tinago sa bag ang pera saka ako nagtungo sa silid bitbit ang isang envelop. Binuksan ko naman ang secret drawer nang kama at nilagay ang envelop doon. Tinuro niya sakin ito noong huli kaming naparito binigay naman sakin lahat ni Jack ang mga susi dito. Kesyo may duplicate naman daw sya at bilin sa kanya ni Ralph na bigyan ako nang susi. Nang tumayo ako ay bigla nalang ulit akong nahihilo at naduduwal. Kaya kumaripas ako nang takbo papuntang lababo nang banyo. At nilabas lahat nang gustong lumabas pero wala naman akong naisuka kundi puro laway lang. Agad na akong naghilamos at lumabas. Humiga nalang ako dahil sa pagod. Di ko na namalayan na nakatulog pala ako nang matagal. Paggising ko ay Ala una na pala nang hapon. Tumayo na ako at lumabas para uminom nang tubig nang maabutan ko si Jack na nahiga sa sofa. Agad naman itong lumingon at tumayo nang marinig niya ang pinto na bumukas. " Buti naman gising kana, may hinanda akong pagkain sa kubo, dun na tayo kumain " aya niya sakin. Tumango naman ako at sumunod na sa kanya gutom na rin kasi ako. Kunti lang nakain ko kaninang umaga.Hipon at adobong manok ang ulam. Kaya naghugas na ako nang kamay sa may maliit na lababo at umupo na. Susubo na sana ako nang naduduwal na naman ako. " Ang baho nang hipon J-jaack Wwooooooo, ilayo mo... wwoooooo" sigaw ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya habang inilalayo ang hipon. Naghilamos ako at naupo ulit na namumula ang pisngi. " Ano bang nangyari sayo? " tanong niya sakin na naguguluhan. " Di ko nga alam ehh " sagot ko sa kanya. At saka nagsimulang kumain natatakam kasi ako sa adobo.Kaya mabilis akong kumain nang kumain at kumain. Pinapanood naman ako ni Jack na inubos yung adobo. Pagkatapos ay naghugas nang kamay at bumalik sa pagkakaupo. Natigilan naman ako dahil kunot-noo niya akong tinignan. Saka ko lang na realized na wala na palang ulam. " Hala pasensya na k-kasi gutom ako ehh hehehe " ngumiti naman ako nang malawak at nag peace sign. " Buti nalang hindi ko tinapon ang hipon kundi wala akong uulamin ngayon " napatawa nalang din sya saka bumaba at kukunin na sana ang hipon na nilagay niya sa ibaba. " Teka lang aalis muna ako ang baho niyan " Kaya tumakbo ako papasok nang bahay at dumeretso sa banyo para mag brush nang ipin. Pagkatapos ay lumabas ako na tinignan sya sa kubo tahimik lang itong kumakain at napatingala saglit habang sumusubo. " Sssttt okay ka kalang? Sorry " tawag ko dito at nag peace sign na agad namang lumingon at ngumiti. " Alam ko na anong nangyayari sayo " sigaw nito pabalik. " Ano? " diko sasabihin inubos mong ulam. " May natira pa naman ahhh " pangangatwiran ko dito.Hindi na ito nagsalita at tinapos ang pagkain saka iniligpit lahat nang pinagkainan. " Teka ako na jan " presenta ko habang humahakbang papalapit. " Sige lumapit kapa at nang maduwal ka na naman nitong balat nang hipon " nakangiting wika nito. Napaatras naman ako at lumayo dito. Naglibot libot nalang ako sa likod bahay wala na ang tanim na kamote at may bakod narin nakapalibot dito. Mag aalas-tres na pala nang hapon.Naaliw naman ako sa paglilinis nang fountain. Pagkatapos ay tumayo ako sa may di kalayuan nang mapansin ko ang daan. Papuntang burol may daan pala papuntang tagaytay, kaya dahan dahan kong binaybay ang daan namangha naman ako sa ganda mahangin din doon kaya nililipad nang hangin ang buhok ko. Narelax naman ako sa tanawin. Sandali pa ay tumayo na ako at bumalik sa bahay. Saka dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay lumabas ako para kumuha nang t-shirt ni Ralph at isang cycling na naroon nakalaan sakin. Pagakatapos ay lumabas ako at pumuntang kusina nang madatnan ko si Jack.Na may inihandang gatas at banana cue. " Grabe naman para kang multo nakakagulat ka " pang-aasar ko dito. " Di ka nalang magpasalamat sakin at inaalagaan kita " inis nitong sagot. " Salamaaatttt " pang-iinis ko lalo dito saka inabot ang gatas at ininom ang kalahati. Kumain din ako nang banana cue at inubos ito. Habang si Jack ay abala sa pagsasaing nang kanin at nagluto nang pansit. " Hmmm bango " sabi ko dito. Nagulat at napakunot na naman ang noo niyang tumingin sakin habang pinapapak ang kahuli-hulihang banana cue. " Ohh bakit? Mabango naman talaga ah" nagtatakang tanong ko dito. " Inubos mo na naman ang meryenda, di ka man lang nagtira nang isa, anim yun eh, anim yun " naiinis niyang wika. " Akala ko ba kumain kana, ang bagal mo kasi ikaw ang nag handa dapat ikaw yung unang nakakain, soooryyy again " pang-aasar ko na naman dito at nag peace sign uli sa kanya bago tumalikod palabas nang bahay.Iwan ko ba natatawa ako kapag naaasar ito.Dumeretso ako sa kubo at naupong nakabaluktot habang nakalungay ang straight at sobrang itim kong buhok na lagpas 'gang beywang. Paano ko kaya haharapin ang bukas nang mag-isa. Hindi ko pwedeng iasa sa iba ang kinabukasan naming mag-ina. Mula ngayon Apat nalang kami ni Inay. Ako na ang haligi nang tahanan at inaasahan nilang tatlo. Napatingin nalang ako sa kawalan at sinandal ang ulo sa aking tuhod. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon. May binigay namang pera si Ralph, uoh at maisalba nun ang ilang buwan naming pangangailangan pero paano ang sa mga susunod na mga buwan. Paano na kami kung hindi ako makahanap nang trabaho. Ano namang trabaho ang papasukan ko. Hindi nga ako nakatapos sa koleheyo. " Ano na naman ang iniisip mo? " tanong ni Jack at naupo sa kabilang dulo. " Kailangan ko maghanap nang trabaho, saan naman ako maghahanap? Di nga ako natapos sa aking pag-aaral sa koleheyo. " nababahalang wika ko dito. " Dapat nga at apat na ang bubuhayin mo sa ngayon,pang lima kana don" tugon niya naman.Napabilang naman ako sa aking daliri. " Sobra ka naman! Di ka ba marunong magbilang ako si Inay, at ang dalawang bulilit apat lang bakla, apat lang " sabi ko naman dito na binibilang pa ang kamay ko.Natawa naman ito sa sinabi ko at biglang nainis. " Baka naman gusto mong subukan ang pagkabakla ko? sagot nito na may malawak na ngiti. Napaawang naman ang bibig ko nang maalala ang sinabi ko. " Subukan mo lang at isusumbong kita kay baby loves ko. " pagmamalaki ko dito na tumayo at naka pameywang pa.Natawa naman ito at tumahimik na lang. Kaya napaupo nalang ulit ako at nag-iisip. " Jack? " pukaw ko sa katahimikang bumabalot samin. " Oh, bakit? " tanong naman nito na lumingon pa sakin. "Pwede bang bakla nalang tatawag ko sayo? Mas komportabli kasi ako dun eh" nakangiti at naningkit ang mata na sagot ko.Tumango naman ito at muling nanahimik. Kaya nanahimik nalang din ako at baka totohanin nito ang sinabi na ipapatikim niya sakin ang pagiging bakleta niya.Maya-maya pa ay tumayo na ito at bumaba sa kubo. " Halika na, bakla at tayoy kakain na " bigla itong nagwika at kumakaway pa ang kamay na may pilantik sa hangin. Agad naman akong napahagalpak nang tawa dito. Nanonood lang ito sakin na tumawa ako nang tumawa. Nanakit ang tiyan ko kakatawa kaya bumaba na ako inalalayan naman niya ako pababa. At sabay kaming pumasok sa loob may pa rampa pa itong ginawa nang makarating sa kusina at ayon tumawa na naman ako nang tumawa. " Tama na bakla sakit na nang tiyan ko eh "reklamo ko sa kanya na. Pinanood ko nalang sya na isinalin sa pinggan ang pansit at walang natira sa pan.Saka sinunod ang kanin at dalawang plato at kubyertos nilagyan pa ako nito nang tubig nang makita niya akong kumain na nang kumain at nagkakamay. " Ang sarap bakla, sarap mo magluto ah" papuri ko sa kanya habang nahihirapan sa pagbigkas nang sinasabi.Hindi pa ito nagsimulang kumain dahil naghihiwa pa ito nang prutas na mangga habang may pinapanood sa kanyang phone. Pasimple din ako nitong sinusulyapan, wala naman akong pakialam sa ayos ko dahil bakla naman ito nahihiya lang umamin nakapatong pa ang isang paa ko sa isang upuan at parang gutom na gutom kong kumain. Iwan ko ba napapansin ko rin na ang lakas ko nang kumain.Kaya di ko naman napansin na naubos ko na naman ang pansit na ulam. Sabay lagok nang isang basong tubig " Dahan dahan naman " babala niya sakin.Sabay abot nang mangga. " Ayos ka rin ano, para kang tambay kong kumain bruha ka " saway niya sakin at nagsimula nang magsandok nang kanin. Natigilan naman ako nang wala nang ulam na natira. Kaya tumingin ako sa kanya na tumayong nakangiti at pumunta sa cabinet may kinuha at inilahad. " Charaan, akala mo ha mauubusan mo pa ako, no way " tagumpay naman itong napangiti at nagsimulang kumain. "" Ayon natuto kana rin ano? " tanong ko dito habang kumakain nang mangga. "Bakla, baka naman may alam kang trabaho na pwede kong pasukan, kahit ano game ako dun" pakiusap ko dito di ko naman lubusang kilala ito ay may tiwala naman ako dito. "Tignan ko kung may mahanap ako update nalang kita" sagot naman nito habang tumayo at nagsimula nang magligpit nagpresenta ulit akong mag hugas pero nagpumilit ito na sya nang gagawa. At tinaboy na ako papasok nang kwarto para magpahinga maaga daw niya ako ihahatid bukas. At sa sofa nalang sya matutulog may banyo namang isa sa kusina.Kaya tumalikod na ako at nagpaalam saka pumasok sa silid at naglock mahirap na ayaw ko rin makatabi ang baklang yun.Naghilamos lang ako at nag brush nang ipin. Saka napunas at pasalampak na nahiga sa kama.Dahil sa presensya ni Jack ay naibsan naman kahit papa'no ang pangungulila niya dito. KINABUKASAN..... "Bakla gising na " yugyog ko kay Jack na mahimbing na natutulog. Agad naman itong nagmulat at napabangon kaagad.Alas-singko na nang umaga. Nagtungo ito sa banyo sukbit ang bagpack at paglabas ay naka postura na ulit mabilis lang pala maligo ang baklang 'to. Agad ko namang kinuha ang na ready kong dadalhin nagdala narin ako nang dalawang t-shirts ni Ralph. Hinatid ako nito sa sakayan papunta saming baryo kaya maaga akong naka-uwi.Meron din itong binigay na grocery. Kasalukuyan na akong nag-oorganized nang aking mga damit mula sa bagahi mula nung nag-alsa balutan kasi ako ay hindi ko pa nalalagay ang ibang gamit ko sa lagayan. Napaawang naman ang aking labi nang makita ko ang dalawang paketeng napkin na walang bawas. Kaya pala naduduwal ako at nahihilo may laman ang tiyan ko? Napapangiti naman akong umiiyak at dinial ang numero ni Jack. " Bakit may naka limutan ka ba? " tanong nito sakin. " Bakla buntis ako!! Magkakaanak na kami ni Ralph!! " napatili pa ako nang sabihin ang huling linya. "Sabi ko naman sayo eh, nagamit mo ba lahat nang PT na binili ko?" tanong ulit nito. "Anong PT wala akong ginamit na PT bruha" pagtatalak ko dito. "Gaga eh pa'no mo nga nalamang buntis ka? Gamitin mo muna yung apat na binili ko para confirm saka ka ulit tumawag intyendes? " at binababa na nito ang call. Dali-dali naman akong nagtungo sa kusina at naabutan si Inay na inililipat sa cabinet ang lahat nang pinamili ni Jack.Pasimple ko namang kinuha ang PT na nakabalot sa supot at isang chocolate.Tumakbo naman akong pumunta nang banyo at nag PT. Saka inantay ang result. Confirm nga dalawa ang guhit.kaya tinext ko agad si Jack para ipaalam dito.Nag congrats naman ito sa amin ni Ralph.Pinaalam ko naman kay Inay ang kalagayan ko at natuwa naman ito.Iniidolo ko ang Nanay ko #1 karamay ko ito. At hindi ako nakarinig nang panghuhusga dito.Kaya napakaswerte ko parin sa aking ina. Bumalik ako sa aking ginagawa at pinagpatuloy ito.Di ko naman maiwasang haplusin ang impis kong tiyan na may laman. Ngunit hindi galing sa taong nagpasakit sakin.Kundi galing na sa taong labis kong Mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD