Kabanata 07. MAGANDANG REGALO.

1039 Words
RALPH's POV.... Tatlong buwan na ang makalipas mula noong mabugbog si Evana. Nanggagalaiti parin ako sa galit tuwing maalala ang sinapit niya. Nandito ulit ako sa burol nang aking area.Kita ko ang damuhan at kakahuyan sa aking paanan. Nilabas ko ang bago kong bili na phone mumurahin lang naman ito kaya kung itatapon ko man ay hindi naman masyadong nakakapanghinayang. Noong isang araw lang ito kaya agad ko nang dinial ang numero ni Jack. "Hello sino ' to? " baritonong boses nito ang sumalubong sa akin. " Ako to, Bro anong balita bro? May balita ka ba kay Evana? Ano kamusta na siya? " sunod -sunod na tanong ko sa kanya. "Isa -isa lang Bro, ano ba! Una okay lang naman sya, sinunod ko lahat nang gusto mong mangyari pero Bro, malapit na maubos ang pasensya ko Bro, alam mo ba anong tawag niya sakin? Bro! Bakla Bro, tinawag akong Bakla! Sinasakyan ko nalang at nang mapalagay ang loob niya sakin" mahabang paliwanag ni Jack sa akin loyal kasi sya sa kaibigan at maasahan syang kaibigan. Kaya para kay Ralph ay isa itong mapagkakatiwalaan. " Tapos Bro ano nang balita sa kanya? nakahanap naba sya nang trabaho? "Sunod na tanong niya dito. "Hindi pa Bro, hindi sya pwedeng magtrabaho. May account kaba ngayon? Ipapadala ko yung mga pictures niya" malungkot na sabi ni Jack kaya nagtataka sya dahil ansabi nito kanina ay okay lang naman sya agad naman niyang binigay ang kanyang dummy account na ginawa at nag-antay maya'maya pa ay nakatanggap na ako nang notif. Agad ko naman itong binuksan. Laking gulat ko sa aking nakita na napaawang pa ang labi . Sabay titig sa babaeng mahal ko na hawak ang may kunting umbok sa tiyan nito.Marami pa ang pictures na pinadala ni Jack pero pinagpaliban ko muna ito at denial uli ang kaibigan ko naguguluhan akong napaupo sa damuhan.Nang sumagot ang kabilang linya ay agad na akong nagtanong. " Bro? Kanino yung dinadala niya?" Napapadyak pa ko sa isiping pano kung hindi akin yun. Masasaktan na naman ba ako? " Bro, congratulations sa'yo nga daw, ayun sa kanya mula nung maging kayo ay ikaw lang ang nakagalaw sa kanya, kasi yung asawa niya ay hindi na sya ginagalaw mula nung umuwi ito galing CDO" saad nang kaibigan ko sa kabilang linya. " YES!!! " napatalon at napasigaw naman ako dahil sa walang pagsidlan na tuwa. Sobrang saya ko sa panahong ito. Na magkakaanak ako sa taong labis labis kong minamahal. " Bro, limang buwan na ang anak mo sa sinapupunan niya, buti nalang at madiskarte din naman yang chicks mo, at di pa naman daw nauubos ang perang binigay mo, pero nahihirapan sya sa kanyang sitwasyon Bro, naawa na ako sa kanya pinupuntahan ko nalang sa kanila dinadalhan ko nang groceries yun naman ang gusto mo di ba? ayaw niyang tumira sa bahay nyo at maaalala kalang daw niya, Bro ang hirap na magpanggap na bakla tuwing pupunta ako sa kanila akala din nang Nanay niya bakla ako..minsan Bro tinatawag niya akong Ralph.. hinahayaan ko nalang. Ang lakas ngang kumain Bro.. ano nang plano mo ngayon Bro? usisa nang kanyang kaibigan. " Madiskarte naman talaga yan Bro, Tiisin mo na muna.. Kailangan ko pa nang kaunting panahon. Bro sa totoo lang naguguluhan ako, gusto ko na syang puntahan pero di ko magawa magpupuslit parin naman ako nang pera kung makakaya ko na lakihan, lakihan ko din tell them bro, How much I love them at pakisabi sa kanya maraming salamat sa binigay niyang regalo sakin.Maraming salamat Bro andiyan ka para samin " mahabang litanya ko sa kaibigan. Naguguluhan lang ako sa sitwasyon. Pero sobrang saya ko sa magiging anak namin.Pumikit nalang ako at Inaalala ko nalang yung mga happy moments naming dalawa. Hindi yun mapapantayan nang kahit ano.May mga anak naman kami ni Leve. Pero iba yung pakiramdam at saya ko na magkakaanak ako sa babaeng mahal na mahal ko. " Masusunod Bro, saka sana bilis -bilisan mo nang eresolba yang problema mo sa asawa mo, nga pala Bro pupunta yun dito ngayong katapusan baka makasaglit ka man lang dito ipapacheck-up ko sila" utos nang kaibigan ko. " Sige Bro titignan ko kung makaka batsi ako wag mo lang sabihin sa kanya hindi pa naman ako sigurado baka malungkot pag hindi ako natuloy makakasama pa naman sa kanya ang umiyak, ingatan mo muna ang mag-ina ko Bro hah ikaw nalang inaasahan ko. " pasalamat at hiling ko sa kanya. Maya-maya pa ay nagpaalam na ako dito. At binaba ang tawag. Saka binalikan ang larawanng pinadala ni Jack sa akin.Isa-isa ko itong tinitigan at hinahalik-halikan. Medyo tumaba na ito pero ang ganda parin. Miss na miss ko na ang aking magiging mag-ina Napahagulgol nalang ako na nakaupo sa damuhan.Napako ang tingin ko sa huling larawang pinadala ni Jack. Na may message sa baba na nakasulat. Bro sobrang pagtitiis ang ginawa ko diyan at nasasaktan ang alaga ko niyan. Kaso meron nang ikaw kaya marami kang utang sakin. Napatawa nalang ako sa kanyang huling sinabi at tinitigan ang larawan. Naka baluktot nang upo si Evana sa, kubo na nakatingin sa malayo at nakalungay ang buhok nito habang suot ang black t-shirt ko at cycling shorts na binili ko para sa kanya. Dahil naka shirt lang ito at nakabaluktot ay lantad na lantad ang makinis at maputi nitong hita. Kaya pala ganun na lamang ang reklamo ni Jack sa akin. Alam kong gusto niya rin si Evana pero, sorry niya, akin lang sya. Maganda naman talaga ito hindi lang nagaayos. Dahil simple lang itong manamit. At yun ang gusto ko walang arte.Hindi ito katulad nang ibang babae na halos ma puno nang kolorete ang mukha. Minsan ganun nga din si Leve.Naglalagay nang kung ano-ano. Pero hindi niya pwedeng ikumpara ang dalawa. Kailangan kong ipagtapat dito na may anak ako kay Evana . Kailangan ko siyang hiwalayan. Magsusuporta naman ako sa kanya. Si Evana lang mahal ko sya lang papakasalan ko. Siya ang babaeng dadalhin ko sa altar.Wala nang iba. Humingi naman ako nang payo kay Nanay Silva, ito yung nagiging payo niya pinagtapat ko kasi sa kanya ang totoong ako. Mali man daw sa paningin nang iba pero sa ikakasaya ko, namin ay ang makalaya sa tinatago naming lihim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD