Kabanata 08. MULING PAGTATAGPO.

3174 Words
EVANA'S POV... Malaki na ang umbok nang tiyan ko. Mag-aanim na kasi ito.Minsan nahihirapan akong damputin ang mga bagay -bagay sa sahig. Kapag nagkakalat nang laruan ang dalawang bulilit ay winawalis ko nalang para itabi minsan kasi nalilimutan nilang iligpit ito. Malaki na man na sila alam na nila magligpit nag-aaral na nga. Kaya lang minsan talaga bumabalik sa pagiging bata. Matapos kong magligpit ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Ako lang mag-isa ngayon pupunta naman dito si Jack para kukunin ako nagpaalam muna ako kay Inay na doon muna ako sa private house para magpacheck-up alam na nito ang lahat wala akong tinago kay Inay. Hindi naman kami pinapabayaan ni Jack, at lalo na ni Ralph alam ko rin sa kanya galing yung mga binibigay ni Jack sakin. Sinasabi din naman ni Jack iyon kaya nagpapasalamat ako lagi sa Panginoon na kahit marami akong kasalanan ginagabayan at binibigyan niya parin ako nang mga taong di ako kayang pabayaan. Matapos kong maligo ay agad na akong nagbihis nang maluwang na bestidang itim simply lang ito at plain cut at hapit sa aking katawan kaya humuhulma parin sa aking likuran ang hubog nang aking katawan. Nag ready narin ako nang aking mga dadalhin inuna ko na yung mga gatas ko at vitamins tugon daw ito ni Ralph na bilhan ako nang mga ito. Para malusog ang aming magiging anak. Masaya narin ako kahit papano na nag-aalala ito para samin.Kahit hindi ko ito kasama ay ramdam ko parin ang pag-aalaga nito sakin sa pamamagitan ni Jack. ----Beepppppp --- Maya maya pa ay bumusina na si Jack sa labas.Mula noong buntis ako ay isang mamahaling sasakyan na ang ginagamit nito sa paghatid sundo sakin. Hindi naman ako nag-uuusisa kong sa kanya o ano. Basta nagtitiwala naman ako sa kanila ni Ralph. " Andyan na " sigaw ko dito nang matanaw kong bumaba ito at sinara ang pinto nang sasakyan. " Dahan-dahan naman! Ikaw para kang hindi buntis kong kumilos " protesta nito nang binilisan ko ang pagkilos. Sinarado ko na lahat nang pinto at bintana saka chineck kung may nakasaksak pabang gamit na naiwan. Nang matiyak ay lumabas na ako sa frontdoor at ni-lock ito. " Aba! Bakla ang hot mo parin kahit buntis kang bruha ka! " tili nito na parang ngayon lang ako nakitang nagsuot nito gayong ilang beses ko nang nasuot to. Nilabas nito ang phone at pinapose pa ako saka kinuhanan ako nang larawan.Pagkatapos ay inakay na ako nito pa akyat nang sasakyan. At pumasok na rin sya sa driver seat. At nag drive papaalis. Abala naman ako sa aking phone may mga orders kasi nang biko at suman kaya inasikaso kong e-intertain ang mga ito. Isa ito sa mga sideline ko. Minsan malakihan pag maramihan pero minsan ay kakarampot lang din ang kita ko. Pero ayos lang naman yun.May naiipon naman ako kahit papaano dahil unti-unti namang naibebenta ko lahat nang Rtw's na naiwan at meron nga nagpupunta sa bahay at doon na sila bumibili. " Saan nga pala si Tita? "usisa nito na sinulyapan pa ako. " May importante lang pinuntahan " tipid na sagot ko. Nanahimik na man na ito at nag focus sa pagmamaneho.Kaya minabuti ko nalang din na sumandal at ipikit ang aking mata muna habang nasa byahe. Hindi kasi ako nakatulog masyado kagabi x2 ang kalikutan nang batang dala-dala ko. Naalimpungatan ako nang may dampi nang halik sa Noo ko. Kaya napamulat naman ako. Pero wala naman pala. Si Jack lang pala na niyuyugyog ako para magising ako. " We're here na " sabay ayos sa buhok ko na nagkalat sa mukha ko. Hinayaan ko lang naman ito dahil sanay na ako dito. Palagi din nitong sinasabi na utos ni Ralph alagaan ako.Bumaba ito nang sasakyan at umikot papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto. Saka ako inalalayan pababa. Isinukbit nito ang shoulder bag na dala ko at hinawakan akong mabuti papasok nang clinic. Agad naman kaming inasikaso dito nalang din daw ako manganganak sabi ni Jack. " Congratulations Mrs. Kambal ho ang anak mo " wika nang Doctora matapos nitong tignan at suriin ang aking tiyan. " Ho! " napanganga naman ako na tumingin kay Jack na nagulat din sa sinabi nang Doctora. " Twin po sila Mrs. kaya ganyan kalaki ang tiyan mo kahit anim na buwan palang yan bukod sa malalaki at malulusog sila ay maayos din ang posisyon nang kambal sa loob, kaya wala kang magiging problema sa pagdedeliver nito " mahabang eksplenasyon nang Doctora. May ilang mahahalagang bagay din itong ibinilin at sinabi na pwede at hindi pwede kong kainin. Mangiyak ngiyak naman akong napahawak kay Jack. Matapos naming makalabas nang clinic. Binigyan naman ako ni Jack nang tubig at pinainom. " Tayo na sakay ka muna, uwi na muna tayo sa private house " yaya ni Jack sakin.Nagpatianod nalang ako shock parin ako sa sinabi nang Doctora pa'no naman magiging kambal 'to? Wala kaming lahing ganun. Ibig sabihin nito doble din ang gastos nang iluluwal ko. Hanggang sa makaabot kami sa private house ay yun parin ang nasa isip ko. Tulala parin akong naglalakad papasok nang bahay, hinihimas - himas naman ni Jack ang likod ko para kumalma ako. Nangako naman ito na hindi kami papabayaan. Pinaupo niya ako sa sofa at kumuha nang malamig na tubig. Nakatingin lang ako sa labas nang bahay na tulala. Masaya naman ako at kambal ang anak ko pero hindi ko kayang mag-isa ito. Dahil sa lalim nang aking pag-iisip hindi ko napansin na may taong nagmamasid din sakin mula sa pintuan nang silid. Akala ko si Jack ito pero nang maamoy ko ang pabango nito nang lumapit sa'kin ay natauhan ako. " Oh baby! Na miss kita " garalgal na sabi niya sabay yakap sakin. " Ralph? Andito ka? Nagpakita ka? " gulat na sambit ko dito habang gumanti nang yakap na mahigpit na mahigpit.Tumatango-tango lang ito sa'kin at pinugpog ako nang halik nito saka hinalik halikan sa labi. Lumuhod ito sa harapan ko at hinimas himas ang aking umbok na tiyan. Saka dinampihan nang halik. At kinakausap ang nasa loob. " Love na love ka ni Daddy baby liit, be good sa tummy ni Mommy ha! Wag mo bigyan nang sakit si Mommy " sambit nito na nakikinig sa aking umbok na tiyan agad naman itong sumipa sipa nang marinig nila ang tinig nang Daddy nila. At masayang masaya naman si Ralph na makilala sya nang kambal. " Kambal sila love " pagtatapat ko dito. Nagulat naman ito at lalong nagningning ang mga mata. " Ohh God! Really? Thank you baby, binigyan mo ako nang kambal, I love you soo much, di kita pababayaan pangako yan ibibigay ko sayo lahat hanggang sa kaya ko, hindi nga lang kita maalagaan sa ngayon" nalungkot naman ito sa huling sinabi.Napanatag naman ako sa pangako nito. " Okay lang yun love, ramdam ko naman ang pag-aalaga mo sakin, Na miss kita " sabi ko sa kanya na nakangiti at naglalambing. " Miss you too love di mo lang alam gaano ako nagtitiis na hindi ka puntahan umiiwas lang ako sa gulo baka kung ano ang gawin niya sayo kapag na tunton ka niya" pagpapaliwanag nito. Napatango nalang ako at yumakap ulit di ko akalaing magkikita pala kami ngayong araw. Samantalang si Jack naman ay abala sa kusina. Nagkwentuhan habang nagyayakapan kami ni Ralph. Masayang masaya akong kinukwento lahat nang masayang karanasan ko sa pagbubuntis sa kambal.At malungkot naman tuwing nahihirapan ako dito. Kinuwento ko na lahat. Tumawa pa ako nang maalala at kinuwento ang pagtawag ko nang Bakla kay Jack. Mayat-maya naman ay hinahalikan ako nito at kinakausap ang tiyan ko habang hinahaplos haplos. Sinusulit nito ang bawat oras na kasama ako kami nang magiging anak namin hindi ito nagsasawa kahit ilang oras na kaming nakaupo sa sofa na magkatabi at nakasandal ako sa kanya. Hindi din ito nagrereklamo na nabibigatan sya sakin. Nabanggit nito sakin ang planong hiwalayan ang asawa niyang si Leve pero tumutol ako dito. Sinabi ko sa kanya na hayaan nalang niyang si Leve ang mag give -up sa relasyon nila dahil pag ginawa niya yun ay magiging masama siya sa paningin nang mga bata. Alam ko kasing malalaki na ang mga anak nito at may malay narin lalo na ang anak nitong panganay. Kaya mali para sakin na gawin niya iyon.Hindi na kami pwedeng magdesisyon basi sa bugso nang aming mga damdamin. May anak na kami na dapat isaalang alang ang kanilang kapakanan. Naiintindihan naman nito ang ibig kong sabihin. Pero nalulungkot ito sa aking pagtutol. Inulit ko naman ang sinabi ko sa kanya. Ayaw kong dahilan nang paghihiwalay nilang dalawa. Ayaw kong maging homewrecker. Kahit papaano ay dapat piliin niya parin ang mag stay sa kanila. Kahit kami ang nahihirapan. Dahil sila ang nauna niyang pamilya. Napayakap nalang ito sa mga sinabi ko. Kahit tutol ito at hindi sang-ayon ay hindi nito pwedeng suwayin ang mga sinabi. He dare not to. Dahil mahal na mahal niya ako. Nagkukwentuhan pa kami at nag-iisip nang mga pangalan. Hindi pa namin alam ang gender sabi nang Doctora ay sa ikapitong buwan nalang nito para sigurado na at clear na sa monitor ang kasarian nito. May napagkasunduan naman kaming pangalan dito.Para sakin sapat na rin ang araw na ito para maging masaya ako buong pagbubuntis ko hindi man sya palaging nasa tabi ko ay kasama ko naman siyang nagpaplano sa maging mga pangalan nito.Humihikab na ako pero tuloy lang kami sa pagkukwento. Hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa kanyang dibdib. RALPH 'S POV..... " Bro, tulog na yan ilagay mo na muna sa kama"Utos ni Jack sakin. Umiiling iling naman ako. " Hayaan mo na Bro, ngayon lang kami nagkasama ulit " tugon ko naman na napangiti at hinaplos haplos ang buhok nang Asawa ko. Mula noong minahal ko ito. Asawa na ang tingin ko dito. Kahit sabihin man nang iba siguro na nabaliw ako ay wala akong pakialam asawa ko ito. Mahal ko 'to sobra. " Ang swerte mo naman Bro, nakadalawa kana agad " masayang turan ni Jack sakin. " Uoh nga eh ganun talaga kapag mahal mo. Hindi mo pagsasawaan, salamat nga pala sa lahat Bro kundi dahil sayo di ko magagawang alagaan parin sya kahit malayo ako " pagpapasalamat ko dito nang personal. " Koh Wala yun Bro gumanti lang din naman ako sa kabutihan mo noon, niligtas mo kaya ang buhay ko " sagot naman nito. Totoo naman na niligtas ko ang buhay nito noon kaya kami nagkakilala. Mula noon ay Brothers na ang turingan naming dalawa. " Suot niya pala ang sing-sing na binigay ko sa kanya " wika ko dito nang hinahaplos ang maliit at payat na kamay ni Evana na may suot na singsing. " Mula noong binigay mo yan, hindi na siguro niya yan tinanggal, tignan mo Bro inaantay ka niyang maging malaya ka, nakalaya na sya Bro, ikaw nalang ang hindi " pailing iling na sabi ni Jack. Totoo naman at sya nalang ang hindi malaya sa kanilang dalawa at habang suot nito ang singsing at kwentas ay hindi nito bibitawan ang salitang maghihintay siya. " Mahal ko talaga 'to Bro mababaliw ako kapag nawala sila sakin nang magiging anak namin" mangiyak ngiyak na sabi ko sa kaibigan habang hinahalikan ang kamay ni Evana. " Alam ko Bro kaya nga inaalagaan ko yan para sayo, nga pala sa susunod na buwan malalaman na ang gender niyan kung hindi ka makapunta, euupdate nalang kita na ready ko na ang gamit niyan sa panganganak tulad nang sabi mo dadagdagan ko nalang nang tig-iisang set di ko naman alam na kambal pala " muling tugon ni Jack maasahan talaga itong kaibigan niya. Alam na alam nito lahat nang gagawin. " Susubukan ko parin Bro hindi lang ulit ako mangangako at baka masaktan ang mahal ko" Sabay halik sa ulo ni Evana na mahimbing na natutulog. "Baka pwede mo siyang kumbinsihin na dito na manganganak Bro nahihirapan ako papunta sa kanila ang layo, tsaka tinatanong na ako ni Mommy kung saan ako nagpupupunta, nagtataka kasi sya sa sasakyan minsan naiwan ko ang mga damit na binili para sa kanya tinatalakan ako baka may nabuntis ako.. " reklamo ni Jack sakin. " Susubukan ko mamaya Bro, kakausapin ko nalang siya mamayang gabi " tugon ko dito para manahimik na rin kakareklamo napakamot pa ito sa ulo. "Teka, dito ka matutulog mamayang gabi? Paano yung asawa mo? Baka hahanapin ka na naman non " pagpapaalala ni Jack sakin. " Pumunta silang Cebu Bro may reunion sila isang linggo sila doon,Pero naka track down parin ang motor ko, nanuhol nalang ako nang tao para sa routine ko, sakali sundan niya ang monitor ay nagagawa ko parin ang routine ko araw2x kaya isang linggo akong mananatili dito, namiss ko 'to eh " sabay pugpog nang halik sa ulo at kamay ni Evana. Sumipa naman ang baby namin sa loob halatang masaya ito sa narinig. " Mga Baby liit ko, mag stay ang daddy nyu, namiss nyu ba si daddy??? Kausap ko sa mga ito habang hinahaplos ang tiyan ni Evana. Napasipa naman nang malakas ang sanggol sa tiyan kaya napaigik si Evana sa sakit. " Aah! " sigaw nito nang sumipa ang bata.Habang pumungas -pungas at nasapo ang tiyan. " Sorry love, okay ka lang! May masakit ba sayo? Kinausap ko lang kasi " tarantang tanong ko dito. " Wala naman ganito lang sila love, lalo na pag kinakausap mo sila, sumisipa nang malakas, karatista yata ang mga ito" sagot niya na humahagikhik pa. " Ang ganda mo parin baby... kahit buntis kana sa kambal natin " bungisngis na sabi ko rito. Umismid naman ito at inirapan ako. " Hmm bolero ka parin Ralph Suarez" at pagkasabi niyon ay sunod sunod na sumipa na naman ang mga bata sa tiyan ni Evana hudyat nang pagsang-ayon sa sinabi niya kaya sabay nalang kami napahalakhak. " May kakampi kana pala ngayon baby... dalawa pa, pinagkaisahan nyu ata ako ahh, lugi ang daddy Ralph nito " kausap ko sa aking mag -iina, habang hinahalik halikan ang tiyan ni Evana.Ngumiti lang ito at pinapanood ako. Hindi ito nagrereklamo kahit alam kong hirap na hirap na itong dalhin ang dalawa. Pero ni isang sumbat ay hindi ako nakarinig mula dito. Sobrang bait nito , na hindi mapapantayan nang kahit sino.Hindi ako nito sinisisi sa kanyang kalagayan. Ibang iba kay Leve kunting hirap na madadanas nito ay puro reklamo at talak ang aabutin niya. " Gutom kana ba " tanong ko dito nang humikab ito.Tumango naman ito at saktong pagtawag ni Jack samin para kumain. Inalalayan ko ito papuntang mesa at pinaghila nang upuan pa ika ika na ito kung lumakad at mabagal narin ang paglalakad dapat talaga inaalagaan ito. Kung pwede ko lang sanang iwanan ang pamilya ko at tumira kasama nito ay gagawin ko kaso ayaw nito sa plano ko. Hindi ito makasariling tao. Nagsandok ako nang kanin at nilagay sa plato niya saka ulam sa maliit na mangkok niya may sili pa itong nirequest kaya binigyan ko. Ginataang saring gulay ang niluto ni Jack ito kasi ang request ko para healthy ang mga bata palagi. Dapat mga gulay at prutas palagi.Malakas nga itong kumain sabi ni Jack palagi sya nitong inuubusan. Kung hindi sya magtitira ay tiyak wala syang uulamin o kakainin. Hindi naman nakakapagtaka dalawa ang pinapakain nito sa loob. "Dahan-dahan baby... baka mabulunan ka " malambing na saad ko dito. Ngumiti lang ito at nagpatuloy sa pagkain.Pinaghiwa ko naman ito nang papaya. At inilapit sa kanya saka kumuha nang tubig at nilagay sa tabi nito at saka ako nagsimulang kumain. Tahimik lang din si Jack na kumakain ayaw nitong madidisturbo ang aming pagkain.Maya-maya pa ay tumayo na ito at nagpaalam na uuwi na muna kumaway naman dito si Evana at nagwika. " Bakla.. Yung request ko nga pala ha baka makalimutan mo na naman " nakasimangot nitong paalala. Napakamot naman nang ulo si Jack sa narinig. Alam kong naiinis ito sa tuwing tinatawag syang Bakla. " Uoh na sige na.. Pa'no Bro alis na ako"pagpapaalam ulit ni Jack na sumenyas pa na may itetext sakin. Kaya kumaway na ako. " Love gusto mo pa? " sabay alok ko sa papaya. " Busog na ako love, ikaw na naman ang gusto ko " wika nito na kumindat pa.Hinalikan ko naman ito sa labi bilang tugon. At nagligpit nag paalam naman ito na magbanyo. Kaya agad ko itong dinaluhan at inalalayan papasok nang silid at hinatid sa banyo. " Wag mo isarado ang pinto love, ingat ka ha madulas, magliligpit at maghuhugas lang ako sandali " paalam ko dito may plastic chair namang nakalagay sa banyo, hindi na siguro nito kayang pumasok sa bathtub, kahit ako di din ako sang-ayon na sa bathtub ito naliligo. Tumango naman ito at kumuha na nang toothbrush. Kaya tumakbo na ako sa kusina at nagmamadali sa pagliligpit at paghuhugas kailangan may katulong siyang babae dito. Sasabihin ko nalang kay Jack mamaya. Pagkatapos kong maghugas at maglinis nang stove ay narinig ko namang tinatawag ako nito. " Andiyan na baby.. I'm coming " kaya patakbo ko naring tinungo ang banyo sa aming silid. Naabutan ko itong naliligo na at nakaupo sa upuan. " Ako na ang magpapaligo sayo baby.. " tumango naman ito bilang pagsang ayon. " Yung sabon kasi nahulog sa sahig " sabi nito sabay turo sa sabon. Dinampot ko naman at hinugasan. Saka sinara ang pinto nang banyo. Walang pagbabago ang kinis at mas lalong pumuti ito. Kaya napatayo nalang ang alaga ko sa bawat pag haplos nito sa kanyang balat. Binanlawan ko naman ito at sabi niya ay magscrub muna ito nang kanyang dibdib hindi ko kasi ito sinali kasi ayaw kong ma tempt nag -init naman ang buo kung katawan sa isiping iyon kaya tumango na ako at nag toothbrush sa may maliit na lababo. " Tapos kana ba baby..? " tanong ko sa kanya nang lingunin ko ito ulit. " E scrub mo nga ang hita ko please.... " pakiusap nito wala itong undies kaya nag-iinit na naman ang katawan ko. Lumuhod ako sa harap at saka nag scrub. Hindi ko na matiis kaya binitawan ko na ang scrub at binanlawan ang hita niya saka binukaka. Tumambad naman sakin ang pinkish parin nitong hiyas. Napakagat -labi naman ito sa aking ginawa halatang nagustuhan nito. Kaya lalo nitong niluwangan ang kanyang hita. " Oohhh f**k " napamura pa ako sabay panimula sa kanyang labi.Mapusok ko itong hinalikan. Papunta sa kanyang leeg at dibdib. Saka nilalaro nang aking dila ang kanyang malulusog na n****e. " Uuhhhmmmmmm " napaungol naman ito sa sarap. " I miss you baby... Can I have you now? Hindi ba nakakasama sa baby natin? " paniguradong tanong ko dito. Alam ko naman na okay lang gawin ito kapag nagdadantao pero kambal ang dinadala nito at hindi ko alam ang kalagayan nito. Kaya mabuti nang sigurado at baka kung mapano pa ang mag-iina ko. Hindi ko kayang ipagpalit ito sa mag-iina ko kung magtitiis ako ay okay lang sakin yun. Basta safe lang sila.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD